< Josue 15 >
1 Ang pagtatakda ng lupain para sa lipi ng bayan ng Juda, ibinigay sa kanilang mga angkan, pinalawak ang timog hanggang sa hangganan ng Edom, kasama ang ilang ng Sin bilang pinaka-malayong dako sa timog.
At naging kapalaran ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin na dakong timugan, sa kahulihulihang bahagi ng timugan.
2 Ang kanilang hangganan sa timog ay sinimulan sa dulo ng Dagat ng Asin, mula sa dalampasigan na nakaharap sa timog.
At ang kanilang hangganang timugan ay mula sa kahulihulihang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa dagat-dagatan na nakaharap sa dakong timugan:
3 Ang sumunod na kanilang hangganan ay lumabas sa timog ng kaburulan ng Akrabbim at dumaan sa Sin, at umahon sa timog ng Kades Barnea, sa Hezron, at hanggang sa Addar, kung saan lumiko patungong Karka.
At palabas sa dakong timugan ng pagsampa sa Acrabim, at patuloy sa Zin at pasampa sa timugan ng Cades-barnea, at patuloy sa Hezron, at pasampa sa Addar, at paliko sa Carca:
4 Dumaan ito patungong Azmon, nagdaan sa batis ng Ehipto, at dumating ito sa dulo ng dagat. Ito ang kanilang hangganan sa timog.
At patuloy sa Azmon, at palabas sa batis ng Egipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang magiging inyong hangganang timugan.
5 Ang silangang hangganan ay ang Dagat ng Asin, na nasa bibig ng Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagsisimula sa dalampasigan ng dagat sa bibig ng Jordan.
At ang hangganang silanganan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa katapusan ng Jordan. At ang hangganan ng hilagaang dako ay mula sa dagat-dagatan ng dagat na nasa katapusan ng Jordan:
6 Umahon ito sa Beth Hogla at dumaan patungong timog ng Beth Araba. Pagkatapos umahon ito sa Bato ng Bohan (si Bohan ang anak na lalaki ni Reuben).
At pasampa ang hangganan sa Beth-hogla, at patuloy sa hilagaan ng Beth-araba; at ang hangganan ay pasampa sa bato ni Bohan na anak ni Ruben:
7 Pagkatapos ang hangganang paahon sa Debir mula sa lambak ng Achor, at gayon din pahilaga, lumiliko patungong Gilgal, na kasalungat sa kaburulan ng Adummim, na nasa katimugang bahagi ng ilog. Pagkatapos ang hangganan na dinaanan sa mga bukal ng En Shemes at papuntang En Rogel.
At ang hangganan ay pasampa sa Debir mula sa libis ng Achor, at gayon sa dakong hilagaang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng pagsampa sa Adumin, na nasa dakong timugan ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-semes, at ang mga labasan niyaon ay sa En-rogel:
8 Pagkatapos ang hangganang paahon sa lambak ng Ben Hinnom patungo sa bahaging timog ng lungsod ng Jebuseo (iyon ay, Jerusalem). Pagkatapos paahon ito sa tuktok ng kaburulan na nasa lambak ng Hinnom, sa kanluran, na nasa dulo ng hilagang parte ng lambak ng Rephaim.
At ang hangganan ay pasampa sa libis ng anak ni Hinnom hanggang sa dako ng Jebuseo na dakong timugan (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay pasampa sa taluktok ng bundok na dumudoon sa harap ng libis ng Hinnom na dakong kalunuran, na sa kahulihulihang bahagi ng libis ng Rephaim na dakong hilagaan:
9 Pagkatapos umabot sa hangganan mula sa tuktok ng mga burol papunta sa bukal ng Neptoa, at lumabas mula doon papunta sa mga lungsod ng Bundok Efron. Pagkatapos lumiko ang hangganan paikot sa Baala (pareho sa Kiriat Jearim).
