< Juan 18 >

1 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, lumabas siya kasama ang kaniyang mga alagad sa Lambak ng Cedron, kung saan mayroong isang hardin na kaniyang pinasok, siya at ang kaniyang mga alagad.
GESÙ, avendo dette queste cose, uscì co' suoi discepoli, e [andò] di là dal torrente di Chedron, ove era un orto, nel quale entrò egli ed i suoi discepoli.
2 Ngayon si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar, dahil madalas magpunta roon si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad.
Or Giuda, che lo tradiva, sapeva anch'egli il luogo; perciocchè Gesù s'era molte volte accolto là co' suoi discepoli.
3 Pagkatapos, si Judas, pagkatanggap sa grupo ng mga sundalo at ang mga opisiyal mula sa mga pinunong mga pari at ng mga Pariseo, dumating roon ng may mga lampara, mga sulo at mga sandata.
Giuda adunque, presa la schiera, e de' sergenti, da' principali sacerdoti, e da' Farisei, venne là con lanterne, e torce, ed armi.
4 Pagkatapos, si Jesus, na nakaaalam ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa kaniya, ay pumunta sa harapan at tinanong sila, “Sino ang inyong hinahanap?”
Laonde Gesù, sapendo tutte le cose che gli avverrebbero, uscì, e disse loro: Chi cercate?
5 Sumagot sila sa kaniya “Si Jesus ng Nazaret.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako iyon.” Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya, ay nakatayo rin kasama ng mga sundalo.
Essi gli risposero: Gesù il Nazareo. Gesù disse loro: Io son [desso]. Or Giuda che lo tradiva era anch'egli presente con loro.
6 Kaya nang sinabi niya sa kanila, “Ako nga,” umatras sila at bumagsak sa lupa.
Come adunque egli ebbe detto loro: Io son [desso], andarono a ritroso, e caddero in terra.
7 Pagkatapos, muli niya silang tinanong, “Sino ang inyong hinahanap?” Muli nilang sinabi, “Si Jesus ng Nazaret.”
Egli adunque di nuovo domandò loro: Chi cercate? Essi dissero: Gesù il Nazareo.
8 Sumagot si Jesus, “Sinabi ko na sa inyo na ako nga siya; kaya kung ako ang inyong hinahanap, hayaan ninyong makaalis ang mga ito.”
Gesù rispose: Io vi ho detto ch'io son [desso]; se dunque cercate me, lasciate andar costoro.
9 Ito ay upang matupad ang salita na kaniyang sinabi: “Sa lahat ng mga ibinigay mo sa akin, wala ni isang nawala.”
Acciocchè si adempiesse ciò ch'egli avea detto: Io non ho perduto alcuno di coloro che tu mi hai dati.
10 Pagkatapos, si Simon Pedro na may isang espada, ay hinugot ito at tinaga ang lingkod ng pinunong pari at tinapyas ang kaniyang kanang tenga. Ngayon, ang pangalan ng lingkod ay Malco.
E Simon Pietro, avendo una spada, la trasse, e percosse il servitore del sommo sacerdote, e gli ricise l'orecchio destro; or quel servitore avea nome Malco.
11 Sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo ang espada sa lalagyan nito. Ang tasa na ibinigay ng Ama sa akin, hindi ko ba ito dapat iinumin?”
E Gesù disse a Pietro: Riponi la tua spada nella guaina; non berrei io il calice il quale il Padre mi ha dato?
12 Kaya dinakip si Jesus ng grupo ng mga sundalo, at ng kapitan, at ng mga opisiyal ng mga Judio at ginapos siya.
LA schiera adunque, e il capitano, e i sergenti de' Giudei, presero Gesù, e lo legarono.
13 Una siyang dinala nil kay Annas, sapagkat siya ang biyenan ni Caifas na pinunong pari ng taong iyon.
E prima lo menarono ad Anna; perciocchè egli era suocero di Caiafa, il quale era sommo sacerdote di quell'anno; ed Anna lo rimandò legato a Caiafa, sommo sacerdote.
14 Ngayon, si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga Judio na naaangkop na isang tao ang dapat mamatay para sa mga tao.
Or Caiafa era quel che avea consigliato a' Giudei, ch'egli era utile che un uomo morisse per lo popolo.
