< Panaghoy 5 >
1 Iyong alalahanin, Yahweh, kung ano ang nangyari sa amin. Masdan at tingnan ang aming kahihiyan.
Herre! kom i Hu, hvad der er sket os; sku ned og se vor Forhaanelse!
2 Ibinigay sa mga dayuhan ang aming mana; ang aming mga tahanan sa mga dayuhan.
Vor Arv er gaaet over til fremmede, vore Huse til Udlændinge.
3 Naging mga ulila kami, sapagkat wala na kaming mga ama, at katulad ng mga balo ang aming mga ina.
Vi ere blevne faderløse, uden Fader, vore Mødre ere som Enker.
4 Nagkakahalaga ng pilak ang tubig na aming iinumin, at ipinagbibili sa amin ang aming sariling kahoy.
Vandet, vi drikke, købe vi for Penge; vort Brænde kommer til os for Betaling.
5 Hinahabol kami ng aming mga kaaway; sila ay napakalapit na humihinga na sa aming mga leeg. Pagod na kami; wala ng kapahingahan para sa amin.
Man er os paa Halsen, vi forfølges; vi blive trætte og faa ikke Hvile.
6 Iniaabot namin ang aming mga kamay sa mga taga-Egipto at mga taga-Asiria upang mabusog sa pagkain.
Vi have rakt Haanden imod Ægypten, imod Assyrien for at mættes af Brød.
7 Nagkasala ang aming mga ama; wala na sila, at pinasan namin ang kanilang mga kasalanan.
Vore Fædre have syndet, de ere ikke mere, og vi bære deres Misgerninger.
8 Pinamunuan kami ng mga alipin, at wala ni isang makapagligtas sa amin sa kanilang mga kamay.
Trælle herske over os; der er ingen, som frier af deres Haand.
9 Inilagay namin sa panganib ang aming mga buhay upang kunin ang aming mga tinapay sa pagharap sa mga espada sa ilang.
Vi hente vort Brød med Fare for vort Liv, formedelst Sværdet i Ørken.
10 Tulad ng isang hurno ang aming mga balat, nasunog mula sa init ng pagkagutom.
Vor Hud er forbrændt som en Ovn, af Hungerens Glød.
11 Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan sa Zion, ang mga birhen sa mga lungsod ng Juda.
De krænke Kvinderne i Zion, Jomfruerne i Judas Stæder.
12 Ibinitin nila ang mga prinsipe sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay, at hindi nila iginagalang ang mga nakatatanda.
Fyrster ere hængte af deres Haand, Oldingers Person bliver ikke æret.
13 Dinala nila ang mga masisiglang na kalalakihan sa gilingan, at ang mga susuray-suray na binata sa ilalim ng mga puno ng kahoy.
Unge Karle maatte tage fat paa Kværnen, og Drenge segnede under Byrden af Ved.
14 Tinanggal nila ang mga nakatatanda sa tarangkahan sa lungsod at ang masisiglang kalalakihan mula sa kanilang tugtugin.
De Ældste have hørt op med at sidde i Porten, de unge Karle med deres Strengeleg.
15 Tumigil ang kagalakan ng aming mga puso; napalitan ng pagluluksa ang aming pagsasayaw.
Vort Hjertes Glæde er hørt op, vor Dans er vendt om til Sorrig.
16 Nahulog ang korona mula sa aming mga ulo! sa aba namin! Sapagkat nangagkasala kami.
Vort Hoveds Krone er affalden; o ve os! thi vi have syndet.
17 Nagkasakit ang aming mga puso, at lumabo ang aming mga mata,
Derfor er vort Hjerte sygt, derfor ere vore Øjne formørkede:
18 dahil gumagala ang mga asong gubat sa Bundok ng Zion na iniwanan.
For Zions Bjergs Skyld, som er øde, Ræve løbe derpaa.
19 Ngunit ikaw si Yahweh, maghari ka magpakailanman, at ang iyong luklukan ay mula sa sali't salinlahi.
Du, Herre! du bliver evindelig, din Trone fra Slægt til Slægt.
20 Bakit mo kami kakalimutan ng magpakailanman? Pababayaan mo ba kami ng napakatagal?
Hvorfor vil du glemme os evindelig? forlade os saa lang en Tid?
21 Panumbalikin mo kami sa iyo, Yahweh at magsisisi kami. Papanumbalikin mo ang aming mga araw gaya nang unang panahon,
Herre! før os tilbage til dig, saa ville vi vende tilbage, forny vore Dage som i fordums Tid!
22 maliban na lamang kung kami ay tunay na tinanggihan at labis ang iyong galit sa amin.
Thi mon du aldeles har forkastet os? mon du er saa saare vred paa os?