< Juan 6 >

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis papunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea, na tinatawag din na Dagat ng Tiberias.
After these things, Jesus went away across the sea of Galilee, that is, of Tiberias;
2 Napakaraming tao ang sumusunod sa kaniya dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa may mga sakit.
and there was following him a great multitude, because they had been viewing the signs which he did upon such as were sick.
3 Umakyat si Jesus sa gilid ng bundok at naupo doon kasama ang kaniyang mga alagad.
But Jesus had gone up into the mountain, and, there, was sitting with his disciples.
4 (Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na).
Now the passover was near, the feast of the Jews.
5 Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
So then Jesus, lifting up his eyes, and beholding that a great multitude was coming unto him, saith unto Philip—Whence are we to buy loaves, that these may eat?
6 (Ngunit sinabi ito ni Jesus upang subukin si Felipe, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.)
But, this, he was saying, to test him; for, he himself, knew, what he was about to do.
7 Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
Philip answered him—Two hundred denaries-worth of loaves, are not sufficient for them, that, each one, may take, a little.
8 Isa sa mga alagad, si Andres, kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi kay Jesus,
One from among his disciples, Andrew, the brother of Simon Peter, saith unto him—
9 “Mayroong isang batang narito na mayroong limang sebadang tinapay at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa ganito karaming tao?”
There is a little lad here, that hath five barley loaves, and two small fishes, —but, these, —what are they, for such numbers?
10 Sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” (Ngayon madamo sa lugar na iyon.) Kaya naupo ang mga tao, mga limang libo ang bilang.
Jesus said—Make the people recline. Now there was much grass in the place. So the men reclined, to the number of about five thousand.
11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at matapos makapagpasalamat ay ipinamahagi niya sa mga taong nakaupo. Sa ganoon ding paraan, ipinamahagi din niya ang mga isda, hangga't sa gusto nila.
Jesus therefore took the loaves, and, giving thanks, went on distributing unto them that reclined; in like manner, of the small fishes also: as much as they were wishing.
12 Nang nabusog na ang mga tao, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ang natirang mga pira-piraso, para walang masayang.”
And, when they were well-filled, he saith unto his disciples—Gather up the broken pieces left over, that nothing be lost.
13 Kaya inipon nila ang mga ito at puno ang labindalawang kaing ng mga pira-pirasong mula sa limang sebadang tinapay - ang mga pirasong natira mula sa mga nakakain.
So they gathered them up, and filled twelve baskets, with broken pieces out of the five barley loaves, —which were left over by them who had eaten.
14 At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
The people, therefore, seeing what signs he wrought, began to say—This, is, of a truth, the prophet who was to come into the world.
15 Nang napagtanto ni Jesus na sila ay papunta at sapilitan siyang gagawing hari, muli siyang lumayo at mag-isang umakyat sa bundok.
Jesus, therefore, getting to know that they were about to come, and seize him, that they might make him king, retired again into the mountain, himself, alone.
16 Nang dumating ang gabi, ang mga alagad ay bumaba papunta sa lawa.
But, when evening came, his disciples went down unto the sea;
17 Sumakay sila sa bangka, patawid ng dagat papuntang Capernaum. (Madilim na nang oras na iyon at hindi pa pumunta si Jesus sa kanila).
and, entering into a boat, were going across the sea into Capernaum. And, dark, already, had it become, and, not yet, had Jesus reached them;
18 Ngayon, isang malakas na hangin ang umiihip at ang dagat ay nagiging maalon.
moreover the sea, by reason of a great wind that blew, was rising high.
19 At nang nakapagsagwan na ang mga alagad ng mga dalawampu't lima o tatlumpung istadya, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat at papalapit sa bangka, at sila ay natakot.
Having therefore rowed about twenty-five or thirty furlongs, they observe Jesus, walking upon the sea, and, near the boat, coming; and they were affrighted.
20 Subalit sinabi niya sa kanila, “Ako ito, huwag kayong matakot.”
But, he, saith unto them—It is, I: be not affrighted!
21 Pagkatapos kusa nilang tinanggap siya sa bangka, at kaagad nakarating ang bangka sa lugar kung saan sila papunta.
They were willing, therefore, to receive him into the boat; and, straightway, the boat was at land, whither they had been slowly going.
22 Kinabukasn, nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na walang ibang bangka doon maliban sa isa at si Jesus ay hindi sumakay doon na kasama ang kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang.
On the morrow, the multitude that was standing on the other side of the sea, saw that there was not, another small-boat, there, save one, —and that Jesus entered not, along with his disciples, unto the boat, but that, alone, his disciples departed: —
23 (Subalit, may ilang mga bangka na nanggaling mula sa Tiberias malapit sa lugar kung saan nila kinain ang tinapay pagkatapos makapagpasalamat ang Panginoon.)
howbeit there came boats out of Tiberias, near the place where they did eat the bread, after the Lord had given thanks: —
24 Nang matuklasan ng karamihan na si Jesus o ang kaniyang mga alagad ay wala doon, sila sila rin ay sumakay sa mga bangka at nagpunta sa Capernaum at hinahanap si Jesus.
