< Mga Hukom 2 >

1 Umakyat ang anghel ni Yahweh mula sa Gilgal patungo Bochim at sinabing, “Kinuha ko kayo mula sa Ehipto, at dinala kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ama. Sinabi ko na, 'hindi ko kailanman sisirain ang aking tipan sa inyo.
ヱホバの使者ギルガルよりボキムに上りていひけるは我汝等をエジプトより上らしめわが汝らの先祖に誓ひたる地に携へ來れりまた我いひけらくわれ汝らと締べる契約を絶てやぶることあらじ
2 Hindi kayo dapat gumawa ng kasunduan sa mga naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar.' Subalit hindi kayo nakinig sa aking tinig. Ano itong ginawa ninyo?
汝らはこの國の民と契約を締ぶべからずかれらの祭壇を毀つべしとしかるに汝らはわが聲に從はざりき汝ら如何なれば斯ることをなせしや
3 Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'”
我またいひけらくわれ汝らの前より彼らを追ふべからずかれら反て汝等の肋を刺す荊棘とならんまた彼らの神々は汝等の罟となるべし
4 Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
ヱホバの使これらの言をイスラエルのすべての子孫に語しかば民聲をあげて哭ぬ
5 Tinawag nilang Bochim ang lugar na iyon. Doon ay naghandog sila ng mga alay kay Yahweh.
故に其所の名をボキム(哭者)と呼ぶかれら彼所にてヱホバに祭物を獻げたり
6 Ngayon nang pinahayo ni Josue ang mga tao sa kanilang landas, ang bayan ng Israel ay pumunta sa lugar na itinalaga, para ariin ang kanilang lupain.
ヨシユア民を去しめたればイスラエルの子孫おのおのその領地におもむきて地を獲たり
7 Naglingkod kay Yahweh ang bayan sa buong buhay ni Josue at ng mga nakakatanda na namuhay nang higit na matagal kaysa sa kaniya, silang mga nakakita ng lahat na dakilang gawa ni Yahweh para sa Israel.
ヨシユアの世にありし間またヨシユアより後に生きのこりたる長老等の世にありしあひだ民はヱホバに事へたりこの長老等はヱホバのかつてイスラエルのために成したまひし諸の大なる行爲を見しものなり
8 Si Josue na anak ni Nun na lingkod ni Yahweh, ay namatay sa gulang na 110 taon.
ヱホバの僕ヌンの子ヨシユア百十歳にて死り
9 Inilibing nila si Josue sa hangganan ng lupaing nakatalaga sa kaniya sa Timnat Heres, sa bulubundukin ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaas.
衆人エフライムの山のテムナテヘレスにあるかれらの產業の地においてガアシ山の北にこれを葬れり
10 Ang buong salinlahi ay nagtipon din sa kanilang mga ama. At ang isa pang salinlahing nagsitanda pagkatpos nilang hindi makakilala kay Yahweh o sa mga ginawa niya para sa Israel.
かくてまたその時代のものことごとくその先祖のもとにあつめられその後に至りて他の時代おこりしが是はヱホバを識ずまたそのイスラエルのために爲したまひし行爲をも識ざりき
11 Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.
イスラエルの子孫ヱホバのまへに惡きことを作してバアリムにつかへ
12 Humiwalay sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ama, na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto. Sumunod sila sa ibang diyus-diyosan, sa mga diyus-diyosan ng mga taong nasa palibot nila, at nagpatirapa sila sa kanila. Kanilang ginalit si Yahweh dahil
かつてエジプトの地よりかれらを出したまひしその先祖の神ヱホバを棄てて他の神すなはちその四周なる國民の神にしたがひ之に跪づきてヱホバの怒を惹起せり
13 humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret.
即ちかれらヱホバをすててバアルとアシタロテに事へたれば
14 Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
ヱホバはげしくイスラエルを怒りたまひ掠むるものの手にわたして之を掠めしめかつ四周なるもろもろの敵の手にこれを賣たまひしかばかれらふたたびその敵の前に立つことを得ざりき
15 Saanman magtungo ang Israel para lumaban, ang kamay ni Yahweh ay laban sa kanila para matalo sila, gaya ng kaniyang isinumpa sa kanila. At sila'y nasa matinding kapighatian.
かれらいづこに往くもヱホバの手これに災をなしぬ是はヱホバのいひたまひしごとくヱホバのこれに誓ひたまひしごとしここにおいてかれら惱むこと甚だしかりしが
16 Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian.
ヱホバ士師を立てたまひたればかれらこれを掠むるものの手よりすくひ出したり
17 Gayunma'y hindi sila nakinig sa kanilang mga hukom. Sila ay hindi tapat kay Yahweh at ibinigay ang kanilang mga sarili tulad ng mga bayarang babae sa ibang mga diyus-diyosan at sumamba sa kanila. Sa madaling panahon ay lumihis sila mula sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ama—iyong mga sumunod sa mga utos ni Yahweh—pero sila mismo ay hindi ito ginawa.
然るにかれらその士師にもしたがはず反りて他の神を慕て之と淫をおこなひ之に跪き先祖がヱホバの命令に從がひて歩みたることろの道を頓に離れ去りてその如くには行はざりき
18 Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
かれらのためにヱホバ士師を立てたまひし時に方りてはヱホバつねにその士師とともに在しその士師の世に在る間はヱホバかれらを敵の手よりすくひ出したまへり此はかれらおのれを虐げくるしむるものありしを呻きかなしめるによりてヱホバ之を哀れみたまひたればなり
19 Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
されどその士師の死しのちまた戻きて先祖よりも甚だしく邪曲を行ひ他の神にしたがひてこれに事へ之に跪きておのれの行爲を息めずその頑固なる路を離れざりき
20 Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel; kaniyang sinabi, “Dahil sinuway ng bansang ito ang mga alituntunin ng aking tipang itinatag ko para sa kanilang mga ama—dahil hindi sila nakinig sa aking tinig—
是をもてヱホバはげしくイスラエルをいかりていひたまはく此民はわがかつてその列祖に命じたる契約を犯し吾聲に從がはざるがゆゑに
21 mula ngayon, hindi ko na itataboy mula sa harapan nila ang alinman sa mga bansang iniwan ni Josue nang namatay siya.
我もまたいまよりはヨシユアがその死しときに存しおけるいづれの國民をもかれらのまへより逐ひはらはざるべし
22 Gagawin ko ito para subukin ang Israel, kung susunod sila sa paraan ni Yahweh at lalakad dito o hindi, tulad ng pagsunod dito ng kanilang mga ama.”
此は我イスラエルがその先祖の守りしごとくヱホバの道を守りてこれに歩むやいなやを試みんがためなりと
23 Iyan ang dahilan kung bakit itinira ni Yahweh ang mga bansang iyon at hindi niya sila itinaboy agad, at kung bakit hindi niya pinayagang sakupin sila ni Josue.
ヱホバはこれらの國民を逐はらふことを速にせずして之を遺しおきてヨシユアの手に付したまはざりしなり

< Mga Hukom 2 >