< Job 9 >
1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi, “
Job respondió:
2 tunay na alam ko na ganito nga ito. Pero paano magiging matuwid ang isang tao sa harap ng Diyos?
“¡Sí, todo eso lo sé! Pero, ¿cómo puede alguien tener la razón delante Dios?
3 Kung gusto niyang makipagtalo sa Diyos, hindi niya siya sasagutin kahit minsan lang sa libong beses.
Si quisieras discutir con Dios, éste podría hacer mil preguntas que nadie puede responder.
4 Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
Dios es tan sabio y poderoso que nadie podría desafiarlo y ganarle.
5 siya na nagtatanggal ng mga bundok na walang babala sa sinuman kapag pinapataob niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit—
“Dios mueve las montañas de repente; las derriba en su ira.
6 siyang yumayanig sa daigdig mula sa kinalalagyan nito at pinapanginig ang mga sandigan nito.
Él sacude la tierra, haciendo temblar sus cimientos.
7 Ito rin ang Diyos na nagsasabi sa araw na huwag sumikat, at ito nga ay hindi sumikat, at siyang nagtatakip sa mga bituin,
Él es quien puede ordenar que el sol no salga y que las estrellas no brillen.
8 siya na mismong naglatag ng mga kalangitan at siyang yumuyurak at sumusupil sa mga alon ng dagat,
Sólo él es quien extiende los cielos y camina sobre las olas del mar.
9 siya na gumawa sa Oso, sa Orion, sa Pleyades, at sa kumpol ng mga bituin sa katimugan.
Él hizo las constelaciones de la Osa, de Orión, de las Pléyades y las estrellas del cielo austral.
10 Ito rin ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi kayang maunawaan—sa katunayan, mga kahanga-hangang bagay na hindi mabibilang.
Él es quien hace cosas increíbles que están más allá de nuestro entendimiento, cosas maravillosas que son incontables.
11 Masdan mo, sinasamahan niya ako, at hindi ko siya nakikita; Dumadaan din siya, pero hindi ko siya napapansin.
“Pero cuando pasa junto a mí, no lo veo; cuando camina hacia adelante, es invisible para mí.
12 Kung makakahuli siya ng biktima, sino ang makakapigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
Si él quita, ¿Quién podrá impedírselo? ¿Quién va a preguntarle: ‘Qué haces’?
13 Hindi babawiin ng Diyos ang kaniyang galit; ang mga katulong ni Rahab ay yumuko sa ilalim niya.
Dios no refrena su ira, y aplasta a los ayudantes de Rahab.
14 Paano ako makakasagot sa kaniya, maaari ba akong mamili ng mga salita para ikatwiran sa kaniya?
“Así que, ¡cuánto menos podría responder a Dios, o elegir mis palabras para discutir con él!
15 Kahit na ako ay matuwid, hindi ko siya kayang sagutin; ang puwede ko lang gawin ay magmakaawa sa aking hukom.
Aunque tenga razón, no puedo responderle. Debo implorar la misericordia de mi juez.
16 Kahit na ako ay tumawag at sinagot niya ako, hindi ako naniniwala na nakikinig siya sa aking tinig.
Aunque lo llamara para que viniera y él respondiera, no creo que me escuchara.
17 Dahil binabasag niya ako sa pamamagitan ng bagyo at pinaparami ang aking mga sugat nang walang dahilan.
“Me golpea con vientos de tormenta; me hiere una y otra vez, sin dar razón.
18 Hindi man lamang ako hinayaang mahabol ang aking hininga; sa halip ay pinuno niya ako nang kapaitan.
No me da la oportunidad ni siquiera de recuperar el aliento; en cambio, llena mi vida de amargo sufrimiento.
19 Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?'
Si de fuerza se trata, Dios es el más fuerte. Si es cuestión de justicia, entonces ¿quién fijará un tiempo para mi caso?
20 Kahit na ako ay matuwid, ang sarili kong bibig ang hahatol sa akin; kahit na ako ay walang kasalanan, patutunayan pa rin nito na ako ay may pagkakasala.
Aunque tenga razón, mi propia boca me condenaría; aunque sea inocente, él demostraría que estoy equivocado.
21 Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
¡Soy inocente! No me importa lo que me pase. ¡Odio mi vida!
22 Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
Por eso digo: ‘A Dios le da igual. Él destruye tanto al inocente como al malvado’.
23 Kung ang isang salot ay biglang pumatay, tatawanan niya ang mga pagdurusa ng mga taong walang kasalanan.
Cuando el desastre golpea de repente, se burla de la desesperación de los inocentes.
24 Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng mga masasamang tao; tinatakpan ng Diyos ang mga mukha ng mga hukom nito. Kung hindi siya ang gumagawa nito, kung gayon sino?
La tierra ha sido entregada al malvado; él ciega los ojos de los jueces; y si no es él, entonces ¿quién?
25 Ang aking mga araw ay mas matulin kaysa tumatakbong mensahero; lumilipas ang aking mga araw; wala silang nakikitang mabuti kahit saan.
Los días de mi vida corren como un corredor, pasando a toda prisa sin que yo vea ninguna felicidad.
26 Sila ay kasing-bilis ng mga bangkang tambo ng papirus, at kasing-bilis ng pagsalakay ng agila na dumadagit sa kaniyang biktima.
Pasan como veloces veleros, como el águila que se abalanza sobre su presa.
27 Kung sinabi kong kakalimutan ko ang aking mga hinaing, na huhubarin ko ang malungkot kong mukha at magpapakasaya,
“Si me dijera a mí mismo: ‘Olvidaré mis quejas; dejaré de llorar y seré feliz’,
28 ako ay maaring matakot sa lahat ng aking mga kalungkutan dahil alam ko na hindi mo isaalang-alang na ako ay walang sala.
seguiría aterrado por todo mi sufrimiento, porque tú, Dios, no dirás que soy inocente.
29 Ako ay hahatulan; kung gayon, bakit pa ako susubok nang wala namang kahihinatnan?
Ya que estoy condenado, ¿qué sentido tiene discutir?
30 Kung huhugasan ko ang aking sarili ng tubig-niyebe at gagawin kong napakalinis ang aking mga kamay,
¡Aunque me lavara con agua pura de la montaña y me limpiara las manos con jabón,
31 itutulak ako ng Diyos sa isang hukay, at ang aking mga kasuotan ay mayayamot sa akin.
me arrojarías a un pozo de lodo de modo que hasta mis propias ropas me odiarían!
32 Dahil ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, na maaari ko siyang sagutin, na pareho kaming pupunta sa hukuman.
Porque Dios no es un ser mortal como yo, no puedo defenderme ni llevarlo a juicio.
33 Walang hukom sa pagitan namin na maaaring magpatong ng kaniyang kamay sa aming dalawa.
Si hubiera un árbitro ¡que pudiera reunirnos a los dos!
34 Walang ibang hukom na maaring mag-alis ng pamalo ng Diyos sa akin, na maaaring pumigil sa kaniyang bagsik para hindi ako matakot.
¡Ojalá Dios dejara de golpearme con su vara y de aterrorizarme!
35 Sa gayon magsasalita ako at hindi matatakot sa kaniya. Pero sa kasalukuyang kalagayan, hindi ko iyon magagawa.
Entonces podría hablar sin tener miedo; pero como lo tengo, no puedo!”