< Josue 22 >
1 Sa panahong iyon tinawag ni Josue ang mga Reubenita, ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases.
那時若蘇厄將勒烏本人加特人和默納協半支派的人召來,
2 Sinabi niya sa kanila, “Nagawa ninyo ang lahat ng bagay na iniutos sa inyo ni Moises, ang lingkod ni Yahweh; Sinunod ninyo ang aking tinig sa lahat ng iniutos ko sa inyo.
對他們說:「上主僕人梅瑟吩咐你們的一切,你們都遵守了,在我吩咐他們的一切事上,你們也都聽了我的話。
3 Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na lalaki sa maraming araw na ito o hanggang sa araw na ito. Sa halip, naging maingat kayo na sumunod sa mga itinagubilin ng mga kautusan ni Yahweh na inyong Diyos.
這許多日子,你們從來沒有你們的的弟兄,直到今天,忠信遵守了上主你們天主的命令。
4 Ngayon si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid na lalaki, gaya ng ipinangako niya sa kanila. Kaya bumalik kayo at pumunta sa inyong mga tolda sa lupaing pag-aari ninyo, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabilang bahagi ng Jordan.
現在上主我們的天主,照衪所應許的,使你們的弟兄獲得了安居,你們現在可返回自己的帳幕,回到上主的僕人梅瑟在約旦河東岸,賜你們為產業的地方去,
5 Lubos na maging maingat lamang na sundin ang mga kautusan at batas na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh, na mahalin si Yahweh na inyong Diyos, na lumakad sa lahat ng kaniyang mga pamamaraan, na panatilihin ang mga kautusan, at kumapit sa kaniya at sambahin siya ng buong puso ninyo at ng buo kaluluwa ninyo.”
只要要你們遵守上主的僕人梅瑟吩咐你們的誡命和法律:愛慕上主你們的天主,遵行衪的一切道路,謹守衪的誡命,全心人靈歸屬上主,服事上主。」
6 Kaya pinagpala sila ni Josue at pinaalis sila, at bumalik sila sa kanilang mga tolda.
若蘇厄於是祝福了他們,打發他們回去;他們就返回了自己的帳幕。──
7 Ngayon sa kalahati ng lipi ni Manases, binigyan sila ni Moises ng isang pamana sa Bashan, pero sa isa pang kalahati, binigyan ni Josue ng isang pamana katabi ng kanilang mga kapatid na lalaki sa lupain sa kanluran ng Jordan. Pinabalik sila ni Josue sa kanilang mga tolda; pinagpala niya sila
梅瑟在巴商已分給了默納協半支派土地。至於另半個支派,若蘇厄在約旦河西,在他們的弟兄中,也分給了他們土地,此外,當若蘇厄打發他們回帳幕的時候,祝福了他們,
8 at sinabi sa kanila, “Bumalik sa inyong mga tolda na may maraming salapi, at may napakaraming alagang hayop, at ng pilak at ginto, at ng tanso at bakal, at ng napakaraming mga kasuotan. Hatiin ninyo ang mga ninakaw mula sa inyong mga kaaway kasama ng inyong mga kapatid na lalaki.”
向他們說:「現在你們帶著這許多財物、牛、羊、金銀、銅鐵,和大批衣服回到自己的帳幕,也要將你們從由敵人奪得的財物,分給你們的弟兄! 」
9 Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Ruben, ang mga kaapu-apuhan ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay bumalik sa tahanan, na iniwan ang bayan ng Israel sa Silo, na nasa lupain ng Canaan. Umalis sila para magtungo sa rehiyon ng Galaad, sa sarili nilang lupain, na sila mismo ang nagmamay-ari, alinsunod sa kautusan ni Yahweh, sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
勒烏本人、召集人和默納協半支派的人,於是從客納罕的史羅起身,離開以色列人,回到自己得為產業的基肋阿得,即上主藉梅瑟吩咐給他們作為產業的地方。
10 Nang makarating sila sa Jordan na nasa lupain ng Canaan, ang mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang altar katabi ng Jordan, isang napakalaki at tanyag na altar.
當勒烏本人、加得和默納協半支派的人來到屬客納罕地的約旦河附近地區時,在約旦河邊築了一座祭壇,一座高大可觀的祭壇。
11 Narinig ng bayan ng Israel ang tungkol dito at sinabi, “Tingnan mo! Nagtayo ng isang altar ang bayan ng Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa harap ng lupain ng Canaan, sa Gelilot, sa rehiyong malapit sa Jordan, sa tabi na pag-aari ng bayan ng Israel.”
以色列人聽見說:「看,勒烏本人、加得人和默納協半支派的人,在屬客納罕地的約旦河附近地區,以色列子民境內,築了一座祭壇。」
12 Nang marinig ito ng bayan ng Israel, ang buong kapulungan ng bayan ng Israel ay sama-samang nagtipon sa Silo para umakyat para makipagdigma laban sa kanila.
