< Jonas 4 >
1 Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
But this seemed very wrong to Jonah and he became angry.
2 Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
He prayed to the Lord and said, ‘Ah, Lord, wasn’t this what I said when I was still in my own country? That was why I fled at once to Tarshish; for I knew that you are a gracious and merciful God, patient, and loving and ready to forgive.
3 Kaya ngayon, Yahweh, nagmamakaawa ako, kunin mo ang aking buhay, dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay.”
Therefore, Lord, I beg you, take my life from me; for it is better for me to die than to live!’
4 Sinabi ni Yahweh, “Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?”
But the Lord said, ‘Are you doing right in being angry?’
5 Pagkatapos lumabas si Jonas mula sa lungsod at umupo sa dakong silangang bahagi ng lungsod. Doon gumawa siya ng silungan at umupo sa ilalim nito sa lilim upang makita niya kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod.
Then Jonah went out of the city and sat down on the east side, and there made a hut for himself and sat under it, waiting to see what would become of the city.
6 Naghanda ang Diyos na si Yahweh ng isang halaman at pinatubo niya ito sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya para mapagaan ang kanyang pagkabalisa. Labis na natuwa si Jonas nang dahil sa halaman.
And the Lord arranged for a bush to grow up over Jonah as a shade for his head to make him comfortable. The bush gave Jonah great pleasure;
7 Ngunit kinabukasan sa pagsikat ng araw naghanda ang Diyos ng isang uod. Sinalakay nito ang halaman at nalanta ang halaman.
but at dawn the next day God arranged for a worm which attacked the bush, so that it wilted.
8 Nangyari na nang sumikat ang araw ng sumunod na umaga, ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan. At saka, tinamaan ng sinag ng araw ang ulo ni Jonas at naging maputla siya. Pagkatapos hinangad ni Jonas na mamatay siya. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay.
And when the sun rose, God arranged a hot east wind. And the sun beat upon Jonah’s head, so that he was faint and begged that he might die, saying, ‘It is better for me to die than to live.’
9 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Jonas, “Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman? At sinabi ni Jonas, “Tama lang na magalit ako, kahit hanggang sa kamatayan.”
But God said to Jonah, ‘Are you doing right in being angry about the bush?’ He replied, ‘I have every right to be as angry as I could possibly be!’
10 Sinabi ni Yahweh, “Nagkaroon ka ng habag sa halaman, na hindi mo naman pinaghirapan, ni pinatubo ito. Tumubo ito sa isang gabi at namatay sa isang gabi.
The Lord said, ‘You care about a bush which has cost you no trouble and which you have not made grow, which came up in a night and wilted in a night.
11 Kaya para sa akin, hindi ba dapat akong mahabag sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, kung saan may mas marami pa sa isandaan at dalawampung libong tao na hindi alam ang kaibahan sa pagitan ng kanilang kanang kamay at kaliwang kamay, at saka maraming rin baka?”
Should I not care for the great city Nineveh, in which there are one hundred and twenty thousand people who do not know their right hand from their left; and many cattle too?’