< Panaghoy 1 >

1 Ang lungsod na minsan ay puno ng mga tao ay nakaupo ngayong ganap na malungkot! Naging katulad siya ng isang balo, bagaman isa siyang makapangyarihang bansa! Naging prinsesa siya sa mga bansa, ngunit ngayon ay sapilitang inalipin!
The city that once was full of people is now sitting all alone. She has become like a widow, though she was a mighty nation. She was a princess among the nations, but is now forced into slavery.
2 Tumatangis at humahagulgol siya sa gabi, at tinatakpan ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga pisngi. Wala sa kaniyang mangingibig ang umaaliw sa kaniya. Pinagtaksilan siya ng lahat ng kaniyang mga kaibigan. Naging mga kaaway niya sila.
She weeps and wails in the night, and her tears cover her cheeks. None of her lovers comfort her. All her friends have betrayed her. They have become her enemies.
3 Pagkatapos ng kahirapan at dalamhati, nabihag ang Juda. Nanirahan siya kasama ang mga bansa at hindi nakatagpo ng kapahingahan. Naabutan siya ng lahat ng mga humahabol sa kaniya sa kaniyang kawalan ng pag-asa.
After poverty and affliction, Judah has gone into exile. She lives among the nations and finds no rest. All her pursuers overtook her in her desperation.
4 Tumangis ang mga daan ng Zion dahil walang dumating sa itinakdang mga pista. Pinabayaan ang lahat ng kaniyang mga tarangkahan. Naghihinagpis ang kaniyang mga pari. Nalulungkot ang kaniyang mga birhen at siya mismo ay ganap na nabalisa.
The roads of Zion mourn because none come to the appointed feasts. All her gates are desolate. Her priests groan. Her virgins are sorrowful and she herself is in complete distress.
5 Naging panginoon niya ang kaniyang mga kaaway; sumagana ang kaniyang mga kaaway. Pinahirapan siya ni Yahweh sa kaniyang maraming kasalanan. Binihag ng kaniyang mga kaaway ang kaniyang mga maliliit na anak.
Her adversaries have become her master; her enemies prosper. Yahweh has afflicted her for her many sins. Her little children go into captivity to her adversary.
6 At nawala ang kagandahan ng anak na babae ng Zion. Naging tulad ng usa ang kaniyang mga prinsipe na hindi makahanap ng pastulan at umalis sila na walang lakas sa harap ng mga humahabol sa kanila.
Beauty has left the daughter of Zion. Her princes have become like deer that cannot find pasture, and they go without strength before their pursuer.
7 Sa mga araw ng kaniyang pagdadalamhati at kawalan ng tahanan, aalalahanin ng Jerusalem ang lahat ng kaniyang mga mamahaling kayamanang mayroon siya sa nakaraang mga araw. Nang bumagsak ang kaniyang mga tao sa kamay ng kaniyang mga kaaway, wala ni isang tumulong sa kaniya. Nakita at pinagtawanan siya ng kaniyang mga kaaway sa kaniyang pagkawasak.
In the days of her affliction and her homelessness, Jerusalem will call to mind all her precious treasures that she had in former days. When her people fell into the hand of the adversary, no one helped her. The adversaries saw her and laughed at her destruction.
8 Matindi ang pagkakasala ng Jerusalem, kaya, hinamak siya na gaya ng isang bagay na marumi. Hinamak siya ngayon ng lahat ng pumuri sa kaniya simula nang makita nila ang kaniyang kahubaran. Dumaing siya at sinubukang tumalikod.
Jerusalem sinned greatly, therefore, she has become scorned as something that is filthy. All who honored her now despise her since they have seen her nakedness. She groans and tries to turn away.
9 Naging marumi siya sa ilalim ng kaniyang mga palda. Hindi niya inisip ang tungkol sa kaniyang kinabukasan. Kakila-kilabot ang kaniyang pagbagsak. Walang sinuman ang umaaliw sa kaniya. Sumigaw siya, “'Tingnan mo ang aking dalamhati, Yahweh, nagiging napakalakas ng mga kaaway!”
She has become unclean beneath her skirts. She did not think about her future. Her fall was terrible. There was no one to comfort her. She cried out, “Look at my affliction, Yahweh, for the enemy has become too great!”
10 Inilagay ng kaaway ang kaniyang kamay sa lahat ng kaniyang mamahaling mga kayamanan. Nakita niya ang mga bansa na pumasok sa kaniyang santuwaryo, kahit na ipinag-utos mo na hindi sila maaring pumasok sa lugar ng pagpupulong.
The adversary has put his hand on all our precious treasures. She has seen the nations enter her sanctuary, even though you had commanded that they must not enter into your assembly place.
11 Dumadaing ang lahat ng kaniyang mga tao habang naghahanap sila ng tinapay. Ibinigay nila ang kanilang mga mamahaling kayamanan para sa pagkain upang mapanatili ang kanilang buhay. Tingnan mo, Yahweh, at isaalang-alang mo ako, sapagkat ako ay naging walang kabuluhan.
