< Josue 10 >

1 Ngayon narinig ni Adoni-sedec, hari ng Jerusalem na nasakop ni Josue ang Ai at tuluyang winasak ito, gaya ng ginawa niya sa Jerico at sa hari nito. At narinig nila kung paano gumawa ng kapayaapan ang bayan ng Gabaon sa Israel at namumuhay na kasama nila.
耶路撒冷王亞多尼‧洗德聽見約書亞奪了艾城,盡行毀滅,怎樣待耶利哥和耶利哥的王,也照樣待艾城和艾城的王,又聽見基遍的居民與以色列人立了和約,住在他們中間,
2 Ang bayan ng Jerusalem ay matindi ang takot dahil ang Gibeon ay isang napakalaking lungsod, gaya ng isa sa mga maharlikang mga lungsod. Ito ay mas malaki kaysa sa Ai, at ang lahat ng kalalakihan nito ay magigiting na mandirigma.
就甚懼怕;因為基遍是一座大城,如都城一般,比艾城更大,並且城內的人都是勇士。
3 Kaya si Adoni-sedec, hari ng Jerusalem, ay nagpadala ng isang mensahe kay Oham, hari ng Hebron, kay Piram, hari ng Jarmuth, kay Japhia, hari ng Lachish, at kay Debir, hari ng Eglon:
所以耶路撒冷王亞多尼‧洗德打發人去見希伯崙王何咸、耶末王毗蘭、拉吉王雅非亞,和伊磯倫王底璧,說:
4 Umakyat kayo sa akin at tulungan ako. Salakayin natin ang Gabaon dahil gumawa sila ng kapayapaan kay Josue at sa bayan ng Israel.”
「求你們上來幫助我,我們好攻打基遍,因為他們與約書亞和以色列人立了和約。」
5 Ang limang hari ng Amoreo, ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang Hari ng Jarmuth, ang hari ng Lachish, at hari ng Eglon ay umakyat, sila at lahat ng kanilang mga hukbo. Pinaghandaan nila ang kanilang kinalalagyan laban sa Gabaon, at sinalakay nila ito.
於是五個亞摩利王,就是耶路撒冷王、希伯崙王、耶末王、拉吉王、伊磯倫王,大家聚集,率領他們的眾軍上去,對着基遍安營,攻打基遍。
6 Ang bayan ng Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue at sa mga hukbo sa Gilgal. Sinabi nila, “Magmadali kayo! Huwag ninyong alisin ang inyong mga kamay sa inyong mga alipin. Umakyat kayo rito ng mabilisan at iligtas kami. Tulungan ninyo kami, dahil ang lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa maburol na bansa ay nagtipon ng sama-sama para salakayin kami.”
基遍人就打發人往吉甲的營中去見約書亞,說:「你不要袖手不顧你的僕人,求你速速上來拯救我們,幫助我們,因為住山地亞摩利人的諸王都聚集攻擊我們。」
7 Umakyat si Josue mula sa Gilgal, siya at ang mga lalaking mandirigma, at lahat ng lumalaban na kalalakihan.
於是約書亞和他一切兵丁,並大能的勇士,都從吉甲上去。
8 Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanila. Ibinigay ko sila sa inyong mga kamay. Wala isa sa kanila na makakapigil sa inyong pagsalakay.”
耶和華對約書亞說:「不要怕他們;因為我已將他們交在你手裏,他們無一人能在你面前站立得住。」
9 Madaling nakarating si Josue sa kanila, naglakad ng buong magdamag mula sa Gilgal.
約書亞就終夜從吉甲上去,猛然臨到他們那裏。
10 At nilito ni Yahweh ang mga kaaway sa harap ng Israel— na kung saan napatay sila sa isang malawakang pagpatay sa Gabaon, at tinugis sila sa daan paakyat ng Beth Horon, at pinatay sila sa daan ng Azeka at Maceda.
耶和華使他們在以色列人面前潰亂。約書亞在基遍大大地殺敗他們,追趕他們,在伯‧和崙的上坡路擊殺他們,直到亞西加和瑪基大。
11 Habang tumatakbo sila mula sa Israel, pababa sa burol ng Beth Horon, hinulog ni Yahweh sa kanila ang mga malalaking bato mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Mas marami ang namatay dahil sa mga bato kaysa sa mga napatay sa pamamagitan ng mga espada sa mga kalalakihan ng Israel.
他們在以色列人面前逃跑,正在伯‧和崙下坡的時候,耶和華從天上降大冰雹在他們身上,直降到亞西加,打死他們。被冰雹打死的,比以色列人用刀殺死的還多。
12 Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
當耶和華將亞摩利人交付以色列人的日子,約書亞就禱告耶和華,在以色列人眼前說: 日頭啊,你要停在基遍; 月亮啊,你要止在亞雅崙谷。
13 Ang araw ay nanatili pa rin, at ang buwan tumigil sa paggalaw hanggang ang bansa ay naghiganti sa kanilang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ni Jashar? Nanatili ang araw sa gitna ng langit; hindi ito bumaba sa isang buong araw.
