< Juan 10 >

1 “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ang hindi pumasok sa pamamagitan ng pinto papasok sa kulungan ng tupa, subalit umaakyat sa ibang daanan, ang taong iyon ay isang magnanakaw at isang tulisan.
αμην αμην λεγω υμιν ο μη εισερχομενος δια της θυρας εις την αυλην των προβατων αλλα αναβαινων αλλαχοθεν εκεινος κλεπτης εστιν και ληστης
2 Ang pumapasok sa pamamagitan ng pinto ay ang tagapag-alaga ng tupa.
ο δε εισερχομενος δια της θυρας ποιμην εστιν των προβατων
3 Binubuksan siya ng tagapagbantay ng tarangkahan. Pinapakinggan ng mga tupa ang kaniyang boses, at tinatawag niya ang sarili niyang tupa sa kani-kanilang pangalan at pinangungunahan silang palabas.
τουτω ο θυρωρος ανοιγει και τα προβατα της φωνης αυτου ακουει και τα ιδια προβατα καλει κατ ονομα και εξαγει αυτα
4 Kapag nailabas na niya ang lahat nang sariling kaniya, pinangungunahan niya sila, at sumusunod sa kaniya ang mga tupa sapagkat kilala nila ang kaniyang boses.
και οταν τα ιδια προβατα εκβαλη εμπροσθεν αυτων πορευεται και τα προβατα αυτω ακολουθει οτι οιδασιν την φωνην αυτου
5 Hindi sila susunod sa isang estranghero ngunit sa halip ay iiwasan ito, sapagkat hindi nila kilala ang boses ng mga estranghero.”
αλλοτριω δε ου μη ακολουθησωσιν αλλα φευξονται απ αυτου οτι ουκ οιδασιν των αλλοτριων την φωνην
6 Sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang mga bagay na ito na sinasabi niya sa kanila.
ταυτην την παροιμιαν ειπεν αυτοις ο ιησους εκεινοι δε ουκ εγνωσαν τινα ην α ελαλει αυτοις
7 Pagkatapos muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ako ang pinto ng mga tupa.
ειπεν ουν παλιν αυτοις ο ιησους αμην αμην λεγω υμιν οτι εγω ειμι η θυρα των προβατων
8 Lahat nang naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit ang mga tupa ay hindi nakinig sa kanila.
παντες οσοι προ εμου ηλθον κλεπται εισιν και λησται αλλ ουκ ηκουσαν αυτων τα προβατα
9 Ako ang tarangkahan. Kung sinumang pumapasok sa pamamagitan ko, siya ay maliligtas; siya ay papasok at lalabas at makakahanap ng pastulan.
εγω ειμι η θυρα δι εμου εαν τις εισελθη σωθησεται και εισελευσεται και εξελευσεται και νομην ευρησει
10 Ang magnanakaw ay hindi pumarito maliban sa pagnanakaw, pagpatay, at pagwasak. Ako ay pumarito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
ο κλεπτης ουκ ερχεται ει μη ινα κλεψη και θυση και απολεση εγω ηλθον ινα ζωην εχωσιν και περισσον εχωσιν
11 Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
εγω ειμι ο ποιμην ο καλος ο ποιμην ο καλος την ψυχην αυτου τιθησιν υπερ των προβατων
12 Ang isang bayarang-lingkod, na hindi isang pastol, na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo at pinababayaan ang mga tupa at tumatakas. Tinatangay ng lobo ang mga ito at pinangangalat ang mga ito.
ο μισθωτος δε και ουκ ων ποιμην ου ουκ εισιν τα προβατα ιδια θεωρει τον λυκον ερχομενον και αφιησιν τα προβατα και φευγει και ο λυκος αρπαζει αυτα και σκορπιζει τα προβατα
13 Siya ay tatakbo dahil siya ay isang bayarang-lingkod at hindi nagmamalasakit sa mga tupa.
ο δε μισθωτος φευγει οτι μισθωτος εστιν και ου μελει αυτω περι των προβατων
14 Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako.
εγω ειμι ο ποιμην ο καλος και γινωσκω τα εμα και γινωσκομαι υπο των εμων
15 Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
καθως γινωσκει με ο πατηρ καγω γινωσκω τον πατερα και την ψυχην μου τιθημι υπερ των προβατων
16 Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
και αλλα προβατα εχω α ουκ εστιν εκ της αυλης ταυτης κακεινα με δει αγαγειν και της φωνης μου ακουσουσιν και γενησεται μια ποιμνη εις ποιμην
17 Ito ang dahilan kung bakit ako iniibig ng Ama: Ibibigay ko ang aking buhay upang muli kong kunin.
δια τουτο ο πατηρ με αγαπα οτι εγω τιθημι την ψυχην μου ινα παλιν λαβω αυτην
18 Walang sinumang kukuha nito sa akin, kundi kusa ko itong ibibigay. Ako'y mayroong kapangyarihang ibigay ito, at mayroon din akong kapangyarihan na ito ay kunin muli. Natanggap ko ang utos na ito mula sa Ama.”
ουδεις αιρει αυτην απ εμου αλλ εγω τιθημι αυτην απ εμαυτου εξουσιαν εχω θειναι αυτην και εξουσιαν εχω παλιν λαβειν αυτην ταυτην την εντολην ελαβον παρα του πατρος μου
19 Isang pagkakabaha-bahagi ang muling nangyari sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito.
σχισμα ουν παλιν εγενετο εν τοις ιουδαιοις δια τους λογους τουτους
20 Sinabi ng marami sa kanila, “Mayroon siyang demonyo at nababaliw. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?”
