< Panaghoy 2 >

1 Ganap na tinakpan ng Panginoon ang anak na babae ng Zion sa pamamagitan ng isang maitim na ulap sa kaniyang galit. Inilugmok niya ang kagandahan ng Israel mula sa langit hanggang sa lupa; ipinagsawalang-bahala niya ang kaniyang tungtungan sa araw ng kaniyang galit.
怎麼! 上主竟然發怒,使熙雍女郎暗淡無光! 將以色列的榮華由高天拋在地上! 在他震怒之日,不再想念自己的腳凳!
2 Nilamon at nawalan ng habag ang Panginoon sa buong bayan ni Jacob. Sa kaniyang poot pinabagsak niya ang mga matitibay na lungsod ng anak na babae ng Juda; ihinampas niya sa lupa sa kawalan ng dangal at kahihiyan ang kaharian at ang kaniyang mga prinsipe.
上主毫不留情地破壞了雅各伯所有的牧場;他滿含怒氣,夷平了猶大女郎的一切保壘,將她的君王及首長推倒在地,加以侮辱。
3 Pinutol niya ang lahat ng kalakasan ng Israel sa pamamagitan ng kaniyang matinding galit. Iniurong niya ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway. Sinunog niya ang Jacob tulad ng isang nagliliyab na apoy na tumutupok sa lahat ng nasa paligid nito.
他怒火炎炎,粉碎了以色列的一切勢力;在仇人前,抽回他的右手;他像吞滅四周的烈火,焚燒了雅各伯;
4 Ihinampas niya ang kaniyang pana sa atin tulad ng isang kaaway. Tumayo siya sa labanan bilang isang kaaway na nakahanda ang kamay upang pumana. Pinatay niya ang lahat ng mga taong pinakamahalaga sa kaniyang paningin. Ibinuhos niya ang kaniyang poot gaya ng apoy a tolda ng anak na babae ng Zion.
他像敵人一樣,安穩地舉起自己的右手;拉開他的弓。像敵人似的屠殺了一切英俊的少年;在熙雍女郎的帳幕內,發洩了他似火的烈怒。
5 Naging tulad ng isang kaaway ang Panginoon. Nilamon niya ang Israel. Nilamon niya ang lahat ng kaniyang mga palasyo; winasak niya ang kaniyang mga matibay na tanggulan. Dinagdagan niya ang pagluluksa at pananaghoy sa anak na babae ng Juda.
上主好像一個仇人,毀滅了以色列,毀滅了她所有的宮室,蕩平了她的一切保壘,增加猶大女郎的哀號哭泣。
6 Sinalakay niya ang tabernakulo tulad ng isang kubo sa hardin. Winasak niya ang mataimtim na lugar ng kapulungan. Ipinalimot ni Yahweh ang mataimtim na pagtitipon at Araw ng Pamamahinga sa Zion, sapagkat hinamak niya ang hari at pari sa pagngingitngit ng kaniyang galit.
上主像破壞園圃一樣,破壞了他自己的帷幔,毀滅了自己的會幕,使人在熙雍忘卻慶節和安息日;他在烈怒下,廢棄了君王和司祭。
7 Tinanggihan ng Panginoon ang kaniyang altar; kinamuhian niya ang kaniyang santuwaryo. Ibinigay niya sa kamay ng mga kaaway ang ang mga pader ng kaniyang mga palasyo. Gumawa sila ng isang ingay ng tagumpay sa tahanan ni Yahweh, gaya sa araw ng mataimtim na pagtitipon.
上主厭棄了自己的祭壇,嫌惡了自己的聖所;將宮殿的牆垣交在敵人手中,讓他們在上主的殿宇內,叫囂喧嚷,好像節日一樣。
8 Walang pag-aalinlangang nagpasiya si Yahweh na wasakin ang lungsod na pader ng anak na babae ng Zion. inunat niya ang lubid na panukat at hindi pinigilan ang kaniyang kamay sa pagwasak sa pader. At kaniyang pinapanaghoy ang mga kuta at naging mahina ang mga pader.
上主已經決意毀壞熙雍女郎的牆垣,既展開了繩索,決不抽回自己的手,直到將它完全推翻,使城郭和保壘哀哭,一同傾覆。
9 Lumubog ang kaniyang mga tarangkahan sa lupa; winasak at sinira niya ang mga rehas ng kaniyang mga tarangkahan. Mula sa mga Gentil ang kaniyang hari at mga prinsipe, kung saan walang kautusan ni Moises. Maging ang kaniyang mga propeta ay walang masumpungang pangitain mula kay Yahweh.
城門已陷於地中,上主已折斷她的門閂,她的君王首長,流落異鄉,再沒有法律;她的眾先知也不再獲得上主的神視。
10 Nakaupo sa lupa at tahimik na nagdadalamhati ang mga nakatatanda ng anak na babae ng Zion. Nagsabog sila ng alabok sa kanilang mga ulo; nakasuot sila ng telang magaspang. Ibinaba ng mga birhen ng Jerusalem ang kanilang mga ulo sa lupa.
熙雍女郎的眾長老,坐在地上默然不語,頭上撒上灰土,腰間束著麻衣;耶路撒冷的處女都俯首至地。
11 Natapos na ang aking mga luha; mapula ang aking mga mata; naligalig ang aking kalooban. Naibuhos sa lupa ang aking atay dahil sa pagkadurog ng anak na babae ng aking mga tao sapagkat mahinag mahina ang mga bata at mga pasusuhing mga sanggol sa lansangan ng nayon.
