< Panaghoy 3 >
1 Ako ay isang taong nakakita ng paghihirap sa ilalim ng pamalo ng matinding galit ni Yahweh.
Yo soy un hombre que vio aflicción en la vara de su enojo.
2 Itinaboy niya ako at pinalakad sa kadiliman sa halip na liwanag.
Guióme, y me llevó en tinieblas, mas no en luz.
3 Tunay siyang bumaling laban sa akin, buong araw niyang ibinabaling ang kamay niya laban sa akin.
Ciertamente contra mí volvió, y revolvió su mano todo el día.
4 Ang aking laman at balat ay ginutay niya, ang aking mga buto ay binali niya.
Hizo envejecer mi carne y mi piel: quebrantó mis huesos.
5 Gumawa siya ng mga gawaing paglusob na sa akin ay laban, at pinaligiran ako ng kapaitan at kahirapan.
Edificó contra mí, y cercó me de tóxico, y de trabajo.
6 Sa mga madilim na lugar niya ako pinatira, tulad nilang mga patay na noon pa.
Asentóme en oscuridades como los muertos para siempre.
7 Gumawa siya ng pader sa paligid ko at hindi ako makatakas. Pinabigat niya ang aking mga posas.
Cercóme de seto, y no saldré: agravó mis grillos.
8 Kahit na tumawag at sumigaw ako ng tulong, aking mga panalangin ay kaniyang kinukulong.
Aun cuando clamé, y di voces, cerró mi oración.
9 Hinarangan niya ang aking landas ng mga pader na gawa sa sinibak na bato, hindi tuwid ang bawat daanang aking tinatahak.
Cercó de seto mis caminos a piedra tajada: torció mis senderos.
10 Tulad siya ng osong naghihintay upang tambangan ako, isang leon na nasa pagtatago.
Oso que asecha fue para mí, león en escondrijos.
11 Inilihis niya ang mga landas ko. Ginugutay at pinapabayaan niya ako.
Torció mis caminos, y despedazóme: tornóme asolado.
12 Iniunat niya ang kaniyang pana at minarkahan ako bilang tudlaan ng palaso.
Su arco entesó, y púsome como blanco a la saeta.
13 Ipinadala niya ang mga palaso mula sa kaniyang sisidlan upang pumasok sa aking mga bato.
Hizo entrar en mis riñones la saetas de su aljaba.
14 Ako ay naging katatawanan sa lahat ng aking mga kababayan, ang paksa sa mapanuyang awit nila sa araw-araw.
Fui escarnio a todo mi pueblo, canción de ellos todos los días.
15 Pinuno niya ako ng kapaitan at pinilit painumin ng ajenjo.
Hartóme de amarguras, embriagóme de ajenjos.
16 Dinurog niya ang aking mga ngipin ng bato, sa alikabok ay isinubsob niya ako.
Quebróme los dientes con cascajo, cubrióme de ceniza.
17 Sa aking buhay ay tinanggal mo ang kapayapaan, hindi ko na maalala pa ang alinmang kaligayahan.
Y mi alma se alejó de la paz, olvidéme del bien.
18 Kaya sinabi ko, “Ang aking tatag ay nawala na at ang aking pag-asa kay Yahweh ay naubos na.”
Y dije: Pereció mi fortaleza, y mi esperanza de Jehová.
19 Inaalala ko ang aking kahirapan at ang aking pagkaligaw sa ajenjo at kapaitan.
Acuérdate de mi aflicción, y de mi abatimiento, del ajenjo, y de la hiel.
20 Tiyak na ito ay aking inaalala, at sa loob ko ay yumuyukod ako sa kawalan ng pag-asa.
Acordándose se acordará, porque mi alma es humillada en mí.
21 Ngunit ito ang aking inaalala, at ito ang dahilang ako ay may pag-asa:
Esto reduciré a mi corazón; por tanto esperaré.
22 Ito ay sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan ni Yahweh kaya hindi tayo nalipol, sapagkat ang kaniyang mga kilos ng kahabagan ay hindi nagwakas.
Misericordias de Jehová son, que no somos consumidos; porque sus misericordias nunca desfallecieron.