於是日頭停留,月亮止住, 直等國民向敵人報仇。 這事豈不是寫在雅煞珥書上嗎?日頭在天當中停住,不急速下落,約有一日之久。
14 Wala pang nangyari sa anumang araw gaya ng pangyayaring ito dati o pagkatapos nito, nang sinunod ni Yahweh ang salita ng isang tao. Dahil si Yahweh ay nakikipagdigmaan sa kapakanan ng Israel.
在這日以前,這日以後,耶和華聽人的禱告,沒有像這日的,是因耶和華為以色列爭戰。
15 Si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa kampo ng Gilgal.
約書亞和以色列眾人回到吉甲的營中。
16 Ngayon nakatakas ang limang hari at nagtago sila sa loob ng kuweba sa Maceda.
那五王逃跑,藏在瑪基大洞裏。
17 Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!”
有人告訴約書亞說:「那五王已經找到了,都藏在瑪基大洞裏。」
18 Sinabi ni Josue, “Igulong ang malaking mga bato sa bukana ng kuweba at maglagay ng mga sundalo roon para bantayan sila.
約書亞說:「你們把幾塊大石頭滾到洞口,派人看守,
19 Huwag kayong manatili roon. Tugisin ang inyong mga kaaway at salakayin sila mula sa likuran. Huwag silang pahintulutang makapasok sa loob ng kanilang mga lungsod dahil si Yahweh ang inyong Diyos ibinigay na sila sa inyong mga kamay.”
你們卻不可耽延,要追趕你們的仇敵,擊殺他們儘後邊的人,不容他們進自己的城邑,因為耶和華-你們的上帝已經把他們交在你們手裏。」
20 Si Josue at ang mga anak ni Israel ay tinapos ang pagpatau sa kanila sa isang napakatinding pagpatay, hanggang sila ay halos tuluyan ng mawasak; ilan lamang ang nakaligtas na tumakas sa mga pinatibay na mga lungsod.
約書亞和以色列人大大殺敗他們,直到將他們滅盡;其中剩下的人都進了堅固的城。
21 Pagkatapos bumalik ang buong hukbo ng mapayapa kay Josue sa mga kampo sa Maceda. At walang sinuman ang nangahas magsalita ng isang salita laban sa sinumang bayan ng Israel.
眾百姓就安然回瑪基大營中,到約書亞那裏。沒有一人敢向以色列人饒舌。
22 Pagkatapos sinabi ni Josue, “Buksan ang bukana ng kuweba at mula sa kuweba dalhin sa akin ang limang haring ito.”
約書亞說:「打開洞口,將那五王從洞裏帶出來,領到我面前。」
23 Ginawa nila gaya ng sinabi niya. Dinala nila sa kaniya ang limang hari mula sa kuweba—ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmuth, ang hari ng Lachish, at ang hari ng Eglon.
眾人就這樣行,將那五王,就是耶路撒冷王、希伯崙王、耶末王、拉吉王、伊磯倫王,從洞裏帶出來,領到約書亞面前。
24 At nang dinala nila ang mga hari kay Josue, ipinatawag niya ang bawat kalalakihan ng Israel, at sinabi niya sa mga pinuno ng mga sundalo na nakasama niya sa labanan, “Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa kanilang mga leeg.” Kaya lumapit sila at inilagay ang kanilang mga paa sa kanilang mga leeg.
帶出那五王到約書亞面前的時候,約書亞就召了以色列眾人來,對那些和他同去的軍長說:「你們近前來,把腳踏在這些王的頸項上。」他們就近前來,把腳踏在這些王的頸項上。
25 Pagkatapos sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot at huwag kayong mabagabag. Maging malakas at matapang. Ito ang gagawin ni Yahweh sa lahat ng inyong mga kaaway na kakalabanin ninyo.”
約書亞對他們說:「你們不要懼怕,也不要驚惶。應當剛強壯膽,因為耶和華必這樣待你們所要攻打的一切仇敵。」
26 Pagkatapos sinalakay at pinatay ni Josue ang mga hari. Ibinitin niya sila sa ibabaw ng limang puno. Nakabitin sila sa mga puno hanggang gabi.
隨後約書亞將這五王殺死,掛在五棵樹上。他們就在樹上直掛到晚上。
27 Nang palubog na ang araw, nagbigay ng mga utos si Josue, at ibinaba sila mula sa mga puno at inihagis sila sa loob ng kuweba kung saan sila nagtago. Nilagyan nila ng malalaking bato ang bukana ng kuweba. Ang mga batong iyon nanatili pa rin hanggang sa araw na ito.
