< Juan 6 >
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis papunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea, na tinatawag din na Dagat ng Tiberias.
DOPO queste cose, Gesù se ne andò all'altra riva del mar della Galilea, [che è il mar] di Tiberiade.
2 Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit.
E gran moltitudine lo seguitava, perciocchè vedevano i miracoli ch'egli faceva negl'infermi.
3 Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.
Ma Gesù salì in sul monte, e quivi sedeva co' suoi discepoli.
4 (Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na).
Or la pasqua, la festa de' Giudei, era vicina.
5 Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
Gesù adunque, alzati gli occhi, e veggendo che gran moltitudine veniva a lui, disse a Filippo: Onde comprerem noi del pane, per dar da mangiare a costoro?
6 (Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
(Or diceva questo, per provarlo, perciocchè egli sapeva quel ch'era per fare.)
7 Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
Filippo gli rispose: Del pane per dugento denari non basterebbe loro, perchè ciascun d'essi ne prendesse pure un poco.
8 Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus,
Andrea, fratello di Simon Pietro, l'uno de' suoi discepoli, gli disse:
9 “Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?”
V'e qui un fanciullo, che ha cinque pani d'orzo, e due pescetti; ma, che è ciò per tanti?
10 Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang.
E Gesù disse: Fate che gli uomini si assettino. Or v'era in quel luogo erba assai. La gente adunque si assettò, ed erano in numero d'intorno a cinquemila.
11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila.
E Gesù prese i pani, e, rese grazie, li distribuì a' discepoli, e i discepoli alla gente assettata; il simigliante fece dei pesci, quanti ne volevano.
12 Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
E dopo che furon saziati, [Gesù] disse a' suoi discepoli: Raccogliete i pezzi avanzati, che nulla se ne perda.
13 Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.
Essi adunque li raccolsero, ed empierono dodici corbelli di pezzi di que' cinque pani d'orzo, ch'erano avanzati a coloro che aveano mangiato.
14 At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
Laonde la gente, avendo veduto il miracolo che Gesù avea fatto, disse: Certo costui è il profeta, che deve venire al mondo.
15 Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
Gesù adunque, conoscendo che verrebbero, e lo rapirebbero per farlo re, si ritrasse di nuovo in sul monte, tutto solo.
16 Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa.
E QUANDO fu sera, i suoi discepoli discesero verso il mare.
17 Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila).
E montati nella navicella, traevano all'altra riva del mare, verso Capernaum; e già era scuro, e Gesù non era venuto a loro.
18 Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
E perchè soffiava un gran vento, il mare era commosso.
19 At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot.
Ora, quando ebbero vogato intorno a venticinque o trenta stadi, videro Gesù che camminava in sul mare, e si accostava alla navicella, ed ebbero paura.
20 Subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito, huwag kayong matakot.”
Ma egli disse loro: Son io, non temiate.
21 Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
Essi adunque volonterosamente lo ricevettero dentro la navicella; e subitamente la navicella arrivò là dove essi traevano.
22 Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang.
IL giorno seguente, la moltitudine ch'era restata all'altra riva del mare, avendo veduto che quivi non v'era altra navicella che quell'una nella quale erano montati i discepoli di Gesù, e ch'egli non v'era montato con loro; anzi che i suoi discepoli erano partiti soli
23 (Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
(or altre navicelle eran venute di Tiberiade, presso del luogo, ove, avendo il Signore rese grazie, aveano mangiato il pane);
24 Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus.
la moltitudine, [dico], come ebbe veduto che Gesù non era quivi, nè i suoi discepoli, montò anch'ella in quelle navicelle, e venne in Capernaum, cercando Gesù.
25 Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, “Rabi, kailan ka nagpunta dito?
E trovatolo di là dal mare, gli disse: Maestro, quando sei giunto qua?
26 Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, “Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog.
