< Mga Hukom 5 >
1 Sa araw na inawit ni Debora at Barak anak ni Abinoam ang awiting ito:
On that day, Deborah sang this song, along with Barak:
2 “Kapag nanguna ang mga pinuno sa Israel, kapag masayang nagkusa sumama ang mga tao para sa digmaan— pinupuri namin si Yahweh!
“When the leaders of the Israeli people really lead them, and the people follow them, [it is time to] praise Yahweh!
3 Makinig sa akin, kayo mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno, ako ay aawit kay Yahweh; aawit ako ng mga papuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Listen, you kings! Pay attention, you leaders! I will sing to Yahweh. With this song I will praise Yahweh, the God we Israelis worship.
4 Yahweh, nang lumisan ka mula sa Seir, nang lumakad ka mula sa Edom, nayanig ang mundo, at nanginig ang kalangitan; nagbuhos din ng tubig ang ulap.
O Yahweh, when you came from Seir, when you marched from that land [better known as] Edom, the earth shook, and rain poured down from the skies.
5 Nayanig ang mga bundok sa harapan ng mukha ni Yahweh; kahit ang Bundok ng Sinai ay nayanig sa harapan ng mukha ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
The mountains shook when you came, just like Sinai Mountain shook when you appeared there, because you are Yahweh, the God whom we Israelis worship.
6 Sa kapanahunan ni Shamgar (anak na lalaki ni Anat), sa kapanahunan ni Jael, napabayaan ang mga pangunahing kalsada, at ang mga lumalakad ay ginagamit lamang ang mga liko-likong daan.
“When Shamgar was our leader and when Jael ruled us, [we were afraid to walk on] the main roads; instead, caravans of travelers walked on winding [less traveled] roads [to avoid being molested].
7 Walang mga manggagawa sa Israel, hanggang sa Ako, si Debora, ang nag-uutos— nag-uutos ang isang ina sa Israel!
People left their small villages, [and moved into the walled cities] until I, Deborah, became their leader. [I became like] a mother to the Israeli people.
8 Pinili nila ang bagong mga diyus-diyosan, at nagkaroon ng labanan sa mga tarangkahan ng lungsod; ni walang mga kalasag o sibat ang makikita sa apatnapung libo sa Israel.
When the Israeli people [abandoned Yahweh and] chose new gods, enemies attacked the gates of the cities, and then [they took away] the shields and spears from 40,000 Israeli soldiers. Not one shield or spear was left.
9 Nakikiisa ang aking puso sa mga namumuno ng Israel, kasama ang mga tao na masayang nagkusang loob— pinuri namin si Yahweh para sa kanila!
I am thankful for the leaders and soldiers who volunteered [to fight]. Praise Yahweh [for them!]
10 Pag-isipan ninyo ang tungkol dito—kayong sumasakay sa mga puting asno na nakaupo sa mga mamahaling piraso ng tela para upuan, at kayong naglalakad sa daan.
“You wealthy people who ride on donkeys, sitting on nice padded saddles, and you people who just walk on the road, you all listen!
11 Pakinggan ang mga tinig ng mga umaawit sa igiban ng tubig. Doon sinabi nilang muli ang makatuwirang mga ginawa ni Yahweh, at ang matuwid na mga kinikilos ng kaniyang mga mandirigma sa Israel. Pagkatapos bumaba ang mga tao ni Yahweh sa mga tarangkahang lungsod.
Listen to the voices of the singers who gather at the places where [the animals drink] water. They tell about how Yahweh acted righteously when he enabled the Israeli warriors to conquer [their enemies]. “Yahweh’s people marched down to the gates of our city.
12 Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam.
The people came to my house and shouted, ‘Deborah, wake up! Wake up and start singing!’ They also shouted, ‘Barak, son of Abinoam, get up, and capture our enemies!’
13 Pagkatapos bumaba ang mga nakaligtas sa mga maharlika— bumaba ang mga tao ni Yahweh sa akin kasama ng mga mandirigma.
Later, some of the Israeli people came down [from Tabor Mountain] with us, their leaders. These men who belonged to Yahweh came with me to fight their strong enemies.
14 Dumating sila mula sa Efraim, na ang pinagmulan ay nasa Amalec; sumunod ang mga tao ng Benjamin sa inyo. Bumaba ang mga namumuno mula sa Macir, at ang mga nagbitbit ng isang tungkod ng opisyal mula sa Zebulun.
Some came from the tribe descended from Ephraim. They came from land that once belonged to the descendants of Amalek. And men from the tribe descended from Benjamin followed them. Troops from the group descended from Makir also came down, and officers from the tribe descended from Zebulun came down, carrying staffs.
15 At kasama ni Debora ang aking mga prinsipe sa Isacar, at kasama ni Isacar si Barak na nagmamadaling sumunod sa kaniya patungo sa lambak sa ilalim ng kaniyang utos. May matinding pagsasaliksik ng puso sa mga angkan ni Ruben.
Leaders from the tribes descended from Issachar joined Barak and me. They followed Barak, rushing down into the valley. But men from the tribe descended from Reuben could not decide whether or not to join us.
16 Bakit kayo umupo sa pagitan ng mga pugon, nakikinig sa mga pastol na tumutugtog ng kanilang mga tipano para sa kanilang mga kawan? Para sa mga angkan ni Ruben ay may dakilang pagsasaliksik ng puso.
