< Mga Hukom 6 >

1 Ang bayan ng Israel ay gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, at sila'y inilagay niya sa ilalim ng kapangyarihan ng Midianita ng pitong taon.
Wana wa Israeli wakafanya yaliyo mabaya machoni pa Bwana; naye akawatia mikononi mwa Midiani kwa miaka saba.
2 Ang kapangyarihan ng Midianita ang nagpahirap sa Israel. Dahil sa Midianita, gumawa ang bayan ng Israel ng makukublihan para sa kanilang sarili mula sa mga yungib sa mga burol, sa mga kuweba, at mga matibay na tanggulan.
Uwezo wa Midiani uliwanyanyasa Israeli. Kwa sababu ya Midiani, watu wa Israeli walitengeneza makao wenyewe kutoka kwenye mabwawa katika milima, mapango, na ngome.
3 Nangyari na kapag ang mga Israelita ay nagtanim ng kanilang mga pananim, ang mga Midianita at ang mga Amalekita at ang mga taong mula sa silangan ay sasalakay sa mga Israelita.
Kisha ikawa kwamba wakati wowote Waisraeli walipopanda mazao yao, Wamidiani na Waamaleki na watu kutoka mashariki waliwavamia Waisraeli.
4 Inilalagay nila ang kanilang mga sundalo sa lupain at winawasak ang mga pananim, hanggang sa Gaza. Wala silang itinitirang pagkain sa Israel, walang tupa, ni mga baka, o mga asno.
Waliweza kutengenezajeshi lao juu ya ardhi na kuharibu mazao, mpaka njia ya Gaza. Hawakuacha chakula huko Israeli, wala kondoo wala ng'ombe wala punda.
5 Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito.
Kila wakati wao na mifugo yao na mahema walipokuja, walikuja kama kundi la nzige, na haikuwezekana kuhesabu watu au ngamia zao. Walivamia ardhi ili kuiharibu.
6 Pinahina ng Midianita ang mga Israelita ng napakatindi na ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh.
Midiani iliwadhoofisha Waisraeli sana mpaka watu wa Israeli wakamwita Bwana.
7 Nang tumawag ang mga tao ng Israel kay Yahweh dahil sa Midian,
Watu wa Israeli walipomwomba Bwana kwa sababu ya Midiani,
8 nagpadala ng isang propeta si Yahweh sa mga tao ng Israel. Sinabi ng propeta sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Dinala ko kayo mula Ehipto, inalis ko kayo mula sa tahanan pagkaka-alipin.
Bwana alimtuma nabii kwa wana wa Israeli. Nabii akawaambia, Bwana, Mungu wa Israeli, asema hivi, Nimekuleta kutoka Misri; Nilikutoa nje ya nyumba ya utumwa.
9 Sinagip ko kayo mula sa kapangyarihan ng mga taga Ehipto, at mula sa kapangyarihan ng lahat ng mga nagpapahirap sa inyo. Pinalayas ko sila sa inyong harapan, at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain.
Naliwaokoa kutoka kwenye mikono ya Wamisri, na kutoka kwenye mkono wa wote waliokuwa wakikunyanyasa. Niliwafukuza mbele yenu, na nimewapa nchi yao.
10 Sinabi ko sa inyo, “Ako si Yahweh na inyong Diyos; inutusan ko kayo na huwag sambahin ang mga diyus-diyosan ng mga Amoreo, na ang lupain ay inyong tinirahan.” Pero hindi ninyo sinunod ang tinig ko.'”
Niliwaambia, “Mimi ndimi Bwana, Mungu wenu; Nimewaamuru msiabudu miungu ya Waamori, ambao mnaishi katika nchi yao. Lakini hamkuitii sauti yangu.”
11 Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita.
Basi malaika wa Bwana akaja na kukaa chini ya mwaloni huko Ofra, uliokuwa wa Yoashi (Mwabiyezeri), wakati Gidioni, mwana wa Yoashi, akitenganisha ngano katika sakafu, katika kikapu cha divai-kuificha toka kwa Wamidiani.
