< Job 9 >

1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi, “
ヨブは答えて言った、
2 tunay na alam ko na ganito nga ito. Pero paano magiging matuwid ang isang tao sa harap ng Diyos?
「まことにわたしは、その事のそのとおりであることを知っている。しかし人はどうして神の前に正しくありえようか。
3 Kung gusto niyang makipagtalo sa Diyos, hindi niya siya sasagutin kahit minsan lang sa libong beses.
よし彼と争おうとしても、千に一つも答えることができない。
4 Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
彼は心賢く、力強くあられる。だれが彼にむかい、おのれをかたくなにして、栄えた者があるか。
5 siya na nagtatanggal ng mga bundok na walang babala sa sinuman kapag pinapataob niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit—
彼は、山を移されるが、山は知らない。彼は怒りをもって、これらをくつがえされる。
6 siyang yumayanig sa daigdig mula sa kinalalagyan nito at pinapanginig ang mga sandigan nito.
彼が、地を震い動かしてその所を離れさせられると、その柱はゆらぐ。
7 Ito rin ang Diyos na nagsasabi sa araw na huwag sumikat, at ito nga ay hindi sumikat, at siyang nagtatakip sa mga bituin,
彼が日に命じられると、日は出ない。彼はまた星を閉じこめられる。
8 siya na mismong naglatag ng mga kalangitan at siyang yumuyurak at sumusupil sa mga alon ng dagat,
彼はただひとり天を張り、海の波を踏まれた。
9 siya na gumawa sa Oso, sa Orion, sa Pleyades, at sa kumpol ng mga bituin sa katimugan.
彼は北斗、オリオン、プレアデスおよび南の密室を造られた。
10 Ito rin ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi kayang maunawaan—sa katunayan, mga kahanga-hangang bagay na hindi mabibilang.
彼が大いなる事をされることは測りがたく、不思議な事をされることは数知れない。
11 Masdan mo, sinasamahan niya ako, at hindi ko siya nakikita; Dumadaan din siya, pero hindi ko siya napapansin.
見よ、彼がわたしのかたわらを通られても、わたしは彼を見ない。彼は進み行かれるが、わたしは彼を認めない。
12 Kung makakahuli siya ng biktima, sino ang makakapigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
見よ、彼が奪い去られるのに、だれが彼をはばむことができるか。だれが彼にむかって『あなたは何をするのか』と言うことができるか。
13 Hindi babawiin ng Diyos ang kaniyang galit; ang mga katulong ni Rahab ay yumuko sa ilalim niya.
神はその怒りをやめられない。ラハブを助ける者どもは彼のもとにかがんだ。
14 Paano ako makakasagot sa kaniya, maaari ba akong mamili ng mga salita para ikatwiran sa kaniya?
どうしてわたしは彼に答え、言葉を選んで、彼と議論することができよう。
15 Kahit na ako ay matuwid, hindi ko siya kayang sagutin; ang puwede ko lang gawin ay magmakaawa sa aking hukom.
たといわたしは正しくても答えることができない。わたしを責められる者にあわれみを請わなければならない。
16 Kahit na ako ay tumawag at sinagot niya ako, hindi ako naniniwala na nakikinig siya sa aking tinig.
たといわたしが呼ばわり、彼がわたしに答えられても、わたしの声に耳を傾けられたとは信じない。
17 Dahil binabasag niya ako sa pamamagitan ng bagyo at pinaparami ang aking mga sugat nang walang dahilan.
彼は大風をもってわたしを撃ち砕き、ゆえなく、わたしに多くの傷を負わせ、
18 Hindi man lamang ako hinayaang mahabol ang aking hininga; sa halip ay pinuno niya ako nang kapaitan.
わたしに息をつかせず、苦い物をもってわたしを満たされる。
19 Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?'
力の争いであるならば、彼を見よ、さばきの事であるならば、だれが彼を呼び出すことができよう。
20 Kahit na ako ay matuwid, ang sarili kong bibig ang hahatol sa akin; kahit na ako ay walang kasalanan, patutunayan pa rin nito na ako ay may pagkakasala.
たといわたしは正しくても、わたしの口はわたしを罪ある者とする。たといわたしは罪がなくても、彼はわたしを曲った者とする。
21 Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
わたしは罪がない、しかしわたしは自分を知らない。わたしは自分の命をいとう。
22 Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
皆同一である。それゆえ、わたしは言う、『彼は罪のない者と、悪しき者とを共に滅ぼされるのだ』と。
23 Kung ang isang salot ay biglang pumatay, tatawanan niya ang mga pagdurusa ng mga taong walang kasalanan.
災がにわかに人を殺すような事があると、彼は罪のない者の苦難をあざ笑われる。
24 Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng mga masasamang tao; tinatakpan ng Diyos ang mga mukha ng mga hukom nito. Kung hindi siya ang gumagawa nito, kung gayon sino?
世は悪人の手に渡されてある。彼はその裁判人の顔をおおわれる。もし彼でなければ、これはだれのしわざか。
25 Ang aking mga araw ay mas matulin kaysa tumatakbong mensahero; lumilipas ang aking mga araw; wala silang nakikitang mabuti kahit saan.
わたしの日は飛脚よりも速く、飛び去って幸を見ない。
26 Sila ay kasing-bilis ng mga bangkang tambo ng papirus, at kasing-bilis ng pagsalakay ng agila na dumadagit sa kaniyang biktima.
これは走ること葦舟のごとく、えじきに襲いかかる、わしのようだ。
27 Kung sinabi kong kakalimutan ko ang aking mga hinaing, na huhubarin ko ang malungkot kong mukha at magpapakasaya,
たといわたしは『わが嘆きを忘れ、憂い顔をかえて元気よくなろう』と言っても、
28 ako ay maaring matakot sa lahat ng aking mga kalungkutan dahil alam ko na hindi mo isaalang-alang na ako ay walang sala.
わたしはわがもろもろの苦しみを恐れる。あなたがわたしを罪なき者とされないことをわたしは知っているからだ。
29 Ako ay hahatulan; kung gayon, bakit pa ako susubok nang wala namang kahihinatnan?
わたしは罪ある者とされている。どうして、いたずらに労する必要があるか。
30 Kung huhugasan ko ang aking sarili ng tubig-niyebe at gagawin kong napakalinis ang aking mga kamay,
たといわたしは雪で身を洗い、灰汁で手を清めても、
31 itutulak ako ng Diyos sa isang hukay, at ang aking mga kasuotan ay mayayamot sa akin.
あなたはわたしを、みぞの中に投げ込まれるので、わたしの着物も、わたしをいとうようになる。
32 Dahil ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, na maaari ko siyang sagutin, na pareho kaming pupunta sa hukuman.
神はわたしのように人ではないゆえ、わたしは彼に答えることができない。われわれは共にさばきに臨むことができない。
33 Walang hukom sa pagitan namin na maaaring magpatong ng kaniyang kamay sa aming dalawa.
われわれの間には、われわれふたりの上に手を置くべき仲裁者がない。
34 Walang ibang hukom na maaring mag-alis ng pamalo ng Diyos sa akin, na maaaring pumigil sa kaniyang bagsik para hindi ako matakot.
どうか彼がそのつえをわたしから取り離し、その怒りをもって、わたしを恐れさせられないように。
35 Sa gayon magsasalita ako at hindi matatakot sa kaniya. Pero sa kasalukuyang kalagayan, hindi ko iyon magagawa.
そうすれば、わたしは語って、彼を恐れることはない。わたしはみずからそのような者ではないからだ。

< Job 9 >