15 Sinundan ni Simon Pedro si Jesus, gayun din ang isa pang alagad. Ngayon, ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong pari, at siya ay pumasok kasama ni Jesus sa patyo ng pinakapunong pari;
Or Simon Pietro ed un altro discepolo seguitavano Gesù; e quel discepolo era noto al sommo sacerdote, laonde egli entrò con Gesù nella corte del sommo sacerdote.
16 ngunit nakatayo si Pedro sa pinto sa labas. Kaya ang isa pang disipulo, na kilala ng pinakapunong pari, ay lumabas at kinausap ang babaeng lingkod na nagbabantay ng pinto, at ipinasok si Pedro.
Ma Pietro stava di fuori alla porta. Quell'altro discepolo adunque, ch'era noto al sommo sacerdote, uscì, e fece motto alla portinaia, e fece entrar Pietro.
17 Pagkatapos, sinabi ng babaeng lingkod na nagbabantay sa pinto kay Pedro, “Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng lalaking ito?” Sinabi niya, “Hindi.”
E la fante portinaia disse a Pietro: Non sei ancor tu de' discepoli di quest'uomo? Egli disse: Non sono.
18 Ngayon, ang mga lingkod at ang mga opisiyal ay nakatayo roon; gumawa sila ng apoy gamit ang uling, sapagkat malamig noon, at pinapainitan nila ng kanilang mga sarili. Si Pedro ay kasama rin nilang nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili.
Ora i servitori, e i sergenti, stavano quivi ritti, avendo accesi de' carboni, e si scaldavano, perciocchè faceva freddo; e Pietro stava in piè con loro, e si scaldava.
19 Tinanong ng pinakapunong pari si Jesus tungkol sa kaniyang mga alagad at kaniyang katuruan.
Or il sommo sacerdote domandò Gesù intorno a' suoi discepoli, ed alla sua dottrina.
20 Sinagot siya ni Jesus, “Ako ay hayagang nagsasalita sa mundo; palagi akong nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo kung saan ang lahat ng mga Judio ay nagsasama -sama. Wala akong sinabi na palihim.
Gesù gli rispose: Io ho apertamente parlato al mondo; io ho sempre insegnato nella sinagoga e nel tempio, ove i Giudei si raunano d'ogni luogo, e non ho detto niente in occulto.
21 Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakapakinig sa akin tungkol sa aking sinabi. Alam ng mga taong ito ang mga bagay na aking sinabi.”
Perchè mi domandi tu? domanda coloro che hanno udito ciò ch'io ho lor detto; ecco, essi sanno le cose ch'io ho dette.
22 Nang masabi ito ni Jesus, hinampas si Jesus ng isa sa mga opisiyal na nakatayo sa malapit sa pamamagitn ng kaniyang kamay at sinabi, “Ganiyan ka ba dapat sumagot sa pinakapunong pari?”
Ora quando Gesù ebbe dette queste cose, un de' sergenti, ch'era quivi presente, gli diede una bacchettata, dicendo: Così rispondi tu al sommo sacerdote?
23 Sinagot siya ni Jesus, “Kung may sinabi akong anumang masama, maging saksi ka sa kasamaan. Gayunman, kung maayos akong sumagot, bakit mo ako hinampas?”
Gesù gli rispose: Se io ho mal parlato, testimonia del male; ma, se [ho parlato] bene, perchè mi percuoti?
24 Pagkatapos nito pinadala ni Annas si Jesus na nakagapos kay Caifas na pinakapunong pari.
Anna adunque l'avea rimandato legato a Caiafa, sommo sacerdote.
25 Ngayon si Simon Pedro ay nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili. At sinabi ng mga tao sa kaniya, “Hindi ba isa ka rin sa kaniyang mga alagad? Itinanggi niya ito at sinabi, “Hindi.”
E Simon Pietro era quivi presente, e si scaldava. Laonde gli dissero: Non sei ancor tu de' suoi discepoli? Ed egli lo negò, e disse: Non sono.
26 Ang isa sa mga lingkod ng pinakapunong pari, na kamag-anak ng lalaking tinapyas ni Pedro ang tenga, ay nagsabi, “Hindi ba nakita kita sa hardin kasama niya?”
[Ed] uno dei servitori del sommo sacerdote, parente di colui a cui Pietro avea tagliato l'orecchio, disse: Non ti vidi io nell'orto con lui?
