< Mga Hukom 10 >
1 Matapos kay Abimelec, si Tola na anak na lalaki ni Pua na anak ni Dodo, isang tao na mula kay Issacar na nakatira sa Samir, sa burol ng Efraim, ay tumayo para iligtas ang Israel.
亚比米勒以后,有以萨迦人朵多的孙子、普瓦的儿子陀拉兴起,拯救以色列人。他住在以法莲山地的沙密。
2 Pinamunuan niya ang Israel ng dalawampu't tatlong taon. Namatay at inilibing siya sa Samir.
陀拉作以色列的士师二十三年,就死了,葬在沙密。
3 Sinundan siya ni Jair ang Galaadita. Pinamunuan niya ang Israel ng dalawamput-dalawang taon.
在他以后有基列人睚珥兴起,作以色列的士师二十二年。
4 Nagkaroon siya ng tatlumpung anak na lalaki na nakasakay sa tatlumpung asno at mayroon silang tatlumpung lungsod, na tinatawag na Havot Jair hanggang sa araw na ito, na nasa lupain ng Galaad.
他有三十个儿子,骑着三十匹驴驹。他们有三十座城邑,叫作哈倭特·睚珥,直到如今,都是在基列地。
5 Namatay si Jair at inilibing sa Kamon.
睚珥死了,就葬在加们。
6 Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh.
以色列人又行耶和华眼中看为恶的事,去事奉诸巴力和亚斯她录,并亚兰的神、西顿的神、摩押的神、亚扪人的神、非利士人的神,离弃耶和华,不事奉他。
7 Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin.
耶和华的怒气向以色列人发作,就把他们交在非利士人和亚扪人的手中。
8 Dinurog at inapi nila ang bayan ng Israel nang taong iyon at sa loob ng labingwalong taon inapi nila ang bayan ng Israel na nasa ibayo ng Jordan sa lupain ng mga Amoreo, na nasa Galaad.
从那年起,他们扰害欺压约旦河那边、住亚摩利人之基列地的以色列人,共有十八年。
9 At ang mga Amonita ay tumawid sa Jordan para makipaglaban sa Juda, laban sa Benjamin at laban sa sambahayan ni Efraim, kaya ang Israel ay lubhang naglamhati.
亚扪人又渡过约旦河去攻打犹大和便雅悯,并以法莲族。以色列人就甚觉窘迫。
10 Pagkatapos tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, sinabing, “Nagkasala kami laban sa iyo, dahil iniwan namin ang aming Diyos at sinamba ang mga Baal.”
以色列人哀求耶和华说:“我们得罪了你;因为离弃了我们 神,去事奉诸巴力。”
11 Sinabi ni Yahweh sa bayan ng Israel, “Hindi ko ba kayo iniligtas mula sa mga taga-Ehipto, ang mga Amoreo, ang mga Amonita, ang mga Filisteo
耶和华对以色列人说:“我岂没有救过你们脱离埃及人、亚摩利人、亚扪人,和非利士人吗?
12 at gayundin mula sa mga Sidonia? Inapi kayo ng mga Amalekita at mga Maonita; tumawag kayo sa akin, at iniligtas ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan.
西顿人、亚玛力人、马云人也都欺压你们;你们哀求我,我也拯救你们脱离他们的手。
13 Pero iniwan ninyo akong muli at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan. kaya, hindi ako patuloy na magdadagdag sa mga panahon na iniligtas ko kayo.
你们竟离弃我,事奉别神!所以我不再救你们了。
14 Humayo at tawagin ninyo ang ibang mga diyus-diyosan na inyong sinamba. Hayaan silang magligtas sa inyo kapag kayo ay nagkaroon ng gulo.”
你们去哀求所选择的神;你们遭遇急难的时候,让他救你们吧!”
15 Sinabi ng bayan ng Israel kay Yahweh, “Nagkasala kami. Gawin sa amin anuman ang mabuti para sa iyo. Tangi naming pakiusap, iligtas mo kami sa araw na ito.”
以色列人对耶和华说:“我们犯罪了,任凭你随意待我们吧!只求你今日拯救我们。”
16 Lumayo sila mula sa mga dayuhang diyus-diyosan na pag-aari nila at sinamba si Yahweh. At hindi na niya matiis ang paghihirap ng Israel.
以色列人就除掉他们中间的外邦神,事奉耶和华。耶和华因以色列人受的苦难,就心中担忧。
17 Pagkatapos sama-samang nagtipon ang mga Amonita at nagtayo ng kampo sa Galaad. Sama-samang dumating ang mga Israelita at nagtayo ng kanilang kampo sa Mizpa.
当时亚扪人聚集,安营在基列。以色列人也聚集,安营在米斯巴。
18 Sinabi ng mga pinuno ng mga tao ng Galaad sa bawat isa, “Sino ang taong magpapasimula ng pakikipaglaban sa mga Amonita? Magiging pinuno siya sa lahat ng naninirahan sa Galaad.”
基列的民和众首领彼此商议说:“谁能先去攻打亚扪人,谁必作基列一切居民的领袖。”