12 Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!”
Malaika wa Bwana akamtokea, akamwambia, Bwana yu pamoja nanyi, mpiganaji mwenye nguvu!
13 Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.”
Gideoni akamwambia, Oo, bwana wangu, ikiwa Bwana yu pamoja nasi, kwa nini basi yote haya yanatupata? Je, yako wapi matendo yake yote mazuri ambayo baba zetu walituambia, waliposema, 'Je! si Bwana aliyetukomboa kutoka Misri?' Lakini sasa Bwana ametuacha na kututia mikononi mwa Midiani. '
14 Tumingin si Yahweh sa kaniya at sinabing, “Pumunta ka sa lakas na mayroon ka. Iligtas ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Midianita. Hindi kita ipinadala?”
Bwana akamtazama na kusema, “Nenda katika nguvu uliyo nayo tayari. Uiokoe Israeli kutoka mkononi wa Midiani. Je, sikukutuma?”
15 Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama.”
Gideoni akamwambia, “Tafadhali, Bwana, nawezeje kuwaokoa Israeli? Angalia, familia yangu ni dhaifu zaidi katika Manase, na mimi si muhimu katika nyumba ya baba yangu.”
16 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ako ay sasama sa iyo, at iyong matatalo ang buong hukbo ng Midianita.”
Bwana akamwambia, “Nitakuwa pamoja nawe, nawe utalishinda jeshi lote la Midiani kama mtu mmoja.”
17 Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Kung ikaw ay nasisiyahan sa akin, kung gayon bigyan mo ako ng isang palatandaan na ikaw ang siyang nakikipag-usap sa akin.
Gideoni akamwambia, “Ikiwa unapendezwa na mimi, nipe basi ishara kwamba wewe ndio unenena nami.
18 Pakiusap, huwag kang umalis dito, hanggang ako ay pumunta sa iyo at mag-dala ng aking handog at inilagay ito sa harapan mo.” Sinabi ni Yahweh, “Ako ay maghihintay hanggang ikaw ay makabalik.”
Tafadhali, usiondoke hapa, mpaka nitakapokuja kwako na kuleta zawadi yangu na kuiweka mbele yako.” Bwana akasema, “Nitasubiri mpaka utakaporudi.”
19 Pumunta si Gideon at nag-handa ng isang batang kambing at mula sa isang epha ng harina gumawa siya ng tinapay na walang lebadura. Nilagay niya ang karne sa isang basket, at nilagay niya ang sabaw sa isang palayok at dinala ang mga ito sa kaniya sa ilalim ng punong igos, at inihandog ang mga ito.
Gideoni akaenda, akaandaa mwana mbuzi, na efa moja ya unga akafanya mikate isiyotiwa chachu. Akaiweka nyama hiyo katika kikapu, na akaweka mchuzi ndani ya sufuria na kuviletea chini ya mti wa mwaloni, akavitowa.
20 Sinabi ng anghel ng Diyos sa kaniya, “Dalhin ang karne at ang tinapay na walang lebadura at ilagay ang mga ito sa batong ito, at ibuhos ang sabaw sa ibabaw ng mga ito.” At ginawa iyon ni Gideon.
Malaika wa Mungu akamwambia, “Chukua nyama na mikate isiyotiwa chachu, ukaweke juu ya mwamba huu, ukamwage mchuzi juu yake.” Gideoni akafanya hivyo.
21 Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay iniabot ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay. Sa pamamagitan nito dinampian ang laman at ang tinapay na walang lebadura; lumabas ang isang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang lebadura. Pagkatapos ang anghel ni Yahweh ay umalis palayo at hindi na siya makita ni Gideon.
Kisha malaika wa Bwana akashika ncha ya fimbo mkononi mwake. Kwa hiyo akagusa nyama na mikate isiyotiwa chachu; moto ukatoka nje ya mwamba, ukateketeza nyama na mikate isiyotiwa chachu. Kisha malaika wa Bwana akaenda, na Gideoni hakuweza kumwona tena.
