< Mga Hukom 11 >

1 Ngayon si Jefta na taga-Galaad ay isang matapang na mandirigma, pero siya ay lalaking anak ng isang bayarang babae. Si Galaad ang kaniyang ama.
و یفتاح جلعادی مردی زورآور، شجاع، وپسر فاحشه‌ای بود، و جلعاد یفتاح را تولیدنمود.۱
2 Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.”
و زن جلعاد پسران برای وی زایید، وچون پسران زنش بزرگ شدند یفتاح را بیرون کرده، به وی گفتند: «تو در خانه پدر ما میراث نخواهی یافت، زیرا که تو پسر زن دیگر هستی.»۲
3 Kaya si Jefta ay umalis mula sa kaniyang mga kapatid at namuhay sa lupain ng Tob. Sumama kay Jefta ang mga lalaking lumalabag sa batas at dumating sila at sumama sa kaniya.
پس یفتاح از حضور برادران خود فرار کرده، درزمین طوب ساکن شد، و مردان باطل نزد یفتاح جمع شده، همراه وی بیرون می‌رفتند.۳
4 Lumipas ang mga araw, nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel.
و واقع شد بعد از مرور ایام که بنی عمون بااسرائیل جنگ کردند.۴
5 Nang nakipagdigmaan ang mga tao sa Ammon laban sa Israel, pumunta ang mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta para dalhin siya pabalik mula sa lupain ng Tob.
و چون بنی عمون بااسرائیل جنگ کردند، مشایخ جلعاد رفتند تایفتاح را از زمین طوب بیاروند.۵
6 Sinabi nila kay Jefta, “Sumama ka at maging aming pinuno para lumaban sa mga tao ng Ammon.”
و به یفتاح گفتندبیا سردار ما باش تا با بنی عمون جنگ نماییم.»۶
7 Sinabi ni Jefta sa mga pinuno ng Galaad, “Kinasuklaman ninyo ako at pinilit akong umalis sa bahay ng aking ama. Bakit ngayon nandito kayo akin kapag nasa kaguluhan kayo?”
یفتاح به مشایخ جلعاد گفت: «آیا شما به من بغض ننمودید؟ و مرا از خانه پدرم بیرون نکردید؟ و الان چونکه در تنگی هستید چرا نزدمن آمده‌اید؟»۷
8 Sinabi ng mga nakatatanda sa Galaad kay Jefta, “Iyan ang dahilan kung bakit bumalik kam sa iyo ngayon; sumama ka sa amin at labanan natin ang mga tao sa Ammon, at magiging pinuno ka ng lahat na siyang nanirahan ng Galaad.”
مشایخ جلعاد به یفتاح گفتند: «از این سبب الان نزد تو برگشته‌ایم تا همراه ما آمده، بابنی عمون جنگ نمایی، و بر ما و بر تمامی ساکنان جلعاد سردار باشی.»۸
9 Sinabi ni Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, “Kung dadalhin niyo ako muli ating lugar para makipaglaban sa mga tao sa Ammon, at kung bibigyan tayo ng katagumpayan ni Yahweh laban sa kanila, ako ang magiging pinuno ninyo.”
یفتاح به مشایخ جلعادگفت: «اگر مرا برای جنگ کردن با بنی عمون بازآورید و خداوند ایشان را به‌دست من بسپارد، آیامن سردار شما خواهم بود.»۹
10 Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!”
و مشایخ جلعاد به یفتاح گفتند: «خداونددر میان ما شاهد باشد که البته برحسب سخن توعمل خواهیم نمود.۱۰
11 Kaya pumunta si Jefta sa mga nakatatanda ng Galaad, at ginawa siya ng mga tao na kanilang pinuno at kumander. Nang nasa harapan siya ni Yahweh sa Mizpa, inulit ni Jefta ang lahat ng kaniyang mga ipinangako.
پس یفتاح با مشایخ جلعاد رفت و قوم او را بر خود رئیس و سردارساختند، و یفتاح تمام سخنان خود را به حضورخداوند در مصفه گفت.۱۱
12 Pagktapos nagpadala ng mga mensahero si Jefta sa hari ng mga taga-Ammon, na nagsasabing, “Ano itong alitan sa pagitan natin? Bakit kayo ppunta at sapilitang kukunin ang aming lupain?”
