< Josue 23 >
1 At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
Or molto tempo dopo che l’Eterno ebbe dato requie a Israele liberandolo da tutti i nemici che lo circondavano, Giosuè, ormai vecchio e bene innanzi negli anni,
2 Tinawag ni Josue ang buong Israel—ang kanilang mga matatanda, ang kanilang mga pinuno, ang kanilang mga hukom, at ang kanilang mga opisiyal—at sinabi sa kanila, “Napakatanda ko na.
convocò tutto Israele, gli anziani, i capi, i giudici e gli ufficiali del popolo, e disse loro: “Io sono vecchio e bene innanzi negli anni.
3 Nakita ninyo ang lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng mga bansang ito para sa inyong kapakanan, dahil si Yahweh na inyong Diyos ang nakipaglaban para sa inyo.
Voi avete veduto tutto ciò che l’Eterno, il vostro Dio, ha fatto a tutte queste nazioni, cacciandole d’innanzi a voi; poiché l’Eterno, il vostro Dio, e quegli che ha combattuto per voi.
4 Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran.
Ecco io ho diviso tra voi a sorte, come eredità, secondo le vostre tribù, il paese delle nazioni che restano, e di tutte quelle che ho sterminate, dal Giordano fino al mar grande, ad occidente.
5 Paaalisin sila ni Yahweh na inyong Diyos. Itutulak siya niya mula sa inyo. Sasakupin niya ang kanilang lupain, at aariin ninyo ang kanilang lupain, gaya ng ipinangako sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
E l’Eterno, l’Iddio vostro, le disperderà egli stesso d’innanzi a voi e le scaccerà d’innanzi a voi e voi prenderete possesso del loro paese, come l’Eterno, il vostro Dio, v’ha detto.
6 Kaya maging matatag kayo, kaya mapapanatili ninyo at magagawa ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Batas ni Moises, hindi kayo lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa,
Applicatevi dunque risolutamente ad osservare e a mettere in pratica tutto ciò ch’è scritto nel libro della legge di Mosè, senza sviarvene né a destra né a sinistra,
7 kaya hindi kayo maisasama sa mga bansang ito na nananatiling kasama ninyo o babanggitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos, sumumpa sa kanila, sambahin sila, o yumukod sa kanila.
senza mischiarvi con queste nazioni che rimangono fra voi; non mentovate neppure il nome de’ loro dèi, non ne fate uso nei giuramenti; non li servite, e non vi prostrate davanti a loro;
8 Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
ma tenetevi stretti all’Eterno, ch’è il vostro Dio, come avete fatto fino ad oggi.
9 Dahil pinaalis ni Yahweh sa harap ninyo ang malaki, malakas na mga bansa. Para sa inyo, walang isa man ang nakatayo sa harapan ninyo hanggang sa kasalukuyan.
L’Eterno ha cacciato d’innanzi a voi nazioni grandi e potenti; e nessuno ha potuto starvi a fronte, fino ad oggi.
10 Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
Uno solo di voi ne inseguiva mille, perché l’Eterno, il vostro Dio, era quegli che combatteva per voi, com’egli vi avea detto.
11 Bigyan ng kaukulang pansin, para mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos.
Vegliate dunque attentamente su voi stessi, per amar l’Eterno, il vostro Dio.
12 Pero kung tatalikod kayo at kakapit sa mga nakaligtas sa mga bansang ito nanatiling kasama ninyo, o kung kumuha ng asawa mula sa kanila, o kung makikisama kayo sa kanila at sila sa inyo,
Perché, se vi ritraete da lui e v’unite a quel che resta di queste nazioni che son rimaste fra voi e v’imparentate con loro e vi mescolate con esse ed esse con voi,
13 pagkatapos tiyak na malalaman na hindi na palalayasin ni Yahweh na inyong Diyos ang mga bansang ito mula sa inyo. Sa halip, magiging isang patibong sila at isang bitag para sa inyo, pamalo sa inyong likuran at mga tinik sa inyong mga mata, hanggang sa mamatay kayo mula sa mabungang lupaing ito na binigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
siate ben certi che l’Eterno, il vostro Dio, non continuerà a scacciare queste genti d’innanzi a voi, ma esse diventeranno per voi una rete, un’insidia, un flagello ai vostri fianchi, tante spine negli occhi vostri, finché non siate periti e scomparsi da questo buon paese che l’Eterno, il vostro Dio, v’ha dato.
14 At ngayon lalakad ako sa daan sa buong lupa, at malalaman ninyo ng buong puso at kaluluwa na walang isang salitang hindi nagkatotoo sa lahat ng mga mabubuting bagay na ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos tungkol sa inyo. Lahat ng mga bagay na ito ay nangyari para sa inyo. Walang isa sa kanila ang nabigo.
Or ecco, io me ne vo oggi per la via di tutto il mondo; riconoscete dunque con tutto il vostro cuore e con tutta l’anima vostra che neppur una di tutte le buone parole che l’Eterno, il vostro Dio, ha pronunciate su voi e caduta a terra; tutte si son compiute per voi; neppure una e caduta a terra.
15 Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
E avverrà che, come ogni buona parola che l’Eterno, il vostro Dio, vi avea detta si è compiuta per voi, così l’Eterno adempirà a vostro danno tutte le sue parole di minaccia, finché vi abbia sterminati di su questo buon paese, che il vostro Dio, l’Eterno, vi ha dato.
16 Gagawin niya ito kung sisirain ninyo ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na iniutos niya sa inyo para sundin. Kung pupunta kayo at sasamba sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila, sa gayon mag-aalab ang galit ni Yahweh laban sa inyo, at mabilis kayong mamamatay mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.”
Se trasgredite il patto che l’Eterno, il vostro Dio, vi ha imposto, e andate a servire altri dèi e vi prostrate davanti a loro, l’ira dell’Eterno s’accenderà contro di voi, e voi perirete presto, scomparendo dal buon paese ch’egli vi ha dato”.