< Mga Hukom 18 >

1 Sa panahong iyon walang hari sa Israel. Naghahanap ang tribo ng mga kaapu-apuhan ni Dan ng isang teritoryo para tirahan, hanggang sa araw na iyon hindi sila nakatanggap ng anumang pamana mula sa mga lipi ng Israel.
那時,以色列中沒有王。但支派的人仍是尋地居住;因為到那日子,他們還沒有在以色列支派中得地為業。
2 Ang bayan ng Dan ay nagpadala ng limang kalalakihan mula sa kabuuang bilang ng kanilang lipi, kalalakihan na bihasang mandirigma mula sa Zora at mula sa Estaol, para manmanan ang lupain habang naglalakad, at titingnan ito. Sinabi nila sa kanila, “Humayo at tingnan ang lupain.” Nakarating sila sa burol na bansa ng Efraim, hanggang sa bahay ni Mikias, at nagpalipas sila ng gabi roon.
但人從瑣拉和以實陶打發本族中的五個勇士,去仔細窺探那地,吩咐他們說:「你們去窺探那地。」他們來到以法蓮山地,進了米迦的住宅,就在那裏住宿。
3 Nang malapit na sila sa bahay ni Mikias, nakilala nila ang pananalita ng binatang Levita. Kaya huminto sila at nagtanong sa kaniya, “Sino ang nagdala sa iyo dito? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ka nandito?”
他們臨近米迦的住宅,聽出那少年利未人的口音來,就進去問他說:「誰領你到這裏來?你在這裏做甚麼?你在這裏得甚麼?」
4 Sinabi niya sa kanila, “Ito ang ginawa ni Mikias sa akin: Inupahan niya ako para maging kaniyang pari.”
他回答說:「米迦待我如此如此,請我作祭司。」
5 Sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap alamin ang payo ng Diyos, para malaman namin kung magtatagumpay ba kami sa pupuntahang paglalakbay.
他們對他說:「請你求問上帝,使我們知道所行的道路通達不通達。」
6 Ang sinabi ng pari sa kanila, “Umalis kayo nang payapa. Papatnubayan kayo ni Yahweh sa landas na dapat ninyong lakaran.”
祭司對他們說:「你們可以平平安安地去,你們所行的道路是在耶和華面前的。」
7 Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman.
五人就走了,來到拉億,見那裏的民安居無慮,如同西頓人安居一樣。在那地沒有人掌權擾亂他們;他們離西頓人也遠,與別人沒有來往。
8 Bumalik sila sa kanilang lipi sa Zora at Estaol. Tinanong sila ng kanilang mga kamag-anak, “Ano ang inyong balita?”
五人回到瑣拉和以實陶,見他們的弟兄;弟兄問他們說:「你們有甚麼話?」
9 Sinabi nila, “Halina! salakayin natin sila! Nakita namin ang lupain at ito'y napakabuti. Wala ba kayong ginagawa? Huwag bagalan ang pagsalakay at pagsakop sa lupain.
他們回答說:「起來,我們上去攻擊他們吧!我們已經窺探那地,見那地甚好。你們為何靜坐不動呢?要急速前往得那地為業,不可遲延。
10 Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo.”
你們到了那裏,必看見安居無慮的民,地也寬闊。上帝已將那地交在你們手中;那地百物俱全,一無所缺。」
11 Anim na raang kalalakihan ng lipi ng Dan, mga armado ng mga pandigmang sandata, na umalis mula sa Zora at Estaol.
於是但族中的六百人,各帶兵器,從瑣拉和以實陶前往,
12 Umakyat sila at nagkampo sa Kiriath Jearim, sa Juda. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ng mga tao ang lugar na Mahaneh Dan hanggang sa araw na ito; nasa kanluran ito ng Kiriath Jearim.
上到猶大的基列‧耶琳,在基列‧耶琳後邊安營。因此那地方名叫瑪哈尼‧但,直到今日。
13 Umalis sila mula sa burol na bansa ng Efraim at nakarating sa bahay ni Mikias.
他們從那裏往以法蓮山地去,來到米迦的住宅。
14 Pagkatapos ang limang kalalakihang nagmamanman sa bansa ng Lais ay nagsabi sa kanilang kamag-anak, “Alam ba ninyo na sa mga bahay na ito ay may isang epod, mga sambahayan ng diyos, isang inukit na anyo, at isang hinulmang metal na anyo? Magpasya na ngayon kung ano ang inyong gagawin.”
從前窺探拉億地的五個人對他們的弟兄說:「這宅子裏有以弗得和家中的神像,並雕刻的像與鑄成的像,你們知道嗎?現在你們要想一想當怎樣行。」
15 Kaya bumalik sila roon at nakarating sa bahay ng binatang Levita, sa bahay ni Mikias, at kanilang binati siya.
五人就進入米迦的住宅,到了那少年利未人的房內問他好。
16 Ngayon ang anim na raang Daneo, armado ng mga sandatang pandigma, nakatayo sa pasukan ng tarangkahan.
那六百但人各帶兵器,站在門口。
17 Pumunta doon ang limang kalalakihan na nagmanman sa lupain at kinuha nila ang inukit na anyo, ang epod, at ang mga pansambahayang diyos, at ang hinulmang metal na anyo, habang nakatayo ang pari sa bungad ng tarangkahan kasama ang anim na raang armadong kalalakihan ng mga sandatang pandigma.
