< Juan 7 >

1 At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jesus ay naglakbay sa Galilea, sapagkat hindi niya gustong pumunta sa Judea dahil ang mga Judio ay nagpaplanong patayin siya.
και περιεπατει ο ιησους μετα ταυτα εν τη γαλιλαια ου γαρ ηθελεν εν τη ιουδαια περιπατειν οτι εζητουν αυτον οι ιουδαιοι αποκτειναι
2 Ngayon, nalalapit na ang kapistahan ng mga Hudyo, na Kapistahan ng mga Kanlungan.
ην δε εγγυς η εορτη των ιουδαιων η σκηνοπηγια
3 Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga kapatid na lalaki, “Iwanan mo ang lugar na ito at pumunta ka sa Judea, upang makita din ng iyong mga alagad ang mga gawaing ginagawa mo.
ειπον ουν προς αυτον οι αδελφοι αυτου μεταβηθι εντευθεν και υπαγε εις την ιουδαιαν ινα και οι μαθηται σου θεωρησωσιν τα εργα σου α ποιεις
4 Walang sinumang gumagawa ng anumang bagay na palihim kung siya mismo ay gustong makilala ng hayagan. Kapag ginawa mo ang mga bagay na ito, ipakita mo ang iyong sarili sa buong mundo.”
ουδεις γαρ εν κρυπτω τι ποιει και ζητει αυτος εν παρρησια ειναι ει ταυτα ποιεις φανερωσον σεαυτον τω κοσμω
5 Sapagkat kahit ang mga kapatid niya ay hindi naniniwala sa kaniya.
ουδε γαρ οι αδελφοι αυτου επιστευον εις αυτον
6 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang aking panahon ay hindi pa dumating, ngunit ang inyong panahon ay palaging nakahanda.
λεγει ουν αυτοις ο ιησους ο καιρος ο εμος ουπω παρεστιν ο δε καιρος ο υμετερος παντοτε εστιν ετοιμος
7 Hindi ka maaring kamuhian ng mundo, ngunit kinamumuhian ako nito dahil ako ay nagpatotoo tungkol dito na ang kaniyang mga gawa ay masama.
ου δυναται ο κοσμος μισειν υμας εμε δε μισει οτι εγω μαρτυρω περι αυτου οτι τα εργα αυτου πονηρα εστιν
8 Pumunta na kayo sa kapistahan; hindi ako pupunta sa kapistahang ito dahil ang aking oras ay hindi pa natutupad.”
υμεις αναβητε εις την εορτην ταυτην εγω ουπω αναβαινω εις την εορτην ταυτην οτι ο καιρος ο εμος ουπω πεπληρωται
9 Pagkatapos niyang sinabi ang mga bagay na ito sa kanila, siya ay nanatili sa Galilea.
ταυτα δε ειπων αυτοις εμεινεν εν τη γαλιλαια
10 Subalit, pagkatapos pumunta ng kaniyang mga kapatid sa kapistahan, sumunod din siya, hindi hayagan ngunit palihim.
ως δε ανεβησαν οι αδελφοι αυτου τοτε και αυτος ανεβη εις την εορτην ου φανερως αλλ ως εν κρυπτω
11 Hinahanap siya ng mga Judio sa kapistahan at sinabi, “Nasaan siya?”
οι ουν ιουδαιοι εζητουν αυτον εν τη εορτη και ελεγον που εστιν εκεινος
12 Nagkaroon ng matinding talakayan sa maraming tao tungkol sa kaniya, sinabi ng ilan, “Siya ay mabuting tao.” Sinabi ng iba, “Hindi, nililigaw niya ang karamihan.”
και γογγυσμος πολυς περι αυτου ην εν τοις οχλοις οι μεν ελεγον οτι αγαθος εστιν αλλοι ελεγον ου αλλα πλανα τον οχλον
13 Ngunit wala ni isa na hayagang nagsalita tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
ουδεις μεντοι παρρησια ελαλει περι αυτου δια τον φοβον των ιουδαιων
14 Nang malapit na matapos ang kapistahan, umakyat si Jesus sa templo at nagsimulang magturo.
ηδη δε της εορτης μεσουσης ανεβη ο ιησους εις το ιερον και εδιδασκεν
15 Namanghang ang mga Judio at sinasabi, “Paano nagkaroon ng maraming karunungan ang taong ito? Hindi naman siya nakapag-aral.”
και εθαυμαζον οι ιουδαιοι λεγοντες πως ουτος γραμματα οιδεν μη μεμαθηκως
16 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang aking katuruan ay hindi akin, ngunit sa kaniya na nagsugo sa akin.
απεκριθη ουν αυτοις ο ιησους και ειπεν η εμη διδαχη ουκ εστιν εμη αλλα του πεμψαντος με
17 Kung sinuman ang nagnanais gawin ang kaniyang kalooban, malalaman niya ang tungkol sa katuruang ito, kung ito ay nangagaling sa Diyos o nanggaling sa sarili ko.
