< Mga Hukom 19 >

1 Sa mga araw na iyon, nang walang hari sa Israel, mayroong isang lalaki, isang Levita, na pansamantalang naninirahan sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim. Kumuha siya ng isang babae para sa kaniyang sarili, isa pang asawa mula sa Bethlehem sa Juda.
ויהי בימים ההם ומלך אין בישראל ויהי איש לוי גר בירכתי הר אפרים ויקח לו אשה פילגש מבית לחם יהודה׃
2 Pero ang isa pa niyang asawa ay taksil sa kaniya; iniwanan siya at bumalik sa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem ng Juda. Nanatili siya roon sa loob ng apat na buwan.
ותזנה עליו פילגשו ותלך מאתו אל בית אביה אל בית לחם יהודה ותהי שם ימים ארבעה חדשים׃
3 Pagkatapos tumayo ang kaniyang asawa at pumunta sa kaniya para hikayatin siyang bumalik. Kasama niya ang kaniyang tagapaglingkod, at isang pares ng mga asno. Dinala niya siya sa bahay ng kaniyang ama.
ויקם אישה וילך אחריה לדבר על לבה להשיבו ונערו עמו וצמד חמרים ותביאהו בית אביה ויראהו אבי הנערה וישמח לקראתו׃
4 Nang nakita siya ng ama ng babae, nagalak siya. Ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae, ay hinikayat siyang manatili sa loob ng tatlong araw. Kumain sila at uminom, at nagpalipas sila ng gabi roon.
ויחזק בו חתנו אבי הנערה וישב אתו שלשת ימים ויאכלו וישתו וילינו שם׃
5 Sa ika-apat na araw maaga silang bumangon at naghanda siya para umalis, pero sinabihan ng ama ng babae ang kaniyang manugang, “Palakasin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaunting tinapay, pagkatapos maaari kanang umalis.”
ויהי ביום הרביעי וישכימו בבקר ויקם ללכת ויאמר אבי הנערה אל חתנו סעד לבך פת לחם ואחר תלכו׃
6 Kaya ang dalawa sa kanila ay umupo para kumain at uminom na magkasama. Pagkatapos sinabi ng ama ng babae, “Pakiusap pumayag na magpalipas ng gabi at magpakasaya.”
וישבו ויאכלו שניהם יחדו וישתו ויאמר אבי הנערה אל האיש הואל נא ולין ויטב לבך׃
7 Nang gumising ng maaga ang Levita para umalis, hinimok siya ng ama ng dalagang babae na manatili, kaya binago niya ang kaniyang binalak at muling nagpalipas ng gabi roon.
ויקם האיש ללכת ויפצר בו חתנו וישב וילן שם׃
8 Sa ika-limang araw gumising siya ng maaga para umalis, pero sinabi ng ama ng babae, “Palakasin mo ang iyong sarili, maghintay hanggang hapon.” Kaya kumain silang dalawa.
וישכם בבקר ביום החמישי ללכת ויאמר אבי הנערה סעד נא לבבך והתמהמהו עד נטות היום ויאכלו שניהם׃
9 Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.”
ויקם האיש ללכת הוא ופילגשו ונערו ויאמר לו חתנו אבי הנערה הנה נא רפה היום לערב לינו נא הנה חנות היום לין פה וייטב לבבך והשכמתם מחר לדרככם והלכת לאהלך׃
10 Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa.
ולא אבה האיש ללון ויקם וילך ויבא עד נכח יבוס היא ירושלם ועמו צמד חמורים חבושים ופילגשו עמו׃
11 Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.”
הם עם יבוס והיום רד מאד ויאמר הנער אל אדניו לכה נא ונסורה אל עיר היבוסי הזאת ונלין בה׃
12 Sinabi ng kaniyang amo sa kaniya, “Hindi tayo lilihis patungo sa isang lugnsod ng mga dayuhan na hindi kabilang sa bayan ng Israel. Pupunta tayo sa Gabaa.”
ויאמר אליו אדניו לא נסור אל עיר נכרי אשר לא מבני ישראל הנה ועברנו עד גבעה׃
13 Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, “Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama.”
ויאמר לנערו לך ונקרבה באחד המקמות ולנו בגבעה או ברמה׃
14 Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin.
ויעברו וילכו ותבא להם השמש אצל הגבעה אשר לבנימן׃
15 Lumihis sila roon para magpalipas ng gabi sa Gabaa. At pumasok siya at umupo sa plasa ng lungsod, sapagka't walang isa mang nagpatuloy sa kanila sa kaniyang bahay para sa gabi.
ויסרו שם לבוא ללון בגבעה ויבא וישב ברחוב העיר ואין איש מאסף אותם הביתה ללון׃
16 Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita.
והנה איש זקן בא מן מעשהו מן השדה בערב והאיש מהר אפרים והוא גר בגבעה ואנשי המקום בני ימיני׃
17 Tumingin siya at nakita ang manlalakbay sa plasa ng lungsod. Sinabi ng matandang lalaki, “Saan ka pupunta? Saan ka nanggaling?”