و یفتاح قاصدان نزد ملک بنی عمون فرستاده، گفت: «تو را با من چه‌کار است که نزد من آمده‌ای تا با زمین من جنگ نمایی؟»۱۲
13 Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, “Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa.”
ملک بنی عمون به قاصدان یفتاح گفت: «از این سبب که اسرائیل چون از مصر بیرون آمدند زمین مرا ازارنون تا یبوق و اردن گرفتند، پس الان آن زمینهارا به سلامتی به من رد نما.»۱۳
14 Muling ipinadala ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga tao ng Amon,
و یفتاح بار دیگر قاصدان نزد ملک بنی عمون فرستاد.۱۴
15 at sinabi niya, “Ito ang pinapasabi ni Jefta: Hindi kinuha ng mga Israelita ang lupain ng Moab at ang lupain ng mga taga-Ammon,
و او را گفت که «یفتاح چنین می‌گوید: اسرائیل زمین موآب و زمین بنی عمون را نگرفت.۱۵
16 pero, nang lumabas sila mula sa Ehipto, at nagpunta ang mga Israelita sa ilang patungong Dagat Pula at sa Kadesh,
زیرا که چون اسرائیل از مصر بیرون آمدند، در بیابان تا بحر قلزم سفر کرده، به قادش رسیدند.»۱۶
17 Nagpadala ang mga Israelita ng mga mensahero sa hari ng Edom, na nagsasabing, 'Pakiusap pahintulatan kaming tumawid sa inyong lupain,' pero hindi nakinig ang hari ng Edom. Nagpadala rin sila ng mga mensahero sa hari ng Moab, pero tumanggi siya. Kaya nanatili ang mga Israelita sa Kades.
و اسرائیل رسولان نزد ملک ادوم فرستاده، گفتند: «تمنا اینکه از زمین تو بگذریم. اما ملک ادوم قبول نکرد، و نزد ملک موآب نیز فرستادند و او راضی نشد، پس اسرائیل در قادش ماندند.۱۷
18 Pagkatapos pumunta sila sa ilang at lumayo mula sa lupain ng Edom at sa lupain ng Moab, at nagpunta sila sa silangang bahagi ng lupain ng Moab at nagkampo sila sa kabilang bahagi ng Arnon. Pero hindi sila pumunta sa teritoryo ng Moab, dahil ang arnon ay hangganan ng Moab.
پس در بیابان سیر کرده، زمین ادوم و زمین موآب را دور زدند و به‌جانب شرقی زمین موآب آمده، به آن طرف ارنون اردو زدند، وبه حدود موآب داخل نشدند، زیرا که ارنون حدموآب بود.۱۸
19 Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.'
و اسرائیل رسولان نزد سیحون، ملک اموریان، ملک حشبون، فرستادند، واسرائیل به وی گفتند: تمنا اینکه از زمین تو به مکان خود عبور نماییم.۱۹
20 Pero hindi nagtiwala si Sihon sa Israel para tumawid sa kanyang teritoryo. Kaya tinipon ni Sihon ang lahat ng kanyang hukbo at pumunta sila sa Jahaz, at doon nakipag-away sila laban sa Israel.
اما سیحون بر اسرائیل اعتماد ننمود تا از حدود او بگذرند، بلکه سیحون تمامی قوم خود را جمع کرده، در یاهص اردوزدند و با اسرائیل جنگ نمودند.۲۰
21 At si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay ng katagumapayan sa mga Israelita laban kay Sihon at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng kanilang pamumuno. Kaya kinuha ng Israel ang buong lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa bansang iyon.
و یهوه خدای اسرائیل سیحون و تمامی قومش را به‌دست اسرائیل تسلیم نمود که ایشان را شکست دادند، پس اسرائیل تمامی زمین اموریانی که ساکن آن ولایت بودند در تصرف آوردند.۲۱
22 Kinuha nila ang lahat ng bagay na nakapaloob sa teritoryo ng mga Amoreo, mula sa Arnon patungong Jabbok, at mula sa ilang hanggang sa Jordan.
