< Josue 1 >

1 Ngayon ito ang nangyari pagkatapos mamatay si Moises, ang lingkod ni Yahweh, na nangusap si Yahweh kay Josue ang anak ni Nun, punong pumapangalawa kay Moises, sinasabing,
Mose a ɔyɛ Awurade somfo no wu akyi no, Awurade ka kyerɛɛ Nun babarima Yosua, Mose boafo no se,
2 “Namatay na si Moises na aking lingkod. Kaya ngayon, magbangon, tawirin ang Jordang ito, ikaw at lahat ng mga bayang ito, sa lupaing ibinibigay ko sa kanila—sa mga bayan ng Israel.
“Afei a me somfo Mose awu no, ɛsɛ sɛ wudi me nkurɔfo no anim kotwa Asubɔnten Yordan kɔ asase a mede rema wɔn no so.
3 Ibinigay ko sa inyo ang bawat lugar na lalakaran ng talampakan ng inyong paa. Ibinigay ko na ito sa inyo, gaya ng ipinangako ko kay Moises.
Sɛnea mehyɛɛ Mose bɔ no, baabiara a wode wo nan besi no, mede bɛma wo.
4 Magiging lupain ninyo, mula sa ilang at Lebanon hanggang sa malawak na ilog, ang Eufrates, lahat ng lupain ng mga Heteo, at sa Malawak na Dagat, kung saan lumulubog ang araw.
Efi Negeb sare a ɛwɔ anafo fam kosi Lebanon mmepɔw a ɛwɔ atifi fam, efi Asubɔnten Eufrate a ɛwɔ apuei fam kosi Ntam Po a ɛwɔ atɔe fam, ne Hetifo asase nyinaa.
5 Walang sinumang makakatayo sa harap ninyo sa lahat ng araw ng inyong buhay. Sasamahan kita tulad ng pagsama ko kay Moises. Hindi kita pababayaan o iiwan kita.
Obiara rentumi nsɔre ntia wo, wo nkwanna nyinaa. Sɛnea na mekaa Mose ho no, saa ara na mɛka wo ho. Merennyaw wo na merempa wʼakyi da.
6 Maging malakas at matapang. Idudulot mong manahin ng mga taong ito ang lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ninunong ibibigay ko sa kanila.
Wo ho nyɛ den na yɛ nnam, efisɛ wubedi me nkurɔfo yi anim akɔfa asase a mekaa ntam sɛ mede bɛma wɔn agyanom no nyinaa.
7 Maging malakas at napakatapang. Maging maingat na sundin ang lahat ng batas na iniutos sa inyo ng aking lingkod na si Moises. Huwag kayong lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa, para maging matagumpay kayo saan man kayo pupunta.
“Wo ho nyɛ den na yɛ nnam. Di mmara a Mose de maa wo no nyinaa so. Mfi ho, na wubedi nkonim biribiara a woyɛ mu.
8 Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
Sua saa Mmara Nhoma yi bere biara. Dwen ho awia ne anadwo, sɛnea ɛbɛma woayɛ biribiara a wɔakyerɛw wɔ mu no. Saa na ɛbɛma asi wo yiye.
9 Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
Mehyɛ wo sɛ, yɛ den na yɛ nnam! Nsuro, na mma wʼaba mu mmu, na Awurade wo Nyankopɔn ka wo ho baabiara a wobɛkɔ.”
10 Pagkatapos inutusan ni Josue ang mga pinuno ng bayan,
Afei, Yosua hyɛɛ Israel ntuanofo no se,
11 “Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin.”'
“Momfa atenae no mu na monka nkyerɛ nnipa no ma wonsiesie wɔn nnuan. Nnansa akyi no, mubetwa Asubɔnten Yordan na moakɔfa asase a Awurade, mo Nyankopɔn, de ama mo no.”
12 Sinabi ni Josue sa mga lipi ni Reubenita, mga lipi ni Gadita at sa kalahating lipi ni Manases,
Afei Yosua frɛɛ Ruben ne Gad mmusuakuw ne Manase abusua no fa. Ɔka kyerɛɛ wɔn se,
13 “Alalahanin ang salitang iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Binibigyan kayo ng pahinga ni Yahweh na inyong Diyos, at ibinibigay niya sa inyo ang lupaing ito.'
“Monkae ahyɛde a Awurade somfo Mose maa mo no: ‘Awurade, mo Nyankopɔn, rema mo ɔhome na ɔde asase yi ama mo.’
14 Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
Mo yerenom, mo mma ne mo anantwi bɛtena Yordan apuei fam ha. Nanso, mo akofo a wɔasiesie wɔn ho ama ɔkɔ no bedi mmusuakuw a aka no anim atwa Yordan, na wɔaboa ma wɔafa asase no. Mo ne wɔn ntena hɔ
15 hanggang ipagkaloob ni Yahweh sa inyong mga kapatid na lalaki ang kapahingahan tulad ng ibinigay niya sa inyo. At aangkinin din nila ang lupaing ibinibigay sa kanila ni Yahweh na inyong Diyos. Pagkatapos babalik kayo sa sarili ninyong lupain at angkinin ito, ang lupaing ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabila ng Jordan, kung saan sumisikat ang araw.”
nkosi sɛ Awurade bɛma wɔn ɔhome sɛnea wayɛ ama mo no. Na wɔn nso bedi asase a Awurade, mo Nyankopɔn de rema wɔn no so. Ɛno ansa na mode Yordan apuei fam ha asase a Mose a ɔyɛ Awurade somfo de maa mo no, bɛyɛ mo atenae.”
16 At sumagot sila kay Josue, sinabing, “Gagawin namin ang lahat ng iniutos mo sa amin, at pupunta kami saan mo man kami ipapadala.
Wobuaa Yosua se, “Nea woahyɛ yɛn sɛ yɛnyɛ nyinaa yɛbɛyɛ, na baabiara a wobɛsoma yɛn nso, yɛbɛkɔ.
17 Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises.
Yɛbɛyɛ osetie ama wo sɛnea yɛyɛ maa Mose no. Awurade wo Nyankopɔn, nni wʼakyi sɛnea odii Mose akyi no.
18 Malalagay sa kamatayan ang sinumang susuway sa iyong mga utos at hindi susunod sa iyong mga salita. Maging malakas lamang at matapang.”
Obiara a ɔbɛtew wʼasɛm so atua na wanni wʼahyɛde mu biara so no, wonkum no. Enti, hyɛ wo ho den na nya akokoduru!”

< Josue 1 >