< Josue 11 >

1 Nang narinig ito ni Jabin, hari ng Hazor, nagpadala siya ng isang mensahe kay Jobab, hari ng Madon, sa hari ng Shimron, at sa hari ng Acsap.
ハゾルの王ヤビン之を聞およびマドンの王ヨバブ、シムロンの王アクサフの王
2 Nagpadala rin siya ng mensahe sa mga hari na nasa hilagang maburol na bansa, sa Ilog Jordan lambak sa katimugan ng Cinneret, sa mga kapatagan, at sa maburol ng bansa ng Dor sa kanluran.
および北の地山地キンネロテの南のアラバ平地西の方なるドルの高處などに居る王等
3 Nagpadala rin siya ng isang mensahe sa mga Cananaeo sa silangan at kanluran, ang mga anak ni Het, ang mga Perezeo, ang mga Jebuseo sa maburol na bansa, at ang mga Hivita sa Bundok Hermon sa lupain ng Mispa.
すなはち東西のカナン人アモリ人ヘテ人ペリジ人山地のエブス人ミヅバの地なるヘルモンの麓のヒビ人などに人を遣はせり
4 Lahat ng kanilang hukbo ay dumating kasama nila, isang malaking bilang ng mga sundalo, sa bilang na gaya ng mga buhangin sa dalampasigan. Mayroon silang napakalaking bilang ng mga kabayo at mga karwahe.
爰に彼らその諸軍勢を率ゐて出きたれり其民の衆多ことは濱の砂の多きがごとくにして馬と車もまた甚だ多かりき
5 Nagkita ang lahat ng mga haring ito sa itinakdang oras, at nagkampo sila sa mga tubig ng Merom para makipaglaban sa Israel.
これらの王たち皆あひ會して進みきたり共にメロムの水の邊に陣をとりてイスラエルと戰はんとす
6 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe.”
時にヱホバ、ヨシユアに言たまひけるは彼らの故によりて懼るる勿れ明日の今頃われ彼らをイスラエルの前に付して盡く殺さしめん汝かれらの馬の足の筋を截り火をもて彼らの車を焚べしと
7 Dumating si Josue at lahat ng mga lalaking mandirigma. Dumating silang bigla sa mga tubig ng Merom, at nilusob ang mga kaaway.
ヨシユアすなはち一切の軍人を率ゐて俄然にメロムの水の邊に押寄て之を襲ひけるに
8 Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
ヱホバこれをイスラエルの手に付したまひしかば則ち之を撃やぶりて大シドンおよびミスレポテマイムまで之を追ゆき東の方にては又ミヅバの谷までこれを追ゆき遂に一人をも遺さず撃とれり
9 Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
ヨシユアすなはちヱホバの己に命じたまひしことにしたがひて彼らに馬の足の筋を截り火をもてその車を焚り
10 Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
その時ヨシユア歸りきたりてハゾルを取り刃をもてその王を撃り在昔ハゾルは是らの諸國の盟主たりき
11 Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
即ち刃をもてその中なる一切の人を撃てことごとく之を滅ぼし氣息する者は一人だに遺さざりき又火をもてハゾルを焚り
12 Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
ヨシユアこれらの王の一切の邑々およびその諸王を取り刃をもてこれを撃て盡く滅ぼせり、ヱホバの僕モーセの命じたるがごとし
13 Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.
但しその岡の上にたちたる邑々はイスラエルこれを焚ず唯ハゾルのみをヨシユア焚り
14 Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
是らの邑の諸の貨財及び家畜はイスラエルの人々奪ひて自ら之を取り人はみな刃をもて撃て滅ぼし盡し氣息する者は一人だに遺さざりき
15 Gaya ng inutos ni Yahweh sa kianyang lingkod na si Moises, sa parehong paraan, inutos ni Moises kay Josue. At kaya walang iniwan si Josue na hindi tapos sa anumang bagay sa lahat ng inutos na iyon ni Yahweh kay Moises na gawin.
ヱホバその僕モーセに命じたまひし所をモーセまたヨシユアに命じ置たりしがヨシユアその如くに行へり凡てヱホバのモーセに命じたまひし所はヨシユア一だに爲で置し事なし
16 Kinuha ni Josue ang lahat ng lupaing iyon, ang maburol na bansa, lahat ng Negev, lahat ng lupain ng Goshen, ang mga mababang burol, ang lambak Ilog Jordan, ang maburol na bansa ng Israel, at ang mga mababang lupain.
ヨシユア斯その全地すなはち山地南の全地ゴセンの全地平地アラバ、イスラエルの山地およびその平地を取り
17 Mula sa Bundok Halak na malapit sa Edom, at papuntang hilaga gaya sa layo ng Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon sa ibaba ng Bundok Hermon, binihag niya lahat ng kanilang mga hari at pinatay sila.
セイルに上りゆくでハラク山よりヘルモン山の麓なるレバノン谷のバアルガデまでを獲その王等をことごとく執へて之を撃て死しめたり
18 Nakipaglaban si Josue ng isang mahabang panahon sa lahat ng mga hari.
ヨシユア此すべての王等と戰爭をなすこと日ひさし
19 Walang isang lungsod ang gumawa ng kapayapaan sa mga hukbo ng Israel maliban sa mga Hivita na naninirahan sa Gabaon. Binihag ng Israel lahat ng natitirang mga lungsod sa digmaan.
ギベオンの民ヒビ人を除くの外はイスラエルの子孫と好をなしし邑なかりき皆戰爭をなしてこれを攻とりしなり
20 Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.
そもそも彼らが心を剛愎にしてイスラエルに攻よせしはヱホバの然らしめたまひし者なり彼らは詛はれし者となり憐憫を乞ふこととせず滅ぼされんがためなりき是全くヱホバのモーセに命じたまひしが如し
21 Pagkatapos dumating si Josue sa panahong iyon at winasak niya ang Anakim. Ginawa niya ito sa maburol na bansa, sa Hebron, Debir, Anab, at sa lahat ng maburol na bansa ng Juda, at sa lahat ng maburol na bansa ng Israel. Ganap na winasakl ni Josue sila at kanilang mga lungsod.
その時ヨシユアまた往て山地ヘブロン、デビル、アナブ、ユダの一切の山地イスラエルの一切の山地などよりしてアナク人を絶ち而してヨシユア彼らの邑々をも與に滅ぼせり
22 Wala sa mga Anakim ang natira sa lupain ng Israel maliban sa Gaza, Gat, at Asdod.
然からにイスラエルの子孫の地の内にはアナク人一人も遺りをらず只ガザ、ガテ、アシドドに少く遺りをる而已
23 Kaya binihag ni Josue ang buong lupain, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises. Ibinigay ni Josue ito bilang isang pamana ng Israel, itinalaga sa bawat lipi nila. Pagkatapos nagkaroon ng pahinga ang lupain mula sa mga digmaan.
ヨシユアかく此地を盡く取り全くヱホバのモーセに告たまひし如し而してヨシユア、イスラエルの支派の區別にしたがひ之を與へて產業となさしめたり遂に此地に戰爭やみぬ

< Josue 11 >