וישא עיניו וירא את האיש הארח ברחב העיר ויאמר האיש הזקן אנה תלך ומאין תבוא׃
18 Sinabi ng Levita sa kaniya, “Kami ay naglalakbay mula sa Bethlehem sa Juda patungo sa pinakamalayong bahagi ng burol na bansa ng Efraim, na kung saan ako nagmula. Pumunta ako sa Bethlehem sa Juda, at papunta ako sa bahay ni Yahweh, pero wala ni isang magdadala sa akin sa kaniyang bahay.
ויאמר אליו עברים אנחנו מבית לחם יהודה עד ירכתי הר אפרים משם אנכי ואלך עד בית לחם יהודה ואת בית יהוה אני הלך ואין איש מאסף אותי הביתה׃
19 Mayroon kaming dayami at pakain para sa aming mga asno, at mayroong tinapay at alak para sa akin at sa iyong babaeng lingkod dito, at para sa binatang ito na kasama ng iyong mga lingkod. Wala kaming kakulangan.”
וגם תבן גם מספוא יש לחמורינו וגם לחם ויין יש לי ולאמתך ולנער עם עבדיך אין מחסור כל דבר׃
20 Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
ויאמר האיש הזקן שלום לך רק כל מחסורך עלי רק ברחוב אל תלן׃
21 Kaya dinala ng lalaki ang Levita sa kaniyang bahay at nagbigay ng pakain para sa mga asno. Hinugasan nila ang kanilang mga paa at kumain at uminom.
ויביאהו לביתו ויבול לחמורים וירחצו רגליהם ויאכלו וישתו׃
22 Nagsasaya sila, nang ang mga kalalakihan sa lungsod, masasamang lalaki, ay pinalibutan ang bahay, hinahampas ang pinto. Nakipag-usap sila sa matandang lalaki, ang amo ng bahay, at sinabing, “Palabasin ang lalaking dumating sa iyong bahay, para makilala namin siya.”
המה מיטיבים את לבם והנה אנשי העיר אנשי בני בליעל נסבו את הבית מתדפקים על הדלת ויאמרו אל האיש בעל הבית הזקן לאמר הוצא את האיש אשר בא אל ביתך ונדענו׃
23 Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito!
ויצא אליהם האיש בעל הבית ויאמר אלהם אל אחי אל תרעו נא אחרי אשר בא האיש הזה אל ביתי אל תעשו את הנבלה הזאת׃
24 Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!”
הנה בתי הבתולה ופילגשהו אוציאה נא אותם וענו אותם ועשו להם הטוב בעיניכם ולאיש הזה לא תעשו דבר הנבלה הזאת׃
25 Pero ayaw makinig sa kaniya ng mga kalalakihan, kaya kinuha ng lalaki ang kaniyang isa pang asawa at inilabas siya sa kanila. Kinuha siya nila, ginahasa siya, at inabuso siya nang buong magdamag, at hinayaan nila siyang umalis ng madaling araw.
ולא אבו האנשים לשמע לו ויחזק האיש בפילגשו ויצא אליהם החוץ וידעו אותה ויתעללו בה כל הלילה עד הבקר וישלחוה בעלות השחר׃
26 Sa madaling araw dumating ang babae at bumagsak sa pinto ng bahay ng lalaki kung saan naroon ang kaniyang amo, at nahiga siya roon hanggang sa magliwanag.
ותבא האשה לפנות הבקר ותפל פתח בית האיש אשר אדוניה שם עד האור׃
27 Bumangon ang kaniyang amo sa umaga at binuksan ang mga pinto ng bahay at umalis papunta sa kainyang paroroonan. Nakikita niya ang kaniyang isa pang asawa na nakahiga roon sa pintuan, na ang mga kamay ay nasa bungad.
ויקם אדניה בבקר ויפתח דלתות הבית ויצא ללכת לדרכו והנה האשה פילגשו נפלת פתח הבית וידיה על הסף׃
28 Sinabi ng Levita sa kaniya, “Bumangon ka. Umalis na tayo.” Pero walang sagot. Isinakay niya siya sa asno at umalis ang lalaki para umuwi.
ויאמר אליה קומי ונלכה ואין ענה ויקחה על החמור ויקם האיש וילך למקמו׃
29 Nang makarating ang Levita sa kaniyang bahay, kumuha siya ng isang kutsilyo, at hinawakan niya ang kaniyang isa pang asawa, at pinagputul-putol siya, biyas sa biyas, sa labing dalawang piraso, at pinadala ang mga piraso sa lahat ng dako ng Israel.
ויבא אל ביתו ויקח את המאכלת ויחזק בפילגשו וינתחה לעצמיה לשנים עשר נתחים וישלחה בכל גבול ישראל׃
30 Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!”
והיה כל הראה ואמר לא נהיתה ולא נראתה כזאת למיום עלות בני ישראל מארץ מצרים עד היום הזה שימו לכם עליה עצו ודברו׃

< Mga Hukom 19 >