< Jonas 2 >

1 Pagkatapos nanalangin si Jonas kay Yahweh na kaniyang Diyos mula sa tiyan ng isda.
ויתפלל יונה אל יהוה אלהיו ממעי הדגה׃
2 Sinabi niya, “Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig. (Sheol h7585)
ויאמר קראתי מצרה לי אל יהוה ויענני מבטן שאול שועתי שמעת קולי׃ (Sheol h7585)
3 Itinapon mo ako sa kailaliman, sa puso ng karagatan, at pinalibutan ako ng alon; lahat ng iyong mga alon at gumugulong na alon ay dumaan sa ibabaw ko.
ותשליכני מצולה בלבב ימים ונהר יסבבני כל משבריך וגליך עלי עברו׃
4 At aking sinabi, 'Pinaalis ako mula sa harapan ng iyong mga mata; gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo?'
ואני אמרתי נגרשתי מנגד עיניך אך אוסיף להביט אל היכל קדשך׃
5 Nilukuban ako ng mga tubig hanggang sa aking leeg; nakapalibot sa akin ang kalaliman; nakabalot sa aking ulo ang damong-dagat.
אפפוני מים עד נפש תהום יסבבני סוף חבוש לראשי׃
6 Bumaba ako sa mga paanan ng kabundukan; ang lupa kasama ang mga rehas nito ay lumukob sa akin magpakailanman. Gayunman iniangat mo ang aking buhay mula sa hukay, Yahweh, aking Diyos!
לקצבי הרים ירדתי הארץ ברחיה בעדי לעולם ותעל משחת חיי יהוה אלהי׃
7 Nang nanlupaypay ang aking kaluluwa, naalala ko si Yahweh; pagkatapos dumating sa iyo ang aking dalangin, sa iyong banal na templo.
בהתעטף עלי נפשי את יהוה זכרתי ותבוא אליך תפלתי אל היכל קדשך׃
8 Ang mga nagbigay pansin sa mga walang kabuluhang diyos ay tinatanggihan ang iyong katapatan para sa kanilang sarili.
משמרים הבלי שוא חסדם יעזבו׃
9 Subalit para sa akin, mag-aalay ako sa iyo ng isang tinig ng pasasalamat; tutuparin ko kung alin ang aking ipinangako. Ang kaligtasan ay nagmumula kay Yahweh!”
ואני בקול תודה אזבחה לך אשר נדרתי אשלמה ישועתה ליהוה׃
10 Pagkatapos nangusap si Yahweh sa isda, at iniluwa nito si Jonas paitaas sa ibabaw ng tuyong lupa.
ויאמר יהוה לדג ויקא את יונה אל היבשה׃

< Jonas 2 >