< Mga Hukom 3 >

1 Ngayon ay hinayaan ni Yahweh ang mga bansa na subukin ang Israel, lalo na ang lahat sa Israel na hindi nakaranas ng anumang digmaan sa Canaan.
Dette var de Folkeslag, HERREN lod blive tilbage for ved dem at sætte Israel Prøve, alle de Israeliter, som ikke havde kendt til Kampene om Kana'an,
2 (ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.):
alene for Israeliternes Slægters Skyld, for at øve dem i Krig, alene for deres Skyld, som ikke havde kendt noget til de tidligere Krige:
3 ang limang hari mula sa Palestina, lahat ng mga Cananeo, ang mga Sidoneo, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon, mula sa Bundok Baal Hermon patungong Pasong Hamat.
De fem Filisterfyrster, alle Kana'anæerne, Zidonierne og Hetiterne, som boede i Libanons Bjerge fra Ba'al-Hermon til hen imod Hamat.
4 Ang mga bansang ito ay inawanan para masubok ni Yahweh ang Israel, para patunayang kung susundin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.
De blev tilbage, for at Israel ved dem kunde blive sat paa Prøve, saa det kunde komme for Dagen, om de vilde lyde de Bud, HERREN havde givet deres Fædre ved Moses.
5 Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo.
Og Israeliterne boede blandt Kana'anæerne, Hetiterne, Amoriterne, Perizziterne, Hivviterne og Jebusiterne.
6 Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan.
De indgik Ægteskab med deres Døtre og gav deres Sønner deres Døtre til Ægte, og de dyrkede deres Guder.
7 Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at kinalimutan si Yahweh na kanilang Diyos. Sinamba nila ang mga Baal at ang mga Asera.
Israeliterne gjorde, hvad der var ondt i HERRENS Øjne; de glemte HERREN deres Gud og dyrkede Ba'alerne og Asjererne.
8 Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim.
Da blussede HERRENS Vrede op imod Israel, og han gav dem til Pris for Kong Kusjan-Risj'atajim af Aram-Naharajim, og Israeliterne stod under Kusjan-Risj'atajim i otte Aar.
9 Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb).
Da raabte Israeliterne til HERREN, og HERREN lod en Befrier fremstaa iblandt Israeliterne, og han frelste dem, nemlig Kenizziten Otniel, Kalebs yngre Broder.
10 Siya ay binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh, pinangunahan niya ang Israel at siya ay nakipagdigma. Binigyan siya ni Yahweh ng tagumpay laban kay Cushanrishataim na hari ng Aram. Ito ang kapangyarihan ni Otniel na tumalo kay Cushanrishataim.
HERRENS Aand kom over ham, og han blev Dommer i Israel; han drog ud til Kamp, og HERREN gav Kong Kusjan-Risj'atajim af Aram i hans Haand, saa han fik Overtaget over ham.
11 Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay.
Og Landet havde Ro i fyrretyve Aar, og Kenizziten Otniel døde.
12 Muling sumuway ang bayan ng Israel kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay, at nakita niya ang kanilang ginawa. Kaya binigyan ni Yahweh ng lakas si Eglon ang hari ng Moab sa kaniyang pagsalakay laban sa Israel, dahil nakagawa ang Israel ng mga bagay na masama gaya ng napansin ni Yahweh.
Men Israeliterne blev ved at gøre, hvad der var ondt i HERRENS Øjne. Da gav HERREN Kong Eglon af Moab Magt over Israel, fordi de gjorde, hvad der var ondt i HERRENS Øjne.
13 Sumali si Eglon sa mga Ammonita at mga Amalekita at nagpunta sila at tinalo ang Israel, at inangkin nila ang Lungsod ng mga Palma.
Han fik Ammoniterne og Amalekiterne med sig, drog ud og slog Israel og tog Palmestaden.
14 Naglingkod ang bayan ng Israel kay Eglon na hari ng Moab sa loob ng walumpung taon.
Og Israeliterne stod under Kong Eglon af Moab i atten Aar.
15 Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.
Men da Israeliterne raabte til HERREN, lod HERREN en Befrier fremstaa iblandt dem, Benjaminiten Ehud, Geras Søn, som var kejthaandet. Da Israeliterne engang sendte Ehud til Kong Eglon af Moab med Skat,
16 Gumawa ng isang espadang may dalawang talim si Ehud para sa kaniyang sarili, isang kubit sa haba; itinali niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa kanang hita.
lavede han sig et tveægget Sværd, en Gomed langt, og bandt det til sin højre Hofte under Kappen.
17 Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.)
