< Mga Hukom 16 >

1 Pumunta si Samson sa Gaza at nakita siya doon ng isang babaeng bayaran at sumama siya kasama ng babae sa kama.
Ein gong kom Samson til Gaza; der fekk han sjå ei skjøkja, og gjekk inn til henne.
2 Sinabi sa mga taga-Gaza “nagpunta dito si Samson.” Pinaligiran ng mga taga-Gaza ang lugar at lihim na naghintay sila sa kaniya ng buong magdamag sa tarangkahan ng lungsod. Wala silang gianwang pagkilos nang gabing iyon. Sinabi nila, “Maghintay tayo hanggang sa lumiwanag ang araw, at pagkatapos patayin natin siya.”
Då det spurdest bland folket i Gaza at Samson var komen der, ringa dei honom inne, og lurde på honom innmed byporten heile natti, men heldt seg elles rolege med natti var. «Me vil bia til det dagast; då skal me slå honom i hel, » tenkte dei.
3 Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron.
Samson vart liggjande til midt på natti. Midnattsbil reis han upp. Han tok tak i hurderne i byporten og i båe portstolparne, og rykte deim upp i hop med bommen, lagde deim på herdarne, og bar deim upp på toppen av det fjellet som ligg midt for Hebron.
4 Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah.
Sidan lagde han hug til ei kvinna i Sorekdalen, som heitte Dalila.
5 Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak”
Då kom filistarfyrstarne upp til henne og sagde: «Sjå um du kann få lokka honom til å segja deg kvar han hev den store styrken sin frå, og korleis me kann råda med honom og binda honom, so me fær døyvt honom! Då skal me gjeva deg tusund sylvdalar kvar, og meir.
6 At sinabi ni Delilah kay Samson, “Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?”
So sagde Dalila til Samson: «Kjære, seg meg kvar du hev den store styrken din frå, og korleis du kann bindast, so ein fær døyvt deg!»
7 Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo, sa gayon magiging mahina ako at magiging tulad ng sinumang tao.
«Dersom dei bind meg med sju rå senestrengjer, som ikkje hev vorte turre, so veiknar eg og vert som eit anna menneskjebarn, » svara han.
8 Pagkatapos nagdala ang mga pinuno ng Palestina kay Delilah ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo at tinalian niya si Samson sa pamamagitan nito.
Då kom filistarfyrstarne upp til henne med sju rå senestrengjer, som ikkje hadde vorte turre; deim batt ho honom med,
9 Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!” Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas.
og i kammerset hadde ho folk sitjande og lura. So ropa ho: «filistarane er yver deg, Samson!» Då sleit han sund strengjerne, som ein strytråd brest når han kjem innåt elden, og ingen fekk vita kvar han hadde styrken sin frå.
10 Pagkatapos sinabi ni Delilah kay Samson, “Sa ganitong paraan mo ako nilinlang at nagsabi sa akin ng mga kasinungalingan. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung papaano ka maaaring malupig.”
So sagde ho til honom: Du hev narra meg, og loge for meg. Kjære, seg meg no korleis du kann bindast!»
11 Sinabi niya sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit sa trabaho, magiging mahina ako at gaya ng sinumang tao.”
«Dersom dei bind meg vel med nye reip som aldri hev vore bruka til noko, so veiknar eg og vert som eit anna menneskjebarn, » svara han.
12 Kaya kumuha si Delilah ng dalawang sariwang lubid at tinalian siya sa pamamagitan ng mga ito, at sinabi sa kaniya, “Ang mga Palestina ay patungo sa iyo, Samson!” Nakahiga ang mga lalaki na naghihintay sa sulok ng kuwarto. pero natanggal ni Samson ang mga lubid mula sa kaiyang mga braso na para lamang isang sinulid ang mga ito.
So tok Dalila nye reip og batt honom med, og ropa: «Filistarane er yver deg, Samson!» og i kammerset sat det folk og lurde. Men han sleit reipi av armarne sine, som det var tråd.
13 Sinabi ni Delilah kay Samson, “Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao.”
Då sagde Dalila til honom: «Til dessa hev du narra meg og loge for meg! Seg no korleis du kann bindast!» «Dersom du vev dei sju hårflettorne mine inn i veven!» svara han.
14 Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, “Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi.
So slo ho ått med vevskeidi, og ropa: «Filistarane er yver deg, Samson!» Då vakna han or svevnen, og rykte ut både vevskeidi og varpet.
15 Sinabi niya sa kaniya, “Papaano mo nasasabing, 'Mahal mo ako,' Hindi mo nga ibinabahagi ang mga lihim mo sa akin? Hinamak mo ako ng mga tatlong beses at hindi mo sinabi sa akin kung papaano ka nagkaroon ng matinding lakas.
So sagde ho til honom: «Korleis kann du segja du hev meg kjær, når du ikkje hev tiltru til meg? No hev du narra meg tri gonger og ikkje sagt meg kvar du hev den store styrken din frå!»
16 Araw-araw pinipilit niya siya sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at pinipilit niya siya nang lubusan na hiniling niyang siya ay mamatay na.
