< Jonas 3 >
1 Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas sa pangalawang pagkakataon, na nagsasabing,
AND the word of the Lord came unto Jonah the second time, saying,
2 “Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod, at ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay.”
Arise, go unto Nineveh, that great city, and preach unto it the preaching that I bid thee.
3 Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh. Ngayon ang Nineve ay isang napakalaking lungsod, isang lungsod na may tatlong araw na paglalakbay.
So Jonah arose, and went unto Nineveh, according to the word of the Lord. Now Nineveh was an exceeding great city of three days’ journey.
4 Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, “Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak.”
And Jonah began to enter into the city a day’s journey, and he cried, and said, Yet forty days, and Nineveh shall be overthrown.
5 Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila.
So the people of Nineveh believed God, and proclaimed a fast, and put on sackcloth, from the greatest of them even to the least of them.
6 Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo.
For word came unto the king of Nineveh, and he arose from his throne, and he laid his robe from him, and covered him with sackcloth, and sat in ashes.
7 Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, “Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig.
And he caused it to be proclaimed and published through Nineveh by the decree of the king and his nobles, saying, Let neither man nor beast, herd nor flock, taste any thing: let them not feed, nor drink water:
8 Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.
But let man and beast be covered with sackcloth, and cry mightily unto God: yea, let them turn every one from his evil way, and from the violence that is in their hands.
9 Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay.”
Who can tell if God will turn and repent, and turn away from his fierce anger, that we perish not?
10 Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.
And God saw their works, that they turned from their evil way; and God repented of the evil, that he had said that he would do unto them; and he did it not.