< Judas 1 >

1 Judas, isang lingkod ni Jesu-Cristo, at kapatid na lalaki ni Santiago, sa kanilang mga tinawag, minamahal sa Diyos Ama at nanatili para kay Jesu-Cristo,
Judas, Jesu Christi tjenare, men Jacobs broder: dem kalladom, som i Gud Fader helgade äro, och i Jesu Christo behållne:
2 nawa ang awa, kapayapaan at pag-ibig ay sumagana sa inyo.
Mycken barmhertighet, och frid, och kärlek vare med eder.
3 Minamahal, habang sinisikap kong sumulat sa inyo tungkol sa ating pangkalahatang kaligtasan, kailangang sulatan ko kayo upang hikayatin kayo na magsumikap para sa pananampalataya na minsan nang ibinigay sa lahat ng mga naniniwala.
Mine käreste, efter det jag tog mig före skrifva eder till om allas våra salighet, syntes mig behöfvas förmana eder med skrifvelse, att I kämpa måtten för trona, som ena reso helgonen föregifven var.
4 Dahil may ibang mga tao na palihim na nakisama sa kalagitnaan ninyo—mga taong tinatakan ng paghahatol - mga taong walang Diyos na inililihis ang biyaya ng Panginoon patungo sa kahalayan at itinatanggi ang ating nag-iisang Panginoon at Diyos na si Jesu- Cristo.
Ty det äro några menniskor med ibland inkomna, om hvilka fordom skrifvet var till detta straff: De äro ogudaktige, och draga vår Guds nåd till lösaktighet, och neka Gud, som allena är Herre, och vår Herra Jesum Christum.
5 Ngayon nais kong ipaalala sa inyo, kahit na lubos na ninyong alam ito, na ang Panginoon ang nagligtas sa isang bayan palabas sa lupain ng Ehipto, ngunit pagkatapos pinuksa niya ang mga hindi naniwala.
Men jag vill minna eder uppå, att I en tid detta skolen veta, att då Herren hade utfört folket af Egypten, sedan förgjorde han dem, som icke trodde.
6 At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom. (aïdios g126)
Och de Änglar, som icke behöllo sin förstadöme, utan öfvergåfvo sin hemman, dem förvarade han med eviga bojor i mörkret, till den stora dagsens dom. (aïdios g126)
7 Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. (aiōnios g166)
Såsom ock Sodoma och Gomorra, och de städer deromkring, hvilke i samma måtto som de i skörhet syndat hade, och hafva gångit efter främmande kött, de äro satte för ett efterdömelse, och lida evig eldspino; (aiōnios g166)
8 Gayunman sa parehong paraan, ang mga nananaginip na ito ay dinudungisan din ang kanilang mga katawan, at tinatanggihan ang awtoridad, at sinisiraan nila ang dangal ng mga maluwalhating mga anghel.
Sammalunda ock desse drömmare, som besmitta köttet, förakta herrskapet, och försmäda majestätet.
9 Subalit maging si Miguel ang arkanghel, nang siya ay nakipagtalo sa diyablo at nakipaglaban sa kaniya tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas magbigay ng mapanirang paghatol laban sa kaniya, sa halip sinabi niya, “Sawayin ka nawa ng Diyos!”
Men Michael, den Öfverängelen, då han trätte med djefvulen, och disputerade med honom om Mose kropp, torde han icke utsäga försmädelsens dom; utan sade: Herren straffe dig.
10 Ngunit nagbibigay ng mga paninirang-puri ang mga taong ito laban sa anumang hindi nila maintindihan. At ano kanilang naiintindihan— kung ano ang pag-uugali ng mga hayop na wala sa katuwiran— ang mga ito ang nagpahamak sa kanila.
Men desse försmäda, der de intet af veta; och hvad de af naturen, som annor oskälig djur veta, deruti förderfva de sig.
11 Kaawa-awa sila! Dahil sila ay lumakad sa daan ni Cain, at nahulog sa pagkakamali ni Balaam. Sila ay namatay sa paghihimagsik ni Kora.
Ve dem; ty de gå i Cains väg, och falla i Balaams villfarelse för löns skull, och förgås i Chore uppror.