Gesù rispose loro, e disse: In verità, in verità, io vi dico, che voi mi cercate, non perciocchè avete veduti miracoli; ma, perciocchè avete mangiato di quei pani, [e] siete stati saziati.
27 Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (aiōnios )
Adoperatevi, non intorno al cibo che perisce, ma intorno al cibo che dimora in vita eterna, il quale il Figliuol dell'uomo vi darà; perciocchè esso ha il Padre, [cioè] Iddio, suggellato. (aiōnios )
28 Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?”
Laonde essi gli dissero: Che faremo, per operar le opere di Dio?
29 Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
Gesù rispose, e disse loro: Questa è l'opera di Dio: che voi crediate in colui ch'egli ha mandato.
30 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Laonde essi gli dissero: Qual segno fai tu adunque, acciocchè noi [lo] veggiamo, e ti crediamo? che operi?
31 Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”
I nostri padri mangiarono la manna nel deserto, come è scritto: Egli diè loro a mangiare del pan celeste.
32 Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
Allora Gesù disse loro: In verità, in verità, io vi dico, che Mosè non vi ha dato il pane celeste; ma il Padre mio vi dà il vero pane celeste.
33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
Perciocchè il pan di Dio è quel che scende dal cielo, e dà vita al mondo.
34 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”
Essi adunque gli dissero: Signore, dacci del continuo cotesto pane.
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
E Gesù disse loro: Io sono il pan della vità; chi viene a me non avrà fame, e chi crede in me non avrà giammai sete.
36 Subalit, sinabi ko sa inyo na nakita ninyo na ako, ngunit hindi pa rin kayo naniniwala.
Ma io vi ho detto che, benchè mi abbiate veduto, non però credete.
37 Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
Tutto quello che il Padre mi dà verrà a me, ed io non caccerò fuori colui che viene a me.
38 Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Perciocchè io son disceso del cielo, non acciocchè io faccia la mia volontà, ma la volontà di colui che mi ha mandato.
39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
Ora questa è la volontà del Padre che mi ha mandato: ch'io non perda niente di tutto ciò ch'egli mi ha dato; anzi, ch'io lo riscusciti nell'ultimo giorno.
40 Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw. (aiōnios )
Ma altresì la volontà di colui che mi ha mandato è questa: che chiunque vede il Figliuolo, e crede in lui, abbia vita eterna; ed io lo risusciterò nell'ultimo giorno. (aiōnios )
41 Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.”
I Giudei adunque mormoravano di lui, perciocchè egli avea detto: Io sono il pane ch'è disceso dal cielo.
42 Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”
E dicevano: Costui non è egli Gesù, figliuol di Giuseppe, di cui noi conosciamo il padre e la madre? come adunque dice costui: Io son disceso dal cielo?
43 Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, “Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili.”
Laonde Gesù rispose, e disse loro: Non mormorate tra voi.
44 Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw.
Niuno può venire a me, se non che il Padre che mi ha mandato lo tragga; ed io lo risusciterò nell'ultimo giorno.
45 Ito ay nasusulat sa mga propeta, “Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin.
Egli è scritto ne' profeti: E tutti saranno insegnati da Dio. Ogni uomo dunque che ha udito dal Padre, ed ha imparato, viene a me.
46 Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.
Non già che alcuno abbia veduto il Padre, se non colui ch'è da Dio; esso ha veduto il Padre.
47 Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios )
In verità, in verità, io vi dico: Chi crede in me ha vita eterna. (aiōnios )
48 Ako ang tinapay ng buhay.
Io sono il pan della vita.
49 Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay.
I vostri padri mangiarono la manna nel deserto, e morirono.
50 Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay.
Quest'è il pane ch'è disceso dal cielo, acciocchè chi ne avrà mangiato non muoia.
51 Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo. (aiōn )
Io sono il vivo pane, ch'è disceso dal cielo; se alcun mangia di questo pane viverà in eterno; or il pane che io darò è la mia carne, la quale io darò per la vita del mondo. (aiōn )
52 Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?”
