< Juan 13 >
1 Ngayon, bago ang Kapistahan ng Paskuwa, dahil alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na, na siya ay dapat ng umalis ng mundong ito tungo sa kaniyang Ama, minamahal niya ang sariling kaniya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa huli.
Ante diem festum Paschae, sciens Iesus quia venit hora eius ut transeat ex hoc mundo ad Patrem: cum dilexisset suos, qui erant in mundo, in finem dilexit eos.
2 Ngayon, nailagay na sa puso ni Judas Iscariote na anak ni Simon, na ipagkanulo si Jesus.
Et coena facta, cum diabolus iam misisset in cor ut traderet eum Iudas Simonis Iscariotis:
3 Alam ni Jesus na ibinigay ng Ama sa kaniyang mga kamay ang lahat ng mga bagay at siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos.
sciens quia omnia dedit ei Pater in manus, et quia a Deo exivit, et ad Deum vadit:
4 Tumayo siya nang hapunan at ibinaba ang kaniyang panglabas na kasuotan. At kumuha siya ng tuwalya at ibinigkis ito sa kaniyang sarili.
surgit a coena, et ponit vestimenta sua: et cum accepisset linteum, praecinxit se.
5 Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at upang punasan sila ng tuwalya na ibinigkis sa kaniyang sarili.
Deinde misit aquam in pelvim, et coepit lavare pedes discipulorum, et extergere linteo, quo erat praecinctus.
6 Lumapit si Jesus kay Simon Pedro, at sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”
Venit ergo ad Simonem Petrum. Et dicit ei Petrus: Domine, tu mihi lavas pedes?
7 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Sa ngayon ang ginagawa ko ay hindi mo pa maintindihan, ngunit sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ito”
Respondit Iesus, et dixit ei: Quod ego facio, tu nescis modo, scies autem postea.
8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” (aiōn )
Dicit ei Petrus: Non lavabis mihi pedes in aeternum. Respondit ei Iesus: Si non lavero te, non habebis partem mecum. (aiōn )
9 Sinabi ni Simon Pedro sa kaniya, “Panginoon, huwag lamang ang aking mga paa ang iyong hugasan, ngunit pati na rin ang aking mga kamay at aking ulo.”
Dicit ei Simon Petrus: Domine, non tantum pedes meos, sed et manus, et caput.
10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Ang sinuman na nakaligo na ay hindi na kailangang maghugas ng kahit ano pa maliban sa kaniyang mga paa, at siya ay malinis na malinis na; malinis ka na, ngunit hindi lahat kayo.”
Dicit ei Iesus: Qui lotus est, non indiget nisi ut pedes lavet, et est mundus totus. Et vos mundi estis, sed non omnes.
11 Dahil alam ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya; kaya sinabi niya; “Hindi ang lahat sa inyo ay malinis.”
Sciebat enim quisnam esset qui traderet eum: propterea dixit: Non estis mundi omnes.
12 Pagkatapos hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa at kunin ang kaniyang mga damit at muling umupo, sinabi niya sa kanila, “Alam ba ninyo ang ginawa ko para sa inyo?
Postquam ergo lavit pedes eorum, accepit vestimenta sua: et cum recubuisset iterum dixit eis: Scitis quid fecerim vobis?
13 Tinatawag ninyo akong 'Guro' at 'Panginoon', at tama ang sinasabi ninyo, dahil ako nga iyon.
Vos vocatis me Magister, et Domine, et bene dicitis: sum etenim.
14 Kung ako nga na Panginoon at Guro, ay hinugasan ang iyong mga paa, dapat ninyo ring hugasan ang mga paa ng iba.
Si ergo ego lavi pedes vestros, Dominus, et Magister: et vos debetis alter alterius lavare pedes.
15 Dahil binigyan ko kayo ng halimbawa upang dapat gawin din ninyo tulad ng ginawa ko sa inyo.
Exemplum enim dedi vobis, ut quemadmodum ego feci vobis, ita et vos faciatis.
16 Tunay nga sinasabi ko sa inyo, ang lingkod ay hindi mas matataas sa kaniyang Panginoon; ni ang isinugo ay mas mataas kaysa sa nagsugo sa kaniya.
Amen, amen dico vobis: non est servus maior Domino suo: neque apostolus maior est eo, qui misit illum.
17 Kung alam mo ang mga bagay na ito, pinagpala ka kung ginagawa mo ang mga ito.
Si haec scitis, beati eritis si feceritis ea.
18 Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili — ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.'
Non de omnibus vobis dico: ego scio quos elegerim: sed ut adimpleatur Scriptura: Qui manducat mecum panem, levabit contra me calcaneum suum.
19 Sinasabi ko ito ngayon sa inyo upang kung ito ay mangyayari, maniniwala kayo na AKO NGA.
Amodo dico vobis, priusquam fiat: ut cum factum fuerit, credatis, quia ego sum.
20 Tunay nga ang sinasabi ko sa inyo, ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang sinumang aking isinusugo, at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang siyang nagsugo sa akin.