و تمامی حدود اموریان را از ارنون تا بیوق و از بیابان تااردن به تصرف آوردند.۲۲
23 Kaya pagkatapos si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay pinaalis ang mga Amoreo sa harapan sa kaniyang bayan ng Israel, at ngayon dapat ba ninyong angkinin ang kanilang lupain?
پس حال یهوه، خدای اسرائیل، اموریان را از حضور قوم خود اسرائیل اخراج نموده است، و آیا تو آنها را به تصرف خواهی آورد؟۲۳
24 Hindi ninyo kukunin ang lupain ng Cemos, na ibinigay, na inyong diyos? Kaya kung anumang lupain na ibinigay sa atin ni Yahweh, ating kukunin.
آیا آنچه خدای تو، کموش به تصرف تو بیاورد، مالک آن نخواهی شد؟ وهمچنین هرکه را یهوه، خدای ما از حضور مااخراج نماید آنها را مالک خواهیم بود.۲۴
25 Ngayon mas magaling ba kayo kaysa kay Balac na anak na lalaki ni Zippor, na hari ng Moab? Naglakas-loob ba siyang magkaroon ng pagtatalo sa Israel? Nagdeklara ba siya ng digmaan laban sa kanila?
و حال آیا تو از بالاق بن صفور، ملک موآب بهتر هستی وآیا او با اسرائیل هرگز مقاتله کرد یا با ایشان جنگ نمود؟۲۵
26 Habang nanirahan ang mga Israelita ng tatlong daang taon sa Hesbon at sa mga nayon nito, at sa Aroer at sa mga nayon nito, at sa buong mga lungsod na kabilang sa mga ilog ng Arnon—bakit hindi ninyo kinuha ang mga ito ng panahon na iyon?
هنگامی که اسرائیل در حشبون ودهاتش و عروعیر و دهاتش و در همه شهرهایی که بر کناره ارنون است، سیصد سال ساکن بودند پس در آن مدت چرا آنها را باز نگرفتید؟۲۶
27 Wala akong ginawang mali sa inyo, pero gumagawa ka ng mali sa akin sa pamamagitan ng pagsalakay sa akin. Si Yahweh, ang hukom, ang magpapasya sa araw na ito sa pagitan ngbayan ng Israel at sa bayan ng Ammon.”
من به تو گناه نکردم بلکه تو به من بدی کردی که با من جنگ می‌نمایی. پس یهوه که داور مطلق است امروز در میان بنی‌اسرائیل و بنی عمون داوری نماید.»۲۷
28 Pero ang hari ng mga tao ng Ammon ay tinalikuran ang babala na ipinadala sa kaniya ni Jefta.
اما ملک بنی عمون سخن یفتاح را که به او فرستاده بود، گوش نگرفت.۲۸
29 Pagkatapos dumating kay Jefta ang Espiritu ni Yahweh, at dumaan siya sa Galaad at Manases, at dumaan sa Mizpa ng Galaad, at mula sa Mizpa ng Galaad kaniyang nadaanan ang mga tao ng Ammon.
و روح خداوند بر یفتاح آمد و او از جلعادو منسی گذشت و از مصفه جلعاد عبور کرد و ازمصفه جلعاد به سوی بنی عمون گذشت.۲۹
30 Gumawa si Jefta ng isang panata kay Yahweh at sinabing, “Kung bibigyan mo ako ng tagumpay laban sa mga tao ng Ammon,
ویفتاح برای خداوند نذر کرده، گفت: «اگربنی عمون را به‌دست من تسلیم نمایی،۳۰
31 at kung anuman ang lumabas sa mga pintuan ng aking bahay para salubungin ako kapag bumalik ako ng mapayapa mula sa bayan ng Ammon na pag-aari ni Yahweh, at ihahandog ko ito bilang isang sinunog na handog.”