I Giudei adunque contendevan fra loro, dicendo: Come può costui darci a mangiar la sua carne?
53 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
Perciò Gesù disse loro: In verità, in verità, io vi dico, che se voi non mangiate la carne del Figliuol dell'uomo, e non bevete il suo sangue, voi non avete la vita in voi.
54 Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. (aiōnios )
Chi mangia la mia carne, e beve il mio sangue, ha vita eterna; ed io lo risusciterò nell'ultimo giorno. (aiōnios )
55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
Perciocchè la mia carne è veramente cibo, ed il mio sangue è veramente bevanda.
56 Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
Chi mangia la mia carne, e beve il mio sangue, dimora in me, ed io in lui.
57 Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin.
Siccome il vivente Padre mi ha mandato, ed io vivo per il Padre, così, chi mi mangia viverà anch'egli per me.
58 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. (aiōn )
Quest'è il pane ch'è disceso dal cielo; non quale era la manna che i vostri padri mangiarono, e morirono; chi mangia questo pane viverà in eterno. (aiōn )
59 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
Queste cose disse nella sinagoga, insegnando in Capernaum.
60 Pagkatapos nang narinig ng marami sa kaniyang mga alagad ito, sinabi nila, “Ito ay mahirap na katuruan; sino kaya ang tatanggap nito?”
LAONDE molti de' suoi discepoli, udito[lo], dissero: Questo parlare è duro, chi può ascoltarlo?
61 Dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay naguusap-usap tungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Ito ba ay nakasakit sa inyo?
E Gesù, conoscendo in sè stesso che i suoi discepoli mormoravan di ciò, disse loro: Questo vi scandalezza egli?
62 Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon?
[Che sarà] dunque, quando vedrete il Figliuol dell'uomo salire ove egli era prima?
63 Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang pakinabang ang laman. Ang mga salita na nasabi ko sa inyo ay mga espiritu, at ang mga ito ay buhay.
Lo spirito è quel che vivifica, la carne non giova nulla; le parole che io vi ragiono sono spirito e vita.
64 Gayun man mayroong ilan sa inyo na hindi mananampalataya.” Sapagkat alam ni Jesus mula pa sa simula sino ang hindi mananampalataya at sino itong magkakanulo sa kaniya.
Ma ve ne sono alcuni di voi, i quali non credono (poichè Gesù conosceva fin dal principio chi erano coloro che non credevano, e chi era colui che lo tradirebbe).
65 Sinabi niya, “Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.”
E diceva: Perciò vi ho detto che niuno può venire a me se non gli è dato dal Padre mio.
66 Pagkatapos nito, marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na lumakad kasama niya.
Da quell'ora molti de' suoi discepoli si trassero indietro, e non andavano più attorno con lui.
67 Kaya sinabi ni Jesus sa Labingdalawa, “Hindi rin ninyong gustong umalis? hindi ba?”
Laonde Gesù disse a' dodici: Non ve ne volete andare ancor voi?
68 Sinagot siya ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, (aiōnios )
E Simon Pietro gli rispose: Signore, a chi ce ne andremmo? tu hai le parole di vita eterna. (aiōnios )
69 at kami ay naniwala at nalaman namin na ikaw ang Banal ng Diyos. “
E noi abbiamo creduto, ed abbiamo conosciuto che tu sei il Cristo, il Figliuol dell'Iddio vivente.
70 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?”
Gesù rispose loro: Non ho io eletti voi dodici? e pure un di voi è diavolo.
71 Ngayon sinabi niya ang tungkol kay Judas anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya iyon na kabilang sa Labingdalawan na magkakanulo kay Jesus.
Or egli diceva [ciò] di Giuda Iscariot, [figliuol] di Simone; perciocchè esso era per tradirlo, quantunque fosse uno de' dodici.