< Josue 7 >

1 Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
以色列子民在應毀滅之物上犯了罪;那是因為猶大支派中,則辣黑的曾孫,匝貝狄的孫子,加爾米的兒子阿干,取了應毀滅之物,上主對以色列子民發了大怒。
2 Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, “Umakyat kayo at manmanan ang lupain.” Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai.
若蘇厄從耶利哥派人到哈依去,──這城位於貝特耳東方貝特阿文附近──吩咐他們說:「你們上去,偵察那地。」那些人便上去偵察了哈衣。
3 Nang bumalik sila kay Josue, sinabi nila sa kaniya, “Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa Ai. Magpadala ka lamang ng dalawa o tatlong libong kalalakihan para pumunta at lusubin ang Ai. Huwag mong ipadala ang lahat ng tao sa labanan, dahil kakaunti lamang sila sa bilang.”
他們回來對若蘇厄說:「不需要眾百姓都上去,只派兩三人去攻打哈依就夠了,不必勞動全體百姓,因為他們人數不多。」
4 Kaya mahigit tatlong libong kalalakihan lamang ang pumunta mula sa hukbo, pero tumakas ang mga ito mula sa mga kalalakihan ng Ai.
這樣百姓中約有三千人上去攻打哈依,不料他們由哈依人面前避跑了。
5 Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang.
哈依人出擊,殺了他們約有三十六人,從城門前追擊他們,直追到舍巴陵,在斜坡上又殺敗了他們,因此百姓的勇氣像水一樣消散了。
6 Pagkatapos pinunit ni Josue ang kaniyang mga kasuotan. Siya at mga nakatatanda ng Israel ay naglagay ng alikabok sa kanilang ulo at iniyuko ang mukha sa lupa sa harapan ng kaban ni Yahweh, nanatili sila roon hanggang gabi.
若蘇厄撕破自己自己的衣服,和以色列的長老,在上主約櫃前俯伏在地,一直到晚上,各在頭上撒上灰土。
7 Pagkatapos sinabi ni Josue, “Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!
若蘇厄說:「唉,我主上主! 你為什麼領這百姓渡過約旦河,是為將我們交於阿摩黎人手中,讓我們消滅嗎﹖巴不得我們住在約旦河那邊倒好!
8 Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway!
唉我主! 以色列人既然由敵人前轉身逃跑,我還說什麼呢﹖
9 Dahil ang mga Cananaeo at lahat ng mga naninirahan sa lupain ay narinig ito. Nakapalibot sila sa amin at ginawang makalimutan ng bayan sa mundo ang aming pangalan. At kaya anong gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?”
當客納罕人和這地方所有的居民聽說這事,必來圍攻我們,從地上將我們的名字抹去,那時你對你的大名要怎樣辦呢。」
10 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
上主對若蘇厄說:「起來,為什麼老是伏在地上﹖
11 Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari.
以色列犯了罪,違背了我在盟約上給他們規定的,取了應毀滅之物,又偷又騙,並將應毀滅之物放在自己行囊裏。
12 Bilang bunga, hindi nakatayo ang bayan ng Israel sa harap ng kanilang mga kaaway. Tinalikuran nila ang kanilang mga kaaway dahil sila mismo sa kanilang sarili ay inilaan para sa pagkawasak. Hindi na ako sasama sa inyo kahit kailan maliban kung wawasakin ninyo ang mga bagay na dapat wasakin, pero nasa inyo pa rin.
以色列所以扺擋不了敵人,由敵人前轉身逃跑,是因為他們成了應詛咒,除非你們將那應毀滅之物,由你們中間除掉,我不再與你們同在。
13 Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.”
起來,叫百姓聖潔自己,吩咐他們說:你們明天要聖潔自己,因為上主以色列的天主這樣說:以色列! 你們中間有應毀滅之物,除非將應毀滅之物,由你們中間除掉,你們決抵擋不住敵人
14 Sa umaga, dapat ninyong ipakita ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong mga lipi. Ang lipi na pinili ni Yahweh ay manggagaling malapit sa kanilang mga angkan. Dapat lumapit ang angkan na pinili ni Yahweh sa bawat sambahayan. Dapat lumapit ang sambahayan na pinili ni Yahweh.
