< Josue 19 >
1 Tumapat ang ikalawang palabunutan kay Simeon at itinalaga ito sa bawat mga angkan nila. Ang minana nila ay nasa gitna ng pamana na pag-aari ng lipi ni Juda.
At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
2 Napunta sa kanila bilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada,
At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;
3 Hazar, Sual, Bala, Ezem,
At Hasar-sual, at Bala, at Esem;
4 Eltolad, Betul, at Horma.
At Heltolad, at Betul, at Horma;
5 May Ziklag din si Simeon, Bet Marcabot, Hazar Susa,
At Siclag, at Beth-marchaboth, at Hasarsusa,
6 Bet Labaot, at Saruhen. Labing tatlong lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Beth-lebaoth, at Saruhen: labing tatlong bayan pati ng mga nayon niyaon:
7 Si Simeon ay mayroon ding Ain, Rimmon, Eter, at Asan. Apat na lungsod ang mga ito, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Ain, Rimmon, at Eter, at Asan, apat na bayan pati ng mga nayon niyaon:
8 Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
At ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga bayang ito hanggang sa Baalathbeer, Ramat ng Timugan. Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.
9 Ang pamana ng lipi ni Simeon ay bumuo ng bahagi sa lupain ng lipi ni Juda. Dahil napakalawak para sa kanila ang bahagi ng lupaing itinalaga sa lipi ni Juda, tinanggap ng lipi ni Simeon ang kanilang pamana mula sa gitna ng kanilang bahagi.
Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
10 Tumapat ang ikatlong palabunutan sa lipi ni Zebulon, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan. Nagsimula ang hangganan ng kanilang minana sa Sarid.
At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:
11 Umakyat pakanluran ang kanilang hangganan patungong Marala at dumikit sa Dabbeset; pagkatapos umabot ito sa batis na katapat ng Jokneam.
At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,
12 Mula sa Sarid lumiko ang hangganan pasilangan patungo sa silangan at tumungo sa hangganan ng Kislot Tabor. Mula roon tumungo ito sa Daberat at pagkatapos pataas hanggang sa Japia.
At paliko mula sa Sarid sa dakong silanganan na dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Chisiloth-tabor, at palabas sa Dabrath, at pasampa sa Japhia;
13 Mula roon dumaan pasilangan sa Gat Heper, at pagkatapos sa Etkazin; sunod nagpunta ito sa Rimmon at lumiko patungo sa Nea.
At mula roon ay patuloy sa dakong silanganan sa Gith-hepher, sa Ittakazin; at palabas sa Rimmon na luwal hanggang sa Nea:
14 Lumiko ang hangganan sa hilaga patungong Hannathn at nagtapos sa lambak ng Ipta El.
At ang hangganan ay paliko sa hilagaan na patungo sa Hanaton: at ang labasan niyaon ay sa libis ng Iphta-el;
15 Kasama sa rehiyong ito ang mga lungsod ng Kattat, Naalal, Simron, Idala, at Betlehem. Mayroong labindalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At sa Catah, at sa Naalal, at sa Simron, at sa Ideala, at sa Bethlehem: labing dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
16 Ito ang minana ng lipi ni Zebulon, na ibinigay sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
Ito ang mana ng mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
17 Tumapat ang ikaapat na palabunutan kay Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
Ang ikaapat na kapalaran ay napasa Issachar, sa mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan.
18 Kasama sa kanilang lupain ang Jezreel, Kesulot, Sunem,
At ang kanilang hangganan ay hanggang sa Izreel, at Chesulloth, at Sunem,
19 Hafaraim, Sion, at Anaharat.
At Hapharaim, at Sion, at Anaarath,
20 Kasama rin dito ang Rabbit, Kision, Ebez,
At Rabbit, at Chision, at Ebes,
21 Remet, En-gannim, En-hadda, at Beth-passes.
At Rameth, at En-gannim, at En-hadda, at Beth-passes,
22 Dumikit din ang kanilang hangganan sa Tabor, Sahasim, at Beth-semes, at nagtapos sa Jordan. Mayroong labing-anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At ang hangganan ay abot sa Tabor, at Sahasim, at sa Beth-semes; at ang mga labasan ng hangganan ng mga yaon ay sa Jordan: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
23 Ito ang minana ng lipi ni Isacar, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
24 Tumapat ang ikalimang palabunutan sa lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
At ang ikalimang kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.
25 Kasama sa kanilang lupain ang Helka, Hali, Beten, Acsap,
At ang kanilang hangganan ay Helchat, at Hali, at Beten, at Axaph,
26 Alamelek, Amad, at Misal. Sa kanluran umabot ang hangganan sa Carmel at Sihor Libnat.
At Alammelec, at Amead, at Miseal; at abot sa Carmel na dakong kalunuran at sa Sihorlibnath;
27 Pagkatapos lumiko ito pasilangan sa Bet Dagon at umabot hanggang kasing layo ng Zebulon, at pagkatapos sa lambak ng Iphta-el, pahilaga sa Beth-emec at Nehiel. Pagkatapos nagpatuloy ito sa Kabul patungong hilaga.
At paliko sa dakong sinisikatan ng araw sa Beth-dagon, at abot sa Zabulon, at sa libis ng Iphta-el na dakong hilagaan sa Beth-emec at Nehiel; at palabas sa Cabul sa kaliwa.
28 Pagkatapos nagpatuloy ito sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana, hanggang kasing layo ng Pinakamalaking Sidon.