以色列子民一聽說這事,全會眾便聚集在史羅,要去作戰攻打他們。
13 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang bayan ng Israel sa mga lahi ni Ruben, mga lahi ni Gad, at kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad. Ipinadala rin nila si Finehas anak na lalaki ni Eleazar, ang pari,
以色列子民便委派厄肋阿匝爾的兒子丕乃哈斯司祭,到基肋阿得地方去見勒烏本人、加得人和默納協半支派人,
14 at kasama niya ang sampung pinuno, isa sa bawat mga pamilyang minamana ng Israel, at bawat isa sa kanila ay mga pinuno ng isang angkan sa loob ng bayan ng Israel.
和他們同去的尚有十位領袖,每支派一個,他們都是以色列各家族的族長。
15 Dumating sila sa mga tao ng Ruben, Gad, at ng kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, at nagsalita sila sa kanila:
他們來到基肋阿得地方,見勒烏本人、加得人和默納協半支派人,向他們說:
16 “Ang buong kapulungan ni Yahweh ay sinasabi ito, “Ano itong kataksilang nagawa ninyo laban sa Diyos ng Israel, sa pamamagitan ng pagsunod kay Yawheh simula sa araw na ito sa pamamagitan ng pagtatayo para sa inyong sarili ng isang altar sa araw na ito sa paghihimagsik laban kay Yahweh?
「上主的全會眾這樣說:你們相反以色列的天主,犯這不信的罪,有什麼意思﹖為什麼你們今天離開上主,另建立祭壇,公開背叛上主﹖
17 Hindi pa ba sapat ang kasalanan natin sa Peor? Gayunman hindi pa nga natin nalinisan ang ating mga sarili mula rito. Dahil sa kasalanan na iyon dumating ang isang salot sa kapulungan ni Yahweh.
以前敬拜培敖爾的罪萵為我們還不夠嗎﹖為了那個罪過,災禍降於上主的會眾,直到今天,我們還沒洗淨:
18 Dapat din kayong tumalikod mula sa pagsunod kay Yahweh sa kasalukuyang ito? Kung maghihimagsik din kayo laban kay Yahweh ngayon, bukas magagalit siya sa buong kapulungan ng Israel.
看,你們今天又要離開上主,你們今天違背上主,明天衪必向以色列全會眾發怒。
19 Kung ang lupain na inyong pag-aari ay nadungisan, pagkatapos dapat kayong dumaan sa lupain na kinatatayuan ng tabernakulo ni Yahweh at kumuha kayo ng isang ari-arian para sa inyong mga sarili sa kalagitnaan namin. Huwag lamang maghimagsik laban kay Yahweh, ni maghimagsik laban sa amin sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa inyong mga sarili maliban sa altar ni Yahweh na aming Diyos.
如果你們認為所得的地方不潔,可以回到上主的地方,上主帳幕的所在地,住在我們中間;決不可違背上主,激怒我們,在上主我們的祭壇以外,為自己另築祭壇。
20 Hindi ba si Acan anak na lalaki ni Zera, ang sumira ng pananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na iyon na nakalaan para sa Diyos? At hindi ba bumagsak ang poot sa buong bayan ng Israel? Hindi lamang ang lalaking iyon ang mag-isang napahamak dahil sa kaniyang kasamaan.'”
以前則辣黑的子孫阿干,在應毀滅的財物上犯了不忠之罪,雖只他一人犯罪,憤怒豈不是臨到以色列全會眾﹖死在他罪過中的不只他一人」。
21 Pagkatapos ang mga lipi ni Ruben, Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay sumagot sa mga pinuno ng mga angkan ng Israel:
勒烏本人、加得和默納協半支派的人,回答以色列的首長說:
22 “Ang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! Ang Isang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! —Alam niya, at hayaang malaman ng Israel! Kung ito ay sa paghihimagsik o sa paglabag ng pananampalataya laban kay Yahweh, huwag kaming iligtas sa araw na ito
「大能者天主上主,大能者天主上主清楚知道,以色列也明白:如果我們有違背或干犯上主的事,願衪今天別救我們!
23 sa pagtatayo namin ng altar para ilayo ang aming mga sarili mula sa pagsunod kay Yahweh. Kung itinayo namin ang altar na iyon para maghandog doon ng mga handog na susunugin, mga butil na handog, o mga pangkapayapaang handog, sa gayon hayaang pagbayarin kami ni Yahweh para rito.
如果我們建築這祭壇,有意離開上主,或有意在祭壇上祭全燔祭、素祭或和平祭,願上主自己懲罰我們!
24 Hindi! Ginawa namin iyon dahil sa takot na sa pagdating ng panahon ang inyong mga anak ay maaaring magsabi sa aming mga anak, “Ano ang kinalaman ninyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel?