Derpaa afleverede han Skatten til Kong Eglon af Moab — Eglon var en meget fed Mand —
18 Matapos ihandog ni Ehud ang pugay na pambayad, umalis siya kasama ang mga nagdala nito.
og da han var færdig dermed, ledsagede han Folkene, der havde baaret Skatten, paa Vej,
19 Gayunman, para kay Ehud nang marating niya ang lugar kung saan ginawa ang mga inukit na larawan malapit sa Gilgal, siya ay bumalik at sinabi, “Mayroon akong lihim na mensahe para sa iyo, aking hari.” Sinabi ni Eglon, “Tumahimik ka” Kaya umalis sa silid ang lahat ng naglilingkod sa kaniya.
men selv vendte han om ved Pesilim ved Gilgal og sagde: »Konge, jeg har noget at tale med dig om i Hemmelighed!« Men han bød ham tie, til alle de, der stod om ham, var gaaet ud.
20 Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
Da Ehud kom ind til ham, sad han i sin svale Stue paa Taget, hvor han var alene; og Ehud sagde: »Jeg har et Gudsord til dig!« Da rejste han sig fra sit Sæde,
21 Si Ehud ay bumunot gamit ang kaliwang kamay at kinuha ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa katawan ng hari.
men idet han stod op, rakte Ehud sin venstre Haand ud og greb Sværdet ved sin højre Side og stak det i Underlivet paa ham,
22 At bumaon pati ang hawakan ng espada kasunod ng talim, na ang dulo ay tumagos sa kaniyang likuran, at sumara ang taba sa talim, dahil hindi binunot ni Ehud ang espada mula sa kaniyang katawan.
saa endog Grebet gik i med Klingen; og Fedtet sluttede om Klingen, thi han drog ikke Sværdet ud af Livet paa ham; og Skarnet gik fra ham.
23 Pagkatapos lumabas si Ehud sa balkonahe at isinara ang mga pintuan ng silid sa itaas sa kaniyang likuran at kinandado ang mga ito.
Saa gik Ehud bort gennem Søjlegangen, lukkede Døren til Stuen for ham og laasede den.
24 Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, “Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas.”
Efter at han var gaaet bort, kom Kongens Folk, og da de fandt Døren til Stuen laaset, tænkte de, at han tildækkede sine Fødder i det svale Hammer;
25 Lubha silang nag-alala hanggang sa naramdaman nilang nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin kapag hindi parin bubuksan ng hari ang mga pintuan ng silid sa itaas. Kaya kinuha nila ang susi at binuksan ang mga ito, at doon nakahiga ang kanilang amo, nakahandusay sa sahig, patay na.
men da de havde biet, indtil de skammede sig, uden at han aabnede Døren til Stuen, hentede de Nøglen og lukkede op; og se, der laa deres Herre død paa Gulvet.
26 Habang naghihintay ang mga lingkod, nag-iisip kung ano ang kanilang gagawin, tumakas si Ehud at dumaan sa ibayo ng lugar kung saan may inukit na larawan ng mga diyus-diyosan, at siya ay tumakas patungong Seira.
Men Ehud slap bort, medens de blev opholdt, og han satte over ved Pesilim og undslap til Se'ira.
27 Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya.
Saa snart han derpaa naaede Efraims Bjerge, lod han støde i Hornet; og Israeliterne fulgte ham ned fra Bjergene, idet han gik i Spidsen for dem.
28 Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, dahil malapit nang talunin ni Yahweh ang inyong mga kaaway, ang mga Moabita.” Sumunod sila sa kaniya at binihag ang mga mababaw na bahagi ng Jordan sa kabila mula sa mga Moabita, at hindi nila pinahihintulan ang sinuman na tumawid sa ilog.
Og han sagde til dem: »Følg mig ned, thi HERREN har givet eders Fjender Moabiterne i eders Haand!« Og de fulgte ham ned og fratog Moabiterne Vadestederne over Jordan og lod ikke en eneste komme over.
29 Nang panahong iyon nakapatay sila ng humigit kumulang sa sampung libong kalalakihan ng Moab, at ang lahat ay malakas at mahuhusay na mga lalaki. Walang isa mang nakatakas.
Ved den Lejlighed nedhuggede de omtrent 10 000 Moabiter, lutter stærke og dygtige Mænd, ikke een undslap.
30 Kaya nang araw na iyon napasuko ang Moab sa pamamagitan ng lakas ng Israel. At nagkaroon ng kaginhawaan ang lupain sa loob ng walumpung taon.
Saaledes blev Moab den Gang underkuet af Israel; og Landet havde Ro i firsindstyve Aar.
31 Pagkatapos ni Ehud ang sumunod na hukom ay si Shamgar anak na lalaki ni Anat na pumatay ng 600 kalalakihan ng mga Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na ginagamit para magtaboy ng mga baka. Iniligtas din niya ang Israel mula sa panganib.
Efter ham kom Sjamgar, Anats Søn. Han nedhuggede Filisterne, 600 Mand, med en Oksedriverstav; ogsaa han frelste Israel.

< Mga Hukom 3 >