< Mga Hukom 1 >
1 Pagkatapos mamatay ni Josue, ang mga Israelita ay nagtanong kay Yahweh, sa pagsasabing, “Sino ang mamumuno sa amin kapag kami ay sumalakay at nakipaglaban sa mga Cananeo?”
约书亚死后,以色列人求问耶和华说:“我们中间谁当首先上去攻击迦南人,与他们争战?”
2 Sinabi ni Yahweh, “ang tribo ng Juda ang mamumuno sainyo. Tingnan ninyo, binigyan ko sa sila ng kontrol sa lupaing ito.”
耶和华说:“犹大当先上去,我已将那地交在他手中。”
3 Sinabi ng pangkat ng mga tao ng Juda sa pangkat ng mga tao ng Simeon, kanilang mga kapatid, “Sumama kayo sa amin sa teritoryong itinalaga sa amin, para sama-sama tayong lumaban sa mga Cananeo. At kami din ay sasama sa inyo, sa teritoryong itinalaga sa inyo.” Kaya ang lipi ni Simeon ay sumama sa kanila.
犹大对他哥哥西缅说:“请你同我到拈阄所得之地去,好与迦南人争战;以后我也同你到你拈阄所得之地去。”于是西缅与他同去。
4 Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek.
犹大就上去;耶和华将迦南人和比利洗人交在他们手中。他们在比色击杀了一万人,
5 Natagpuan nila si Adoni Bezek sa Bezek, at nakipaglaban sila sa kaniya at tinalo ang mga Cananeo at mga Pherezeo.
又在那里遇见亚多尼·比色,与他争战,杀败迦南人和比利洗人。
6 Pero tumakas si Adoni Bezek, siya ay hinabol nila at nahuli, at pinutol nila ang kaniyang mga hinlalaki sa kamay at mga malalaking daliri sa paa
亚多尼·比色逃跑;他们追赶,拿住他,砍断他手脚的大拇指。
7 Sinabi ni Adoni Bezek, “Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin.” Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay.
亚多尼·比色说:“从前有七十个王,手脚的大拇指都被我砍断,在我桌子底下拾取零碎食物。现在 神按着我所行的报应我了。”于是他们将亚多尼·比色带到耶路撒冷,他就死在那里。
8 Ang mga tao ng Juda ay nakipaglaban sa lungsod ng Jerusalem at kinuha ito. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada at ang lungsod ay sinunog nila.
犹大人攻打耶路撒冷,将城攻取,用刀杀了城内的人,并且放火烧城。
9 Pagkatapos noon, bumaba ang mga lalaki ng Juda para makipaglaban sa mga Cananeo na naninirahan sa burol na bansa, sa Negev, at sa mga mababang burol ng katimugan.
后来犹大人下去,与住山地、南地,和高原的迦南人争战。
10 Sumalakay ang Juda laban sa mga Cananeo na naninirahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron noong una ay Kiriat Arba), at tinalo nila si Sesai, Ahiman, at Talmai.
犹大人去攻击住希伯 的迦南人,杀了示筛、亚希幔、挞买。希伯 从前名叫基列·亚巴。
11 Mula roon sumalakay ang mga lalaki ng Juda laban sa mga naninirahan ng Debir (Kiriat Sefer ang dating pangalan ng Debir)
他们从那里去攻击底壁的居民;底壁从前名叫基列·西弗。
12 Sinabi ni Caleb, “Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa.”
迦勒说:“谁能攻打基列·西弗,将城夺取,我就把我女儿押撒给他为妻。”
13 Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya.
迦勒兄弟基纳斯的儿子俄陀聂夺取了那城,迦勒就把女儿押撒给他为妻。
14 Di nagtagal ay lumapit si Acsa kay Otniel, at hinimok niya si Otniel na hilingin sa kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Habang pababa siya sa kaniyang asno, tinanong siya ni Caleb, “Ano ang maaari kong gawin para sa iyo?”
押撒过门的时候,劝丈夫向她父亲求一块田。押撒一下驴,迦勒问她说:“你要什么?”
15 Sinabi niya sa kaniya, “Bigyan mo ako ng biyaya. Buhat ng paglagay mo sa akin sa lupain ng Negeb, bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig.” Kaya binigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas at mga bukal sa ibaba.
她说:“求你赐福给我,你既将我安置在南地,求你也给我水泉。”迦勒就把上泉下泉赐给她。
16 Umakyat sa Lungsod ng mga Palmera ang mga kaapu-apuhan ng Cineong biyenan ni Moises kasama ang bayan ng Juda, sa ilang saJuda, na nasa Negeb, para manirahan kasama ng mga tao ng Juda na malapit sa Arad.
摩西的内兄是基尼人,他的子孙与犹大人一同离了棕树城,往亚拉得以南的犹大旷野去,就住在民中。
17 At sumama ang mga lalaki ng Juda sa mga kalalakihan sa Simeon na kanilang mga kapatid at sinalakay ang mga Cananeo na sumakop sa Sefat at winasak ito ng husto. Ang pangalan ng lungsod ay tinawag na Horma.