22 Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!”
Gideoni alielewa kuwa yule alikuwa malaika wa Bwana. Gideoni akasema, “Ewe Bwana MUNGU! Kwa maana nimemwona malaika wa Bwana uso kwa uso!”
23 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.”
Bwana akamwambia, “Amani iwe kwako! Usiogope, huwezi kufa.”
24 Kaya gumawa doon si Gideon ng isang altar para kay Yahweh. Tinawag niya itong, “Si Yahweh ay Kapayapaan.” Hanggang sa araw na ito nakatayo parin ito sa Ofra ng lahing Abiezrita.
Basi Gideoni akamjengea Bwana madhabahu huko. Aliiita, “Bwana ni Amani.” Hadi leo bado iko katika Ofra ya jamaa ya Waabiezeri.
25 Nang gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Kunin ang toro ng iyong ama, at ang pangalawang toro na labimpitung taong gulang, at tanggalin ang altar ni Baal na pag-aari ng iyong ama, at putulin ang Asera na nasa tabi nito.
Usiku huo, Bwana akamwambia, “Twaa ng'ombe wa baba yako, na ng'ombe wa pili wa umri wa miaka saba, ukaondoe madhabahu ya Baali, ambayo ni ya baba yako, na kukata Ashera iliyo karibu nayo.
26 Gumawa ng isang altar kay Yahweh na iyong Diyos sa tuktok ng lugar ng kanlungan na ito, at gawin ito sa tamang paraan. Ialay ang pangalawang toro bilang isang handog na susunugin, gamit ang kahoy mula sa Asera na iyong pinutol.”
Jenga madhabahu kwa Bwana, Mungu wako juu ya mahali pa kukimbilia, na kuijenga njia sahihi. Toa ng'ombe ya pili kama sadaka ya kuteketezwa, ukitumia kuni kutoka Ashera uliyoikata. '
27 Kaya si Gideon ay kumuha ng sampu sa kaniyang mga lingkod at ginawa kung ano ang sinabi ni Yahweh sa kaniya. Dahil masyado siyang natakot sa sambahayan ng kaniyang ama at ang kalalakihan ng bayan para gawin ito sa umaga, ginawa niya ito sa gabi.
Gideoni akachukua watumishi wake kumi na kufanya kama Bwana alivyomwambia. Lakini kwa sababu aliogopa sana watu wa nyumba ya baba yake na watu wa mji hakufanya hivyo wakati wa mchana, alifanya hivyo usiku.
28 Kinabukasan nang bumangon ang kalalakihan ng bayan, ang altar ni Baal ay nawasak, at ang Asera na nasa tabi nito ay nabuwal, at ang pangalawang toro na inalay sa altar na naisagawa.
Asubuhi wakati watu wa mji walipoamka, madhabahu ya Baali imebomolewa, na Ashera iliyokuwa karibu nayo imekatwa, na ng'ombe wa pili ametolewa sadaka kwenye madhabahu iliyojengwa.
29 Sinabi ng kalalakihan ng lungsod sa isa't-isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang kinausap nila ang iba at naghanap ng kasagutan, sinabi nila, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa ng bagay na ito.”
Watu wa mji wakaambiana, “Ni nani aliyefanya jambo hili?” Walipokuwa wakiongea na wengine na kutafuta majibu, wakasema, 'Gidioni mwana wa Yoashi amefanya jambo hili.”
30 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng bayan kay Joas, “Dalhin palabas ang iyong anak na lalaki para siya ay mailagay sa kamatayan, dahil winasak niya ang altar ni Baal, at binuwal niya ang Asera sa tabi nito.”
Ndipo watu wa mji wakamwambia Yoashi, “Mtoe mtoto wako ili afe, kwa sababu ameibomoa madhabahu ya Baali, na kwa sababu ameikata Ashera karibu nayo.”
