< Juan 14 >
1 Huwag ninyong hayaan mabalisa ang inyong puso. Manampalataya kayo sa Diyos; manampalataya rin kayo sa akin.
너희는 마음에 근심하지 말라 하나님을 믿으니 또 나를 믿으라
2 Sa tahanan ng aking Ama ay maraming mga tirahan; Kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo; sapagka't aalis ako upang maghanda ng tirahan para sa inyo.
내 아버지 집에 거할 곳이 많도다 그렇지 않으면 너희에게 일렀으리라 내가 너희를 위하여 처소를 예비하러 가노니
3 Kung aalis ako at maghanda ng matititrahan ninyo, ako ay muling babalik at tatanggapin kayo sa aking sarili, upang kung saan man ako, kayo ay naroon din.
가서 너희를 위하여 처소를 예비하면 내가 다시 와서 너희를 내게로 영접하여 나 있는 곳에 너희도 있게하리라
4 Alam ninyo ang daan kung saan ako pupunta.”
내가 가는 곳에 그 길을 너희가 알리라'
5 Sinabi ni Tomas kay Jesus, “Panginoon, hindi namin alam kung saan kayo pupunta, papaano namin malalaman ang daan?
도마가 가로되 `주여, 어디로 가시는지 우리가 알지 못하거늘 그 길을 어찌 알겠삽나이까?'
6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
예수께서 가라사대 `내가 곧 길이요! 진리요! 생명이니! 나로 말미암지 않고는 아버지께로 올 자가 없느니라
7 Kung nakilala mo na ako, dapat kilala mo na rin ang aking Ama; mula ngayon kilala mo na siya at nakita mo na siya.”
너희가 나를 알았더면 내 아버지도 알았으리로다 이제부터는 너희가 그를 알았고 또 보았느니라'
8 Ang sabi ni Felipe kay Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin”.
빌립이 가로되 `주여, 아버지를 우리에게 보여 주옵소서 그리하면 족하겠나이다'
9 Ang sabi ni Jesus sa kaniya, “Felipe, hindi ba matagal na akong kasama ninyo, at hindi mo pa rin ako nakikilala? Kung sinuman ang nakakita sa akin, nakakita sa Ama; paano mo nasasabi, 'Ipakita sa amin ang Ama'?
예수께서 가라사대 `빌립아, 내가 이렇게 오래 너희와 함께 있으되 네가 나를 알지 못하느냐? 나를 본 자는 아버지를 보았거늘 어찌하여 아버지를 보이라 하느냐?
10 Hindi ka ba naniniwala na ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko hindi sa aking sariling kapasyahan; sa halip, ito ay ang Ama na nananahan sa akin na siyang gumagawa ng kaniyang gawain.
나는 아버지 안에 있고 아버지는 내 안에 계신 것을 네가 믿지 아니하느냐? 내가 너희에게 이르는 말이 스스로 하는 것이 아니라 아버지께서 내 안에 계셔 그의 일을 하시는 것이라
11 Maniwala kayo sa akin, na ako ay nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin; o kaya, maniwala kayo sa akin dahil sa mismo kong ginagawa.
내가 아버지 안에 있고 아버지께서 내 안에 계심을 믿으라! 그렇지 못하겠거든 행하는 그 일을 인하여 나를 믿으라
12 Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, sinuman ang sumasampalataya sa akin, sa mga gawain na ginagawa ko, gagawin niya rin itong mga ginagawa ko; at gagawa siya ng mas higit na dakilang mga gawain dahil ako ay pupunta sa Ama.
내가 진실로 진실로 너희에게 이르노니 나를 믿는 자는 나의 하는 일을 저도 할 것이요 또한 이보다 큰 것도 하리니 이는 내가 아버지께로 감이니라
13 Anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, gagawin ko upang ang Ama ay maluluwalhati sa Anak.
너희가 내 이름으로 무엇을 구하든지 내가 시행하리니 이는 아버지로 하여금 아들을 인하여 영광을 얻으시게 하려 함이라
14 Kung anuman ang inyong hingin sa aking pangalan, iyon ay gagawin ko.
내 이름으로 무엇이든지 내게 구하면 내가 시행하리라!
