< Panaghoy 5 >
1 Iyong alalahanin, Yahweh, kung ano ang nangyari sa amin. Masdan at tingnan ang aming kahihiyan.
Опомени се, Господе, шта нас задеси; погледај и види срамоту нашу.
2 Ibinigay sa mga dayuhan ang aming mana; ang aming mga tahanan sa mga dayuhan.
Наследство наше привали се туђинцима, домови наши иностранцима.
3 Naging mga ulila kami, sapagkat wala na kaming mga ama, at katulad ng mga balo ang aming mga ina.
Постасмо сироте, без оца, матере наше као удовице.
4 Nagkakahalaga ng pilak ang tubig na aming iinumin, at ipinagbibili sa amin ang aming sariling kahoy.
Своју воду пијемо за новце, своја дрва купујемо.
5 Hinahabol kami ng aming mga kaaway; sila ay napakalapit na humihinga na sa aming mga leeg. Pagod na kami; wala ng kapahingahan para sa amin.
На врату нам је јарам, и гоне нас; уморени немамо одмора.
6 Iniaabot namin ang aming mga kamay sa mga taga-Egipto at mga taga-Asiria upang mabusog sa pagkain.
Пружамо руку к Мисирцима и Асирцима, да се наситимо хлеба.
7 Nagkasala ang aming mga ama; wala na sila, at pinasan namin ang kanilang mga kasalanan.
Оци наши згрешише, и нема их, а ми носимо безакоња њихова.
8 Pinamunuan kami ng mga alipin, at wala ni isang makapagligtas sa amin sa kanilang mga kamay.
Робови нам господаре, нема никога да избави из руку њихових.
9 Inilagay namin sa panganib ang aming mga buhay upang kunin ang aming mga tinapay sa pagharap sa mga espada sa ilang.
Са страхом за живот свој од мача у пустињи доносимо себи хлеб.
10 Tulad ng isang hurno ang aming mga balat, nasunog mula sa init ng pagkagutom.
Кожа нам поцрне као пећ од љуте глади.
11 Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan sa Zion, ang mga birhen sa mga lungsod ng Juda.
Срамоте жене на Сиону и девојке по градовима Јудиним.
12 Ibinitin nila ang mga prinsipe sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay, at hindi nila iginagalang ang mga nakatatanda.
Кнезове вешају својим рукама, не поштују лице старачко.
13 Dinala nila ang mga masisiglang na kalalakihan sa gilingan, at ang mga susuray-suray na binata sa ilalim ng mga puno ng kahoy.
Младиће узимају под жрвње, и деца падају под дрвима.
14 Tinanggal nila ang mga nakatatanda sa tarangkahan sa lungsod at ang masisiglang kalalakihan mula sa kanilang tugtugin.
Стараца нема више на вратима, ни младића на певању.
15 Tumigil ang kagalakan ng aming mga puso; napalitan ng pagluluksa ang aming pagsasayaw.
Неста радости срцу нашем, игра наша претвори се у жалост.
16 Nahulog ang korona mula sa aming mga ulo! sa aba namin! Sapagkat nangagkasala kami.
Паде венац с главе наше; тешко нама, што згрешисмо!
17 Nagkasakit ang aming mga puso, at lumabo ang aming mga mata,
Стога је срце наше жалосно, стога очи наше потамнеше,
18 dahil gumagala ang mga asong gubat sa Bundok ng Zion na iniwanan.
Са горе Сиона, што опусте, и лисице иду по њој.
19 Ngunit ikaw si Yahweh, maghari ka magpakailanman, at ang iyong luklukan ay mula sa sali't salinlahi.
Ти, Господе, остајеш довека, престо Твој од колена до колена.
20 Bakit mo kami kakalimutan ng magpakailanman? Pababayaan mo ba kami ng napakatagal?
Зашто хоћеш да нас заборавиш довека, да нас оставиш задуго?
21 Panumbalikin mo kami sa iyo, Yahweh at magsisisi kami. Papanumbalikin mo ang aming mga araw gaya nang unang panahon,
Обрати нас, Господе, к себи, и обратићемо се; понови дане наше како беху пре.
22 maliban na lamang kung kami ay tunay na tinanggihan at labis ang iyong galit sa amin.
Јер еда ли ћеш нас сасвим одбацити и гневити се на нас веома?