When, therefore, the multitude saw, that, Jesus, was not there, nor yet his disciples, they themselves, got into the small boats, and came unto Capernaum, seeking Jesus;
25 Pagkatapos nila siyang matagpuan sa kabila ng lawa, sinabi nila sa kaniya, “Rabi, kailan ka nagpunta dito?
and, finding him on the other side of the sea, they said unto him—Rabbi! when, camest thou, hither?
26 Sumagot si Jesus sa kanila, sinasabi, “Tunay nga, hinanap ninyo ako, hindi dahil nakakita kayo ng mga tanda, ngunit dahil nakakain kayo ng ilang tinapay at kayo ay nabusog.
Jesus answered them, and said—Verily, verily, I say unto you: Ye seek me, not because ye saw signs, but because ye did eat of the loaves and were filled.
27 Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (aiōnios g166)
Be working, not for the food that perisheth, but for the food that endureth unto life age-abiding, —which, the Son of Man, unto you, will give; for upon, the same, hath the Father, even God, set his seal. (aiōnios g166)
28 Pagkatapos sinabi nila sa kaniya, “Ano ang dapat naming gawin, upang magawa namin ang mga gawain ng Diyos?”
They said, therefore, unto him—What are we to do, that we may be working the works of God?
29 Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
Jesus answered, and said unto them—This, is the work of God: that ye believe on him whom, he, hath sent forth.
30 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
They said, therefore, unto him—What, then, art, thou, doing, by way of sign, that we may see, and believe in thee: what art thou working?
31 Kinain ng aming mga ninuno ang manna sa ilang, katulad ng nasusulat, “Binigyan niya sila ng tinapay mula sa langit upang kainin.”
Our fathers, did eat, the manna, in the desert, —just as it is written: Bread out of heaven, he gave them to eat.
32 Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit.
Jesus said unto them—Verily, verily, I say unto you: Not Moses, gave you the bread out of heaven; but, my Father, giveth you the real bread out of heaven.
33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
For, the bread of God, is that which is coming down out of heaven, and giving, life, unto the world.
34 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”
They said, therefore, unto him—Sir! Evermore, give us this bread.
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
Jesus said unto them—I, am the bread of life: he that cometh unto me, in nowise shall hunger, and, he that believeth on me, in nowise shall thirst, any more.
36 Subalit, sinabi ko sa inyo na nakita ninyo na ako, ngunit hindi pa rin kayo naniniwala.
But I told you—Ye have even seen [me], and yet do not believe.
37 Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
All that which the Father is giving me, unto me, will have come, and, him that cometh unto me, in nowise will I cast out, —
38 Sapagkat ako ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang aking kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
Because I have come down from heaven, —Not that I should be doing my own will, but the will of him that sent me.
39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
And, this, is the will of him that sent me, That, of all that which he hath given me, I should lose nothing, but should raise it up at the last day.
40 Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw. (aiōnios g166)
For, this, is the will of my Father, That, every one that vieweth the Son, and believeth on him, should have life age-abiding, and, I, should raise him up, at the last day. (aiōnios g166)
41 Pagkatapos nagbulungan ang mga Judio tungkol sa kaniya dahil sa sinabi niya, “Ako ang tinapay na bumaba mula sa langit.”
The Jews, therefore, began to murmur concerning him, because he said—I, am the bread that came down out of heaven;
42 Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?”
and were saying—Is not, this, Jesus, the son of Joseph, —of whom, we, know the father and the mother! How is it then, that he, now, saith: Out of heaven, have I come down?
43 Sumagot si Jesus, sinasabi sa kanila, “Tigilan ninyo ang pagbubulung-bulungan sa inyong mga sarili.”
Jesus answered, and said unto them—Be not murmuring, one with another:
44 Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw.
No one, can come unto me, except, the Father who sent me, draw him, —and, I, will raise him up, in the last day.
45 Ito ay nasusulat sa mga propeta, “Silang lahat ay tuturuan ng Diyos.' Bawat isang nakarinig at natuto mula sa Ama ay lalapit sa akin.
It is written in the prophets, —And they shall be, all, the instructed of God: Every one who hath heard of the Father, and learned, cometh unto me.
46 Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.
Not that any one hath seen, the Father, save he who is from God, —this one, hath seen the Father.
47 Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Verily, verily, I say unto you: He that believeth, hath life age-abiding. (aiōnios g166)
48 Ako ang tinapay ng buhay.
I am the bread of life: —
49 Kinain ng inyong mga ninuno ang manna sa ilang at sila ay namatay.
Your fathers, did eat, in the desert, the manna, —and died:
50 Ito ang tinapay na nagmula sa langit, upang ang isang tao ay kumain nito at hindi mamamatay.
This, is the bread which, out of heaven, cometh down, that one, thereof, may eat, —and not die.