At ang hangganan ay paabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Nephtoa, at palabas sa mga bayan ng bundok ng Ephron, at ang hangganan ay paabot sa Baala (na siya ring Chiriath-jearim):
10 Pagkatapos umikot ang hangganan sa kanluran ng Baala sa Bundok Seir, at dumaan sa gilid ng Bundok Jearim sa Hilaga (pareho sa Kesalon), bumaba sa Beth Shemes, at dumaan sa Timna.
At ang hangganan ay paliko mula sa Baala sa dakong kalunuran sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilagaan (na siya ring Chesalon), at pababa sa Beth-semes at patuloy sa Timna.
11 Lumabas ang hangganan sa gilid ng pahilagang burol ng Ekron, at pagkatapos lumiko paikot sa Sikeron at dumaan sa Bundok Baala, mula sa kung saan papunta hanggang Jabneel. Nagtapos ang hangganan sa dagat.
At ang hangganan ay palabas sa siping ng Ecron na dakong hilagaan; at ang hangganan ay paabot sa Sicheron, at patuloy sa bundok ng Baala, at palabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.
12 Ang Malaking Dagat ang hangganan ng pakanluran at ng mga dalampasigan nito. Ito ang hangganang paikot sa lipi ni Juda, angkan sa angkan.
At ang hangganang kalunuran ay ang malaking dagat, at ang hangganan niyaon. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.
13 Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
At kay Caleb na anak ni Jephone ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, ayon sa utos ng Panginoon kay Josue, sa makatuwid baga'y ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac (na siya ring Hebron).
14 Pinalayas ni Caleb mula doon ang tatlong lipi ng mga kaapu-apuhan ni Anak: Sesai Aiman at Talmai, mga kaapu-apuhan ni Anak.
At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
15 Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper).
At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
16 Sinabi ni Caleb, “Ang lalaking lulusob sa Kiriat Seper at bibihagin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa ang aking anak na babae bilang isang asawa.”
At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
17 Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz, kapatid na lalaki ni Caleb, ang bumihag dito. Kaya ibinigay ni Caleb sa kanya si Acsa na kaniyang anak na babae bilang isang asawa.
At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
18 Nangyari ito nang pumunta si Acsa sa kaniya, pilit siyang humingi sa kaniyang ama ng isang bukid. At nang bumaba siya sa kaniyang asno, sinabi ni Caleb sa kaniya, “Ano ang nais mo?”
At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
19 Sumagot si Acsa, “Gumawa ka sa akin ng isang natatanging pabor. Yamang ibinigay mo sa akin ang lupain ng Negev, bigyan mo rin ako ng ilang mga bukal ng tubig.” At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mataas na bahagi ng mga bukal at mababang bahagi ng mga bukal.
At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
20 Ito ay ang minana ng lipi ng bayan ng Juda, na ibinigay sa kanilang mga angkan.
Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
21 Ang mga lungsod na kabilang sa lipi ng Juda na nasa pinaka-timog, patungo sa hangganan ng Edom, ay ang mga Kabzeel, Eder, Jagur,
At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
At Cina, at Dimona, at Adada,
At Cedes, at Asor, at Itnan,
At Ziph, at Telem, at Bealoth,
25 Hazor Hadatta, Keriot Hezron (Ito rin ay kilala bilang Hazor),
At Asor-hadatta, at Cheriothhesron (na siya ring Asor),
Amam, at Sema, at Molada,
27 Hazar, Gadda, Hesmon, Beth Pelet,
At Asar-gadda, at Hesmon, at Beth-pelet,
28 Hazar Sual, Beerseba, Bizotia.
At Hasar-sual, at Beer-seba, at Bizotia,
30 Eltolad, Cesil, Horma,
At Eltolad, at Cesil, at Horma,
31 Siclag, Madmanna, Sansanna,
At Siclag, at Madmanna, at Sansana,
32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimmon. Ang mga ito ay dalawamput-siyam na mga lungsod lahat, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Lebaoth at Silim, at Ain at Rimmon: lahat ng mga bayan ay dalawang pu't siyam, pati ng mga nayon ng mga yaon.