Why did you men stay at your sheep pens, waiting to hear the shepherds whistle for their flocks of sheep to come to the pens? Men in the tribe descended from Reuben could not decide whether they would join us to fight our enemies, or not.
17 Nanatili si Galaad sa kabilang dako ng Jordan; at Dan, bakit siya lumibot gamit ang mga barko? Nanatili si Aser sa baybayin at nanirahan malapit sa kaniyang mga daungan.
Similarly, the men living in the Gilead area stayed at home, east of the Jordan River. And the men from the tribe descended from Dan, why did they stay home? The tribe descended from Asher sat by the seashore. They stayed in their coves.
18 Isang lipi si Zebulun na inilagay sa panganib ang kanilang buhay na halos dumating sa kamatayan, at si Nephtali, rin, sa larangan ng digmaan.
But men from the tribe descended from Zebulun risked (their lives/were ready to die fighting) on the battlefield, and men descended from Naphtali were ready to do that, also.
19 Dumating ang mga hari at nakipaglaban, pagkatapos nakipaglaban ang mga hari ng Canaan, sa Taanac sa pamamagitan ng mga tubig sa Megido. Pero hindi sila nakakuha ng pilak bilang manloloob.
“The kings of Canaan fought us at Taanach, near the springs in Megiddo [Valley]. [But since they did not defeat us], they did not carry away any silver or other treasures from the battle.
20 Nakipaglaban ang mga bituin mula sa langit, mula sa kanilang landas sa ibayo ng mga kalangitan nakipaglaban sila laban kay Sisera.
[It was as though] the stars in the sky fought for us [and as though] those stars in their paths fought against Sisera.
21 Tinangay sila ng Ilog Kison palayo, ang matandang ilog na iyan, ang Ilog Kison. Magmartsa ka aking kaluluwa, maging matatag!
The Kishon River swept them away— that river that has been there for ages. I will tell myself to be brave and continue marching on.
22 At ang tunog ng paa ng mga kabayo— pumapadyak, ang pagpadyak ng kaniyang mga makapangyarihan.
The hooves of the horses of Sisera’s [army] pounded the ground. Those powerful horses kept galloping along.
23 'Isumpa ang Meroz!' sinasabi ng anghel ni Yahweh. 'Tiyaking isumpa ang mga nanirahan dito! — dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh— para tulungan si Yahweh sa digmaan laban sa malakas na mga mandirigma.'
The angel sent by Yahweh said, ‘Curse the people of Meroz [town], because they did not come to help Yahweh to defeat the mighty warriors [of Canaan].’
24 Pinagpala si Jael higit sa lahat ng mga babae, si Jael (ang asawa ni Heber ang Cineo), mas pinagpala siya kaysa sa lahat ng ibang babaeng nanirahan sa mga tolda.
“But God is very pleased with Jael, the wife of Heber from the Ken people-group. He is more pleased with her than with all the other women who live in tents.
25 Humingi ang lalaki ng tubig, at siya ay binigyan niya ng gatas; dinalhan niya ng mantikilya sa isang pinggan para sa mga prinsipe.
Sisera asked for some water, but Jael gave him some milk. She brought him some yogurt/curds in a bowl that was suitable for kings.
26 Inilagay niya ang kaniyang kamay sa pakong kahoy ng tolda, at ang kaniyang kanang kamay sa martilyo ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng martilyo pinalo niya si Sisera, dinurog niya ang kaniyang ulo. Pinalo niya ang kaniyang bungo hanggang magkapira-piraso nang pinalo niya ang gilid ng kaniyang ulo.
Then, [when he was asleep], she reached for a tent peg with her left hand, and she reached for a hammer with her right hand. She hit Sisera hard with it and crushed his head. She pounded the tent peg right through his head.
27 Bumagsak siya sa pagitan ng kaniyang paa, natumba siya at nahiga siya roon. Sa pagitan ng kaniyang paa naramdaman niya ang pamamanhid. Ang lugar na kaniyang pinagbagsakan ay kung saan marahas siyang pinatay.
He collapsed and fell dead at her feet.
28 Sa labas ng isang bintana tumingin siya — tumingin ang ina ni Sisera mula sa sala-sala at sumigaw siya sa lubos na kalungkutan 'Bakit napakatagal dumating ng kaniyang karwahe? Bakit natagalan ang tunog ng mga paa ng mga kabayong humihila ng kaniyang mga karwahe?'
“Sisera’s mother looked out from her window. She waited for him to return. She said, ‘Why is he taking so long to come home in his chariot? Why don’t I hear the sound of the wheels of his chariot?’
29 Sumagot ang kaniyang mga pinakamatalinong prinsesa, at ibinigay niya ang kaniyang parehong sagot:
One wise woman replied to her, and she [kept consoling herself by] repeating those words:
30 'Hindi ba nila natagpuan at hinati ang mga nakuha sa panloloob? —Ang sinapupunan, ang dalawang sinapupunan para sa bawat lalaki; ang nakuha sa panloloob na tininang damit para kay Sisera, ang nadarambong na tininang damit na burdado, ang dalawang tininang damit na burdado para sa mga leeg ng manloloob?'
‘Perhaps they are dividing up the things and the people they captured after the battle. Each soldier will get one or two women. Sisera will get some beautiful robes, and some beautiful embroidered robes for me.’
31 Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
But [that is not what happened]! Yahweh, I hope that all your enemies will die as Sisera did! And I desire that all those who love you will be as strong as the sun when it rises!