< Juan 1 >

1 Sa simula pa lamang ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
ܒܪܫܝܬ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܡܠܬܐ ܘܗܘ ܡܠܬܐ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܘܐܠܗܐ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܗܘ ܡܠܬܐ
2 Itong Salitang ito ay nasa simula pa kasama ng Diyos.
ܗܢܐ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܒܪܫܝܬ ܠܘܬ ܐܠܗܐ
3 Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.
ܟܠ ܒܐܝܕܗ ܗܘܐ ܘܒܠܥܕܘܗܝ ܐܦܠܐ ܚܕܐ ܗܘܬ ܡܕܡ ܕܗܘܐ
4 Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan.
ܒܗ ܚܝܐ ܗܘܐ ܘܚܝܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܢܘܗܪܐ ܕܒܢܝܢܫܐ
5 Ang liwanag ay sumisinag sa kadiliman, at ito ay hindi napawi nang kadiliman.
ܘܗܘ ܢܘܗܪܐ ܒܚܫܘܟܐ ܡܢܗܪ ܘܚܫܘܟܐ ܠܐ ܐܕܪܟܗ
6 May isang lalaki na isinugo mula sa Diyos, na ang pangalan ay Juan.
ܗܘܐ ܒܪܢܫܐ ܕܐܫܬܕܪ ܡܢ ܐܠܗܐ ܫܡܗ ܝܘܚܢܢ
7 Dumating siya bilang isang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag, upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya.
ܗܢܐ ܐܬܐ ܠܤܗܕܘܬܐ ܕܢܤܗܕ ܥܠ ܢܘܗܪܐ ܕܟܠܢܫ ܢܗܝܡܢ ܒܐܝܕܗ
8 Hindi si Juan ang liwanag, ngunit naparito upang makapagpatotoo siya tungkol sa liwanag.
ܠܐ ܗܘ ܗܘܐ ܢܘܗܪܐ ܐܠܐ ܕܢܤܗܕ ܥܠ ܢܘܗܪܐ
9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.
ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܓܝܪ ܢܘܗܪܐ ܕܫܪܪܐ ܕܡܢܗܪ ܠܟܠܢܫ ܕܐܬܐ ܠܥܠܡܐ
10 Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya.
ܒܥܠܡܐ ܗܘܐ ܘܥܠܡܐ ܒܐܝܕܗ ܗܘܐ ܘܥܠܡܐ ܠܐ ܝܕܥܗ
11 Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
ܠܕܝܠܗ ܐܬܐ ܘܕܝܠܗ ܠܐ ܩܒܠܘܗܝ
12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
ܐܝܠܝܢ ܕܝܢ ܕܩܒܠܘܗܝ ܝܗܒ ܠܗܘܢ ܫܘܠܛܢܐ ܕܒܢܝܐ ܕܐܠܗܐ ܢܗܘܘܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܒܫܡܗ
13 ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos.
ܐܝܠܝܢ ܕܠܘ ܡܢ ܕܡܐ ܘܠܐ ܡܢ ܨܒܝܢܐ ܕܒܤܪܐ ܘܠܐ ܡܢ ܨܒܝܢܐ ܕܓܒܪܐ ܐܠܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܐܬܝܠܕܘ
14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
ܘܡܠܬܐ ܒܤܪܐ ܗܘܐ ܘܐܓܢ ܒܢ ܘܚܙܝܢ ܫܘܒܚܗ ܫܘܒܚܐ ܐܝܟ ܕܝܚܝܕܝܐ ܕܡܢ ܐܒܐ ܕܡܠܐ ܛܝܒܘܬܐ ܘܩܘܫܬܐ
15 Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'”
ܝܘܚܢܢ ܤܗܕ ܥܠܘܗܝ ܘܩܥܐ ܘܐܡܪ ܗܢܘ ܗܘ ܕܐܡܪܬ ܕܒܬܪܝ ܐܬܐ ܘܗܘܐ ܠܗ ܩܕܡܝ ܡܛܠ ܕܩܕܡܝ ܗܘ ܡܢܝ
16 Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob.
