< Josue 5 >

1 Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.
Toen al de koningen der Amorieten aan de westelijke oever van de Jordaan, en al de kanaänietische koningen langs de zee hoorden, dat Jahweh het water van de Jordaan voor de Israëlieten zo lang had doen opdrogen, tot ze er over waren, sloeg hun de schrik om het hart, en ontzonk hun de moed uit vrees voor de Israëlieten.
2 Sa panahong iyon sinabi ni Yahweh kay Josue, “Gumawa ka ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tuliin minsan pa ang lahat ng lalaki ng Israel.”
In die tijd sprak Jahweh tot Josuë: Maak u stenen messen, en besnijd de kinderen Israëls een tweede maal.
3 Pagkatapos gumawa mismo si Josue ng mga kutsilyo mula sa matigas na bato at tinuli ang lahat ng lalaki ng Israel sa Gibeat Haaralot.
En Josuë maakte zich stenen messen, en besneed de Israëlieten bij de Heuvel der voorhuiden.
4 At ito ang dahilan na tinuli sila ni Josue: lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, kasama ang lahat ng kalalakihang mandirigma, ay namatay sa ilang habang daan, pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto.
Dit was de reden, dat Josuë hen liet besnijden: Van al het volk van het mannelijk geslacht, dat uit Egypte getrokken was, hadden alle strijdbare mannen op hun uittocht uit Egypte de dood gevonden.
5 Kahit tinuli na ang lahat ng lalaking lumabas sa Ehipto, gayon man, walang batang lalaking ipinanganak sa ilang habang daang palabas ng Ehipto ay tinuli.
Nu was al het volk, dat uitgetrokken was, wel besneden; maar allen, die onderweg in de woestijn waren geboren na de uittocht uit Egypte, waren niet besneden.
6 Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
Want veertig jaar hadden de Israëlieten door de woestijn gezworven, tot er niemand meer over was van heel het volk, van al de strijdbare mannen, die uit Egypte waren getrokken: van allen, die niet naar de stem van Jahweh hadden geluisterd, en aan wie Jahweh gezworen had, dat Hij hun het land niet zou laten zien, dat Hij hun vaderen onder ede beloofd had, ons te zullen geven, een land, dat druipt van melk en honing.
7 Ang kanilang mga anak na inalagaan ni Yahweh kapalit nila na silang tinuli ni Josue, dahil hindi pa sila tinuli sa daan.
Nu had Hij hun zonen in hun plaats gesteld, en hen liet Josuë besnijden; want ze waren nog onbesneden, omdat men ze onderweg niet had kunnen besnijden.
8 Nang tinuli silang lahat, nanatili sila sa kampo kung saan sila naroroon hanggang gumaling sila.
Nadat de besnijdenis van heel het volk was verricht, bleven ze daar in de legerplaats, tot ze genezen waren.
9 At sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito inalis ko ang kahihiyan ng Ehipto mula sa inyo.” Kaya tinawag ang lugar na iyon sa pangalang Gilgal hanggang sa araw na ito.
En Jahweh sprak tot Josuë: Heden heb Ik de smaad van Egypte van u afgewenteld! Daarom noemde hij die plaats Gilgal; zo heet ze nu nog.
10 Nagkampo ang bayan ng Israel sa Gilgal. Ipinagdiwang nila ang Paskua sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico.
Terwijl de Israëlieten in Gilgal legerden, vierden ze op de avond van de veertiende dag der maand het paasfeest op de vlakten van Jericho;
11 At kinabukasan ng Paskua, sa araw mismong iyon, kinain nila ang ilan sa bunga ng lupain, tinapay na walang lebadura, at inihaw na butil.
en daags na het Pascha aten ze van de opbrengst van het land ongedesemd brood en geroosterd graan.
12 Tumigil ang manna sa araw matapos nilang kainin ang bunga ng lupain. Wala ng manna para sa bayan ng Israel, pero kinain nila ang bunga ng lupain ng Canaan sa taong iyon.
Op dezelfde dag, dat ze van de opbrengst van het land aten, hield het manna op. De kinderen Israëls kregen geen manna meer, maar ze aten dat jaar wat het land Kanaän opbracht.
13 Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, “Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?”
Terwijl Josuë nu bij Jericho vertoefde, gebeurde het eens, dat hij opkeek, en een man voor zich zag staan met een getrokken zwaard in zijn hand. Josuë ging op hem af, en vroeg hem: Hoort gij bij ons of bij onze vijanden?
14 Sinabi niya, “Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako.” Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, “Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?”
Hij antwoordde: Bij geen van beiden; maar ik ben de aanvoerder van Jahweh ‘s heir; ik kom hier dus van pas. Toen viel Josuë plat ter aarde, huldigde hem, en vroeg hem: Wat heeft mijn Heer tot zijn dienaar te zeggen?
15 Sinabi ng pinununo ng hukbo ni Yahweh kay Josue, “Hubarin mo ang iyong sandalyas mula sa iyong mga paa, dahil banal ang lugar na iyong kinatatayuan.” At ginawa iyon ni Josue.
En de aanvoerder van Jahweh’s heir gaf Josuë ten antwoord: Trek uw schoenen uit; want de plaats, waarop ge staat, is heilig. En Josuë deed het.

< Josue 5 >