27 At itinanggi itong muli ni Pedro, at agad-agad tumilaok ang tandang.
E Pietro da capo lo negò, e subito il gallo cantò.
28 Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa.
POI menarono Gesù da Caiafa nel palazzo; or era mattina, ed essi non entrarono nel palazzo, per non contaminarsi, ma per poter mangiar la pasqua.
29 Kaya lumabas si Pilato sa kanila at sinabing, “Anong paratang ang dala-dala ninyo laban sa lalaking ito?”
Pilato adunque uscì a loro, e disse: Quale accusa portate voi contro a quest'uomo?
30 Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Kung ang lalaking ito ay hindi manggagawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa iyo.”
Essi risposero, e gli dissero: Se costui non fosse malfattore, noi non te l'avremmo dato nelle mani.
31 Kaya sinagot sila ni Pilato, “Dalhin ninyo siya, at hatulan siya ayon sa inyong batas.” Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Hindi naaayon sa batas para sa amin ang pumatay ng sinumang tao.”
Laonde Pilato disse loro: Pigliatelo voi, e giudicatelo secondo la vostra legge. Ma i Giudei gli dissero: A noi non è lecito di far morire alcuno.
32 Sinabi nila ito upang matupad ang mga salita ni Jesus, ang salita na kaniyang sinabi na ipinahiwatig kung anong uri ng kamatayan siya mamamatay.
Acciocchè si adempiesse quello che Gesù avea detto, significando di qual morte morrebbe.
33 Pagkatapos, muling pumasok si Pilato sa Pretorio at tinawag si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ba ang hari ng mga Judio?”
Pilato adunque rientrò nel palazzo, e chiamò Gesù, e gli disse: Se' tu il Re de' Giudei?
34 Sumagot si Jesus, “Tinatanong mo ba ito ayon sa iyong sariling palagay, o sinabi ng iba sa iyo na itanong ito sa akin?
Gesù gli rispose: Dici tu questo da te stesso, o pur te l'hanno altri detto di me?
35 Sumagot si Pilato, “Hindi ako Judio, di ba? Ang iyong sariling bayan at ang mga pinunong pari ay dinala ka dito sa akin; ano ba ang iyong ginawa?”
Pilato gli rispose: Son io Giudeo? la tua nazione, e i principali sacerdoti ti hanno messo nelle mie mani; che hai tu fatto?
36 Sumagot si Jesus, “Ang aking kaharian ay hindi sa mundong ito. Kung ang aking kaharian ay kabahagi ng mundong ito, makikipaglaban ang aking mga lingkod upang hindi ako maibigay sa mga Judio. Sa katunayan, ang aking kaharian ay hindi nagmumula dito.”
Gesù rispose: Il mio regno non è di questo mondo; se il mio regno fosse di questo mondo, i miei ministri contenderebbero, acciocchè io non fossi dato in man de' Giudei; ma ora il mio regno non è di qui.
37 Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ikaw nga ba ay isang hari?” Sumagot si Jesus, “Sinabi mo na ako ay hari. Ako ay ipinanganak para sa layuning ito, at para sa layuning ito ako naparito sa mundo upang ako ay magpatotoo sa katotohanan. Lahat ng kabilang sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.”
Laonde Pilato gli disse: Dunque sei tu Re? Gesù rispose: Tu il dici; perciocchè io son Re; per questo sono io nato, e per questo son venuto nel mondo, per testimoniar della verità; chiunque è della verità ascolta la mia voce.
38 Sinabi ni Pilato sa kaniya, “Ano ang katotohanan?” Nang masabi niya ito, lumabas siya muli sa mga Judio at sinabi sa kanila, “Wala akong nakitang krimen sa taong ito.
Pilato gli disse: Che cosa è verità? E detto questo, di nuovo uscì a' Giudei, e disse loro: Io non trovo alcun misfatto in lui.
39 Mayroon kayong kaugalian na dapat akong magpalaya ng isang tao sa Paskwa. Kaya gusto ba ninyong pakawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio?”
Or voi avete una usanza ch'io vi liberi uno nella pasqua; volete voi adunque ch'io vi liberi il Re de' Giudei?
40 Sumigaw silang muli at sinabi, “Hindi ang lalaking ito, kundi si Barabas. Ngayon si Barabas ay isang tulisan.
E tutti gridarono di nuovo, dicendo: Non costui, anzi Barabba. Or Barabba era un ladrone.

< Juan 18 >