< Jonas 1 >
1 Ngayon ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabing,
ヱホバの言アミタイの子ヨナに臨めりいはく
2 “Bumangon ka at pumunta sa Ninive, iyong malaking lungsod, at magsalita ka laban dito, dahil ang kasamaan nila ay umabot sa akin.”
起てかの大なる邑ニネベに往きこれを呼はり責めよ そは其惡わが前に上り來ればなりと
3 Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
然るにヨナはヱホバの面をさけてタルシシへ逃れんと起てヨツパに下り行けるが機しもタルシシへ往く舟に遇ければその價値を給へヱホバの面をさけて偕にタルシシへ行んとてその舟に乗れり
4 Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na.
時にヱホバ大風を海の上に起したまひて烈しき颺風海にありければ舟は幾んど破れんとせり
5 Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
かかりしかば船夫恐れて各おのれの神を呼び又舟を輕くせんとてその中なる載荷を海に投すてたり 然るにヨナは舟の奧に下りゐて臥て酣睡せり
6 Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, “Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay.”
船長來りて彼に云けるは汝なんぞかく酣睡するや起て汝の神を呼べあるひは彼われらを眷顧て淪亡ざらしめんと
7 Sinabi nilang lahat sa bawat isa, “Halikayo, magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng kasamaang ito na nangyayari sa atin.” Kaya nagpalabunutan sila at ang bunot ay napunta kay Jonas.
かくて人衆互に云けるは此災の我儕にのぞめるは誰の故なるかを知んがため去來鬮を掣んと やがて鬮をひきしに鬮ヨナに當りければ
8 Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Pakiusap sabihin sa amin kung sino ang dahilan nitong kasamaang nangyayari sa atin. Ano ang iyong hanap-buhay, at saan ka nanggaling? Ano ang iyong bansa at mula sa aling lahi ka?”
みな彼に云けるはこの災禍なにゆゑに我らにのぞめるか請ふ告げよ 汝の業は何なるや 何處より來れるや 汝の國は何處ぞや 何處の民なるや
9 Sinabi ni Jonas sa kanila, “Ako ay isang Hebreo; at kinatatakutan ko si Yahweh, ang Diyos ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupa.”
ヨナ彼等にいひけるは我はヘブル人にして海と陸とを造りたまひし天の神ヱホバを畏るる者なり
10 Pagkatapos lalong natakot ang mga tao at sinabi kay Jonas, “Ano itong ginawa mo?” Dahil nalaman ng mga tao na siya ay tumatakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh, dahil sinabi niya sa kanila.
是に於て船夫甚だしく懼れて彼に云けるは汝なんぞ其事をなせしやと その人々は彼がヱホバの面をさけて逃れしなるを知れり 其はさきにヨナ彼等に告たればなり
11 Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?” Sapagkat ang dagat ay lalong naging marahas.
遂に船夫彼にいひけるは我儕のために海を靜かにせんには汝に如何がなすべきや 其は海いよいよ甚だしく狂蕩たればなり
12 Sinabi ni Jonas sa kanila, “Buhatin ninyo ako at itapon ninyo ako sa dagat. Pagkatapos huhupa ang dagat para sa inyo, sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito.”
ヨナ彼等に曰けるはわれを取りて海に投いれよ さらば海は汝等の爲に靜かにならん そはこの大なる颺風の汝等にのぞめるはわが故なるを知ればなり
13 Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.
されど船夫は陸に漕もどさんとつとめたりしが終にあたはざりき 其は海かれらにむかひていよいよ烈しく蕩たればなり
14 Kaya tumawag sila kay Yahweh at sinabing, “Nagmamakaawa kami sa iyo, Yahweh, nagmakaawa kami, huwag mo kaming hayaang mamatay dahil sa buhay ng taong ito, at huwag mong ipataw sa amin ang pagkakasala sa kanyang kamatayan, dahil ikaw, Yahweh ang gumawa kung ano ang makalulugod sa iyo.”
ここにおいて彼等ヱホバに呼はりて曰けるはヱホバよこひねがはくは此人の命の爲に我儕を滅亡したまふ勿れ 又罪なきの血をわれらに歸し給ふなかれ そはヱホバよ汝聖意にかなふところを爲し給へるなればなりと
15 Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat, at tumigil ang matinding galit ng dagat.
すなわちヨナを取りて海に投入たり しかして海のあるることやみぬ
16 Pagkatapos lalong natakot ang mga tao kay Yahweh. Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh at gumawa ng mga panata.
かかりしかばその人々おほいにヱホバを畏れヱホバに犧牲を獻げ誓願を立たり
17 Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.
さてヱホバすでに大なる魚を備へおきてヨナを呑しめたまへり ヨナは三日三夜魚の腹の中にありき