ܘܡܢ ܡܠܝܘܬܗ ܚܢܢ ܟܠܢ ܢܤܒܢ ܘܛܝܒܘܬܐ ܚܠܦ ܛܝܒܘܬܐ
17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
ܡܛܠ ܕܢܡܘܤܐ ܒܝܕ ܡܘܫܐ ܐܬܝܗܒ ܫܪܪܐ ܕܝܢ ܘܛܝܒܘܬܐ ܒܝܕ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܗܘܐ
18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
ܐܠܗܐ ܠܐ ܚܙܐ ܐܢܫ ܡܡܬܘܡ ܝܚܝܕܝܐ ܐܠܗܐ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܒܥܘܒܐ ܕܐܒܘܗܝ ܗܘ ܐܫܬܥܝ
19 Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, “Sino ka?”
ܘܗܕܐ ܗܝ ܤܗܕܘܬܗ ܕܝܘܚܢܢ ܟܕ ܫܕܪܘ ܠܘܬܗ ܝܗܘܕܝܐ ܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܟܗܢܐ ܘܠܘܝܐ ܕܢܫܐܠܘܢܝܗܝ ܐܢܬ ܡܢ ܐܢܬ
20 Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, “Hindi ako ang Cristo.”
ܘܐܘܕܝ ܘܠܐ ܟܦܪ ܘܐܘܕܝ ܕܠܘ ܐܢܐ ܐܢܐ ܡܫܝܚܐ
21 Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.”
ܘܫܐܠܘܗܝ ܬܘܒ ܡܢܐ ܗܟܝܠ ܐܠܝܐ ܐܢܬ ܘܐܡܪ ܠܐ ܐܝܬܝ ܢܒܝܐ ܐܢܬ ܘܐܡܪ ܠܐ
22 Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, “Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?”
ܘܐܡܪܘ ܠܗ ܘܡܢܘ ܐܢܬ ܕܢܬܠ ܦܬܓܡܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܫܕܪܘܢ ܡܢܐ ܐܡܪ ܐܢܬ ܥܠ ܢܦܫܟ
23 Sinabi niya, “Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta.”
ܐܡܪ ܐܢܐ ܩܠܐ ܕܩܪܐ ܒܡܕܒܪܐ ܕܐܫܘܘ ܐܘܪܚܗ ܕܡܪܝܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܡܪ ܐܫܥܝܐ ܢܒܝܐ
24 Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya,
ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܐܫܬܕܪܘ ܡܢ ܦܪܝܫܐ ܗܘܘ
25 “Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?”
ܘܫܐܠܘܗܝ ܘܐܡܪܘ ܠܗ ܡܢܐ ܗܟܝܠ ܡܥܡܕ ܐܢܬ ܐܢ ܐܢܬ ܠܐ ܐܝܬܝܟ ܡܫܝܚܐ ܘܠܐ ܐܠܝܐ ܘܠܐ ܢܒܝܐ
26 Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, “Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala.
ܥܢܐ ܝܘܚܢܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܢܐ ܡܥܡܕ ܐܢܐ ܒܡܝܐ ܒܝܢܬܟܘܢ ܕܝܢ ܩܐܡ ܗܘ ܕܐܢܬܘܢ ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ
27 Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas.”
ܗܢܘ ܗܘ ܕܒܬܪܝ ܐܬܐ ܘܗܘܐ ܠܗ ܩܕܡܝ ܗܘ ܕܐܢܐ ܠܐ ܫܘܐ ܐܢܐ ܕܐܫܪܐ ܥܪܩܐ ܕܡܤܢܘܗܝ
28 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
ܗܠܝܢ ܒܒܝܬ ܥܢܝܐ ܗܘܝ ܒܥܒܪܐ ܕܝܘܪܕܢܢ ܐܝܟܐ ܕܡܥܡܕ ܗܘܐ ܝܘܚܢܢ
29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
ܘܠܝܘܡܐ ܕܒܬܪܗ ܚܙܐ ܝܘܚܢܢ ܠܝܫܘܥ ܕܐܬܐ ܠܘܬܗ ܘܐܡܪ ܗܐ ܐܡܪܗ ܕܐܠܗܐ ܗܘ ܕܫܩܠ ܚܛܝܬܗ ܕܥܠܡܐ
30 Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'
ܗܢܘ ܕܐܢܐ ܐܡܪܬ ܥܠܘܗܝ ܕܒܬܪܝ ܐܬܐ ܓܒܪܐ ܘܗܘܐ ܠܗ ܩܕܡܝ ܡܛܠ ܕܩܕܡܝ ܗܘ ܡܢܝ
31 Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig.”