Som ho no tagg og truga dag etter dag, og aldri let honom få fred, vart han so leid seg at han vilde mest døy,
17 Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.
og so opna han heile sitt hjarta for henne: «Det hev aldri kome saks på mitt hovud, » sagde han; «for eg hev vore vigd til Gud alt ifrå morsliv. Vert eg raka, so fer styrken min frå meg; eg veiknar og vert som alle andre menneskjeborn.»
18 Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, “Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin.” Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay.
Då skyna Dalila at han hadde sagt henne heile sanningi; ho sende bod etter filistarfyrstarne, og sagde: «Kom her upp! For denne gongen hev han sagt meg heile sanningi.» Då kom filistarfyrstarne upp til henne, og hadde pengarne med seg.
19 Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas.
So svævde ho Samson i fanget sitt, og ropa på ein mann ho hadde sitjande der, og let honom klyppa dei sju hårflettorne hans; då tok han til å veikna, og styrken hans for frå honom.
20 Sinabi niya, “Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, “Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. “Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh.
Og Dalila ropa: «Filistarane er yver deg, Samson!» Då vakna han or svevnen, og tenkte: «Eg skal gjera meg fri og rista meg laus, som so mang ein gong fyrr; » for han visste ikkje at Herren hadde vendt seg ifrå honom.
21 Binihag siya ng mga Palestina at tinanggal ang kaniyang mga mata. Dinala nila siya pababa sa Gaza at tinalian siya ng mga tansong kadena. Ipinapaikot niya ang gilingang nasa mga kulungang bahay.
Filistarane tok Samson, og stakk ut augo på honom, og førde han ned til Gaza; der batt dei honom med dubbel koparlekkja, og han laut sveiva handkverni i fangehuset.
22 Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan.
Men håret hans tok til å veksa sterkt med same det var klypt.
23 Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala.
So kom Filistarfyrstarne i hop, og bar fram eit stort offer for Dagon, guden sin, og heldt fest; «for, » sagde dei, «vår gud hev gjeve Samson, vår uven, i vår magt.»
24 Nang makita siya ng mga tao, pinuri nila ang kanilang diyos, dahil sinabi nila, “Tinalo ng ating diyos ang ating kaaway at ibinigay siya sa atin—ang maninira ng ating bansa, na pinatay ang marami sa atin.”
og då folket såg honom, lova dei guden sin, og kvad: I handi vår gav guden vår uvenen vår, han som øydde landet vårt han som drap ned folket vårt.
25 Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi.
Som dei no var komne på godlag, ropa dei: «Henta Samson hit, so han kann leika for oss!» Då henta dei Samson or fangehuset, og han laut leika for deim. Dei sette honom millom stolparne.
26 Sinabi ni Samson sa batang lalaki na nakahawak sa kaniyang kamay, “Pahintulutan mo akong hawakan ang mga haligi kung saan nakasandig ang gusali, ng sa gayon makakasandal ako laban sa mga ito.”
Då sagde Samson til guten som leidde honom: «Slepp meg, og lat meg få halda i dei stolparne som huset kviler på, og stydja meg innåt deim!»
27 Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson.
Men huset var fullt av menner og kvinnor; alle filistarfyrstarne var der, og på taket var det um lag tri tusund menner og kvinnor, som såg på med Samson leika.
28 Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.”
Og Samson kalla på Herren og sagde: «Herre, min Gud, kom meg i hug, og styrk meg denne eine gongen, min Gud, so eg fær hemnt meg på filistarane for eitt av dei tvo augo mine!»
29 Hinawakan ni Samson ang gitna ng dalawang haligi kung saan nakasandig ang gusali at sumandal siya laban sa mga ito, isang haligi sa kaniyang kanang kamay, at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay.
So femnde han kringum båe midstolparne som huset kvilde på, og klemde deim innåt seg, ein med høgre, og ein med vinstre handi.
30 Sinabi ni Samson, “Hayaan akong mamatay kasama ng mga Palestina!” Itinulak niya sa pamamagitan ng kaniyang lakas, at bumagsak ang gusali sa mga pinuno at ang mga tao na nasa loob nito. Kaya ang mga tao na kaniyang napatay nang namatay siya ay mas marami kumpara doon sa kaniyang napatay sa panahon ng nabubuhay pa siya.
«Lat meg døy i hop med filistarane!» sagde han, og tok i med all si magt; då ramla huset i hop yver fyrstarne og yver alt folket som var der, og dei som han drap då han døydde, var fleire enn dei han hadde drepe med han livde.
31 Pagkatapos bumaba ang kaniyang mga kapatid at ang lahat na kasama sa bahay ng kaniyang ama, at siya ay Kinuha nila, at dinala siya pabalik at inilibing sa gitna ng Zora at Estaol, sa lugar ng libingan ng Manao, na kaniyang ama. Humatol si Samson sa Israel sa loob ng dalawangpung taon.
Men brørne hans og alt skyldfolket kom og tok honom, og førde honom heim, og sette honom ned i gravstaden åt Manoah, far hans, millom Sora og Estaol. Då hadde han styrt Israel i tjuge år.

< Mga Hukom 16 >