51 Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo. (aiōn g165)
I, am the living bread, which, out of heaven, came down: If one eat of this bread, he shall live unto times age-abiding; and, the bread, moreover, which, I, will give, is, my flesh—for the world’s life. (aiōn g165)
52 Ang mga Judio ay nagalit sa isa't isa at nagsimulang magtalo-talo, na sinasabi, “Paanong ibibigay sa atin ng taong ito ang kaniyang laman upang kainin natin?”
The Jews, therefore, began to strive one with another, saying—How can this one, unto us, give his flesh to eat?
53 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Tunay nga, maliban na lang kung kakainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kaniyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong mga sarili.
Jesus, therefore, said unto them—Verily, verily, I say unto you—Except ye eat the flesh of the Son of Man, and drink his blood, ye have not life within yourselves.
54 Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. (aiōnios g166)
He that feedeth upon my flesh, and drinketh my blood, hath life age-abiding, and, I, will raise him up at the last day; (aiōnios g166)
55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
For, my flesh, is, true, food, and, my blood, is, true, drink:
56 Ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kaniya.
He that feedeth upon my flesh, and drinketh my blood, in me, abideth, and, I, in him.
57 Gaya ng buhay na Ama na nagsugo sa akin, at gaya ng ako ay nabuhay dahil sa Ama, ang kakain sa akin ay mabubuhay din dahil sa akin.
Just as the living Father sent me, —and I live by reason of the Father, he also that feedeth upon me, even he, shall live by reason of me.
58 Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. (aiōn g165)
This, is the bread, which, out of heaven, came down: —Not just as your fathers did eat—and died! He that feedeth upon this bread, shall live unto times age-abiding. (aiōn g165)
59 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang siya ay nagtuturo sa Capernaum.
These things, said he, as, in a synagogue, he was teaching, in Capernaum.
60 Pagkatapos nang narinig ng marami sa kaniyang mga alagad ito, sinabi nila, “Ito ay mahirap na katuruan; sino kaya ang tatanggap nito?”
Many, of his disciples, therefore, when they heard, said—Hard, is this discourse, —Who can, thereunto, hearken?
61 Dahil alam ni Jesus sa kaniyang sarili na ang kaniyang mga alagad ay naguusap-usap tungkol dito, sinabi niya sa kanila, “Ito ba ay nakasakit sa inyo?
But Jesus, knowing within himself that his disciples were murmuring concerning this, said unto them—Doth, this, cause, you, to stumble?
62 Kung ganoon, paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na umaakyat papunta sa dati niyang kinaroroon?
[What] then, if ye should view the Son of Man ascending where he was before? …
63 Ang Espiritu ang siyang nagbibigay buhay. Walang pakinabang ang laman. Ang mga salita na nasabi ko sa inyo ay mga espiritu, at ang mga ito ay buhay.
The spirit, it is, that giveth life, —the flesh, profiteth, nothing: The declarations which, I, have spoken unto you, are, spirit, and, are, life.
64 Gayun man mayroong ilan sa inyo na hindi mananampalataya.” Sapagkat alam ni Jesus mula pa sa simula sino ang hindi mananampalataya at sino itong magkakanulo sa kaniya.
But there are some from among you, who do not believe. For Jesus knew from the beginning, who they were that did not believe, and who it was would deliver him up; —
65 Sinabi niya, “Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.”
and he went on to say—For this cause, have I said unto you: No one, can come unto me, except it have been given him, of the Father.
66 Pagkatapos nito, marami sa kaniyang mga alagad ang bumalik at hindi na lumakad kasama niya.
Because of this, many from among his disciples, went away back, and, no longer, with him, were walking.
67 Kaya sinabi ni Jesus sa Labingdalawa, “Hindi rin ninyong gustong umalis? hindi ba?”
Jesus, therefore, said unto the twelve—Are, ye also, wishing to withdraw?
68 Sinagot siya ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, (aiōnios g166)
Simon Peter answered him—Lord! unto whom, shall we go? Declarations of life age-abiding, thou hast; (aiōnios g166)
69 at kami ay naniwala at nalaman namin na ikaw ang Banal ng Diyos. “
And, we, have believed, and come to know, —that, thou, art the Holy One of God.
70 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?”
Jesus answered them—Did not, I, make choice, of you, the twelve? And yet, from among you, one, is, an adversary.
71 Ngayon sinabi niya ang tungkol kay Judas anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya iyon na kabilang sa Labingdalawan na magkakanulo kay Jesus.
Now he was speaking of Judas, son of Simon Iscariot: for, the same, was about to deliver him up, —one of the twelve.

< Juan 6 >