我們做這事,其實正是顧慮到:將來你們的子孫會對我們的子孫說:你們和上主以色列的天主有什麼關係﹖
25 Dahil ginawa ni Yahweh ang Jordan na isang hangganan sa pagitan namin at ninyo. Kayong bayan ng Ruben at bayan ng Gad, wala kayong anumang bagay na ginawa kay Yahweh.' Kaya ang inyong mga anak ay maaaring gawing patigilin ang aming mga anak para sambahin si Yahweh.
天主定了約旦河為我們和你們勒烏本和和得人之間的界限,你們和上主已沒有分子。這樣你們的子孫必使我們的的子孫不再敬畏上主。
26 Kaya sinabi namin, “Tayo ay magtayo ng isang altar, hindi para sa mga handog na susunugin ni para sa anumang mga alay,
因此我們想:我們還是建築一座祭壇,不是為獻全燔祭,也不是為祭獻犧牲,
27 pero para maging isang saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng aming mga salinlahi pagkatapos namin, na gagampanan namin ang paglilingkod kay Yahweh sa harap niya, kasama ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga alay at kasama ng aming mga handog pangkapayapaan, sa gayon hindi kailanman magsasabi ang inyong mga anak sa aming mga anak sa panahon na darating, “Wala kayong bahagi kay Yahweh.”
只是為在你我之間,在你我後人之間作一證據,證明我們願在上主面前以全燔祭犧牲及和平祭敬禮上主,免得日後你們的子孫對我們的子孫說:你們與上主已沒有分子o
28 Kaya sinabi namin, 'Kung dapat itong sabihin sa amin o sa aming mga kaapu-apuhan sa panahon na darating, sasabihin naming, “Pagmasdan ninyo! Ito ang isang kopya ng altar ni Yahweh, na ginawa ng aming mga ninuno, hindi para sa mga handog na sinunog, ni para sa mga alay, pero bilang isang saksi sa pagitan namin at ninyo.”
因此我們想:日後如有人對我們或我們的子孫說,我們可以說:你們試看我們的祖先所築的上主的祭壇的式樣,不是為獻全燔祭,也不是為獻犧牲,而是為作你我之間的證劇。
29 Huwag nawa mangyari sa amin ito na kami ay maghimagsik laban kay Yahweh, at tumalikod ngayon mula sa pagsunod sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa handog na sinunog, para sa handog na butil, o para sa alay, maliban sa isang altar ni Yahweh aming Diyos na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.'”
我們今天沒有意思違背上主,離開上主,在上主我們天主的帳幕前的祭壇以外,為獻全墦祭、素祭和犧牲,另建立一祭壇。」
30 Nang si Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga tao, iyon ay, ang mga ulo ng mga angkan ng Israel na kasama niya, ay narinig ang mga salita na sinabi ng bayan ng Ruben, Gad, at Manases, na mabuti ito sa kanilang mga paningin.
司祭丕乃哈斯和同他同來的會眾的首領,即以色列人的族長,聽了勒烏本人、加得人和默納協人所的話,都表示滿意。
31 Sinabi ni Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari sa bayan ng Ruben, Gad at Manases, “Ngayon alam namin na si Yahweh ay kasama namin, dahil hindi ninyo nagawa ang paglabag sa pananampalatayang ito laban sa kaniya. Ngayon sinagip ninyo ang bayan ng Israel mula sa kamay ni Yahweh.”
厄肋阿則爾的兒子丕乃哈司祭對勒烏本人、加得人和默納協人說:「今天我們知道上主是在我們中間,因為你們對上主沒有犯過這樣不忠信的罪,現在你們由上主手中救了以色列子民。」
32 Pagkatapos bumalik sina Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari, at ang mga pinuno mula sa mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad, palabas ng lupain ng Galaad, pabalik sa lupain ng Canaan, patungo sa bayan ng Israel, at nagbalik ng mensahe sa kanila.
厄肋阿則爾的兒子丕乃哈司祭和首領便離開勒烏本人、加得人和默納協半支派的人,從基肋阿得地方回到客納罕地見以色列子民,給他們報告了這事。
33 Ang kanilang ulat ay mabuti sa paningin ng bayan ng Israel. Pinagpala ng bayan ng Israel ang Diyos at hindi na nagsalita tungkol sa paggawa ng digmaan laban sa mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad, para wasakin ang lupain kung saan sila nanirahan.
以色列子民對這報告都表示滿意,遂頌揚上主,不再想作戰攻打勒烏本人和加得人,毀滅他們所住的地方。
34 Ang mga Reubenita at ang Gadita ay pinangalanan ang altar na “Saksi” dahil sinabi nila na “Ito ay isang saksi sa pagitan namin na si Yahweh ay Diyos.”
勒烏本人和加得人給那祭壇起名叫「赫得,」因為他們說:「這祭壇在我們中間證明上主是真天主。」