εαν τις θελη το θελημα αυτου ποιειν γνωσεται περι της διδαχης ποτερον εκ του θεου εστιν η εγω απ εμαυτου λαλω
18 Sinuman ang magsalita mula sa kaniyang sarili ay naghahangad ng sariling kalulwalhatian, ngunit sinuman ang naghahangad ng kalulwalhatian sa kaniya na nagsugo sa kaniya, ang taong iyon ay totoo at walang kasamaan sa kaniya.
ο αφ εαυτου λαλων την δοξαν την ιδιαν ζητει ο δε ζητων την δοξαν του πεμψαντος αυτον ουτος αληθης εστιν και αδικια εν αυτω ουκ εστιν
19 Hindi ba binigay sa inyo ni Moises ang kautusan? Gayunman wala sa inyo ang gumagawa ng batas. Bakit gusto ninyo akong patayin?”
ου μωσης δεδωκεν υμιν τον νομον και ουδεις εξ υμων ποιει τον νομον τι με ζητειτε αποκτειναι
20 Sumagot ang maraming tao, “Mayroon kang isang demonyo. Sino ang may gustong pumatay sa iyo?
απεκριθη ο οχλος και ειπεν δαιμονιον εχεις τις σε ζητει αποκτειναι
21 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gumawa ako ng isang bagay, at namangha kayo dahil dito.
απεκριθη ιησους και ειπεν αυτοις εν εργον εποιησα και παντες θαυμαζετε
22 Binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli (hindi sa iyon ay nagmula kay Moises, ngunit nagmula sa mga ninuno), at sa Araw ng Pamamahinga tinutuli ninyo ang isang lalaki.
δια τουτο μωσης δεδωκεν υμιν την περιτομην ουχ οτι εκ του μωσεως εστιν αλλ εκ των πατερων και εν σαββατω περιτεμνετε ανθρωπον
23 Kung ang isang lalaki ay tumanggap ng pagtutuli sa Araw ng Pamamahinga upang ang batas ni Moises ay hindi malabag, bakit kayo nagagalit sa akin dahil ginawa kong ganap na magaling ang isang tao sa Araw ng Pamamahinga?
ει περιτομην λαμβανει ανθρωπος εν σαββατω ινα μη λυθη ο νομος μωσεως εμοι χολατε οτι ολον ανθρωπον υγιη εποιησα εν σαββατω
24 Huwag humatol ayon sa anyo, ngunit humatol ng may katuwiran.
μη κρινετε κατ οψιν αλλα την δικαιαν κρισιν κρινατε
25 Sinabi ng ilan sa kanila na taga-Jerusalem, “Hindi ba ito ang siyang hinahangad nilang patayin?
ελεγον ουν τινες εκ των ιεροσολυμιτων ουχ ουτος εστιν ον ζητουσιν αποκτειναι
26 At tingnan ninyo, hayagan siyang nagsasalita at wala silang sinabi sa kaniya. Hindi kaya alam ng mga pinuno na ito ang Cristo, maaari kaya?
και ιδε παρρησια λαλει και ουδεν αυτω λεγουσιν μηποτε αληθως εγνωσαν οι αρχοντες οτι ουτος εστιν αληθως ο χριστος
27 Alam natin kung saan nanggaling ang taong ito. Subalit, kapag dumating ang Cristo, walang isa man ang nakakaalam kung saan siya mangagaling.”
αλλα τουτον οιδαμεν ποθεν εστιν ο δε χριστος οταν ερχηται ουδεις γινωσκει ποθεν εστιν
28 Sumisigaw si Jesus sa loob ng templo, nagtuturo at nagsasabi, “Kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling. Hindi ako pumarito sa aking sarili, ngunit ang nagsugo sa akin ay totoo at hindi niyo siya kilala.
εκραξεν ουν εν τω ιερω διδασκων ο ιησους και λεγων καμε οιδατε και οιδατε ποθεν ειμι και απ εμαυτου ουκ εληλυθα αλλ εστιν αληθινος ο πεμψας με ον υμεις ουκ οιδατε
29 Kilala ko siya dahil ako ay nanggaling mula sa kaniya at ako ay isinugo niya.
εγω οιδα αυτον οτι παρ αυτου ειμι κακεινος με απεστειλεν
30 Sinusubukan nilang dakpin siya, ngunit walang sinumang nangahas na hulihin siya dahil hindi pa dumadating ang kaniyang panahon.
εζητουν ουν αυτον πιασαι και ουδεις επεβαλεν επ αυτον την χειρα οτι ουπω εληλυθει η ωρα αυτου
31 Subalit, marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng taong ito?”
πολλοι δε εκ του οχλου επιστευσαν εις αυτον και ελεγον οτι ο χριστος οταν ελθη μητι πλειονα σημεια τουτων ποιησει ων ουτος εποιησεν
32 Narinig ng mga Pariseo ang bulong-bulungan ng maraming tao tungkol kay Jesus, at ang mga punong pari at ang mga Pariseo ay nagsugo ng mga opisyal upang hulihin siya.
ηκουσαν οι φαρισαιοι του οχλου γογγυζοντος περι αυτου ταυτα και απεστειλαν υπηρετας οι φαρισαιοι και οι αρχιερεις ινα πιασωσιν αυτον
33 At sinabi ni Jesus, “Sa sandaling panahon mananatili pa ako kasama ninyo, pagkatapos pupunta na ako sa nagsugo sa akin.