ܘܐܢܐ ܠܐ ܝܕܥ ܗܘܝܬ ܠܗ ܐܠܐ ܕܢܬܝܕܥ ܠܐܝܤܪܝܠ ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܬܝܬ ܐܢܐ ܕܒܡܝܐ ܐܥܡܕ
32 Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya.
ܘܐܤܗܕ ܝܘܚܢܢ ܘܐܡܪ ܕܚܙܝܬ ܠܪܘܚܐ ܕܢܚܬܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܐܝܟ ܝܘܢܐ ܘܩܘܝܬ ܥܠܘܗܝ
33 Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
ܘܐܢܐ ܠܐ ܝܕܥ ܗܘܝܬ ܠܗ ܐܠܐ ܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܕܐܥܡܕ ܒܡܝܐ ܗܘ ܐܡܪ ܠܝ ܕܐܝܢܐ ܕܚܙܐ ܐܢܬ ܕܢܚܬܐ ܪܘܚܐ ܘܡܩܘܝܐ ܥܠܘܗܝ ܗܢܘ ܡܥܡܕ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ
34 Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
ܘܐܢܐ ܚܙܝܬ ܘܐܤܗܕܬ ܕܗܢܘ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ
35 Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad
ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܩܐܡ ܗܘܐ ܝܘܚܢܢ ܘܬܪܝܢ ܡܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ
36 nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, “Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!”
ܘܚܪ ܒܝܫܘܥ ܟܕ ܡܗܠܟ ܘܐܡܪ ܗܐ ܐܡܪܗ ܕܐܠܗܐ
37 Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus.
ܘܫܡܥܘ ܬܪܝܗܘܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܟܕ ܐܡܪ ܘܐܙܠܘ ܠܗܘܢ ܒܬܪܗ ܕܝܫܘܥ
38 At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, “Anung nais ninyo?” Sumagot sila, “Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?”
ܘܐܬܦܢܝ ܝܫܘܥ ܘܚܙܐ ܐܢܘܢ ܕܐܬܝܢ ܒܬܪܗ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܒܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܪܒܢ ܐܝܟܐ ܗܘܐ ܐܢܬ
39 Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at tingnan.” At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܬܘ ܘܬܚܙܘܢ ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܬܘ ܘܚܙܘ ܐܝܟܐ ܕܗܘܐ ܘܠܘܬܗ ܗܘܘ ܝܘܡܐ ܗܘ ܘܐܝܬ ܗܘܝ ܐܝܟ ܫܥܐ ܥܤܪ
40 Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
ܚܕ ܕܝܢ ܡܢ ܗܢܘܢ ܕܫܡܥܘ ܡܢ ܝܘܚܢܢ ܘܐܙܠܘ ܒܬܪܗ ܕܝܫܘܥ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܐܢܕܪܐܘܤ ܐܚܘܗܝ ܕܫܡܥܘܢ
41 Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Nakita na namin ang Mesias,” (na sinalin na, 'ang Cristo').