窺探地的五個人走進去,將雕刻的像、以弗得、家中的神像,並鑄成的像,都拿了去。祭司和帶兵器的六百人,一同站在門口。
18 Nang ang mga ito ay pumunta sa bahay ni Mikias at kinuha ang inukit na anyo, ang epod, mga pansambahayang diyos, at hinulmang metal na anyo, sinabi ng pari sa kanila, “Ano ang ginagawa ninyo?”
那五個人進入米迦的住宅,拿出雕刻的像、以弗得、家中的神像,並鑄成的像,祭司就問他們說:「你們做甚麼呢?」
19 Sinabi nila sa kaniya, “Tumahimik kayo! Ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama sa amin, at maging ama at pari sa amin. Mas mabuti ba sa iyo na maging pari sa bahay ng isang lalaki, o maging pari para sa isang lipi at isang angkan sa Israel?”
他們回答說:「不要作聲,用手摀口,跟我們去吧!我們必以你為父、為祭司。你作一家的祭司好呢?還是作以色列一族一支派的祭司好呢?」
20 Nagalak ang puso ng pari. Kinuha niya ang epod, mga sambahayan ng diyos at ang inukit na anyo, at sumama sa mga tao.
祭司心裏喜悅,便拿着以弗得和家中的神像,並雕刻的像,進入他們中間。
21 Kaya tumalikod sila at umalis. Nilagay nila ang maliit na mga bata sa kanilang harapan, pati na rin ang mga baka at ang kanilang mga ari-arian.
他們就轉身離開那裏,妻子、兒女、牲畜、財物都在前頭。
22 Nang malayo na sila mula sa bahay ni Mikias, ang mga kalalakihan na nasa mga bahay na malapit sa bahay ni Mikias ay magkasamang pinatawag, at inabutan nila ang mga Daneo.
離米迦的住宅已遠,米迦的近鄰都聚集來,追趕但人,
23 Sumigaw sila sa mga Daneo, at tumalikod sila at sinabi kay Mikias, “Bakit kayo magkasamang pinatawag?”
呼叫但人。但人回頭問米迦說:「你聚集這許多人來做甚麼呢?」
24 Sinabi niya, “Ninakaw ninyo ang mga diyos na ginawa ko, kinuha ninyo ang aking pari at aalis kayo. Ano pa ang maiiwan sa akin? Bakit ninyo ako tinatanong, 'Ano ang gumugulo sa iyo?'”
米迦說:「你們將我所做的神像和祭司都帶了去,我還有所剩的嗎?怎麼還問我說『做甚麼』呢?」
25 Sinabi ng mga tao ng Dan sa kaniya, “Hindi mo kami dapat hayaang marinig ka naming magsabi ng anumang bagay, o sasalakayin ka ng ilang galit na galit na mga kalalakihan at ikaw at iyong pamilya ay mapapatay.”
但人對米迦說:「你不要使我們聽見你的聲音,恐怕有性暴的人攻擊你,以致你和你的全家盡都喪命。」
26 Pagkatapos nagpatuloy ang mga tao ng Dan sa kanilang pinaroroonan. Nang nakita ni Mikias na sila ay napakalakas para sa kaniya, tumalikod siya at bumalik sa kaniyang bahay.
但人還是走他們的路。米迦見他們的勢力比自己強盛,就轉身回家去了。
27 Kinuha ng bayan ng Dan kung ano ang ginawa ni Mikias, kasama rin pati ang kaniyang pari, at nakarating sila sa Lais, sa mga tao na siyang panatag at ligtas at pinatay nila sila gamit ang espada at sinunog ang lungsod.
但人將米迦所做的神像和他的祭司都帶到拉億,見安居無慮的民,就用刀殺了那民,又放火燒了那城,
28 Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon.
並無人搭救;因為離西頓遠,他們又與別人沒有來往。城在平原,那平原靠近伯‧利合。但人又在那裏修城居住,
29 Pinangalanan nila ang lungsod ng Dan, ang pangalan ni Dan na kanilang ninuno, na siyang isa sa mga anak na lalaki ng Israel. Pero ang dating pangalan ng lungsod ay Lais.
照着他們始祖以色列之子但的名字,給那城起名叫但;原先那城名叫拉億。
30 Inilagay ng bayan ng Dan ang inukit na anyo para sa kanilang sarili. At si Jonatan, anak ni Gersom, anak ni Moises, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki ay mga pari sa mga lipi ng Daneo hanggang sa araw ng pagbihag sa lupain.
但人就為自己設立那雕刻的像。摩西的孫子、革舜的兒子約拿單,和他的子孫作但支派的祭司,直到那地遭擄掠的日子。
31 Kaya sinamba nila ang inukit na anyo na ginawa ni Mikias hangga't ang bahay ng Diyos ay nasa Silo.
上帝的殿在示羅多少日子,但人為自己設立米迦所雕刻的像也在但多少日子。

< Mga Hukom 18 >