ειπεν ουν ο ιησους ετι μικρον χρονον μεθ υμων ειμι και υπαγω προς τον πεμψαντα με
34 Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita; kung saan ako papunta, hindi kayo makakasama.”
ζητησετε με και ουχ ευρησετε και οπου ειμι εγω υμεις ου δυνασθε ελθειν
35 Kaya nag-usap-usap ang mga Judio, “Saan papunta ang taong ito na hindi natin siya kayang hanapin? Pupunta ba siya sa Pagkakalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga Griyego?
ειπον ουν οι ιουδαιοι προς εαυτους που ουτος μελλει πορευεσθαι οτι ημεις ουχ ευρησομεν αυτον μη εις την διασποραν των ελληνων μελλει πορευεσθαι και διδασκειν τους ελληνας
36 Ano itong salita na kaniyang sinabi, 'Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ako makikita; kung saan ako pupunta, hindi kayo makakasama'?”
τις εστιν ουτος ο λογος ον ειπεν ζητησετε με και ουχ ευρησετε και οπου ειμι εγω υμεις ου δυνασθε ελθειν
37 Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom.
εν δε τη εσχατη ημερα τη μεγαλη της εορτης ειστηκει ο ιησους και εκραξεν λεγων εαν τις διψα ερχεσθω προς με και πινετω
38 Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay.
ο πιστευων εις εμε καθως ειπεν η γραφη ποταμοι εκ της κοιλιας αυτου ρευσουσιν υδατος ζωντος
39 Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
τουτο δε ειπεν περι του πνευματος ου εμελλον λαμβανειν οι πιστευοντες εις αυτον ουπω γαρ ην πνευμα αγιον οτι ιησους ουδεπω εδοξασθη
40 Ang ilan sa maraming tao, nang narinig nila ang mga salitang itoay nagsabi, “Tunay nga na ito ang propeta.”
πολλοι ουν εκ του οχλου ακουσαντες τον λογον ελεγον ουτος εστιν αληθως ο προφητης
41 Sinabi ng iba, “Ito ang Cristo.” Ngunit sinabi ng iba, “Ano, ang Cristo ba ay mangagaling sa Galilea?
αλλοι ελεγον ουτος εστιν ο χριστος αλλοι ελεγον μη γαρ εκ της γαλιλαιας ο χριστος ερχεται
42 Hindi ba sinabi ng mga kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David at mula sa Betlehem, ang nayon kung saan galing si David?”
ουχι η γραφη ειπεν οτι εκ του σπερματος δαυιδ και απο βηθλεεμ της κωμης οπου ην δαυιδ ο χριστος ερχεται
43 Kaya nagkaroon ng pagbabahagi sa maraming tao dahil sa kaniya.
σχισμα ουν εν τω οχλω εγενετο δι αυτον
44 Ang iba sa kanila ay ninais sanang dakpin siya, ngunit walang isa man ang humuli sa kaniya.
τινες δε ηθελον εξ αυτων πιασαι αυτον αλλ ουδεις επεβαλεν επ αυτον τας χειρας
45 Pagkatapos bumalik ang mga opisyal sa mga punong pari at mga Pariseo, na nagsabi sa kanila, “Bakit hindi ninyo siya dinala?”
ηλθον ουν οι υπηρεται προς τους αρχιερεις και φαρισαιους και ειπον αυτοις εκεινοι δια τι ουκ ηγαγετε αυτον
46 Sumagot ang mga opisyal, “Walang pang tao ang nagsalita kailanman ng katulad nito.”
απεκριθησαν οι υπηρεται ουδεποτε ουτως ελαλησεν ανθρωπος ως ουτος ο ανθρωπος
47 Kaya sinagot sila ng mga Pariseo, “Kayo ba ay nailigaw na rin?”
απεκριθησαν ουν αυτοις οι φαρισαιοι μη και υμεις πεπλανησθε
48 Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?
μη τις εκ των αρχοντων επιστευσεν εις αυτον η εκ των φαρισαιων
49 Ngunit itong maraming tao na hindi alam ang batas—sila ay sinumpa.”
αλλ ο οχλος ουτος ο μη γινωσκων τον νομον επικαταρατοι εισιν
50 Sinabi ni Nicodemo sa kanila, (siya na kabilang sa mga Pariseo na pumunta noong una pa kay Jesus),
λεγει νικοδημος προς αυτους ο ελθων νυκτος προς αυτον εις ων εξ αυτων
51 “Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?”
μη ο νομος ημων κρινει τον ανθρωπον εαν μη ακουση παρ αυτου προτερον και γνω τι ποιει
52 Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea. “
απεκριθησαν και ειπον αυτω μη και συ εκ της γαλιλαιας ει ερευνησον και ιδε οτι προφητης εκ της γαλιλαιας ουκ εγηγερται
53 [Pagkatapos bawat tao ay nagtungo sa kanilang sariling bahay.
και απηλθεν εκαστος εις τον οικον αυτου

< Juan 7 >