< Mga Hukom 13 >

1 Muling gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh ang bayan ng Israel, at pinahintulutan niya sila na pamunuan ng mga Palestina sa loob ng apatnapung taon.
以色列人又行耶和华眼中看为恶的事,耶和华将他们交在非利士人手中四十年。
2 Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak.
那时,有一个琐拉人,是属但族的,名叫玛挪亚。他的妻不怀孕,不生育。
3 Nagpakita ang anghel ni Yahweh sa babae at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo ngayon, walang kang kakayahang magbuntis, at hindi ka magkaanak, pero mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki.
耶和华的使者向那妇人显现,对她说:“向来你不怀孕,不生育,如今你必怀孕生一个儿子。
4 Ngayon maging maingat, huwag uminom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang maruming pagkain na inihayag ng batas na madumi.
所以你当谨慎,清酒浓酒都不可喝,一切不洁之物也不可吃。
5 Masdan, mabubuntis ka at manganganak ng isang batang lalaki. Walang labaha ang gagamitin sa kaniyang ulo, sapagkat magiging Nazareo ang bata na inihandog para sa Diyos mula sa sinapupunan. Sisimulan niyang iligtas ang Israel mula sa kamay ng mga Palestina.”
你必怀孕生一个儿子,不可用剃头刀剃他的头,因为这孩子一出胎就归 神作拿细耳人。他必起首拯救以色列人脱离非利士人的手。”
6 Pagkatapos dumating ang babae at sinabi sa kaniyang asawa. “Nagpakita sa akin ang isang tao ng Diyos, at ang itsura ay katulad ng isang anghel ng Diyos, nagdulot siya sa akin ng labis na takot. Hindi ko tinanong kung saan siya galing, at hindi niya sinabi sa akin ang kaniyang pangalan.
妇人就回去对丈夫说:“有一个神人到我面前来,他的相貌如 神使者的相貌,甚是可畏。我没有问他从哪里来,他也没有将他的名告诉我,
7 Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'”
却对我说:‘你要怀孕生一个儿子,所以清酒浓酒都不可喝,一切不洁之物也不可吃;因为这孩子从出胎一直到死,必归 神作拿细耳人。’”
8 Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
玛挪亚就祈求耶和华说:“主啊,求你再差遣那神人到我们这里来,好指教我们怎样待这将要生的孩子。”
9 Sumagot ang Diyos sa panalangin ni Manoa, at muling dumating sa babae ang anghel ng Diyos nang nakaupo siya sa bukid. Pero hindi niya kasama si Manoa na kaniyang asawa.
神应允玛挪亚的话;妇人正坐在田间的时候, 神的使者又到她那里,她丈夫玛挪亚却没有同她在一处。
10 Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!”
妇人急忙跑去告诉丈夫说:“那日到我面前来的人,又向我显现。”
11 Tumayo si Manoa at sumunod sa kaniyang asawa. Nang lumapit siya sa tao, sinabi niya, “Ikaw ba iyong tao na naka-usap ng aking asawa?” Sinabi ng tao, “Ako nga.”
玛挪亚起来跟随他的妻来到那人面前,对他说:“与这妇人说话的就是你吗?”他说:“是我。”
12 Kaya sinabi ni Manoa, “Ngayon nawa ang iyong salita ay magkatotoo. Pero ano ang alintuntun para sa bata, at ano ang kaniyang magiging tungkulin?”
玛挪亚说:“愿你的话应验!我们当怎样待这孩子,他后来当怎样呢?”
13 Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, dapat maingat niyang gawin ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kaniya.
耶和华的使者对玛挪亚说:“我告诉妇人的一切事,她都当谨慎。
14 Huwag siyang kakain ng anumang bagay na nagmumula sa puno ng ubas, at huwag hayaang uminom ng alak o matapang na inumin; huwag siyang hayaang kumain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi. Dapat niyang sundin ang lahat ng bagay na sinabi kong gawin niya.
葡萄树所结的都不可吃,清酒浓酒都不可喝,一切不洁之物也不可吃。凡我所吩咐的,她都当遵守。”
15 Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, “Pakiusap manatili ka muna ng sandali, para bigyan kami ng panahon para maghanda ng isang batang kambing para sa iyo.”
玛挪亚对耶和华的使者说:“求你容我们款留你,好为你预备一只山羊羔。”
16 Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, “Kahit na manatili ako, hindi ko kakainin ang iyong pagkain. Pero kung maghahanda ka ng isang handog na susunugin, ihandog ito kay Yahweh.” (Hindi alam ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.)
耶和华的使者对玛挪亚说:“你虽然款留我,我却不吃你的食物,你若预备燔祭就当献与耶和华。”原来玛挪亚不知道他是耶和华的使者。
17 Sinabi ni Manoa sa anghel ni Yahweh, “Ano ang iyong pangalan, para maparangalan kita kapag nagkatotoo ang iyong mga salita?”
玛挪亚对耶和华的使者说:“请将你的名告诉我,到你话应验的时候,我们好尊敬你。”
18 Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!”
耶和华的使者对他说:“你何必问我的名,我名是奇妙的。”
19 Kaya kinuha ni Manoa ang batang kambing kasama ang handog na pagkaing butil at inihandog ang mga ito para kay Yahweh sa ibabaw ng bato. Gumawa siya ng isang bagay na kamangha-mangha habang nanunuod si Manoa at ang kaniyang asawa.
玛挪亚将一只山羊羔和素祭在磐石上献与耶和华,使者行奇妙的事;玛挪亚和他的妻观看,
20 Nang magliyab na ang apoy mula sa altar patungong langit, umakyat ang anghel ni Yahweh sa nagliliyab na apoy ng altar. Nakita ito ni Manoa at ng kaniyang asawa at nagpatirapa sila sa lupa.
见火焰从坛上往上升,耶和华的使者在坛上的火焰中也升上去了。玛挪亚和他的妻看见,就俯伏于地。
21 Hindi na muling nagpakita ang anghel ni Yahweh kay Manoa o sa kaniyang asawa. Pagkatapos malaman ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.
耶和华的使者不再向玛挪亚和他的妻显现,玛挪亚才知道他是耶和华的使者。
22 Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!”
玛挪亚对他的妻说:“我们必要死,因为看见了 神。”
23 Pero sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, “Kung nais tayong patayin ni Yahweh, hindi niya tatanggapin ang ating sinunog na handog at handog na pagkaing butil na ibinigay natin sa kaniya. Hindi niya ipapakita sa atin ang lahat ng mga bagay na ito, ni sa panahong ito na hayaan niya tayong marinig ang ganoong mga bagay.”
他的妻却对他说:“耶和华若要杀我们,必不从我们手里收纳燔祭和素祭,并不将这一切事指示我们,今日也不将这些话告诉我们。”
24 Dumating ang araw na nanganak ang babae sa isang batang lalaki, at tinawag siya sa pangalang Samson. Lumaki ang bata at pinagpala ni Yahweh.
后来妇人生了一个儿子,给他起名叫参孙。孩子长大,耶和华赐福与他。
25 Nagsimulang kumilos sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh sa Mahane Dan, sa pagitan ng Zora at Estaol.
在玛哈尼·但,就是琐拉和以实陶中间,耶和华的灵才感动他。

< Mga Hukom 13 >