我的眼痛哭,至於失明,五內沸騰,肝腦塗地。眼見我的女兒──人民遭受摧殘,眼看著幼童乳兒昏厥在城中的街道上。
12 Sinasabi nila sa kanilang mga ina, “'Nasaan ang butil at alak?”' nahihimatay tulad ng mga sugatang kalalakihan sa mga lansangan ng lungsod, ibinubuhos ang kanilang mga buhay sa mga kandungan ng kanilang mga ina.
他們對母親說:「那裏有餅有酒﹖」他們在城中的街道上,正奄奄一息,有如受傷的人,在母親的懷中,氣絕夭折!
13 Ano ang masasabi ko tungkol sa iyo, anak na babae ng Jerusalem? Birheng anak ng Zion, ano ang maihahambing ko sa iyo upang aliwin ka? Kasing lawak ng dagat ang iyong pagguho. Sino ang magpapagaling sa iyo?
耶路撒冷女郎! 我可用什麼來譬喻你,拿什麼來比擬你呢﹖處女,熙雍女郎! 我可用什麼來幫助你,拿什麼來安慰你呢﹖因為你的創傷,浩大如海,又有誰能夠治愈你﹖
14 Nakakita ng mga pandaraya at kamangmangang pangitain ang inyong mga propeta sa inyo. Hindi nila inihayag ang inyong matinding kasalanan upang panumbalikin ang inyong mga kapalaran, ngunit nakahiwatig ng mapanlinlang na mga pagpapahayag at mga tukso sa inyo.
你的眾先知有關你的神視,盡是虛幻欺詐;他們從未揭露你的罪惡,以挽回你的命運;他們關於你所提供的神諭,盡是虛幻和騙局。
15 Ipinapalakpak ng lahat ng mga dumadaan ang kanilang kamay sa inyo. Sumusutsot sila at iniiling ang kanilang mga ulo laban sa anak na babae ng Jerusalem at sinasabi, “'Ito ba ang lungsod na tinatawag nilang 'Ang Kasakdalan ng Kagandahan,' 'Ang Kagalakan ng buong Lupa?”'
所有過路的人,都向你鼓掌,向耶路撒冷女郎噓唏,且搖頭說:「難道這就是人人所說美麗無比,全世界的喜悅﹖」
16 Lahat ng inyong mga kaaway ay bubuksan ang kanilang mga bibig at kukutyain kayo. Sisipol sila at nagngangalit ang kanilang mga ngipin; sinasabi nila, “Nilamon namin siya! Tunay na ito ang araw na ating hinihintay! Nakita natin ito!”
你的仇人都向你張開口,噓唏而切齒說:「我們終於吞滅了她! 這就是我們所期待的一日,我們終於得到手,終於看見了! 」
17 Ginawa ni Yahweh ang kaniyang napagpasyahan. Tinupad niya ang kaniyang salita na kaniyang ipinahayag matagal na ang nakalipas. Siya ay ibinagsak niya; hindi siya nagpakita ng habag, sapagkat pinahintulutan niya upang magalak sa inyo ang kaaway; itinaas niya ang lakas ng inyong mga kaaway.
上主實踐了自己的計劃,完成了他昔日所宣告的斷語;實行破壞,毫無憐憫,使仇人幸災樂禍,使敵人高舉他的角。
18 Sumisigaw ang kanilang mga puso sa Panginoon, “Mga Pader ng anak na babae ng Zion, hayaang dumaloy ang mga luha tulad ng isang ilog sa araw at gabi. Huwag mong pagpahingahin ang iyong sarili. Huwag mong pigilin ang pag-agos sa iyong mga mata.
處女,熙雍女郎! 你應該從心裏呼號上主;白天黑夜,讓眼淚像江河般地湧流,不要歇息也不要讓你的眼睛休息。
19 Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”
夜間每到交更時分,你該起來哀禱,像傾水似的,向上主傾訴你心;應為了你嬰兒的性命,向上主舉起你的雙手,因為他們因饑餓而昏迷街頭!
20 Tingnan mo, Yahweh, at tingnan mo ng mabuti ang mga pinakitunguhan mo ng napakatindi. Kinakailangan bang kainin ng mga kababaihan ang kanilang sariling bunga, ang mga anak na kanilang inalagaan? Kinakailangan bang patayin ang pari at propeta sa santuwaryo ng Panginoon?
上主,請你迴目憐視! 你這樣做,究竟是對付誰呢﹖難道婦女應該吃掉自己的兒子﹖吃掉自己孕育的嬰兒﹖難道在上主的聖所裏,應該殺死司祭和先知﹖
21 Humiga sa lupa sa mga lansangan ang mga bata at mga matatanda. Namatay sa pamamagitan ng espada ang aking mga birhen at malalakas na mga kalalakihan. Pinatay mo sila sa araw ng iyong matinding galit; walang awa mo silang pinatay at hindi nagpakita ng kahabagan.
街上遍地躺臥的,盡是孩童和老人;喪身刀下的,盡是我的處女和少年;在你震怒之日,你斬殺誅戮,毫不留情。
22 Ipinatawag mo ang aking kinatatakutan sa lahat ng dako gaya sa araw ng mataimtim na pagtitipon; walang nakatakas, at walang nakaligtas sa araw ng matinding galit ni Yahweh. Nilipol ng aking mga kaaway ang aking mga inalagaan at pinalaki.
你由四方給我召來施行恐怖的人,好像過節一樣;在上主發怒之日,無人能夠逃脫,或者幸免;我孕育撫養的,我的仇人都殺盡滅絕。

< Panaghoy 2 >