12 Ang mga ito ang siyang tinik sa inyong mga pista ng pag-ibig, nagpipista na walang kahihiyan, kumakain lamang para sa kanilang mga sarili. Sila ay mga ulap na walang tubig, tinatangay ng hangin, puno sa taglagas na walang bunga- dalawang beses namatay, binunot sa ugat-
Desse skamfläckar slösa af edra gåfvor utan fruktan, och föda sig sjelfva; de äro skyar utan vatten, som drifvas omkring af vädret; skallot, ofruktsam trä, två resor död, och med rötter uppryckt.
13 marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman. (aiōn g165)
Hafsens vilda vågor, som sin egen skam utskumma; villfarande stjernor, hvilkom det svarta mörkret förvaradt är i evighet. (aiōn g165)
14 Si Enoc, ang ika-pito sa linya mula kay Adan, nagpahayag tungkol sa kanila, na sinasabing, “Pagmasdan ninyo! Ang Panginoon ay darating kasama ang libo-libong mga banal,
Hafver ock Enoch, den sjunde ifrån Adam, propheterat tillförene om dessa, och sagt: Si, Herren kommer med mång tusend helgon;
15 upang magsagawa ng paghuhukom sa bawat isa, at hatulan ang lahat ng hindi maka-diyos sa kanilang mga ginagawa at pamamaraan, at sa lahat ng mga magaspang na pananalita na binigkas ng mga makasalanan laban sa Diyos.
Till att sitta dom öfver alla, och straffa alla dem som ogudaktige äro, för alla deras ogudaktiga gerningar, med hvilka de hafva illa gjort; och för allt det hårda, som de ogudaktige syndare emot honom talat hafva.
16 Ito ay ang mga bumubulong-bulong, mga mareklamo, silang mga sumusunod sa kanilang masasamang pagnanasa, maingay na mga hambog, at sila na nang-uuto para sa sariling kapakinabangan.
Desse knorra och klaga alltid, och vandra efter sin egen lusta; och deras mun talar stolt ord, och akta på personer för nyttos skull.
17 Pero kayo, mga minamahal, alalahanin ang mga salitang sinabi sa inyo noon ng mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo.
Men I, mine käreste, drager eder till minnes de ord, som tillförene hafva eder sagd varit af vårs Herras Jesu Christi Apostlar;
18 Sinabi nila sa inyo, “Sa huling panahon, may mga mangungutya na sinusunod ang kanilang sariling hindi maka-diyos na pagnanasa.”
Att de sade eder: Uti yttersta dagarna skola komma bespottare, de der gå skola efter sin egen ogudaktiga begärelse.
19 Ang mga taong ito ay dahilan ng pagkaba-bahagi, pinamumunuan ng makamundong pagnanasa, at wala sa kanila ang Espiritu.
Desse äro de, som parti göra, köttslige, icke hafvandes Andan.
20 Pero kayo, mga minamahal, habang tinataguyod ninyo ang inyong mga sarili sa inyong kabanal-banalang pananampalataya, at habang nananalangin kayo sa Banal na Espiritu,
Men I, mine käreste, uppbygger eder sjelfva på edra aldraheligasta tro, genom den Helga Anda, och beder;
21 panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Och behåller eder i Guds kärlek, och vänter efter vårs Herras Jesu Christi barmhertighet till evigt lif. (aiōnios g166)
22 Magpakita ng habag sa mga nag-aalinlangan.
Och håller denna åtskilnad, att I förbarmen eder öfver somliga;
23 Iligtas ang iba sa pamamagitan ng pag-agaw sa kanila mula sa apoy. Sa iba magpakita ng habag na may takot, kamumuhian kahit na ang damit na nabahiran ng laman.
Men somliga görer med fruktan saliga, och rycker dem utur elden; hatande den besmittada köttsens kjortel.
24 Ngayon sa kanya na may kakayanang ilayo kayo sa pagkakatisod, at dahilan upang tayo ay makatayo sa harapan ng kanyang maluwalhating presensya, walang dungis at may labis na kagalakan,
Men honom, som förmår förvara eder utan synd, och ställa eder för sitt härlighets ansigte ostraffeliga, med fröjd;
25 sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
Allena visom Gudi, vårom Frälsare, vare ära, och majestät, och välde, och magt, nu och i alla evighet. Amen. (aiōn g165)

< Judas 1 >