犹大和他哥哥西缅同去,击杀了住洗法的迦南人,将城尽行毁灭,那城的名便叫何珥玛。
18 Sinakop din ng mga tao ng Juda ang Gaza at ang lupaing nasa paligid nito, Ashkelon at ang lupaing nasa paligid nito, at Ekron at ang lupaing nasa paligid nito.
犹大又取了迦萨和迦萨的四境,亚实基伦和亚实基伦的四境,以革伦和以革伦的四境。
19 Si Yahweh ay kasama ng mga tao ng Juda at inangkin nila ang bulubundukin, pero hindi nila napalayas ang mga naninirahan sa mga kapatagan dahil mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma.
耶和华与犹大同在,犹大就赶出山地的居民,只是不能赶出平原的居民,因为他们有铁车。
20 Ibinigay kay Caleb ang Hebron (gaya ng sinabi ni Moises), at pinalayas niya roon ang tatlong anak na lalaki ni Anak.
以色列人照摩西所说的,将希伯 给了迦勒;迦勒就从那里赶出亚衲族的三个族长。
21 Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito.
便雅悯人没有赶出住耶路撒冷的耶布斯人。耶布斯人仍在耶路撒冷与便雅悯人同住,直到今日。
22 Naghahanda ang sambahayan ni Jose para salakayin ang Betel, at kasama nila si Yahweh.
约瑟家也上去攻打伯特利;耶和华与他们同在。
23 Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz).
约瑟家打发人去窥探伯特利(那城起先名叫路斯)。
24 Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
窥探的人看见一个人从城里出来,就对他说:“求你将进城的路指示我们,我们必恩待你。”
25 Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo.
那人将进城的路指示他们,他们就用刀击杀了城中的居民,但将那人和他全家放去。
26 At ang lalaki ay pumunta sa lupain ng mga anak ni Het at nagtayo ng isang lungsod at tinawag itong Luz, na pangalan nito sa araw na ito.
那人往赫人之地去,筑了一座城,起名叫路斯。那城到如今还叫这名。
27 Hindi pinalayas ng mga tao ng Manases ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Bet San at ang mga nayon nito, o Taanac at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Dor at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Ibleam at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Megido at ang mga nayon nito, dahil determinado ang mga Cananeo na manirahan sa lupaing iyan.
玛拿西没有赶出伯·善和属伯·善乡村的居民,他纳和属他纳乡村的居民,多珥和属多珥乡村的居民,以伯莲和属以伯莲乡村的居民,米吉多和属米吉多乡村的居民;迦南人却执意住在那些地方。
28 Nang maging malakas ang Israel, pinilit nila ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, pero hindi nila kailanman sila ganap na pinalayas.
及至以色列强盛了,就使迦南人做苦工,没有把他们全然赶出。
29 Hindi pinalayas ng Efraim ang mga Cananeong naninirahan sa Gezer, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo sa Gezer kasama nila.
以法莲没有赶出住基色的迦南人。于是迦南人仍住在基色,在以法莲中间。
30 Hindi pinalayas ng Zabulun ang mga taong naninirahan sa Kitron, o ang mga taong naninirahan sa Nahalol, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila, pero pinilit ng Zabulun ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mabigat na trabaho.
西布伦没有赶出基伦的居民和拿哈拉的居民。于是迦南人仍住在西布伦中间,成了服苦的人。
31 Hindi pinalayas ng Aser ang mga taong naninirahan sa Acco, o ang mga taong naninirahan sa Sidon, o ang mga naninirahan sa Alab, Aczib, Helba, Apik, o Rehob.
亚设没有赶出亚柯和西顿的居民,亚黑拉和亚革悉的居民,黑巴、亚弗革与利合的居民。
32 Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanirahan sa lupain), dahil sila'y hindi nila pinalayas.
于是,亚设因为没有赶出那地的迦南人,就住在他们中间。
33 Hindi pinalayas ng lipi ni Neftali ang mga naninirahan sa Bet-semes, o ang mga naninirahan sa Bet Anat. Kaya nanirahan ang lipi ni Neftali kasama ang mga Cananeo (ang mga taong naninirahan sa lupaing iyon). Gayunpaman, ang mga naninirahan sa Bet-semes at Bet Anat ay sapilitang pinagtrabaho ng mabigat para sa Neftali.
拿弗他利没有赶出伯·示麦和伯·亚纳的居民,于是拿弗他利就住在那地的迦南人中间;然而伯·示麦和伯·亚纳的居民成了服苦的人。
34 Pinilit ng mga Amoreo ang lipi ni Dan na manirahan sa burol na bansa, sila ay hindi pinahihintulutang bumaba sa kapatagan.
亚摩利人强逼但人住在山地,不容他们下到平原;
35 Kaya nanirahan ang mga Amoreo sa Bundok ng Heres, sa Aijalon, at sa Shaalbim, pero sinakop sila ng lakas ng mga hukbo ng sambahayan ni Jose, at sila ay sapilitang naglingkod sa kanila ng pagtatrabaho ng mabigat.
亚摩利人却执意住在希烈山和亚雅 并沙宾。然而约瑟家胜了他们,使他们成了服苦的人。
36 Umabot ang hangganan ng mga Amoreo mula sa burol ng Akrabbim sa Sela pataas sa bulubundukin.
亚摩利人的境界,是从亚克拉滨坡,从西拉而上。