ελεγον δε πολλοι εξ αυτων δαιμονιον εχει και μαινεται τι αυτου ακουετε
21 Sinabi ng iba, “Hindi ito ang mga pahayag ng isang inaalihan ng isang demonyo. Kaya ba ng isang demonyo na makapagpadilat ng mga mata ng isang bulag?”
αλλοι ελεγον ταυτα τα ρηματα ουκ εστιν δαιμονιζομενου μη δαιμονιον δυναται τυφλων οφθαλμους ανοιγειν
22 At dumating ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Jerusalem.
εγενετο δε τα εγκαινια εν τοις ιεροσολυμοις και χειμων ην
23 Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon.
και περιεπατει ο ιησους εν τω ιερω εν τη στοα του σολομωντος
24 At pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kaniya, “Hanggang kailan mo kami pananatilihing bitin? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanag.”
εκυκλωσαν ουν αυτον οι ιουδαιοι και ελεγον αυτω εως ποτε την ψυχην ημων αιρεις ει συ ει ο χριστος ειπε ημιν παρρησια
25 Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin.
απεκριθη αυτοις ο ιησους ειπον υμιν και ου πιστευετε τα εργα α εγω ποιω εν τω ονοματι του πατρος μου ταυτα μαρτυρει περι εμου
26 Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa.
αλλ υμεις ου πιστευετε ου γαρ εστε εκ των προβατων των εμων καθως ειπον υμιν
27 Naririnig ng aking tupa ang aking boses; kilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin.
τα προβατα τα εμα της φωνης μου ακουει καγω γινωσκω αυτα και ακολουθουσιν μοι
28 Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay. (aiōn g165, aiōnios g166)
καγω ζωην αιωνιον διδωμι αυτοις και ου μη απολωνται εις τον αιωνα και ουχ αρπασει τις αυτα εκ της χειρος μου (aiōn g165, aiōnios g166)
29 Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin, ay dakila kaysa sa lahat, at walang sinuman na kayang umagaw sa kanila sa kamay ng Ama.
ο πατηρ μου ος δεδωκεν μοι μειζων παντων εστιν και ουδεις δυναται αρπαζειν εκ της χειρος του πατρος μου
30 “Ako at ang Ama ay iisa.”
εγω και ο πατηρ εν εσμεν
31 Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya.
εβαστασαν ουν παλιν λιθους οι ιουδαιοι ινα λιθασωσιν αυτον
32 Sinagot sila ni Jesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawain mula sa Ama. Alin sa mga gawaing ito ang dahilan na pagbabatuhin ninyo ako?”
απεκριθη αυτοις ο ιησους πολλα καλα εργα εδειξα υμιν εκ του πατρος μου δια ποιον αυτων εργον λιθαζετε με
33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”
απεκριθησαν αυτω οι ιουδαιοι λεγοντες περι καλου εργου ου λιθαζομεν σε αλλα περι βλασφημιας και οτι συ ανθρωπος ων ποιεις σεαυτον θεον
34 Sumagot si Jesus sa kanila, “Hindi ba nasusulat sa inyong batas, 'Sinabi ko, “kayo ay mga diyos?'”
απεκριθη αυτοις ο ιησους ουκ εστιν γεγραμμενον εν τω νομω υμων εγω ειπα θεοι εστε
35 Kung tinatawag niyang mga diyos sila na dinatnan ng salita ng Diyos (at ang kasulatan ay hindi maaaring sirain),
ει εκεινους ειπεν θεους προς ους ο λογος του θεου εγενετο και ου δυναται λυθηναι η γραφη
36 sinasabi ba ninyo ang tungkol sa kaniya na siyang itinalaga ng Ama at isinugo sa mundo, 'Ikaw ay naglalapastangan,' dahil sinabi kong, 'Ako ang Anak ng Diyos'?
ον ο πατηρ ηγιασεν και απεστειλεν εις τον κοσμον υμεις λεγετε οτι βλασφημεις οτι ειπον υιος του θεου ειμι
37 Kung hindi ko ginagawa ang gawain ng aking Ama, huwag kayong manampalataya sa akin.
ει ου ποιω τα εργα του πατρος μου μη πιστευετε μοι
38 “Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama.”
ει δε ποιω καν εμοι μη πιστευητε τοις εργοις πιστευσατε ινα γνωτε και πιστευσητε οτι εν εμοι ο πατηρ καγω εν αυτω
39 Sinubukan muli nilang lupigin si Jesus, ngunit siya ay umalis sa kanilang mga kamay.
εζητουν ουν παλιν αυτον πιασαι και εξηλθεν εκ της χειρος αυτων
40 Umalis muli si Jesus patungo sa ibayo ng Jordan sa lugar nang una'y pinagbabautismuhan ni Juan, at siya ay nanatili doon.
και απηλθεν παλιν περαν του ιορδανου εις τον τοπον οπου ην ιωαννης το πρωτον βαπτιζων και εμεινεν εκει
41 Maraming tao ang lumapit kay Jesus. Patuloy nilang sinasabi, “Sa katunayan walang ginawang mga tanda si Juan, ngunit lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.”
και πολλοι ηλθον προς αυτον και ελεγον οτι ιωαννης μεν σημειον εποιησεν ουδεν παντα δε οσα ειπεν ιωαννης περι τουτου αληθη ην
42 Doon ay maraming sumampalataya kay Jesus.
και επιστευσαν πολλοι εκει εις αυτον

< Juan 10 >