< Mga Hukom 21 >
1 Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, “Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita.”
Gli Israeliti avevano giurato a Mizpa: «Nessuno di noi darà in moglie la figlia a un Beniaminita».
2 Pagkatapos nagpunta ang mga tao sa Bethel at umupo sa harapan ng Diyos hanggang gabi, at labis silang umiyak na may malakas na tinig.
Il popolo venne a Betel, dove rimase fino alla sera davanti a Dio, alzò la voce prorompendo in pianto
3 Sinigaw nila, “Bakit, nangyari ito sa Israel, Yahweh, Diyos ng Israel, dapat bang mawala ang isa sa aming mga lipi sa araw na ito?”
e disse: «Signore, Dio d'Israele, perché è avvenuto questo in Israele, che oggi in Israele sia venuta meno una delle sue tribù?».
4 Nagising ng maaga ang mga tao nang sumunod araw at nagtayo ng isang altar doon at naghandog ng susunuging alay at mga handog ng pangkapayapaan.
Il giorno dopo il popolo si alzò di buon mattino, costruì in quel luogo un altare e offrì olocausti e sacrifici di comunione.
5 Sinabi ng mga tao ng Israel, “Alin sa lahat ng lipi ng Israel ang hindi dumalo sa pagpupulong para kay Yahweh?” Dahil gumawa sila ng isang mahalagang pangako tungkol sa sinumang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa. Sinabi nila, “Tiyak na ipapapatay siya.”
Poi gli Israeliti dissero: «Chi è fra tutte le tribù d'Israele, che non sia venuto all'assemblea davanti al Signore?». Perché c'era stato questo grande giuramento contro chi non fosse venuto alla presenza del Signore a Mizpa: «Sarà messo a morte».
6 May malasakit ang mga tao ng Israel sa kapatid nilang si Benjamita. Sinabi nila, “Ngayong araw isang lipi ang ititiwalag mula sa Israel.
Gli Israeliti si pentivano di quello che avevano fatto a Beniamino loro fratello e dicevano: «Oggi è stata soppressa una tribù d'Israele.
7 Sino ang magbibigay ng mga asawang babae para sa mga naiwan, dahil mayroon tayong ginawang isang pangako kay Yahweh na hindi natin hahayaan ang sinuman sa kanila na maipakasal sa ating mga anak na babae?”
Come faremo per le donne dei superstiti, perché abbiamo giurato per il Signore di non dar loro in moglie nessuna delle nostre figlie?».
8 Sinabi nila, “Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa?” Nakitang wala ni isa ang pumunta sa kapulungan mula sa Jabes Galaad.
Dissero dunque: «Qual è fra le tribù d'Israele quella che non è venuta davanti al Signore a Mizpa?». Risultò che nessuno di Iabes di Gàlaad era venuto all'accampamento dove era l'assemblea;
9 Dahil nang binilang ng mga tao sa isang maayos na paraan, masdan ninyo, wala sa mga naninirahan sa Jabes Galaad ang naroon.
fatta la rassegna del popolo si era trovato che là non vi era nessuno degli abitanti di Iabes di Gàlaad.
10 Nagpadala ang kapulungan ng 12, 000 sa kanilang pinakamatatapang na tauhan at inutusang magtungo sa Jabes Galaad at salakayin at patayin sila, kahit ang mga kababaihan at mga bata.
Allora la comunità vi mandò dodicimila uomini dei più valorosi e ordinò: «Andate e passate a fil di spada gli abitanti di Iabes di Gàlaad, comprese le donne e i bambini.
11 “Gawin ito: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki at bawat babaeng nakipagsiping sa isang lalaki.”
Farete così: ucciderete ogni maschio e ogni donna che abbia avuto rapporti con un uomo; invece risparmierete le vergini».
12 Nakita ng mga kalalakihan ang apat na daang kababaihan na naninirahan sa Jabes Galaad na hindi pa nasipingan ng isang lalaki, at dinala sila sa kampo ng Silo, sa Canaan.
Trovarono fra gli abitanti di Iabes di Gàlaad quattrocento fanciulle vergini, che non avevano avuto rapporti con alcuno, e le condussero all'accampamento, a Silo, che è nel paese di Canaan.
13 Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan.
Allora tutta la comunità mandò messaggeri per parlare ai figli di Beniamino che erano alla roccia di Rimmon e per proclamar loro la pace.
14 Kaya bumalik ang Benjaminita sa panahon na iyon at binigyan sila ng kababaihan sa Jabesh Gilead. Dahil hindi sapat ang kababaihan para sa kanilang lahat.
Così i Beniaminiti tornarono e furono loro date le donne a cui era stata risparmiata la vita fra le donne di Iabes di Gàlaad; ma non erano sufficienti per tutti.
15 Nalungkot ang mga tao sa nangyari kay Benjamin, dahil gumawa si Yahweh ng isang pagkakahati-hati sa pagitan ng mga lipi ng Israel.
Il popolo dunque si era pentito di quello che aveva fatto a Beniamino, perché il Signore aveva aperto una breccia fra le tribù d'Israele.
16 Pagkatapos sinabi ng mga namumuno ng kapulungan, “Paano natin aayusin ang mga asawang babae para sa mga Benjamita na naiwan, simula nang pinatay ang mga kababaihan ni Benjamin?”
Gli anziani della comunità dissero: «Come procureremo donne ai superstiti, poiché le donne beniaminite sono state distrutte?».
17 Sinabi nila,” Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel.
Soggiunsero: «Le proprietà dei superstiti devono appartenere a Beniamino perché non sia soppressa una tribù in Israele.
18 Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”'
Ma noi non possiamo dar loro in moglie le nostre figlie, perché gli Israeliti hanno giurato: Maledetto chi darà una moglie a Beniamino!».
19 Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).”
Aggiunsero: «Ecco ogni anno si fa una festa per il Signore a Silo», che è a nord di Betel, a oriente della strada che va da Betel a Sichem e a mezzogiorno di Lebona.
20 Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, “Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan.
Diedero quest'ordine ai figli di Beniamino: «Andate, appostatevi nelle vigne
21 Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin.
e state a vedere: quando le fanciulle di Silo usciranno per danzare in coro, uscite dalle vigne, rapite ciascuno una donna tra le fanciulle di Silo e ve ne andrete nel paese di Beniamino.
22 Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”'
Quando i loro padri o i loro fratelli verranno a discutere con voi, direte loro: Concedetele a noi: abbiamo preso ciascuno una donna come in battaglia... ma se ce le aveste date voi stessi, allora avreste peccato».
23 Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay.
I figli di Beniamino fecero a quel modo: si presero mogli, secondo il loro numero, fra le danzatrici; le rapirono, poi partirono e tornarono nel loro territorio, riedificarono le città e vi stabilirono la dimora.
24 Pagkatapos iniwan ng mga tao ng Israel ang lugar at umuwi, bawat isa sa kaniyang sariling lipi at angkan, at bawat isa sa kaniyang sariling mana.
In quel medesimo tempo, gli Israeliti se ne andarono ciascuno nella sua tribù e nella sua famiglia e da quel luogo ciascuno si diresse verso la sua eredità.
25 Sa mga panahon na iyon walang hari sa Israel. Ginawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kanilang sariling mga paningin.
In quel tempo non c'era un re in Israele; ognuno faceva quel che gli pareva meglio.