日頭要落的時候,約書亞一吩咐,人就把屍首從樹上取下來,丟在他們藏過的洞裏,把幾塊大石頭放在洞口,直存到今日。
28 Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
當日,約書亞奪了瑪基大,用刀擊殺城中的人和王;將其中一切人口盡行殺滅,沒有留下一個。他待瑪基大王,像從前待耶利哥王一樣。
29 Dumaan si Josue at buong Israel mula sa Maceda patungong Libna. Pumunta siya sa labanan sa Libna.
約書亞和以色列眾人從瑪基大往立拿去,攻打立拿。
30 Ibinigay din ni Yahweh ito sa kamay ng Israel—kasama ang kanilang hari. Sinalakay ni Josue ang bawat nabubuhay na nilalang sa loob nito gamit ag espada. Wala siyang iniwang nakaligtas na buhay sa loob nito. Ginawa niya sa hari gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
耶和華將立拿和立拿的王也交在以色列人手裏。約書亞攻打這城,用刀擊殺了城中的一切人口,沒有留下一個。他待立拿王,像從前待耶利哥王一樣。
31 Pagkatapos dumaan si Josue at ang buong Israel mula sa Libna patungong Lachish. Nagkampo siya dito at nakipagdigmaan laban dito.
約書亞和以色列眾人從立拿往拉吉去,對着拉吉安營,攻打這城。
32 Ibinigay ni Yahweh ang Lachish sa kamay ng Israel. Nasakop ni Josue ito ng ikalawang araw. Sinalakay niya gamit ang kaniyang espada bawat nabubuhay na nilalang na nasa loob nito, gaya ng ginawa niya sa Libna.
耶和華將拉吉交在以色列人的手裏。第二天約書亞就奪了拉吉,用刀擊殺了城中的一切人口,是照他向立拿一切所行的。
33 Pagkatapos dumating si Horam, hari ng Gezer para tulungan ang Lachish. Sinalakay siya ni Josue at ang kaniyang hukbo hanggang walang nakaligtas na naiwan.
那時基色王荷蘭上來幫助拉吉,約書亞就把他和他的民都擊殺了,沒有留下一個。
34 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Lachish patungong Eglon. Nagkampo sila rito at nakipagdigmaan laban dito,
約書亞和以色列眾人從拉吉往伊磯倫去,對着伊磯倫安營,攻打這城。
35 at nasakop ito ng parehong araw. Sinalakay nila ito gamit ang espada at tuluyan nilang winasak ang lahat dito, gaya ng ginawa ni Josue sa Lachish.
當日就奪了城,用刀擊殺了城中的人。那日,約書亞將城中的一切人口盡行殺滅,是照他向拉吉一切所行的。
36 Pagkatapos dumaan si Josue at buong Israel mula sa Eglon patungong Hebron. Nakipagdigmaan sila laban dito.
約書亞和以色列眾人從伊磯倫上希伯崙去,攻打這城,
37 Nasakop nila ito at sinalakay gamit ang espada ang lahat dito, kasama ang hari at ang lahat ng mga nayon na nakapalibot dito. Tuluyan nilang winasak ang bawat buhay na nilalang dito, walang iniwang nakaligtas, gaya ng ginawa ni Josue sa Eglon. Tuluyan niyang winasak ito, at ang bawat buhay na nilalang dito.
就奪了希伯崙和屬希伯崙的諸城邑,用刀將城中的人與王,並那些城邑中的人口,都擊殺了,沒有留下一個,是照他向伊磯倫所行的,把城中的一切人口盡行殺滅。
38 Pagkatapos bumalik si Josue, at ang buong hukbo ni Israel na kasama niya, at dumaan sila sa Debir at nakipagdigmaan laban dito.
約書亞和以色列眾人回到底璧,攻打這城,
39 Nasakop niya ito at ang hari, at ang lahat ng mga katabing nayon nito. Sinalakay nila ang mga ito gamit ang espada at tuluyang winasak ang bawat nabubuhay na nilalang dito. Hindi nag-iwan ng mga nakaligtas si Josue, gaya ng ginawa niya sa Hebron at ang hari nito, gaya ng ginawa niya sa Libnah at ang hari nito.
就奪了底璧和屬底璧的城邑,又擒獲底璧的王,用刀將這些城中的人口盡行殺滅,沒有留下一個。他待底璧和底璧王,像從前待希伯崙和立拿與立拿王一樣。
40 Nasakop ni Josue ang lahat ng lupain, ang maburol na bansa, ang Negev, ang mga kapatagan, at ang mga mababang burol. Sa lahat ng kanilang mga hari wala siyang iniwang nakaligtas. Tuluyan niyang winasak ang bawat nabubuhay na bagay, gaya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na iniutos.
這樣,約書亞擊殺全地的人,就是山地、南地、高原、山坡的人,和那些地的諸王,沒有留下一個。將凡有氣息的盡行殺滅,正如耶和華-以色列的上帝所吩咐的。
41 Sinalakay sila ni Josuegamit ang espada mula Kades Barnea hanggang Gaza, at lahat ng bansa sa Gosen hanggang Gabaon.
約書亞從加低斯‧巴尼亞攻擊到迦薩,又攻擊歌珊全地,直到基遍。
42 Nasakop ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain sa isang iglap dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nakipaglaban para sa Israel.
約書亞一時殺敗了這些王,並奪了他們的地,因為耶和華-以色列的上帝為以色列爭戰。
43 Pagkatapos si Josue, at ang lahat ng Israel kasama niya, ay bumalik kampo sa Gilgal.
於是約書亞和以色列眾人回到吉甲的營中。

< Josue 10 >