آنگاه وقتی که به سلامتی از بنی عمون برگردم، هر‌چه به استقبال من از در خانه‌ام بیرون آید از آن خداوندخواهد بود، و آن را برای قربانی سوختنی خواهم گذرانید.»۳۱
32 Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
پس یفتاح به سوی بنی عمون گذشت تا با ایشان جنگ نماید، و خداوند ایشان را به‌دست او تسلیم کرد.۳۲
33 Sinalakay niya sila at nagdulot na maraming mapatay mula sa Aroer ganoon din sa Minit—dalawampung mga lungsod—at sa Abelqueramim. Kaya ang bayan ng Ammon ay inilagay sa ilalim ng pamumuno ng bayan ng Israel.
و ایشان را از عروعیرتا منیت که بیست شهر بود و تا آبیل کرامیم به صدمه بسیار عظیم شکست داد، و بنی عمون ازحضور بنی‌اسرائیل مغلوب شدند.۳۳
34 Dumating si Jefta sa kaniyang tahanan sa Mizpa, at doon lumabas ang kaniyang anak na babae para salubungin siya ng mga tamburin na mayroong kasamang sayaw. Siya lamang ang nag-iisa niyang anak, at maliban sa kaniya wala na siyang anak na lalaki ni anak na babae.
و یفتاح به مصفه به خانه خود آمد و اینک دخترش به استقبال وی با دف و رقص بیرون آمدو او دختر یگانه او بود و غیر از او پسری یادختری نداشت.۳۴
35 Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
و چون او را دید، لباس خودرا دریده، گفت: «آه‌ای دختر من، مرا بسیار ذلیل کردی و تو یکی از آزارندگان من شدی، زیرا دهان خود را به خداوند باز نموده‌ام و نمی توانم برگردم.»۳۵
36 Sinabi niya sa kaniya, “Aking ama, gumawa ka ng isang panata kay Yahweh, gawin mo sa akin ang lahat ng iyong ipinangako, dahil si Yahweh ang nagsagawa ng paghihiganti laban sa iyong mga kaaway, ang mga Amoreo.”
و او وی را گفت: «ای پدر من دهان خود را نزد خداوند باز کردی پس با من چنانکه ازدهانت بیرون آمد عمل نما، چونکه خداوند انتقام تو را از دشمنانت بنی عمون کشیده است.»۳۶
37 Sinabi niya sa kaniyang ama, “Hayaan ang pangakong ito na maitago para sa akin. Iwan akobng mag-isa sa loob ng dalawang buwan, para ako ay makaalis at bumababa sa mga burol at magdalamhati sa aking pagkabirhen, ako at ang aking mga kasamahan.”
و به پدر خود گفت: «این کار به من معمول شود. دو ماه مرا مهلت بده تا رفته بر کوهها گردش نمایم وبرای بکریت خود با رفقایم ماتم گیرم.»۳۷
38 Sinabi niya, “Umalis ka na.” Pinaalis niya ang kaniyang anak na babae ng dalawang buwan. Siya ay Iniwan niya, siya at ang kaniyang mga kasamahan, at nagdalamhati sila sa kaniyang pagkabirhen sa burol.
اوگفت: «برو». و او را دو ماه روانه نمود پس او بارفقای خود رفته، برای بکریتش بر کوهها ماتم گرفت.۳۸
39 Pagkatapos ng dalawang buwan bumalik siya sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa panata na kaniyang ginawa. Ngayon hindi siya kailanman sumiping sa isang lalaki, at naging kaugalian ito ng Israel
و واقع شد که بعد از انقضای دو ماه نزدپدر خود برگشت و او موافق نذری که کرده بود به او عمل نمود، و آن دختر مردی را نشناخت، پس در اسرائیل عادت شد،۳۹
40 na ang mga babaeng anak ng Israel sa bawat taon, sa loob ng apat na araw, ay ipapaulit ang kwento tungkol sa babaeng anak ni Jefta na Galaadita.
که دختران اسرائیل سال به سال می‌رفتند تا برای دختر یفتاح جلعادی چهار روز در هر سال ماتم گیرند.۴۰

< Mga Hukom 11 >