15 Kung mahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga kautusan.
너희가 나를 사랑하면 나의 계명을 지키리라
16 At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman, (aiōn )
내가 아버지께 구하겠으니 그가 또 다른 보혜사를 너희에게 주사 영원토록 너희와 함께 있게 하시리니 (aiōn )
17 na ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya maaaring tanggapin ng mundo dahil hindi siya nakikita nito o nakikilala man. Subalit, kayo, kilala ninyo siya, dahil nanatili siya sa inyo at sasainyo.
저는 진리의 영이라 세상은 능히 저를 받지 못하나니 이는 저를 보지도 못하고 알지도 못함이라 그러나 너희는 저를 아나니 저는 너희와 함께 거하심이요 또 너희 속에 계시겠음이라
18 Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo.
내가 너희를 고아와 같이 버려두지 아니하고 너희에게로 오리라
19 Sa sandaling panahon, hindi na ako makikita ng mundo, ngunit makikita ninyo ako. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo.
조금 있으면 세상은 다시 나를 보지 못할 터이로되 너희는 나를 보리니 이는 내가 살았고 너희도 살겠음이라
20 Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako ay nasa Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.
그 날에는 내가 아버지 안에 너희가 내 안에 내가 너희 안에 있는 것을 너희가 알리라
21 Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili.”
나의 계명을 가지고 지키는 자라야 나를 사랑하는 자니 나를 사랑하는 자는 내 아버지께 사랑을 받을 것이요 나도 그를 사랑하여 그에게 나를 나타내리라'
22 Sinabi ni Judas (hindi si Iscariote) kay Jesus, “Panginoon, ano ang nangyayari na inyong ipakikita ang iyong sarili sa amin at hindi sa mundo?”
가룟인 아닌 유다가 가로되 `주여, 어찌하여 자기를 우리에게는 나타내시고 세상에게는 아니하려 하시나이까?'
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: “Kung sinuman ang magmamahal sa akin, isasagawa niya ang aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama, at kami ay paparoon sa kaniya at gagawa kami ng aming tirahan kasama niya.
예수께서 대답하여 가라사대 `사람이 나를 사랑하면 내 말을 지키리니 내 아버지께서 저를 사랑하실 것이요 우리가 저에게 와서 거처를 저와 함께 하리라
24 Ang sinumang hindi nagmamahal sa akin ay hindi isinasagawa ang aking mga salita. Ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin, ngunit sa Ama na nagsugo sa akin.
나를 사랑하지 아니하는 자는 내 말을 지키지 아니하나니 너희의 듣는 말은 내 말이 아니요 나를 보내신 아버지의 말씀이니라
25 Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito, habang ako ay nabubuhay pa kasama ninyo.
내가 아직 너희와 함께 있어서 이 말을 너희에게 하였거니와
26 Subalit, ang Manga-aliw na ang Banal na Espiritu na ipapadala ng Ama sa aking pangalan ay magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
보혜사 곧 아버지께서 내 이름으로 보내실 성령 그가 너희에게 모든 것을 가르치시고 내가 너희에게 말한 모든 것을 생각나게 하시리라
27 Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
평안을 너희에게 끼치노니 곧 나의 평안을 너희에게 주노라 내가 너희에게 주는 것은 세상이 주는 것 같지 아니하니라 너희는 마음에 근심도 말고 두려워하지도 말라
28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo, “Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo'. Kung minahal ninyo ako, nagagalak na sana kayo dahil pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa sa akin.
내가 갔다가 너희에게로 온다 하는 말을 너희가 들었나니 나를 사랑하였더면 나의 아버지께로 감을 기뻐하였으리라 아버지는 나보다 크심이니라
29 Ngayon nasabi ko na sa inyo bago pa ito mangyayari upang kung mangyari man ito, kayo ay maaring maniwala.
이제 일이 이루기 전에 너희에게 말한 것은 일이 이룰 때에 너희로 믿게 하려 함이라
30 Hindi na ako masyadong magsasalita sa inyo, dahil darating na ang prinsipe ng mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin,
이 후에는 내가 너희와 말을 많이 하지 아니하리니 이 세상 임금이 오겠음이라 그러나 저는 내게 관계할 것이 없으니
31 ngunit upang malaman ng mundo na mahal ko ang Ama, ginagawa ko kung ano ang inuutos ng Ama sa akin, katulad lamang ng pagbigay niya sa akin ng kautusan. Magsitindig na kayo, umalis na tayo sa lugar na ito.”
오직 내가 아버지를 사랑하는 것과 아버지의 명하신 대로 행하는 것을 세상으로 알게 하려 함이로라 일어나라 여기를 떠나자 하시니라