< Mga Hukom 3 >
1 Ngayon ay hinayaan ni Yahweh ang mga bansa na subukin ang Israel, lalo na ang lahat sa Israel na hindi nakaranas ng anumang digmaan sa Canaan.
Or, voici les peuples que l’Eternel avait épargnés pour éprouver par eux les Israélites, tous ceux qui n’avaient point connu les guerres précédentes de Canaan;
2 (ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.):
surtout pour l’instruction des nouvelles générations d’Israël, afin de les aguerrir aux combats qu’elles ne connaissaient pas encore:
3 ang limang hari mula sa Palestina, lahat ng mga Cananeo, ang mga Sidoneo, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon, mula sa Bundok Baal Hermon patungong Pasong Hamat.
les cinq principautés des Philistins, tous les Cananéens, Sidoniens et Hévéens qui habitaient le mont Liban, depuis la montagne de Baal-Hermon jusqu’à Hamath.
4 Ang mga bansang ito ay inawanan para masubok ni Yahweh ang Israel, para patunayang kung susundin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.
Ceux-là devaient servir à éprouver Israël, à constater s’ils obéiraient aux commandements de l’Eternel, qu’il avait imposés à leurs pères par l’entremise de Moïse.
5 Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo.
Les enfants d’Israël demeurèrent donc au milieu des Cananéens, des Héthéens, des Amorréens, des Phérézéens, des Hévéens et des Jébuséens.
6 Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan.
Ils prirent leurs filles pour femmes, donnèrent leurs propres filles aux fils de ces peuplades et adoptèrent leur culte.
7 Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at kinalimutan si Yahweh na kanilang Diyos. Sinamba nila ang mga Baal at ang mga Asera.
Les enfants d’Israël firent ainsi ce qui déplaît à l’Eternel, ils oublièrent l’Eternel, leur Dieu, ils servirent les Bealim et les Achéroth.
8 Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim.
Et l’Eternel s’indigna contre Israël, et il les livra au pouvoir de Couchân-Richatayîm, roi de Mésopotamie, dont les Israélites furent tributaires huit ans.
9 Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb).
Les enfants d’Israël ayant imploré le Seigneur, il leur suscita un sauveur qui les secourut dans la personne d’Othoniel, fils de Kenaz, frère puîné de Caleb.
10 Siya ay binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh, pinangunahan niya ang Israel at siya ay nakipagdigma. Binigyan siya ni Yahweh ng tagumpay laban kay Cushanrishataim na hari ng Aram. Ito ang kapangyarihan ni Otniel na tumalo kay Cushanrishataim.
Animé de l’esprit divin, il prit le gouvernement d’Israël, entra en campagne, et l’Eternel mit en son pouvoir Couchân-Richatayîm, roi d’Aram, de sorte qu’il triompha de Couchân-Richatayîm.
11 Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay.
Et le pays fut en paix pendant quarante ans. Et Othoniel, fils de Kenaz, mourut.
12 Muling sumuway ang bayan ng Israel kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay, at nakita niya ang kanilang ginawa. Kaya binigyan ni Yahweh ng lakas si Eglon ang hari ng Moab sa kaniyang pagsalakay laban sa Israel, dahil nakagawa ang Israel ng mga bagay na masama gaya ng napansin ni Yahweh.
Les Israélites recommencèrent à mécontenter l’Eternel, et l’Eternel enhardit Eglôn, roi de Moab, contre Israël, parce qu’ils agissaient mal aux yeux du Seigneur.
13 Sumali si Eglon sa mga Ammonita at mga Amalekita at nagpunta sila at tinalo ang Israel, at inangkin nila ang Lungsod ng mga Palma.
Il appela à lui les Ammonites et Amalec, attaqua et défit Israël, et ils s’emparèrent de la ville des Palmiers.
14 Naglingkod ang bayan ng Israel kay Eglon na hari ng Moab sa loob ng walumpung taon.
Et les enfants d’Israël servirent Eglôn, roi de Moab, dix-huit ans.
15 Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.
Alors ils implorèrent l’Eternel, et il leur suscita un libérateur, Ahod, fils de Ghêra, Benjamite, lequel était gaucher. Les enfants d’Israël envoyèrent, par son entremise, un présent à Eglôn, roi de Moab.
16 Gumawa ng isang espadang may dalawang talim si Ehud para sa kaniyang sarili, isang kubit sa haba; itinali niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa kanang hita.
Or, Ahod s’était fait faire une épée à deux tranchants, d’un gômed de long, et l’avait attachée sous ses vêtements, à la cuisse droite.
17 Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.)
Il remit le présent à Eglôn, roi de Moab, qui était un homme très gros.
18 Matapos ihandog ni Ehud ang pugay na pambayad, umalis siya kasama ang mga nagdala nito.
La remise du présent opérée, il renvoya les gens qui l’avaient porté.
