< Josue 3 >

1 Maagang bumangon si Josue, at umalis sila mula sa Sittim. Dumating sila sa Jordan, siya at ang lahat ng bayan ng Israel, at nagkampo sila roon bago sila tumawid.
若蘇厄清早起來,同所有的以色列子民由史廷出發,來到弓約旦河,住在那裏,等候過河。
2 Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo;
過了三天,官長走遍全營,
3 inutusan nila ang mga tao, “Kapag nakita ninyo ang kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, at ang mga Levitang paring binubuhat ito, dapat kayong umalis sa lugar na ito at sundan iyon.
吩咐百姓說:「你們一看見上主你們天主的約櫃,和抬約櫃的肋未人,他們便你們所住的地方起身,跟著它走,
4 Dapat may pagitan ito ng dalawang libong kubit sa inyo. Huwag kayong lalapit dito, para makita ninyo kung alin ang daraanan, dahil hindi pa ninyo dinaanan ang daang ito dati.”
好使你們知道你們應走的路,因為這條路你們從來沒有走過。但在你們與約櫃之間,相隔二千肘,不可走近約櫃。」
5 Sinabi ni Josue sa mga tao, “Ihandog ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas, dahil gagawa si Yahweh ng mga kababalaghan sa inyo.”
若蘇厄對百姓說:「你們應該自潔,因為上主明天要在你們中間行神蹟。
6 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga pari, “Buhatin ang kaban ng tipan, at dumaan sa harapan ng mga tao.” Kaya binuhat nila ang kaban ng tipan at pumunta sa harapan ng mga tao.
若蘇厄又吩咐司祭說:「你們抬起約櫃,在百姓前過河。」他們遂抬起約櫃,走在百姓前面。
7 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Sa araw na ito gagawin kitang dakila sa mga mata ng buong Israel. Malalaman nila na gaya ng ako ay kasama ni Moises, ako ay makakasama mo.
上主對若蘇厄說:「今天我要開始在眾以色列眼前顯揚你,使他們知道,我要與你同在,有如過去我與梅瑟同在一樣。
8 Utusan mo ang mga pari na nagdala ng kaban ng tipan, 'Kapag nakarating na kayo sa gilid ng tubig ng Jordan, dapat muna kayong huminto sa Ilog Jordan.'”
你吩咐抬約櫃的司祭說:「你們一到約旦河的水邊,就停在約旦河邊。」
9 Pagkatapos sinabi ni Josue sa mga Israelita, “Pumarito kayo, at pakinggan ang mga salita ni Yahweh na inyong Diyos.
若蘇厄又吩咐以色列子民說:「他們前來靜聽上主你們天主的話。」
10 Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
若蘇厄遂說:「你們由此可知道,永生的天主是在你們中間,衪必由你們面前,將客納罕人、赫特人、希威人、培黎齊人、基爾加士人、阿摩黎人和耶步斯人趕走。
11 Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan.
看,大地主宰的約櫃要在你們前面渡過約旦河。
12 Ngayon pumili ng labindalawang kalalakihan mula sa mga lipi ng Israel, isang lalaki sa bawat isa.
現在,你們應從以色列支派中,挑選十二人,每支派一人。
13 Kapag nakaapak na sa tubig ng Jordan ang mga talampakan ng mga paring may dala ng kaban ng tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo, mahahati ang tubig ng Jordan, at kahit na ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay hihinto sa pagdaloy at mananatili sila sa isang tambakan.
當抬大地的主宰上主約櫃的司祭的腳掌,一踏入約旦河的水,約旦河的水就必中斷,由上流下的水要停,像一道堤。
14 Kaya nang umalis ang mga tao para tumawid sa Jordan, ang mga pari na may dala ng kaban ng tipan ay pinangunahan ang bayan.
當百姓起程離開帳幕要到約旦河時,司祭抬著約櫃,走在百姓的前面。
15 Sa sandaling sumapit na sa Jordan ang may dala ng kaban, at ang paa ng mga iyon na may dala ng kaban ay lumubog sa gilid ng tubig (ngayon umaapaw ang Jordan sa lahat ng pangpang sa buong panahon ng pag-ani),
當抬約櫃的司祭到了約旦河,他們的腳一踏入水邊,──原來約旦河在整個收割期間,水常漲至河岸──
16 ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
水就停住了:由上流下的水像一道堤,停在很遠的地方,遠至匝爾堂附近的阿當城;往下流入的水像一道堤,停在很遠的地方,遠至匝爾堂附近的阿當城;往下流入阿辣巴海,即鹽海的水,已全退去;於是百姓在耶利哥對面過了河。
17 Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.
當全以色列人在旱地上渡過時,抬上主約櫃的司祭穩立在約旦河中的旱地上直到全民眾都渡過約旦河。

< Josue 3 >