31 Sinabi ni Joas sa lahat ng tumututol sa kaniya, “Pakikiusapan ba ninyo ang kaso para kay Baal? Kayo ba ang magliligtas sa kaniya? Sinuman ang magmaka-awa sa kaso para sa kaniya, hayaan siyang malagay sa kamatayan habang umaga pa. Kung si Baal ay isang diyos, hayaan siyang ipagtanggol ang kaniyang sarili kapag winasak ng sinuman ang kaniyang altar.”
Yoashi akawaambia wote waliompinga, “Je, ninyi mtamsihi Baali? Je, mtamuokoa? Mtu yeyote atakayemtetea, basi atauawa asubuhi hii. Ikiwa Baali ni mungu, basi atajitetea mwenyewe wakati mtu anaibomoa madhabahu yake.”
32 Kaya sa araw na iyon si Gideon ay binigyan ng pangalang, “Jeru Baal”, dahil sinabi niya, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kaniyang sarili laban sa kaniya,” dahil winasak ni Gideon ang kaniyang altar.
Kwa hiyo siku hiyo wakamwita Gideoni “Yerubaali,” kwa sababu alisema, “Baali ajijitetee dhidi yake,” kwa sababu Gidioni alivunja madhabahu ya Baali.
33 Ngayon ang lahat ng mga Midianita, ang mga Amalekita, at ang mga tao sa silangan ay nagtipon ng magkakasama. Tumawid sila ng Jordan at nag-kampo sa lambak ng Jezreel.
Basi Wamidiani wote, Waamaleki, na watu wa mashariki walikusanyika pamoja. Wakavuka Yordani na wakapanga katika bonde la Yezreeli.
34 Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya.
Lakini Roho wa Bwana akaja juu ya Gideoni. Gideoni akapiga tarumbeta, akawaita jamaa ya Abiezeri, ili wapate kumfuata.
35 Nagpadala siya ng mga sugo sa buong Manases, at sila rin, ay tinawag para sumunod sa kanya. Siya rin ay nagpadala ng mga sugo sa Asher, Zebulun, at Neftali, at pumunta sila para makipagkita sa kaniya.
Aliwatuma wajumbe wote katika Manase, na wao pia, waliitwa nje kumfuata. Naye akatuma wajumbe kwa Asheri, na Zabuloni, na Naftali; nao wakaenda kumlaki.
36 Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Kung binabalak mo akong gamitin para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo—
Gideoni akamwambia Mungu, “Ikiwa ungependa kunitumia kuokoa Israeli, kama ulivyosema,
37 Tingnan mo, inilalagay ko ang isang tela na gawa sa balahibo ng tupa sa giikang palapag. Kapag merong hamog sa balahibo ng tupa lamang, at tuyo sa lahat ng lupa, kung gayon malalaman ko na gagamitin mo ako para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo.”
tazameni, ninaweka ngozi ya samazi kwenye sakafu. Ikiwa kuna umande tu juu ya ngozi, na ni kavu duniani, basi nitajua kwamba utanitumia kuokoa Israeli, kama ulivyosema.”
38 Ito ang nangyari—Bumangon si Gideon ng maaga nang sumunod na araw, piniga niyang sabay ang balahibo ng tupa, at piniga ang hamog mula sa balahibo ng tupa, tama lamang para punuin ang isang mangkok ng tubig.
Hivi ndivyo ilivyotokea-Gideoni aliamka mapama asubuhi, akaikamua ngozi hiyo, na akatoa umande kwenye ngozi, wa kutosha kujaza bakuli kwa maji.
39 Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.”
Gideoni akamwambia Mungu, 'Usinikasirikie, nitasema tena kwa mara nyingine. Tafadhali niruhusu nijaribu tena kwa kutumia ngozi. Wakati huu uifanye kavu, na iwe na umande juu ya ardhi yote kuzunguka.
40 Ginawa ng Diyos ang anumang kaniyang hiningi para sa gabing iyon. Ang balahibo ng tupa ay tuyo, at mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.
Mungu alifanya kile alichoomba usiku huo. Ngozi ilikuwa kavu, na kulikuwa na umande katika ardhi yote iliyozunguka.

< Mga Hukom 6 >