Amen, amen dico vobis: Qui accipit si quem misero, me accipit: qui autem me accipit, accipit eum, qui me misit.
21 Nang sinabi ni Jesus ito, siya ay nabagabag sa espiritu at sinabi “Tunay nga sinasabi ko sa inyo, na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”
Cum haec dixisset Iesus, turbatus est spiritu: et protestatus est, et dixit: Amen, amen dico vobis: Quia unus ex vobis tradet me.
22 Nagtinginan ang mga disipulo sa isa't-isa, nagtataka kung sino ang kaniyang tinutukoy.
Aspiciebant ergo ad invicem discipuli, haesitantes de quo diceret.
23 May isa na nasa lamesa ang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, ang minamahal ni Jesus.
Erat ergo recumbens unus ex discipulis eius in sinu Iesu, quem diligebat Iesus.
24 Kaya hinudyatan ni Simon Pedro ang alagad na ito at sinabi, “Sabihin mo sa amin kung sino ang kaniyang tinutukoy.
Innuit ergo huic Simon Petrus: et dixit ei: Quis est, de quo dicit?
25 Sumandal ang alagad na iyon sa dibdib ni Jesus at sinabi sa kaniya, “Panginoon, sino po iyon?”
Itaque cum recubuisset ille supra pectus Iesu, dicit ei: Domine quis est?
26 At sumagot si Jesus, “Iyong aking ipagsasawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan. “Nang kaniyang isawsaw ang tinapay, ibinigay niya ito kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
Respondit Iesus: Ille est, cui ego intinctum panem porrexero. Et cum intinxisset panem, dedit Iudae Simonis Iscariotis.
27 At pagkatapos ng tinapay, pumasok si Satanas sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kaniiya, “Kung ano ang iyong gagawin, gawin mo ito agad.”
Et post buccellam, introivit in eum satanas. Et dixit ei Iesus: Quod facis, fac citius.
28 Ngayon, walang sinuman na nasa lamesa ang nakaaalam nang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus ito sa kaniya.
Hoc autem nemo scivit discumbentium ad quid dixerit ei.
29 Naisip ng iba na, dahil si Judas ang nangangalaga sa supot ng salapi, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumili ka ng mga bagay na kailangan natin para sa kapistahan,” o kaya naman na siya ay dapat magbigay sa mga mahihirap.
Quidam enim putabant, quia loculos habebat Iudas, quod dixisset ei Iesus: Eme ea, quae opus sunt nobis ad diem festum: aut egenis ut aliquid daret.
30 Pagkatapos tanggapin ni Judas ang tinapay, agad siyang lumabas; at gabi na noon.
Cum ergo accepisset ille buccellam, exivit continuo. Erat autem nox.
31 Nang si Judas ay umalis na, sinabi niJesus, “Ngayon ang Anak ng Tao ay naluwalhati.
Cum ergo exisset, dixit Iesus: Nunc clarificatus est filius hominis: et Deus clarificatus est in eo.
32 At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Luluwalhatiin siya ng Diyos sa kaniyang sarili, at agad siyang luluwalhatiin niya.
Si Deus clarificatus est in eo, et Deus clarificabit eum in semetipso: et continuo clarificabit eum.
33 Mga batang paslit, makakasama pa ninyo ako ng maikli pang panahon. Hahanapin ninyo ako, at tulad ng sinabi ko sa mga Judio, 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makakapunta.' Ngayon sinasabi ko rin ito sa inyo.
Filioli, adhuc modicum vobiscum sum. Quaeretis me: et sicut dixi Iudaeis: Quo ego vado, vos non potestis venire: et vobis dico modo.
34 Binibigyan ko kayo ng isang bagong kautusan, na dapat ninyong mahalin ang bawat isa, kung paano ko kayo minahal, gayundin naman dapat ninyong mahalin ang bawat isa.
Mandatum novum do vobis: Ut diligatis invicem, sicut dilexi vos, ut et vos diligatis invicem.
35 Sa pamamagitan nito, malalaman ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung mahahalin niyo ang bawat isa.”
In hoc cognoscent omnes quia discipuli mei estis, si dilectionem habueritis ad invicem.
36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, “Panginoon, saan kayo pupunta?” Sumagot si Jesus, kung saan ako pupunta, sa ngayon ay hindi kayo makakasunod, ngunit makakasunod kayo pagkatapos nito.”
Dicit ei Simon Petrus: Domine, quo vadis? Respondit Iesus: Quo ego vado, non potes me modo sequi: sequeris autem postea.
37 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, bakit hindi kita masusundan kahit ngayon? Ibibigay ko ang buhay ko para sa iyo.”
Dicit ei Petrus: Quare non possum te sequi modo? animam meam pro te ponam.
38 Sumagot si Jesus, “Ibibigay mo ang buhay mo para sa akin? Tunay nga sinasabi ko sa iyo, hindi titiilaok ang tandang hanggang ikaila mo ako ng tatlong beses.
Respondit ei Iesus: Animam tuam pro me pones? Amen, amen dico tibi: non cantabit gallus, donec ter me neges.