< Joel 1 >
1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Joel na anak ni Petuel.
Awurade asɛm a ɛbaa Petuel babarima Yoɛl so nie.
2 Pakinggan ito, kayong mga nakatatanda, at makinig kayo, lahat kayong naninirahan sa lupain. Nangyari na ba ito noon sa inyong panahon o sa panahon ng inyong mga ninuno?
Montie saa asɛm yi, mo mpanimfoɔ; montie, mo a mote asase no so nyinaa. Asɛm bi a ɛte sɛi asi mo mmerɛ so anaa mo mpanimfoɔ mmerɛ so pɛn?
3 Sabihin ninyo sa inyong mga anak ang tungkol dito at sabihin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak at ng kanilang mga anak sa susunod na henerasyon.
Monka nkyerɛ mo mma, na mo mma nso nka nkyerɛ wɔn mma na wɔn mma nso nka nkyerɛ awoɔ ntoatoasoɔ a ɛdi soɔ no.
4 Ang iniwan ng napakaraming nagliliparang balang ay kinain ng mga malalaking balang, ang iniwan ng mga malalaking balang ay kinain ng mga tipaklong, at ang iniwan ng mga tipaklong ay kinain ng mga uod.
Deɛ ntutummɛ kuo no gyaeɛ no ntutummɛ akɛseɛ no awe deɛ ntutummɛ akɛseɛ no gyaeɛ no ntutummɛ nkumaa no awe deɛ ntutummɛ nkumaa no gyaeɛ no ntutummɛ afoforɔ awe.
5 Gumising kayo, kayong mga lasenggo at tumangis! Humagulhol kayo, lahat kayong mga manginginom ng alak dahil ang matamis na alak ay pinahinto na sa inyo.
Mo asabofoɔ, monyane, na monsu! Mo a monom bobesa nyinaa, montwa adwo; montwa adwo ɛfiri sɛ nsã foforɔ no wɔayi afiri mo ano.
6 Sapagkat dumating ang isang bansang malakas at hindi mabilang sa aking lupain. Ang kaniyang ngipin ay ngipin ng leon at mayroon siyang ngipin ng babaeng leon.
Ɔman bi atu mʼasase so sa ɛdɔm a wɔyɛ den na wɔntumi nkane wɔn; wɔn se te sɛ gyata se na wɔwɔ gyatabereɛ sebɔmmɔfoɔ.
7 Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang aking ubasan at tinalupan ang aking puno ng igos. Binaklas niya ang upak at itinapon ito, ang mga sanga nito ay namuti.
Wɔasɛe me bobe ne me borɔdɔma nnua. Wawaawae nnua no ho bona, ato agu agya ne mman a ayɛ fitaa hɔ.
8 Magluksa kayo gaya ng isang birheng nakadamit ng telang magaspang dahil sa pagkamatay ng kaniyang batang asawa.
Di awerɛhoɔ sɛ ababaawa a ɔfira ayitoma na ɔresu ne kunu a ɔwaree no ne mmabaawaberɛ mu.
9 Ang butil na handog at inuming handog ay pinahinto sa tahanan ni Yahweh. Nagdadalamhati ang mga paring lingkod ni Yahweh.
Aduane ne ahwiesa afɔrebɔdeɛ, wɔayi afiri Awurade efie. Asɔfoɔ no retwa adwoɔ, wɔn a wɔsom wɔ Awurade anim no.
10 Winasak ang mga bukirin at ang lupa ay nagdadalamhati. Sapagkat sinira ang butil, natuyo ang bagong alak at nabulok ang langis.
Mfuo asɛe, asase no so awo wesee aduane no asɛe nsã foforɔ no awe ngo nyinaa asa.
11 Mahiya kayo, kayong mga magsasaka at humagulhol kayo, kayong mga nagpapalaki ng puno ng ubas, para sa trigo at sebada. Sapagkat namatay ang ani ng mga bukirin.