ܗܢܐ ܚܙܐ ܠܘܩܕܡ ܠܫܡܥܘܢ ܐܚܘܗܝ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܫܟܚܢܝܗܝ ܠܡܫܝܚܐ
42 Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, “Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas” (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
ܘܐܝܬܝܗ ܠܘܬ ܝܫܘܥ ܘܚܪ ܒܗ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܐܢܬ ܗܘ ܫܡܥܘܢ ܒܪܗ ܕܝܘܢܐ ܐܢܬ ܬܬܩܪܐ ܟܐܦܐ
43 Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܨܒܐ ܝܫܘܥ ܠܡܦܩ ܠܓܠܝܠܐ ܘܐܫܟܚ ܠܦܝܠܝܦܘܤ ܘܐܡܪ ܠܗ ܬܐ ܒܬܪܝ
44 Ngayon si Felipe ay galing sa Bethsaida, ang lungsod nila Andres at Pedro.
ܗܘ ܕܝܢ ܦܝܠܝܦܘܤ ܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܡܢ ܒܝܬ ܨܝܕܐ ܡܢ ܡܕܝܢܬܗ ܕܐܢܕܪܐܘܤ ܘܕܫܡܥܘܢ
45 Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, “Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”
ܘܦܝܠܝܦܘܤ ܐܫܟܚ ܠܢܬܢܝܐܝܠ ܘܐܡܪ ܠܗ ܗܘ ܕܟܬܒ ܥܠܘܗܝ ܡܘܫܐ ܒܢܡܘܤܐ ܘܒܢܒܝܐ ܐܫܟܚܢܝܗܝ ܕܝܫܘܥ ܗܘ ܒܪ ܝܘܤܦ ܡܢ ܢܨܪܬ
46 Sinabi ni Nathanael, “Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?” Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Halika at tingnan mo.”
ܐܡܪ ܠܗ ܢܬܢܝܐܝܠ ܡܢ ܢܨܪܬ ܡܫܟܚ ܡܕܡ ܕܛܒ ܢܗܘܐ ܐܡܪ ܠܗ ܦܝܠܝܦܘܤ ܬܐ ܘܬܚܙܐ
47 Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, “Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang.”
ܘܚܙܝܗܝ ܝܫܘܥ ܠܢܬܢܝܐܝܠ ܟܕ ܐܬܐ ܠܘܬܗ ܘܐܡܪ ܥܠܘܗܝ ܗܐ ܫܪܝܪܐܝܬ ܒܪ ܐܝܤܪܝܠ ܕܢܟܠܐ ܠܝܬ ܒܗ
48 Sinabi sa kaniya ni Nataniel, “Papaano mo ako nakikilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.”
ܐܡܪ ܠܗ ܢܬܢܝܐܝܠ ܡܢ ܐܝܡܟܐ ܝܕܥ ܐܢܬ ܠܝ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܥܕܠܐ ܢܩܪܝܟ ܦܝܠܝܦܘܤ ܟܕ ܬܚܝܬ ܬܬܐ ܐܢܬ ܚܙܝܬܟ
49 Sumagot si Nathanael, “Rabi, ikaw ang Anak ng Diyos! Ikaw ang Hari ng Israel!”
ܥܢܐ ܢܬܢܝܐܝܠ ܘܐܡܪ ܠܗ ܪܒܝ ܐܢܬ ܗܘ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܐܢܬ ܗܘ ܡܠܟܗ ܕܐܝܤܪܝܠ
50 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Dahil ba sa sinabi ko sa iyo, 'Nakita kita sa ilalim ng puno ng igos', naniniwala ka na? Makakakita ka ng mga bagay na mas higit pa kaysa dito.”
ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܥܠ ܕܐܡܪܬ ܠܟ ܕܚܙܝܬܟ ܬܚܝܬ ܬܬܐ ܡܗܝܡܢ ܐܢܬ ܕܪܘܪܒܢ ܡܢ ܗܠܝܢ ܬܚܙܐ
51 Sinabi ni Jesus, “Totoo, totoo itong sinasabi ko sa iyo, makikita mong magbukas ang mga kalangitan, at ang mga anghel ng Diyos ay umaakyat at bumababa sa kinaroroonan ng Anak ng Tao.”
ܐܡܪ ܠܗ ܐܡܝܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܡܢ ܗܫܐ ܬܚܙܘܢ ܫܡܝܐ ܕܦܬܝܚܝܢ ܘܡܠܐܟܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܟܕ ܤܠܩܝܢ ܘܢܚܬܝܢ ܠܘܬ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ

< Juan 1 >