< Juan 3 >
1 Ngayon mayroon isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo, kasapi ng Konseho ng Judio.
E havia entre os fariseus um homem, chamado Nicodemos, príncipe dos judeus.
2 Pumunta ang taong ito kay Jesus nang bandang gabi, at sinabi niya “Rabi, alam namin ikaw ay isang guro galing sa Diyos dahil walang sinumang makagagawa ng mga tandang ito na ginawa mo maliban na nasa kaniya ang Diyos.”
Este foi ter de noite com Jesus, e disse-lhe: rabi, bem sabemos que és Mestre, vindo de Deus: porque ninguém pode fazer estes sinais que tu fazes, se Deus não for com ele.
3 Sumagot si Jesus sa kanya, “Tunay nga, maliban kung isilang muli ang isang tao hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.”
Jesus respondeu, e disse-lhe: Na verdade, na verdade te digo que aquele que não nascer de novo, não pode ver o reino de Deus.
4 Sinabi ni Nicodemo sa kaniya, “Paano ipapanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Hindi na siya pwedeng pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak, kaya ba niya?”
Disse-lhe Nicodemos: Como pode um homem nascer, sendo velho? porventura pode tornar a entrar no ventre de sua mãe, e nascer?
5 Sumagot si Jesus, “Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
Jesus respondeu: Na verdade, na verdade, te digo que aquele que não nascer da água e do espírito não pode entrar no reino de Deus,
6 Iyong ipanganak sa laman ay laman, at iyong ipanganak sa Espiritu ay espritu.
O que é nascido da carne é carne, e o que é nascido do espírito é espírito.
7 Huwag kayong mamangha na sinabi ko sa inyo, 'Dapat kayong ipanganak muli.'
Não te maravilhes de te ter dito: necessário vos é nascer de novo.
8 Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu.”
O vento assopra onde quer, e ouves a sua voz; porém não sabes de onde vem, nem para onde vai; assim é todo aquele que é nascido do espírito.
9 Sumagot si Nicodemo, sinasabi, “Paano mangyayari ang mga bagay na ito?”
Nicodemos respondeu, e disse-lhe: Como se pode fazer isto?
10 Sinagot siya ni Jesus, “Ikaw ba ay guro ng Israel, at hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito?
Jesus respondeu, e disse-lhe: Tu és mestre de Israel, e não sabes isto?
11 Tunay nga, sinasabi namin iyong alam namin, at pinatotohanan iyong nakita namin. Subalit kayong mga tao, hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
Na verdade, na verdade te digo que dizemos o que sabemos e testificamos o que vimos; e não aceitais o nosso testemunho.
12 Kung sinabi ko sa iyo ang tungkol sa mga bagay na makalupa at hindi ka naniwala, paano ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na makalangit?
Se vos falei de coisas terrestres, e não crestes, como crereis, se vos falar das celestiais?
13 Walang sinumang umakyat sa langit maliban ang bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.
E ninguém subiu ao céu, senão o que desceu do céu, a saber, o Filho do homem, que está no céu
14 Tulad ng pagtaas ni Moises ng ahas sa ilang, gayon din naman ang Anak ng Tao ay kailangang maitaas,
E, como Moisés levantou a serpente no deserto, assim importa que o Filho do homem seja levantado;
15 upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Para que todo aquele que nele crê não pereça, mas tenha a vida eterna. (aiōnios )
16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Porque Deus amou o mundo de tal maneira, que deu o seu Filho unigênito, para que todo aquele que nele crê não pereça, mas tenha a vida eterna. (aiōnios )
17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.
Porque Deus enviou o seu Filho ao mundo, não para que condenasse o mundo, mas para que o mundo fosse salvo por ele.
18 Ang nananampalataya sa kaniya ay hindi mahatulan. Ang hindi nananampalataya ay nahatulan na dahil hindi siya nananampalataya sa pangalan ng natatanging Anak ng Diyos.
Quem crê nele não é condenado; mas quem não crê já está condenado; porquanto não crê no nome do unigênito Filho de Deus.
19 Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.
E a condenação é esta: Que a luz veio ao mundo, e os homens amaram mais as trevas do que a luz, porque as suas obras eram más.
20 Dahil ang sinuman na gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at hindi lumalapit sa ilaw upang ang kaniyang mga gawa ay hindi malantad.
Porque todo aquele que faz o mal aborrece a luz, e não vem para a luz, para que as suas obras não sejam arguidas.
21 Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa liwanag upang ang kaniyang mga gawa ay malinaw na makita at ang mga iyon ay naganap dahil sa pagsunod sa Diyos.”
Mas quem obra a verdade vem para a luz, afim de que as suas obras sejam manifestas, porque são feitas em Deus.
22 Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa lupain ng Judea. Doon siya ay naglalaan ng panahon kasama nila at nagbabautismo.
Depois disto foi Jesus com os seus discípulos para a terra da Judeia; e estava ali com eles, e batizava.
23 Ngayon si Juan din ay nagbabautismo sa Enon malapit sa Salim dahil higit na marami ang tubig doon. Lumalapit sa kaniya amg mga tao at sila ay nababautismuhan,
Ora João batizava também em Enon, junto a Salim, porquanto havia ali muitas águas; e vinham ali, e eram batizados.
24 dahil hindi pa naipatapon sa bilangguan si Juan.
Porque ainda João não tinha sido lançado na prisão.
25 Pagkatapos ay may lumitaw na alitan sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at sa isang Judio tungkol sa seremonya ng paghuhugas.
Houve pois uma questão entre os discípulos de João e os judeus, acerca da purificação.
26 Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya “Rabi, yung kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya.”
E foram ter com João, e disseram-lhe: rabi, aquele que estava contigo além do Jordão, do qual tu deste testemunho, eis que batiza, e todos vão ter com ele
27 Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit.
João respondeu, e disse: O homem não pode receber coisa alguma, se lhe não for dada do céu
28 Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo' sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya.”
Vós mesmos me sois testemunhas de que disse: Eu não sou o Cristo, mas sou enviado adiante dele.
29 Ang kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Ngayon ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo at nakikinig, ay labis ang tuwa dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ito ngang aking kagalakan ay naging ganap.
Aquele que tem a esposa é o esposo; mas o amigo do esposo, que lhe assiste e o ouve, alegra-se muito com a voz do esposo. Assim pois já este meu gozo está cumprido.
30 Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba.
A ele convém crescer, porém a mim diminuir.
31 Ang mula sa kaitaasan ay nakatataas sa lahat. Ang taga lupa ay nagmula sa lupa at nagsasalita ng mga bagay na makalupa. Ang mula sa langit ay nakatataas sa lahat.
Aquele que vem de cima é sobre todos: aquele que vem da terra é da terra e fala da terra. aquele que vem do céu é sobre todos.
32 Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo.
E aquilo que viu e ouviu isso testifica; e ninguém aceita o seu testemunho.
33 Ang tumanggap sa kaniyang patotoo ay pinatunayan na totoo ang Diyos.
Aquele que aceitou o seu testemunho, esse selou que Deus é verdadeiro.
34 Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
Porque aquele que Deus enviou fala as palavras de Deus; porque não lhe dá Deus o espírito por medida.
35 Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay.
O Pai ama o Filho, e todas as coisas entregou nas suas mãos.
36 Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya.” (aiōnios )
Aquele que crê no Filho tem a vida eterna; porém aquele que não crê no Filho não verá a vida; mas a ira de Deus sobre ele permanece. (aiōnios )