33 Sa babang bahagi ng maburol na bansa sa kanluran, naroon ang mga Estaol, Zora, Asna,
Sa mababang lupain: Estaol, at Sorea, at Asena,
34 Sanoa, En Gannim, Tappua, Enam,
At Zanoa, at En-gannim, Tappua, at En-am,
35 Jarmut, Adullam, Soco, Azeka,
Jarmuth at Adullam, Socho at Aceca,
36 Saaraim, Aditaim, at Gedera (ito ay Gederotaim). Ang mga ito ay labing-apat na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Saraim at Adithaim, at Gedera at Gederothaim; labing apat na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
37 Zenan, Hadasa, Migdalgad,
Senan, at Hadasa, at Migdalgad;
38 Dilean, Mispa, Jokteel,
At Dilan, at Mizpe, at Jocteel,
39 Lachis, Bozkat, Eglon.
Lachis, at Boscat, at Eglon,
40 Cabbon, Lamam, Citlis,
At Cabon, at Lamas, at Chitlis;
41 Gederot, Beth Dagon, Naama, Maceda. Ang mga ito ay labing-anim na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Gederoth, at Beth-dagon, at Naama at Maceda: labing anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
Libna, at Ether, at Asan,
At Jiphta, at Asna, at Nesib,
44 Keila, Achzib, Maresa, Ang mga ito ay siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Ceila, at Achzib, at Maresa; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
45 Ang Ekron, kasama ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito;
Ecron at ang mga bayan niyaon, at ang mga nayon niyaon:
46 mula Ekron hanggang sa Malaking Dagat, lahat ng mga pamayanan na malapit sa Asdod, kasama ang kanilang mga nayon.
Mula sa Ecron hanggang sa dagat, lahat na nasa siping ng Asdod pati ng mga nayon ng mga yaon.
47 Ang Asdod, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; Ang Gaza, ang nakapaligid na mga bayan at mga nayon dito; hanggang sa batis ng Ehipto, at sa Malaking Dagat kasama ng dalampasingan nito.
Asdod, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon, Gaza, ang mga bayan niyaon at ang mga nayon niyaon; hanggang sa batis ng Egipto, at ang malaking dagat at ang hangganan niyaon.
48 Sa kaburulang bansa, Samir, Jattir, Soco,
At sa lupaing maburol, Samir, at Jattir, at Soco,
49 Danna, Kiriat Sanna (ito ay Debir),
At Danna, at Chiriat-sanna (na siyang Debir),
At Anab, at Estemo, at Anim;
51 Gosen, Holon, at Gilo. Ang mga ito ay labing-isang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Gosen, at Olon, at Gilo: labing isang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
53 Janim, Beth Tappua, Apeka,
At Janum, at Beth-tappua, at Apheca:
54 Humta, Kiriat Arba (ito ay Hebron), at Zior. Ito ang siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Humta, at Chiriath-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
55 Maon, Carmel, Zip, Jutta,
Maon, Carmel, at Ziph, at Juta,
56 Jezreel, Jokdeam, Zanoa,
At Izreel, at Jocdeam, at Zanoa,
57 Kain, Gibea, at Timna. Ang mga ito ay sampung mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Cain, Gibea, at Timna: sangpung bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
58 Halhul, Beth Zur, Gedor,
Halhul, Beth-zur, at Gedor.
59 Maarat, Beth Anot, at Eltekon. Ang mga ito ay anim na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Maarath, at Beth-anoth, at Eltecon; anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
60 Kiriat Baal, (ito ay Kiriat Jearim), at Rabba. Ito ang dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
Chiriath-baal (na siyang Chiriath-jearim), at Rabba: dalawang bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
61 Sa ilang, naroroon ang Beth Araba, Middin, Secaca,
Sa ilang; Beth-araba, Middin, at Sechacha;
62 Nibsan, ang Lungsod ng Asin, at En Gedi. Ito ang anim na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
At Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
63 Pero para sa mga Jebuseo, hindi mapaalis ang mga naninirahan sa Jerusalem, ng lipi ni Juda, kaya nanirahan doon ang mga Jebuseo kasama ang lipi ni Juda hanggang sa araw na ito.
At tungkol sa mga Jebuseo na mga taga Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda: kundi ang mga Jebuseo ay nanahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.