At Hebron, at Rehob, at Hammon, at Cana, hanggang sa malaking Sidon,
29 Bumalik ang hangganan sa Rama, at pagkatapos sa pinatibay na lungsod ng Tiro. Pagkatapos lumiko ang hangganan sa Hosa at nagtapos sa dagat, sa rehiyon ng Aczib,
At ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang mga labasan niyaon ay sa dagat mula sa lupain ni Achzib;
30 Umma, Apek, at Rehob. Mayroong dalawampu't dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Gayon din ang Umma, at Aphek, at Rehob: dalawang pu't dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
31 Ito ang minana ng lipi ni Aser, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
32 Tumapat ang ikaanim na palabunutan sa lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
Ang ikaanim na kapalaran ay napasa mga anak ni Nephtali, sa mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan.
33 Ang kanilang hangganan ay matatagpuan mula sa Helep, mula sa ensena sa Saananim, hanggang patungo sa Adamineceb at Jabneel, hanggang kasing layo ng Lakkum; nagtapos ito sa Jordan.
At ang kanilang hangganan ay mula sa Heleph, mula sa encina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum; at ang mga labasan niyaon ay sa Jordan;
34 Lumiko ang hangganan pakanluran sa Aznot-tabor at hanggang patungo sa Hukkok; at dumikit ito sa Zebulon sa timog, at nakarating sa Aser sa kanluran at Juda sa silangan sa Ilog Jordan.
At ang hangganan ay paliko sa dakong kalunuran sa Aznot-tabor, at palabas sa Hucuca mula roon; at abot sa Zabulon sa timugan, at abot sa Aser sa kalunuran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.
35 Ang mga pinatibay na lungsod ay Zidim, Zer, Hammat, Rakkat, Cinneret,
At ang mga bayang nakukutaan ay Siddim, Ser, at Hamath, Raccath, at Cinneret,
At Adama, at Rama, at Asor,
37 Kedes, Edrei, at En Hazor.
At Cedes, at Edrei, at En-hasor,
38 Naroon din ang Yiron, Migdalel, Horem, Beth-anat, at Beth-semes. Mayroong labinsiyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Iron, at Migdalel, Horem, at Beth-anath, at Beth-semes: labing siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
39 Ito ang minana ng lipi ni Neftali, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kabilang ang kanilang mga nayon.
Ito ang mana ng lipi, ng mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
40 Tumapat ang ikapitong palabunutan sa lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan.
Ang ikapitong kapalaran ay napasa lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
41 Kabilang sa minana nito ang Zora, Estaol, Ir Semes,
At ang hangganan ng kanilang mana ay Sora, at Estaol, at Ir-semes,
42 Saalabin, Ajalon, at Itla.
At Saalabin, at Ailon, at Jeth-la,
43 Kabilang rin dito ang Elon, Timna, Ekron,
At Elon, at Timnath, at Ecron,
44 Elteke, Gibbethon, Baalat,
At Elteche, at Gibbethon, at Baalat,
45 Jehud, Bene Berak, Gat Rimmon,
At Jehul, at Bene-berac, at Gatrimmon,
46 Me-Jarkon, at Rakkon kasama ang lupain sa ibayo mula sa Joppa.
At Me-jarcon, at Raccon pati ng hangganan sa tapat ng Joppa.
47 Nang mawala sa kanila ang lupain ng lipi ni Dan, nilusob ng Dan ang Lesem, nilabanan ito, at binihag ito. Pinatay nila ang bawat isa gamit ang espada, inangkin ito, at nanirahan dito. Muli nilang pinangalanan ang Lesem, tinawag itong Dan kasunod sa kanilang ninuno.
At ang hangganan ng mga anak ni Dan ay palabas sa dako roon ng mga yaon; sapagka't ang mga anak ni Dan ay sumampa at bumaka laban sa Lesem, at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak, at inari at tumahan doon, at tinawag ang Lesem, na Dan, ayon sa pangalan ni Dan, na kanilang ama.
48 Ito ang minana ng lipi ni Dan, at ibinigay ito sa kanilang mga angkan—ang mga lungsod, kasama ang kanilang mga nayon.
Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga yaon.
49 Nang matapos nila ang paglalaan ng lupain bilang pamana, ibinigay ng bayan ng Israel ang isang pamana kasama ang kanilang sarili para kay Josue na anak ni Nun.
Gayon kanilang tinapos ang pagbabahagi ng lupain na pinakamana ayon sa mga hangganan niyaon; at binigyan ng mga anak ni Israel ng mana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila:
50 Sa utos ni Yahweh ibinigay nila sa kanya ang lungsod na hiningi niya, ang Timnat Sera sa maburol na bansa ng Efraim. Muli niyang itinayo ang lungsod at nanirahan doon.
Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kaniya ang bayang kaniyang hiningi, ang Timnath-sera sa lupaing maburol ng Ephraim: at kaniyang itinayo ang bayan at tumahan doon.
51 Ito ang mga pamana na itinalaga ni Eleazar na pari, ni Josue na anak ni Nun, at ng mga panliping pinuno ng mga pamilya ng mga ninuno ng Israel sa pamamagitan ng palabunutan sa Silo, sa harapan ni Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Kaya natapos nila ang pagtatalaga ng lupain.
Ito ang mga mana na binahagi ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel na pinakamana, sa pamamagitan ng pagsasapalaran sa Silo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan. Gayon nila niwakasan ang pagbabahagi ng lupain.