所以明早你們應按支派前來。上主使那支派中籤,這支派的宗族都應前來;上主使那宗族中籤,這家族的宗族都應前來;上主使那家室中籤,這家的男子應一個一個地前來。
15 Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”'
若藏有應毀滅之物火人中了籤,他和他所有的一切都應用火焚燒,因為他違犯了上主的約定,在以色列中間做了糊塗的事。」
16 Kaya, bumangon ng maaga kinaumagahan si Josue at inilapit ang Israel, lipi sa lipi, at ang lipi ni Juda ang napili.
若蘇厄清早起來,命以色列按著支派一一前來,猶大支派中了籤。
17 Inilapit niya ang mga angkan ni Juda, at ang angkan ng Zerahita ang napili. Inilapit niya ang angkan ng mga Zerahita tao sa tao, at si Zabdi ang napili.
他叫猶大支派前來,則辣黑宗族中了籤;遂叫則辣黑宗族前來,則貝狄家室前來,宗族中了籤;
18 Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
此後,又叫他的家室前來,叫男丁一個一個地前來,阿干中了籤──阿干是加爾米的兒子,加爾米是匝貝狄的兒子,匝貝狄是則辣黑的兒子,屬猶大支派。
19 Pagkatapos sinabi ni Josue kay Achan, “Aking anak, sabihin mo ang katotohanan sa harap ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, at ibigay mo ang iyong pagtatapat sa kaniya. Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nagawa. Huwag mo itong itago sa akin.”
若蘇厄遂對阿干說:「我兒,你應歸光榮於上主,以色列的天主,向衪認罪。請告訴我,你作了什麼事,不要隱瞞我。」
20 Sumagot si Achan kay Josue, “Tunay nga, nagkasala ako laban kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ganito ang aking ginawa:
阿干回答若蘇厄說:「我實在得罪了上主,以色列的天主。我是如此這般作的;
21 Nang nakita ko sa mga manloloob ang isang magandang balabal mula sa Babylon, dalawan-daang sekel ng pilak, at isang bar ng ginto na nagtitimbang ng limampung sekel, aking ninais at kinuha ko ang mga ito. Nakatago sila sa ilalim ng lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim nito.”
我在戰利品中,見了一件美麗的史納爾外氅,二百「協刻耳」銀子,一條重五十「協刻耳」的金條,我因貪愛便拿走了,現在藏在我帳幕中的地下,銀子在這些東西的下面。」
22 Nagpadala si Josue ng mga mensahero, na siyang pumunta sa tolda at naroon ang mga bagay. Nang tiningnan nila, natagpuan nila ang mga ito na nakatago sa kaniyang sariling tolda, at ang mga pilak na nasa ilalim ng mga ito.
若蘇厄即刻派差役跑到他帳幕裏面,果然那些東西在帳幕內藏著,銀子在下面。
23 Kinuha nila ang mga bagay mula sa gitna ng tolda at dinala nila ang mga ito kay Josue at sa lahat ng bayan ng Israel. Ibinuhos nila ang mga ito sa harapan ni Yahweh.
差役便從帳幕裏拿出來,帶到若蘇厄和所有以色列子民那裏,擺在上主面前。
24 Pagkatapos kinuha ni Josue, at buong Israel na kasama niya, si Achan na anak na lalaki ni Zerah, at ang pilak, ang balabal, ang bar ng ginto, kaniyang mga anak na lalaki at babae, kaniyang mga baka, kaniyang mga asno, kaniyang tupa, kaniyang tolda, at lahat ng mayroon siya, at dinala nila sila sa lambak ng Achor.
若蘇厄和所有以色列人,將則辣黑的曾孫阿干和那銀子、外氅、金條,並他的子女、牛、驢、羊、帳幕,以及他所有的一切,都帶到阿苛爾山谷。
25 Pagkatapos sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito.” Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila.
若蘇厄說:「你為什麼給我們招來禍患﹖今天上主必要叫你招禍。」以色列民眾於是用石頭將他砸死。眾人用石頭砸死以後,將一切用火燒了。
26 Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.
以後,又在阿干身上堆上了一大堆石頭,這堆石頭一直存到今日;上主於是撤回了盛怒,因此那地方直到今日叫做阿苛爾山谷。

< Josue 7 >