< Josue 2 >

1 Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Poslal pak byl Jozue, syn Nun, z Setim dva muže špehéře tajně, řka: Jděte, shlédněte zemi, zvlášť Jericho. I šli a vešli do domu ženy nevěstky, jejíž jméno bylo Raab, a odpočinuli tu.
2 Sinabi ito sa hari ng Jerico, “Tingnan ninyo, dumating ang mga lalaki ng Israel para magmanman sa lupain.”
Ale jakž oznámeno bylo králi Jericha a povědíno: Aj, muži přišli sem této noci z synů Izraelských, aby shlédli zemi,
3 Ang hari ng Jerico ay nagpasabi kay Rahab at sinabi, “Ilabas ang mga lalaking pumunta sa iyo na tumuloy sa iyong bahay, dahil naparito sila para magmanman sa buong lupain.”
Tedy poslal král Jericha k Raab, řka: Vyveď muže, kteříž přišli k tobě, a vešli do domu tvého, nebo k vyšpehování vší země přišli.
4 Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
(Pojavši pak žena ty dva muže, skryla je.) Kteráž odpověděla: Pravda jest, přišliť jsou ke mně muži, ale nevěděla jsem, odkud jsou.
5 Umalis sila nang takipsilim, oras iyon para isara ang tarangkahan ng lungsod. Hindi ko alam kung saan sila pumunta. Marahil maaabutan ninyo sila kung magmamadali kayong sundan sila.”
A když bránu zavírati měli v soumrak, vyšli muži ti, a nevím, kam jsou šli; hoňte je rychle, nebo dostihnete jich.
6 Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
Ale ona rozkázala jim vstoupiti na střechu, a skryla je v pazdeří lněném, kteréž byla skladla na střeše.
7 Kaya sinundan sila ng mga lalaki sa daang papunta sa mga tawiran ng Jordan. At isinara ang mga tarangkahan pagkalabas ng mga humahabol.
Muži pak vyslaní honili je cestou Jordánskou až k brodům; a zavřína jest brána, jakž vyšli ti, kteříž je honili.
8 Hindi pa nakakahiga ang mga lalaki para sa gabi, nang umakyat siya sa kanila sa bubong.
Prvé pak, než usnuli špehéři, vstoupila k nim ona na střechu,
9 Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
A řekla mužům těm: Vím, že Hospodin dal vám zemi tuto, nebo připadl na nás strach váš, tak že oslábli všickni obyvatelé země před tváří vaší.
10 Nabalitaan namin kung paano pinatuyo ni Yahweh ang tubig ng Dagat na Pula para sa inyo noong lumabas kayo sa Ehipto. At nabalitaan namin kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amoreo sa kabilang dako ng Jordan—Sihon at Og—na winasak ninyong ganap.
Slyšeli jsme zajisté, jak vysušil Hospodin vody moře Rudého před tváří vaší, když jste vyšli z Egypta, a co jste učinili dvěma králům Amorejským, kteříž byli za Jordánem, Seonovi a Ogovi, kteréž jste zahladili jako proklaté.
11 Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
Což když jsme uslyšeli, osláblo srdce naše, aniž zůstává více v kom duše před tváří vaší, nebo Hospodin Bůh váš jest Bůh na nebi svrchu, i na zemi dole.
12 Kaya ngayon, pakiusap mangako ka sa akin sa pamamagitan ni Yahweh na, katulad ng aking kabutihan sa inyo, pakitunguhan rin ninyo ng may kabutihan ang sambahayan ng aking ama. Bigyan ninyo ako ng isang tiyak na palatandaan
Nyní tedy, prosím, přisáhněte mi skrze Hospodina, poněvadž jsem učinila vám milosrdenství, že i vy učiníte s domem otce mého milosrdenství, a dáte mi znamení jisté,
13 na ililigtas ninyo ang buhay ng aking ama, ina, mga kapatid na lalaki at babae, at ang kanilang buong pamilya, at sa gayon ililigtas ninyo kami mula sa kamatayan.”
Že budete živiti otce mého i matku mou, bratří mé i sestry mé a všecko, cožkoli jejich jest, a vysvobodíte duše naše od smrti.