19 Gayunman, para kay Ehud nang marating niya ang lugar kung saan ginawa ang mga inukit na larawan malapit sa Gilgal, siya ay bumalik at sinabi, “Mayroon akong lihim na mensahe para sa iyo, aking hari.” Sinabi ni Eglon, “Tumahimik ka” Kaya umalis sa silid ang lahat ng naglilingkod sa kaniya.
Puis il revint de la carrière située près de Ghilgal, en disant: "Roi! j’ai une mission secrète pour toi." "Silence!" dit le roi; et tous les assistants se retirèrent.
20 Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
Alors Ahod s’approcha du roi, qui était assis à l’écart dans son pavillon d’été, et il lui dit: "C’Est une mission de Dieu que j’ai pour toi!" Et le roi se leva de son siège.
21 Si Ehud ay bumunot gamit ang kaliwang kamay at kinuha ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa katawan ng hari.
Ahod, avançant la main gauche, saisit l’épée de dessus sa cuisse droite et la lui plongea dans le ventre.
22 At bumaon pati ang hawakan ng espada kasunod ng talim, na ang dulo ay tumagos sa kaniyang likuran, at sumara ang taba sa talim, dahil hindi binunot ni Ehud ang espada mula sa kaniyang katawan.
La poignée suivit la lame, autour de laquelle se referma la graisse, car il ne retira point du corps son épée, qui ressortit par derrière.
23 Pagkatapos lumabas si Ehud sa balkonahe at isinara ang mga pintuan ng silid sa itaas sa kaniyang likuran at kinandado ang mga ito.
Puis Ahod se dirigea vers l’antichambre, après avoir tiré sur lui et fermé à clef les portes du pavillon.
24 Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, “Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas.”
Ahod sorti, les serviteurs entrèrent, et, voyant les portes du pavillon fermées à clef, ils se dirent: "Sans doute il soulage un besoin dans la chambre d’été."
25 Lubha silang nag-alala hanggang sa naramdaman nilang nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin kapag hindi parin bubuksan ng hari ang mga pintuan ng silid sa itaas. Kaya kinuha nila ang susi at binuksan ang mga ito, at doon nakahiga ang kanilang amo, nakahandusay sa sahig, patay na.
Ils attendirent jusqu’à perdre patience, et comme on n’ouvrait pas les portes du pavillon, ils prirent la clef et ouvrirent, et voici que leur maître gisait à terre, mort.
26 Habang naghihintay ang mga lingkod, nag-iisip kung ano ang kanilang gagawin, tumakas si Ehud at dumaan sa ibayo ng lugar kung saan may inukit na larawan ng mga diyus-diyosan, at siya ay tumakas patungong Seira.
Pendant qu’ils s’étaient ainsi attardés, Ahod avait pris la fuite et, dépassant la carrière, il s’était réfugié à Seïra.
27 Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya.
Quand il fut arrivé, il sonna du cor sur la montagne d’Ephraïm; et les enfants d’Israël descendirent avec lui de la montagne, lui marchant à leur tête.
28 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, dahil malapit nang talunin ni Yahweh ang inyong mga kaaway, ang mga Moabita.” Sumunod sila sa kaniya at binihag ang mga mababaw na bahagi ng Jordan sa kabila mula sa mga Moabita, at hindi nila pinahihintulan ang sinuman na tumawid sa ilog.
Et il leur dit: "Suivez-moi! car l’Eternel livre en vos mains vos ennemis, les Moabites." Et ils descendirent à sa suite, occupèrent les gués du Jourdain conduisant en Moab, et ne laissèrent passer personne.
29 Nang panahong iyon nakapatay sila ng humigit kumulang sa sampung libong kalalakihan ng Moab, at ang lahat ay malakas at mahuhusay na mga lalaki. Walang isa mang nakatakas.
Ils tuèrent de Moab, en ce temps-là, environ dix mille hommes, tous gens robustes, tous vaillants, si bien que pas un n’échappa.
30 Kaya nang araw na iyon napasuko ang Moab sa pamamagitan ng lakas ng Israel. At nagkaroon ng kaginhawaan ang lupain sa loob ng walumpung taon.
Ce jour-là Moab plia sous la puissance d’Israël, et le pays eut quatre-vingts ans de tranquillité.
31 Pagkatapos ni Ehud ang sumunod na hukom ay si Shamgar anak na lalaki ni Anat na pumatay ng 600 kalalakihan ng mga Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na ginagamit para magtaboy ng mga baka. Iniligtas din niya ang Israel mula sa panganib.
Après Ahod vint Samgar, fils d’Anat, qui défit les Philistins, au nombre de six cents hommes, avec des aiguillons à bœufs. Lui aussi fut un libérateur d’Israël.