< Josue 17 >
1 Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir.
玛拿西是约瑟的长子,他的支派拈阄所得之地记在下面。至于玛拿西的长子基列之父玛吉,因为是勇士就得了基列和巴珊。
2 Ang lupain itinalaga sa natirang lipi ni Manases, ibinigay sa kanilang mga angkan—Abiezer, Helek, Asriel, Secem, Heper, at Semida. Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Manases anak na lalaki ni Jose, iniharap sa kanilang mga angkan.
玛拿西其余的子孙,按着宗族拈阄分地,就是亚比以谢子孙,希勒子孙,亚斯列子孙,示剑子孙,希弗子孙,示米大子孙;这些按着宗族,都是约瑟儿子玛拿西子孙的男丁。
3 Ngayon si Zelopehad na anak na lalaki ni Heper na anak na lalaki ni Galaad anak na lalaki ni Makir anak na lalaki ni Manases ay walang mga anak na lalaki, pero mga anak na babae lamang. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mala, Noe, Hogla, Milka, and Tirza.
玛拿西的玄孙,玛吉的曾孙,基列的孙子,希弗的儿子西罗非哈没有儿子,只有女儿。他的女儿名叫玛拉、挪阿、曷拉、密迦、得撒;
4 Nilapitan nila si Eleazar na pari, Josue anak na lalaki ni Nun at ang mga pinuno, at kanilang sinabi, “Iniutos ni Yahweh kay Moises na ibigay sa amin ang isang pamana kasama ng aming mga kapatid na lalaki.” Kaya, sa pagsunod sa kautusan ni Yahweh, binigyan niya ang mga kababaihang iyon ng isang pamana kasama ng mga kapatid na lalaki ng kanilang ama.
她们来到祭司以利亚撒和嫩的儿子约书亚并众首领面前,说:“耶和华曾吩咐摩西在我们弟兄中分给我们产业。”于是约书亚照耶和华所吩咐的,在她们伯叔中,把产业分给她们。
5 Itinalaga ang sampung piraso ng lupa kay Manases sa Galaad at Basan, na nasa kabilang dako ng Jordan,
除了约旦河东的基列和巴珊地之外,还有十分地归玛拿西,
6 dahil nakatanggap ng pamana ang mga anak na babae ni Manases kasama ng kaniyang mga anak na lalaki. Itinalaga ang lupain ng Galaad sa natitirang lipi ni Manases.
因为玛拿西的孙女们在玛拿西的孙子中得了产业。基列地是属玛拿西其余的子孙。
7 Umabot mula Aser hanggang Micmetat ang lupain ni Manases, na nasa silangan ng Secem. Pagkatapos umabot ang hangganan patimog sa mga naninirahan na malapit sa bukal ng Tappua.
玛拿西的境界:从亚设起,到示剑前的密米他,往北到隐·他普亚居民之地。
8 (Ang lupain ng Tappua ay pag-aari ng Manases, pero ang bayan ng Tappua sa hangganan ng Manases ay pag-aari ng lipi ni Efraim.)
他普亚地归玛拿西,只是玛拿西境界上的他普亚城归以法莲子孙。
9 Nagtuloy ang hangganan sa batis ng Kana. Ang mga katimugang lungsod ng batis na ito kasama ng mga bayan ni Manases ay pag-aari ni Efraim. Ang hangganan ng Manases na nasa tagiliran ng hilagang batis, at nagtapos ito sa dagat.
其界下到加拿河的南边。在玛拿西城邑中的这些城邑都归以法莲。玛拿西的地界是在河北直通到海为止;
10 Ang lupain sa timog ay pag-aari ni Efraim, at ang lupain sa hilaga ay kay Manases; ang dagat ay ang hangganan. Sa hilagang dako mararating ang Aser, at sa silangan, ang Isacar.
南归以法莲,北归玛拿西,以海为界;北边到亚设,东边到以萨迦。
11 Gayundin sa Isacar at sa Aser, Inangkin ni Manases ang Beth San at nayon nito, Ibleam at nayo nito, ang mga maninirahan sa Dor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Endor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Taanac at nayon nito, ang mga naninirahan sa Megiddo at nayon nito (at ang ikatlong lungsod ay Napet).
玛拿西在以萨迦和亚设境内,有伯·善和属伯·善的镇市,以伯莲和属以伯莲的镇市,多珥的居民和属多珥的镇市;又有三处山冈,就是隐·多珥和属隐·多珥的镇市;他纳的居民和属他纳的镇市,米吉多的居民和属米吉多的镇市。
12 Gayon pa man hindi maangkin ng lipi ni Manases ang mga lungsod na iyon, dahil patuloy na naninirahan sa lupaing ito ang mga Cananaeo.
只是玛拿西子孙不能赶出这些城的居民,迦南人偏要住在那地。
13 Nang lumakas ang bayan ng Israel, pinagtrabaho nila nang sapilitan ang mga Cananaeo, pero hindi sila ganap na napaalis.
及至以色列人强盛了,就使迦南人做苦工,没有把他们全然赶出。
14 Pagkatapos sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose kay Josue, sinabing, “Bakit isang lupain lamang ang iyong itinalaga sa amin at isang bahagi bilang pamana, yamang kami ay isang bayang marami ang bilang at sa lahat ng pagkakataon kami ay pinagpala ni Yahweh?”
约瑟的子孙对约书亚说:“耶和华到如今既然赐福与我们,我们也族大人多,你为什么仅将一阄一段之地分给我们为业呢?”
15 Sinabi ni Josue sa kanila, “Kung kayo ay isang bayan na marami ang bilang, umakyat kayo mismo sa kagubatan at doon linisin ang lupa para sa inyong mga sarili sa lupain ng mga Perezeo at ng Rephaim. Gawin ito, yamang napakaliit ng maburol na lupain ng Efraim para sa inyo.”
约书亚说:“你们如果族大人多,嫌以法莲山地窄小,就可以上比利洗人、利乏音人之地,在树林中砍伐树木。”
16 Sinabi ng mga kaapu-apuhan ni Jose, “Hindi sapat para sa amin ang maburol na lupain. Pero may mga karwaheng bakal ang lahat ng Cananaeo na naninirahan sa lambak, kapwa ang nasa Beth San at mga nayon nito at ang mga nasa lambak ng Jezreel.”
约瑟的子孙说:“那山地容不下我们,并且住平原的迦南人,就是住伯·善和属伯·善的镇市,并住耶斯列平原的人,都有铁车。”
17 Pagkatapos sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose—para kay Efraim at Manases, “Kayo ay isang bayan na marami ang bilang, at may malakas kayong kapangyarihan. Hindi dapat isang pirasong lupain lamang ang italaga sa inyo.
约书亚对约瑟家,就是以法莲和玛拿西人,说:“你是族大人多,并且强盛,不可仅有一阄之地,
18 Magiging inyo rin ang maburol na lupaing ito. Kahit na kagubatan ito, lilinisin ninyo ito at aangkinin ito hanggang sa pinakamalayong hangganan nito. Palalayasin ninyo ang mga Cananaeo, kahit sila ay may mga karwaheng bakal at kahit na malakas sila.”
山地也要归你,虽是树林,你也可以砍伐;靠近之地必归你。迦南人虽有铁车,虽是强盛,你也能把他们赶出去。”