All her people groan as they search for bread. They have given their precious treasures for food to restore their lives. Look, Yahweh, and consider me, for I have become worthless.
12 Wala bang halaga sa inyo, kayong lahat na dumaraan? Pagmasdan at tingnan kung mayroong kalungkutan kaninuman tulad ng kalungkutan na nagpahirap sa akin, yamang pinahirapan ako ni Yahweh sa araw ng kaniyang mabagsik na galit.
Is it nothing to you, all you who pass by? Look and see if there is anyone else's sorrow like the sorrow that is being inflicted on me, since Yahweh has tormented me on the day of his fierce anger.
13 Nagpadala siya ng apoy mula sa itaas sa aking mga buto, at tinalo sila ng mga ito. Naglatag siya ng lambat sa aking mga paa at pinabalik ako. Patuloy niya akong pinabayaan at ginawang mahina.
It is from on high that he has sent fire into my bones, and it has conquered them. He has spread a net for my feet and turned me back. He has made me constantly desolate and weak.
14 Iginapos nang sama-sama sa pamamagitan ng kaniyang kamay ang pamatok ng aking mga paglabag. Pinagsama-sama at inilagay sa aking leeg. Pinanglulupaypay niya ang aking kalakasan. Ibinigay ako ng Panginoon sa kanilang mga kamay, at wala akong kakayahang tumayo.
The yoke of my transgressions is bound together by his hand. They are knit together and placed upon my neck. He has made my strength fail. The Lord has given me over into their hands, and I am not able to stand.
15 Itinaboy ng Panginoon ang lahat ng aking mga makapangyarihang kalalakihang nagtatanggol sa akin. Tinawag niya ang kapulungan laban sa akin upang durugin ang aking malalakas na mga kalalakihan. Niyapakan ng Panginoon ang birheng anak na babae ng Juda tulad ng mga ubas sa isang pigaan ng alak.
The Lord has tossed aside all my mighty men who defended me. He has called an assembly against me to crush my vigorous men. The Lord has trampled the virgin daughter of Judah in the winepress.
16 Tumatangis ako dahil sa mga bagay na ito. Ang aking mga mata, dumadaloy ang tubig pababa mula sa aking mga mata dahil ang tagapag-aliw na dapat magpanumbalik ng aking buhay ay malayo sa akin. Napabayaan ang aking mga anak dahil nagtagumpay ang kaaway.
For these things I weep, my eyes overflow with tears; for a comforter is far from me, one who restores my life. My children are desolate because the enemy has conquered me.
17 Inunat ng Zion ang kaniyang mga kamay; wala ni isa ang umaaliw sa kaniya. Iniutos ni Yahweh na ang mga nasa paligid ni Jacob ang dapat na maging mga kaaway niya. Isang bagay na marumi sa kanila ang Jerusalem.
Zion has spread her hands wide; there is none to comfort her. Yahweh has commanded that those around Jacob should be his adversaries. Jerusalem is something unclean to them.
18 Matuwid si Yahweh, sapagkat naghimagsik ako laban sa kaniyang kautusan. Makinig kayo, lahat kayong mga tao, at tingnan ang aking kalungkutan. Napasok sa pagkabihag ang aking mga birhen at mga malalakas na kalalakihan.
Yahweh is righteous, for I have rebelled against his commandment. Hear, all you peoples, and see my sorrow. My virgins and my vigorous men have gone into captivity.
19 Tinawag ko ang aking mga mangingibig ngunit hindi sila tapat sa akin. Namatay ang aking mga pari at mga nakatatanda sa lungsod, habang naghahanap sila ng pagkain upang mailigtas ang kanilang mga buhay.
I called for my friends, but they were treacherous toward me. My priests and my elders perished in the city, while they sought food to restore their lives.
20 Tingnan mo, Yahweh, sapagkat ako ay nasa pagkabalisa; nababagabag ang aking kaloob-loobang mga bahagi. Nagulumihanan ang aking puso sapagkat labis akong naghimagsik. Pinatay sa mga lansangan ang aming mga anak sa pamamagitan ng espada; ang sa tahanan ay magiging tulad ng mundo ng mga patay.
Look, Yahweh, for I am in distress; my stomach churns, my heart is disturbed within me, for I have been very rebellious. Outside, the sword bereaves a mother, inside the house there is only death.
21 Pakinggan mo akong dumadaing. Wala ni isa ang umaaliw sa akin. Narinig ng lahat ng aking mga kaaway ang aking kahirapan. Nagalak sila na natapos mo ito. Paratingin ang araw na iyong ipinahayag; maging tulad nawa nila ako.
They have heard my groaning, but there is no one to comfort me. All my enemies have heard of my trouble and they are glad that you have done it. You have brought the day you promised; now let them become like me.
22 Hayaang dumating ang kanilang kasamaan sa iyong harapan. Pahirapan mo sila gaya ng pagpapahirap mo sa akin sa lahat ng aking mga paglabag; sapagkat marami ang aking mga [pag]daing, at mahina ang aking puso.
Let all their wickedness come before you. deal with them as you have dealt with me because of all my transgressions. My groans are many and my heart is faint.

< Panaghoy 1 >