< Josue 20 >
1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue,
At ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,
2 “Sabihin mo sa bayan ng Israel, na sinasabing, 'Pumili ng mga lungsod ng kanlungan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
Magsalita ka sa mga anak ni Israel, na sabihin mo, Italaga ninyo sa inyo ang mga bayang ampunan, na aking sinalita sa inyo sa pamamagitan ni Moises:
3 Gawin ito para makapunta doon ang isang tao na nakapatay nang hindi sinasadya. Ang mga lungsod na ito ay magiging isang lugar ng kanlungan mula sa sinumang naghahangad para sa paghihiganti sa dugo ng isang tao na pinatay.
Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo.
4 Siya ay tatakbo isa sa mga lungsod na iyon at tatayo sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan, at ipinaliwanag ang kaniyang kaso sa mga nakatatanda ng lungsod na iyon. Pagkatapos siya ay dadalhin nila sa loob ng lungsod at bibigyan siya ng isang lugar na matitirahan kasama nila.
At siya'y tatakas sa isa sa mga bayang yaon, at tatayo sa pasukan ng pintuan ng bayan, at magsasaysay sa mga pakinig ng mga matanda sa bayang yaon; at kanilang kukunin siya sa bayan na ipagsasama nila, at bibigyan nila siya ng isang dako, upang siya'y tumahan sa gitna nila.
5 At kapag dumating ang isang maghihiganti ng dugo, pagkatapos ang bayan ng lungsod ay hindi dapat isuko para sa kapangyarihan na siyang pumatay sa kaniya. Hindi dapat nilang gawin ito, dahil pinatay niya ang kaniyang kapitbahay nang hindi inaasahan at hindi nasuklam sa kaniya sa simula pa.
At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.
6 Dapat siyang manatili sa lungsod hanggang tumayo siya sa harap ng kapulungan para sa paghatol, hanggang sa kamatayan ng naglilingkod bilang punong pari sa mga araw na iyon. Pagkatapos ang isang sadyang nakapatay sa tao ay maaaring bumalik sa kaniyang sariling bayan at kaniyang sariling tahanan, sa bayan na kaniyang tinakasan.
At siya'y tatahan sa bayang yaon, hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.
7 Kaya pinili ng mga Israelita ang Kades sa Galilea sa maburol na lugar ng Neftali, Secem sa maburol na lugar ng Efraim at ang Kiriat Arba (pareho gaya ng Hebron) sa bansang burol ni Juda.
At kanilang ibinukod ang Cedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Nepthali, at ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang Chiriath-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.
8 Lampas ng Jordan sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer sa ilang na nasa talampas mula sa lipi ni Ruben; Ramot Galaad, mula sa lipi ni Gad; at Golan sa Bashan, mula sa lipi ni Manases.
At sa dako roon ng Jordan sa Jerico na dakong silanganan, ay kaniyang itinalaga ang Beser sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang Ramoth sa Galaad na mula sa lipi ni Gad, at ang Gaulon sa Basan na mula sa lipi ni Manases.
9 Ito ang mga piniling lungsod para sa buong bayan ng Israel at para sa mga dayuhan na naninirahan kasama nila, para sinuman na makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring makatakbo sa kanila para sa kanilang kaligtasan. Hindi maaaring mamamatay ang taong ito sa pamamagitan ng kamay ng maghihiganti ng dugo, hanggang humarap muna sa kapulungan ang napagbintangan.
Ito ang mga itinalagang bayan sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa taga ibang lupa na tumatahan sa gitna nila, na sinomang makamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon, at huwag mapatay ng kamay ng manghihiganti sa dugo, hanggang hindi nahaharap sa kapisanan.