23 Ang mga kilos ng kahabagan niya ay muling nagaganap sa bawat umaga, katapatan mo ay dakila!
Nuevas cada mañana: grande es tu fe.
24 “Si Yahweh ay aking mana,” sinabi ko sa aking sarili, kaya aasa ako sa kaniya.
Mi parte es Jehová, dijo mi alma: por tanto a él esperaré.
25 Si Yahweh ay mabuti sa sinumang naghihintay sa kaniya, sa buhay na naghahanap sa kaniya.
Bueno es Jehová a los que en él esperan, al alma que le buscare.
26 Mabuti ang maghintay sa pagliligtas ni Yahweh nang tahimik.
Bueno es esperar callando en la salud de Jehová.
27 Mabuti sa isang tao na ang pamatok sa kaniyang kabataan ay kaniyang natitiis.
Bueno es al varón, si llevare el yugo desde su mocedad.
28 Hayaan siyang manahimik at umupong mag-isa, dahil inilagay ito ni Yahweh sa kaniya.
Asentarse ha solo, y callará; porque llevó sobre sí.
29 Hayaang ilagay niya sa alikabok ang bibig niya, at marahil mayroong pag-asa.
Pondrá su boca en el polvo, si quizá habrá esperanza.
30 Hayaang ang kaniyang pisngi ay ibigay niya sa sinumang humahampas sa kaniya. Hayaang mapuno siya ng kahihiyan,
Dará la mejilla al que le hiriere: hartarse ha de afrenta.
31 sapagkat hindi siya tatanggihan ng Panginoon magpakailanman!
Porque el Señor no desechará para siempre.
32 Sapagkat kahit na nagdadala siya ng kalungkutan, nagpapakita rin siya ng kahabagan na lumalabas mula sa kaniyang kadakilaan ng kaniyang katapatan sa kasunduan.
Antes si afligiere, también se compadecerá según la multitud de sus misericordias.
33 Sapagkat hindi siya nagmamalupit mula sa kaniyang puso, o nagpapahirap sa mga anak ng mga tao.
Porque no aflige, ni congoja de su corazón a los hijos de los hombres.
34 Sa pagdurog sa lahat ng mga bihag sa lupa sa ilalim ng kaniyang paa,
Para desmenuzar debajo de sus pies todos los encarcelados de la tierra;
35 sa paglihis sa katarungan ng mga tao sa harapan ng mukha ng Kataas-taasan,
Para hacer apartar el derecho del hombre delante de la presencia del Altísimo;
36 sa paghadlang sa isang tao sa kaniyang katwiran—hindi ba nakikita ng Panginoon?
Para trastornar al hombre en su causa, el Señor no lo sabe.
37 Sino ang nagsasalita at nangyayari kapag hindi ito iniutos ng Panginoon?
¿Quién será pues aquel que diga, que vino algo que el Señor no mandó?
38 Hindi ba parehong kapahamakan at katagumpayan ay nagmumula sa bibig ng Kataas-taasan?
¿De la boca del Altísimo no saldrá malo ni bueno?
39 Paano makakadaing ang sinumang taong nabubuhay? Paaano makakadaing ang sinumang tao tungkol sa kaparusahan ng kaniyang mga kasalanan?
¿Por qué pues tiene dolor el hombre viviente, el hombre en su pecado?
40 Siyasatin at suriin natin ang ating mga pamamaraan, at muling manumbalik kay Yahweh.
Escudriñemos nuestros caminos, y busquemos, y volvámonos a Jehová.
41 Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa kalangitan at manalangin:
Levantemos nuestros corazones con las manos a Dios en los cielos.
42 “Laban sa iyo kami ay nagkasala at naghimagsik, kaya kami ay hindi mo pinatawad.
Nosotros habemos rebelado, y fuimos desleales: por tanto tú no perdonaste.
43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol kami. Pinagpapatay mo kami, at hindi mo kami kinahabagan.
Tendiste la ira, y perseguístenos; mataste, no perdonaste.
44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng ulap, upang walang panalangin ang makakalampas.
Cubrístete de nube, porque no pasase la oración.
