< Mga Hukom 15 >
1 Pagkatapos ng ilang mga araw, sa panahon ng pag-aani ng trigo, kumuha si Samson ng isang batang kambing at umalis para bisitahin ang kaniyang asawa. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Pupunta ako sa kuwarto ng aking asawa.” Pero hindi siya pinayagang pumasok ng ama ng kaniyang asawa.
過了些日子,到割麥子的時候,參孫帶着一隻山羊羔去看他的妻,說:「我要進內室見我的妻。」他岳父不容他進去,
2 Sinabi ng ama ng kaniyang asawa, “Akala ko galit ka sa kaniya, kaya ibinigay ko siya sa kaibigan mo. Ang kaniyang nakababatang kapatid na babae ay mas maganda kaysa sa kaniya, hindi ba? Siya nalang ang kunin mo.”
說:「我估定你是極其恨她,因此我將她給了你的陪伴。她的妹子不是比她還美麗嗎?你可以娶來代替她吧!」
3 Sinabi ni Samson sa kanila, sa oras na ito hindi ako magkakasala patungkol sa mga Palestina kapag sinaktan ko sila.
參孫說:「這回我加害於非利士人不算有罪。」
4 Kaya umalis si Samson at humuli ng tatlong daang soro at kaniyang itinali ng sama-sama ang bawat pares, buntot sa buntot. Pagkatapos kumuha siya ng mga sulo at itinali niya ang mga ito sa gitna ng bawat pares ng mga buntot.
於是參孫去捉了三百隻狐狸,將狐狸尾巴一對一對地捆上,將火把捆在兩條尾巴中間,
5 Nang inihanda niyang sunugin ang mga sulo, hinayaan niyang ang mga sorong magpuntahan sa mga nakatayong butil ng mga Palestina, at sinimulan nilang sunugin ang bawat nakasalansan na butil at ang mga butil na nakatayo sa bukid, kasama ng mga ubasan at ang mga halamanan ng olibo.
點着火把,就放狐狸進入非利士人站着的禾稼,將堆集的禾捆和未割的禾稼,並橄欖園盡都燒了。
6 Tinanong ng mga Palestina, “Sino ang gumawa nito?” Sinabi nila, “Si Samson, ang manugang ng taga-Timna, ginawa niya ito dahil kinuha ng taga-Timna ang asawa ni Samson at ibinigay siya sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos nagpunta ang mga Palestina at sinunog siya at ang kaniyang ama.
非利士人說:「這事是誰做的呢?」有人說:「是亭拿人的女婿參孫,因為他岳父將他的妻給了他的陪伴。」於是非利士人上去,用火燒了婦人和她的父親。
7 Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung ito ang ginawa ninyo, maghihiganti ako laban sa inyo, at pag nangyari na ito, hihinto na ako.
參孫對非利士人說:「你們既然這樣行,我必向你們報仇才肯罷休。」
8 Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.
參孫就大大擊殺他們,連腿帶腰都砍斷了。他便下去,住在以坦磐的穴內。
9 Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi.
非利士人上去安營在猶大,布散在利希。
10 Sinabi ng mga kalalakihan ng Juda, “Bakit kayo umakyat para salakayin kami?” Sinabi nila, “Sasalakay kami para mabihag si Samson, at gawin sa kaniya ang ginawa niya sa amin.”
猶大人說:「你們為何上來攻擊我們呢?」他們說:「我們上來是要捆綁參孫;他向我們怎樣行,我們也要向他怎樣行。」
11 Pagkatapos tatlong libong kalalakihan ng Juda ang bumaba sa kuweba sa talampas ng Etam, at sinabi nila kay Samson, “Hindi mo ba alam na ang mga Palestina ay naghahari sa amin?” Ano itong ginawa mo sa amin?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ginawa nila sa akin, ang ginawa ko sa kanila.”
於是有三千猶大人下到以坦磐的穴內,對參孫說:「非利士人轄制我們,你不知道嗎?你向我們行的是甚麼事呢?」他回答說:「他們向我怎樣行,我也要向他們怎樣行。」
12 Sinabi nila kay Samson, “Bumaba kami para talian ka at ipaubaya ka sa kapangyarihan ng mga Palestina.” Sinabi ni Samson sa kanila, “Ipangako ninyo sa akin na hindi ninyo ako papatayin.”
猶大人對他說:「我們下來是要捆綁你,將你交在非利士人手中。」參孫說:「你們要向我起誓,應承你們自己不害死我。」
13 Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, tatalian ka lang namin sa pamamagitan ng mga lubid at ibibigay sa kanila. Ipinapangako namin na hindi ka namin papatayin.” Pagkatapos siya ay tinalian nila sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at dinala paakyat mula sa bato.
他們說:「我們斷不殺你,只要將你捆綁交在非利士人手中。」於是用兩條新繩捆綁參孫,將他從以坦磐帶上去。
14 Nang makarating siya sa Lehi, nagsisigawang papalapit ang mga Palistana ng makita siya. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh sa kaniya ng may kapangyarihan. Ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ay naging katulad ng nasunog na lino at bumagsak ang mga ito sa kaniyang mga kamay.
參孫到了利希,非利士人都迎着喧嚷。耶和華的靈大大感動參孫,他臂上的繩就像火燒的麻一樣,他的綁繩都從他手上脫落下來。
15 Nakakita si Samsom ng isang sariwang panga ng isang asno, pinulot niya ito at pinatay ang isang libong kalalakihan sa pamamagitan nito.
他見一塊未乾的驢腮骨,就伸手拾起來,用以擊殺一千人。
16 Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, mga tambak sa ibabaw ng mga tambak, sa pamamagitan ng isang panga ng asno pinatay ko ang isang libong kalalakihan.”
參孫說: 我用驢腮骨殺人成堆, 用驢腮骨殺了一千人。
17 Nang matapos magsalita si Samson, itinapon niya ang panga ng asno at tinawag niya ang lugar na ito na Ramat-Lehi.
說完這話,就把那腮骨從手裏拋出去了。那地便叫拉末‧利希。
18 Uhaw na uhaw si Samson at tumawag kay Yahweh at sinabing, “Ibinigay mo itong dakilang tagumpay sa iyong lingkod, pero ngayon mamamatay ako sa pagka-uhaw at babagsak sa mga kamay ng mga hindi tuli?”
參孫甚覺口渴,就求告耶和華說:「你既藉僕人的手施行這麼大的拯救,豈可任我渴死、落在未受割禮的人手中呢?」
19 At biniyak ng Diyos ang hukay sa lugar iyon ng Lehi at lumabas ang tubig. Pagkatapos niyang uminom, nanumbalik ang kaniyang lakas at sumigla siya. Kaya tinawag niyang En Hakkore ang lugar na iyon, at ito ay nasa Lehi sa araw na ito.
上帝就使利希的窪處裂開,有水從其中湧出來。參孫喝了,精神復原;因此那泉名叫隱‧哈歌利,那泉直到今日還在利希。
20 Hinukuman ni Samson ang Israel sa mga panahon ng mga Palestina sa loob ng dalawangpung taon.
當非利士人轄制以色列人的時候,參孫作以色列的士師二十年。