14 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
I řekli jí muži ti: Duše naše za vás nechť jsou na smrt; jestliže však nepronesete řeči naší této, takť se jistě stane, že když nám dá Hospodin zemi tuto, tehdy učiníme s tebou milosrdenství a pravdu.
15 Kaya pinalabas niya sila sa bintana gamit ang isang lubid. Ang bahay kung saan siya nanirahan ay itinayo sa loob ng pader ng lungsod.
Protož spustila je oknem po provazu; nebo dům její byl při zdi městské, a na zdi ona bydlila.
16 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa mga burol at magtago o ang mga humahabol ay makikita kayo. Magtago kayo doon sa loob ng tatlong araw hanggang ang mga humahabol ay makabalik. Pagkatapos magpatuloy na sa inyong landas.”
I řekla jim: Jděte k této hoře, aby se nepotkali s vámi, kteříž vás honí, a krejte se tam za tři dni, až se oni zase navrátí, a potom půjdete cestou svou.
17 Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Wala kaming pananagutan sa mga pangakong ipinagawa mo sa aming sumpaan, kung hindi mo gagawin ito:
Tedy řekli muži k ní: Prosti budeme od této přísahy tvé, kterouž jsi zavázala nás,
18 Kapag pumasok kami sa lupain, dapat itali mo itong matingkad na pulang lubid sa bintana na siyang pinagbabaan mo sa amin, at magtitipon kayo sa bahay ng iyong ama at ina, iyong mga lalaking kapatid at ang buong sambahayan ng iyong ama.
Jestliže, když vejdeme do země, neuvážeš provázku tohoto z nití hedbáví červeného dvakrát barveného v tomto okně, jímž jsi nás spustila, také otce svého a matky své, i bratří svých, a všeho domu otce svého neshromáždíš-li k sobě do domu.
19 Sinuman ang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay patungo sa lansangan, ang kanilang dugo ay nasa kanilang sariling mga ulo at wala kaming pananagutan. Pero kung may isang kamay na manakit sa sinumang kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay nasa aming mga ulo.
Také kdo by vyšel ven ze dveří domu tvého, krev jeho bude na hlavu jeho, ale my budeme bez viny; a každého toho, kdož bude s tebou v domě, jestliže by se kdo rukou dotekl, krev jeho na hlavy naše připadni.
20 Pero kung ipagsasabi mo itong aming pakay, kung gayon wala kaming pananagutan sa pangakong aming sinumpaan sa iyo, sa pangakong pinagawa mong aming sumpaan.”
Jestliže pak proneseš tuto řeč naši, budeme prosti od přísahy tvé, kterouž jsi nás zavázala.
21 Sumagot si Rahab, “Matupad nawa ang inyong sinabi.” Pinaalis niya sila at umalis sila. Pagkatapos itinali niya ang matingkad na pulang lubid sa bintana.
Odpověděla ona: Nechť jest tak, jakž jste řekli. I propustila je a odešli; i uvázala provázek z hedbáví červeného dvakrát barveného v tom okně.
22 Umalis at umakyat sila sa mga burol at nanatili sila doon ng tatlong araw hanggang sa makabalik ang mga humahabol sa kanila. Naghanap ang mga humahabol sa kahabaan ng daanan at wala silang natagpuan.
Odšedše pak, přišli na horu, a pobyli tam za tři dni, dokudž se nenavrátili, kteříž je honili; nebo jich hledali ti, kteříž je honili po všech cestách, ale nic nenalezli.
23 Bumalik ang dalawang lalaki at tumawid at nagbalik kay Josue anak ni Nun, at isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng bagay na nangyari sa kanila.
Ti pak dva muži sšedše s hory, navrátili se a přeplavili se přes Jordán; i přišli k Jozue, synu Nun, a vypravovali jemu všecko, co se s nimi dálo.
24 At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.
A řekli k Jozue: Dalť jest Hospodin v ruce naše všecku zemi, nebo se zděsili všickni obyvatelé země tváři naší.

< Josue 2 >