< Josue 2 >

1 Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
And Joshua the son of Nun sent out of Shittim two men to spy secretly, saying, Go view the land, even Jericho. And they went, and came into an harlot's house, named Rahab, and lodged there.
2 Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.”
And it was told the king of Jericho, saying, Behold, there came men in here to night of the children of Israel to search out the country.
3 Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.”
And the king of Jericho sent unto Rahab, saying, Bring forth the men that are come to you, which are entered into your house: for they be come to search out all the country.
4 Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
And the woman took the two men, and hid them, and said thus, There came men unto me, but I know not whence they were:
5 Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.”
And it came to pass about the time of shutting of the gate, when it was dark, that the men went out: where the men went I know not: pursue after them quickly; for all of you shall overtake them.
6 Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
But she had brought them up to the roof of the house, and hid them with the stalks of flax, which she had laid in order upon the roof.
7 Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
And the men pursued after them the way to Jordan unto the fords: and as soon as they which pursued after them were gone out, they shut the gate.
8 Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
And before they were laid down, she came up unto them upon the roof;
9 Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
And she said unto the men, I know that the LORD has given you the land, and that your terror is fallen upon us, and that all the inhabitants of the land faint because of you.
10 Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
For we have heard how the LORD dried up the water of the Red sea for you, when all of you came out of Egypt; and what all of you did unto the two kings of the Amorites, that were on the other side Jordan, Sihon and Og, whom all of you utterly destroyed.
11 Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
And as soon as we had heard these things, our hearts did melt, neither did there remain any more courage in any man, because of you: for the LORD your God, he is God in heaven above, and in earth beneath.
12 Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
Now therefore, I pray you, swear unto me by the LORD, since I have showed you kindness, that all of you will also show kindness unto my father's house, and give me a true token:
13 na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan.”
And that all of you will keep alive my father, and my mother, and my brethren, and my sisters, and all that they have, and deliver our lives from death.
14 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
And the men answered her, Our life for yours, if all of you utter not this our business. And it shall be, when the LORD has given us the land, that we will deal kindly and truly with you.
15 Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
Then she let them down by a cord through the window: for her house was upon the town wall, and she dwelt upon the wall.
16 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
And she said unto them, Get you to the mountain, lest the pursuers meet you; and hide yourselves there three days, until the pursuers be returned: and afterward may all of you go your way.
17 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
And the men said unto her, We will be blameless of this your oath which you have made us swear.
18 Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
Behold, when we come into the land, you shall bind this line of scarlet thread in the window which you did let us down by: and you shall bring your father, and your mother, and your brethren, and all your father's household, home unto you.
19 Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
And it shall be, that whosoever shall go out of the doors of your house into the street, his blood shall be upon his head, and we will be guiltless: and whosoever shall be with you in the house, his blood shall be on our head, if any hand be upon him.
20 Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan.”
And if you utter this our business, then we will be quit of your oath which you have made us to swear.
21 Sumagot si Rahab, “Matupad nawa ang inyong sinabi.” Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
And she said, According unto your words, so be it. And she sent them away, and they departed: and she bound the scarlet line in the window.
22 Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
And they went, and came unto the mountain, and abode there three days, until the pursuers were returned: and the pursuers sought them throughout all the way, but found them not.
23 Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
So the two men returned, and descended from the mountain, and passed over, and came to Joshua the son of Nun, and told him all things that befell them:
24 At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.
And they said unto Joshua, Truly the LORD has delivered into our hands all the land; for even all the inhabitants of the country do faint because of us.

< Josue 2 >