Mo ani nwu, mo akuafoɔ, mo ntwa adwo, mo a modua bobe; Monsi apinie mma ayuo ne atokoɔ, ɛfiri sɛ otwaberɛ no asɛe.
12 Nalanta ang mga puno ng ubas at natuyo ang mga puno ng igos, ang mga puno ng granada, gayon din ang mga puno ng palma at mga puno ng mansanas— ang lahat ng puno ng bukirin ay nalanta. Sapagkat nalanta ang kagalakan mula sa mga kaapu-apuhan ng tao.
Bobe no akusa na borɔdɔma nnua no awuwu. Ateaa nnua, mmɛdua, aperɛ ne nnua a ɛwɔ mfuo no so nyinaa ahye. Nokorɛm, anigyeɛ a nnipa wɔ no atu ayera.
13 Magsuot kayo ng telang magaspang at magdalamhati kayo, kayong mga pari! Humagulhol kayo, kayong mga lingkod ng altar. Halikayo, humiga nang buong gabi na nakasuot ng telang magaspang, kayong mga lingkod ng aking Diyos. Sapagkat itinigil ang butil na handog at inuming handog sa tahanan ng inyong Diyos.
Momfira ayitoma na monni awerɛhoɔ, Ao asɔfoɔ; mo a mosom afɔrebukyia anim, montwa adwo. Momfira ayitoma mmɛsiri pɛ mo a mosom Onyankopɔn anim; ɛfiri sɛ aduane ne ahwiesa afɔrebɔdeɛ no ɛto atwa wɔ Onyankopɔn efie.
14 Magpatawag kayo para sa isang banal na pag-aayuno at magpatawag kayo para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo sa tahanan ni Yahweh, na inyong Diyos, ang mga nakatatanda at lahat ng naninirahan sa lupain at umiyak kay Yahweh.
Mommɔ mmuadadie kronkron ho dawuro; momfrɛ nhyiamu kronkron. Monfrɛ mpanimfoɔ ne wɔn a wɔte asase no so nyinaa mmra Awurade mo Onyankopɔn efie na wɔmmesu mfrɛ Awurade.
15 Oh sa araw na iyon! Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na. Kasama nitong darating ang pagkawasak na mula sa Makapangyarihan.
Ɛda no aba! Awurade ɛda no abɛn; Ɛbɛba sɛ ɔsɛeɛ a ɛfiri Otumfoɔ hɔ.
16 Hindi ba't nawala sa ating mga paningin ang pagkain, kagalakan at kasayahan mula sa tahanan ng ating Diyos?
Yɛnnhunuu sɛ aduane ho ayɛ na, sɛ anigyeɛ ne ahosɛpɛ nso to atwa wɔ yɛn Onyankopɔn efie anaa?
17 Nabulok ang mga buto sa ilalim ng tumpok ng lupa, pinabayaan ang mga kamalig at giniba ang mga kamalig sapagkat nalanta ang butil.
Aba no wu wɔ asase wesee mu, adekoradan abubu, aburopata nso ho nni mfasoɔ, ɛfiri sɛ nnuane no ahye.
18 Ganoon na lamang ang atungal ng mga hayop! Nagdurusa ang mga kawan ng baka dahil wala silang pastulan. Ganoon din, ang mga kawan ng tupa ay nagdurusa.
Sɛdeɛ anantwie su! Na anantwikuo kyinkyini kwa. Nnwankuo mpo rebrɛ ɛfiri sɛ wɔnni adidibea.
19 Yahweh, dumadaing ako sa iyo. Sapagkat nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng apoy ang lahat ng puno sa parang.
Awurade, wo na mesu frɛ wo, ɛfiri sɛ ogya ahye ɛserɛ so adidibea na ogyaframa ahye mfuo no so nnua nyinaa.
20 Kahit ang mga hayop sa parang ay nagsisihingal sa iyo, sapagkat natuyo ang tubig sa batis, at nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang.
Wiram mmoa mpo pere hwehwɛ wo. Nsuwansuwa awewe, na ogya ahye ɛserɛ so adidibea.