45 Ginawa mo kaming mga taong itinakwil at dumi sa iba't ibang mga lahi.
Raedura y abominación nos tornaste en medio de los pueblos.
46 Ibinuka ng lahat ng aming mga kaaway ang kanilang bibig nang may pangungutya laban sa amin.
Todos nuestros enemigos abrieron sobre nosotros su boca.
47 Dumating sa amin ang takot sa hukay, pagkasira at pagkaluray.”
Temor, y lazo fue a nosotros, asolamiento, y quebrantamiento.
48 Umaagos ng daloy ng tubig ang mata ko dahil sa pagkaluray ng anak na babae ng mga kababayan ko.
Ríos de aguas echan mis ojos por el quebrantamiento de la hija de mi pueblo.
49 Umaagos ang mga mata ko, at hindi tumitigil ang mga ito, sapagkat wala itong katapusan
Mis ojos destilan, y no cesan; porque no hay relajación,
50 hanggang sa tumunghay at tumingin si Yahweh mula sa kalangitan.
Hasta que Jehová mire, y vea desde los cielos.
51 Nagbibigay ng matinding sakit sa aking buhay ang mata ko dahil sa lahat ng mga anak na babae sa lungsod ko.
Mis ojos contristaron a mi alma por todas las hijas de mi ciudad.
52 Walang tigil akong tinutugis tulad ng isang ibon ng aking mga kaaway nang walang dahilan.
Cazando me cazarón mis enemigos como a ave, sin porqué.
53 Sinira nila sa balon ang buhay ko at sa ibabaw ko ay naglagay ng isang bato.
Ataron mi vida en mazmorra, y pusieron piedra sobre mí.
54 Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!”
Aguas vinieron de avenida sobre mi cabeza: yo dije: Muerto soy.
55 Tinawag ko ang iyong pangalan, Yahweh, mula sa pinakamababang hukay.
Invoqué tu nombre, o! Jehová, desde la cárcel profunda.
56 Narinig mo ang aking tinig nang sinabi ko, “Huwag mong itago ang iyong tainga sa aking pagtawag ng tulong, sa aking pagsigaw ng saklolo!
Oíste mi voz: no escondas tu oído a mi clamor, para que yo respire.
57 Lumapit ka sa araw na tinawag kita, sinabi mo sa akin, “Huwag kang mangamba!”
Acercástete el día que te invoqué: dijiste: No temas.
58 Panginoon, ipinagtanggol mo ako nang ako ay nasa paglilitis para sa buhay ko, iniligtas mo ang buhay ko!
Pleiteaste, Señor, la causa de mi alma, redimiste mi vida.
59 Yahweh, nakita mo ang kanilang pang-aapi sa akin. Hatulan mo nang makatarungan ang aking usapin.
Tú has visto, o! Jehová, mi sin razón: pleitea mi causa.
60 Nakita mo ang lahat kanilang mga kilos ng paghihiganti, lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
Tú has visto, toda su venganza, todos sus pensamientos contra mí.
61 Narinig mo ang panghahamak nila, Yahweh, at lahat ng kanilang mga balak tungkol sa akin.
Tu has oído la afrenta de ellos, o! Jehová, todos sus pensamientos contra mí:
62 Narinig mo ang mga labi ng mga tumindig laban sa akin, narinig mo ang kanilang malalim na kaisipang laban sa akin sa buong araw.
Los dichos de los que se levantaron contra mí, y su pensamiento contra mí siempre.
63 Maging sa kanilang pag-upo o sa kanilang pagtayo, tingnan mo Yahweh! Ako ang paksa sa kanilang awit ng pangungutya.
Su sentarse, y su levantarse mira: yo soy su canción.
64 Gumanti ka sa kanila, Yahweh, gaya ng pinsalang ginawa ng kanilang mga kamay.
Págales paga, o! Jehová, según la obra de sus manos.
65 Lagyan mo ng takot ang kanilang mga puso, lagyan mo sila ng sumpa.
Dáles ansia de corazón, dáles tu maldición.
66 Habulin mo sila sa iyong galit at lipulin mo sila saanman sa ilalim ng kalangitan, Yahweh!
Persíguelos en furor, y quebrántalos de debajo de los cielos, o! Jehová.